Saturday, December 31, 2011

2011 Year End...

I can say that 2011 has been my year. Ang daming mga pangyayari sa taon na ito na hindi ko malilimutan. Parehong maganda at hindi maganda pangyayari but I don't have regrets. Everything happens for a reason and I guess the important thing here was I learned a lot from it. Arte lang.

So here's the highlights of my 2011

January

Big move. I signed a Job Offer and fly to Singapore to start a career from scratch. Nakaamoy ng kilikiling mabaho pa sa pusali ng Quiapo. Nakipag siksikan sa bus at MRT during rush hour.Kumain ng Chicken Rice hanggang sa Chicken Rice narin ang itae ko. Nag Enjoy ng bongga-jabongga at kinalimutan ng lahat ng emoness sa Pilipinas. Arte lang.

Februay

As usual walang date. Na-introduce sa Life Group ng Every Nation Church Singapore. Nagbalik loob kay papa Jesus at tinalikuran ang lahat ng kasamaan sa buhay. Luminis ang puso ng kasing linis ng tubig batis. Bumili ng Iphone4. Nag shopping. Nag waldas ng salapi.

March

Nag simulang magpapayat. Nainsecure. Nalungkot. Umarti. Umemo. Nag swimming every MWF, nag Jogging ng TTHS, nag badminton everyweekend. Nag emo tuwing gabi. Charut.

April

Kumuha ng Life Insurance. Nag pakalunod sa Electronics Gadget na gustong bilhin. Nag ka Credit Card sa Singapore (ALAM NA!!!!). Kumaskas ng bungga. Tumibok ang Puso. CHAROWT!

May

Nalulungkot na. Gusto ng umuwi ng Pinas. Nagsimula ng mabwisit sa layo ng byahe mula work papuntang bahay. Na bwibwisit na sa officemate na mukang takure. Natuwa sa SG Pinoy Blogging community. Natuwa sa Badminton at bumongga ng social life. Pumartey ng konti. Lalong tumibok ang puso wala naman ginagawa puro hi lang (Hiskul much?!)

June

Lalong na bwisit sa officemate. At sa layo ng byahe.Nagreklamo.Natauhan dahil buti nga may trabaho 'yung iba walang mahanap at umuuwi ng Pilipinas. Nag exercise hanggang lumawit dila sa sahig. Gumastos ng bongga-Jabongga medyo dumadami savings.

July

Nag ayos ng VISA buong bwan

August

Lumipad patungong Europa. Lumanding sa Charles De Guille Airport. Napangitan sa Airport. Nag lamierda sa Paris. Nag mayaman sa Paris. Kumain sa Paris. Nag waladas ng Salapi sa Paris.

September

Ayaw na sa Paris gusto na umuwi ng Singapore. Nag lamierda at sinuyod ang Paris. Nag train. Nawala. Nag scarf. Nag scarf araw-araw, todo na to. Nag download ng maraming movies. Nanood ng tv series. Nag lamierda at nag aral mag french. pumunta ng Belgium. Pumunta ng Italya, Roma, London sa panaginep.

October

Bumalik ng Singapore. Nag waldas ng maraming salapi. Nag bayad ng credit card. Sumaya. Nag balik sa Music Team ng aming Church. Umuwi ng Pilipinas Para mag celebrate ng 25th birtday. Niyakap si Mudrax at Si Pudrax. Pinag shopping si Mudrax ng parang walang bukas. Nakipag kita sa mga kaibigan. Nalasing. Happy ending.

November

Nag seryoso sa trabaho baka hindi ma confirm. Tumibok ang puso ng parang walang bukas. Ayaw parin naman manligaw ayaw mabasted majubis kasi. mababa self esteemed. Nag pakalunog sa exercise. Nag bipolar mode tuwing gabi. Nalungkot.Umarte.

December

Nag tumbling, may nag tapat ng pagibig, di makapaniwala. Umarte. LOL Umuwi ng Pilipinas. Nagulo ang mundo. Nagpakalasing. Nagpakasaya.Nagpakaparty.Nagbalik Yosi :-(. Natuwa. Kineleg sa Pilipinas. Ayaw na yatang bumalik sa Singapore. Nakapag Pahinga ng lubusan. Naubos Pera. Hindi pumasok ang bonus. Naubos pera sa kakabook ng hotel, ako na. Na bwiset. Nahirapan walang matulugan sa Maynila tuwing luwas. Kinileg. Basta kinileg. Kumain ng bongga Jabongga!!!!!!


Kthanksbye

HAPPY NEW YEAR!!!

Tuesday, December 27, 2011

2012 Goal

I don't have high hopes pagdating sa new year's resolution crap na 'to. Dahil last year walang natupad kahit kapiranggot at nakaka frustrate talaga.

Mahilig kasi akong mag lagay ng goals shit sa mga organizers ko. I plan everything, I am a man of Objective and Goal, at na fru-frustrate ako pag hindi natutupad ang mga na set ko na plans. Ganun yata talaga pag masyado kang organized. Charut lang. Sa totoo lang, hindi ako organized. Mahilig akong mag sulat sa Calendar ko pero hindi naman natutupad. Nanghihinayang kasi ako sa Starbucks Planner ko kung 'di ko naman gagamitin. Ayun yung Planner ko nasulatan ko naman sya hanggang April 2011.

Napapalayo nanaman ako sa main objective ng Entry na 'to. Sabi ko naman senyo I'm a man of Goal and Objective. Kaya balik tayo sa main context ng entry na 'to.

Let me do this. GOOOWWW!

1. I'm gonna lose weight big-time this year. I'm gonna have a flat tummy. Not abs, but it's gonna be smooth chubby flat tummy that I can fit on a Medium size Penshoppe shirt. Penshoppe talaga?! Highschool?! Masa?!

2. I'm gonna sleep early. Before 12 AM. Okay fine, 12:30 AM max.

3. I'm gonna save 30% of my monthly pay. Seriously!

4. I'm gonna eat more fruits less Junks.

5. Read 10 books

6. Fly to Australia

7. Meet new friends and laugh more. It makes me look young and hot. TSAROT!

8. Les Emo and BiPolar mode

9. Get the girl of my dream

10. Hug more friends

11. Be a crying shoulder to someone

12. Meet those bloggers and twitter buddies that I get to mess around with everyday

13. Spend more time with Godly People

14. Manage my time well.

15. To usher someone in knowing Jesus Christ my Lord and Saviour.


Manigong bagong taon blogger friends... God Speed!

Saturday, December 24, 2011

Mandatory Christmas VLOG

dahil na buburat na ko sa probinsya I made a beri beri short VLOG for my 3 faithful readers.

Here you go...


video

Maligayang Pasko mga magiliw na mambabasa at commenters ng Pluma ni Jepoy. It has been 3 years and I'm still writing. Kalain mo!

Enjoy this season and the reason of this season be with you and your family. God Bless!

Thursday, December 15, 2011

Walang Kwenta. Like, Seriously!

Sa wakas natapos ko narin ang technical documents ko, kaya balik blog na ko sa office. hihihi. Putakels kasi 'tong mga counterpart ko sa Paris ako pa pinapagawa eh, ako nga hindi nakakaintindi ng system masyado. Tsaka hindi naman ako Technical Writer, feeling writer lang scrap na technical side.

Sa mga Oras na itwu, sa tuwing sumasagi sa isip kong uuwi na kong Pinas sa friday eh kinikilig me. Alam mo 'yung feeling na may parang dumidila sa betlog mo. Ganyon na ganyon ang feeling parang umaangat ang pwet lang. Dugyot!

Ang dami kong hindi nakwento dito sa blog me, nawalan na kasi 'ko ng ganang ikwento. Gusto ko kasi 'fresh from the heart pag nag ku-kwento. Para felt na felt inside-out. Ako na!

This week has been my Aniversay when I flew here para sa isang malaking risk ng career life ko. If you wanted to read just click here.

Looking back kahit broke ako ngayon I have all the reasons to be thankful for kahit walang love life. Ang jubis jubis ko kasi tsaka pangit.

You see, I have had an opportunity na ibangon ang pamilya ko sa kahirapan. May ganyon level?! Well, hindi naman mahirap as in asin lang tsaka lupa ang inuulam. Mahirap as in sakto budget lang parati, minsan kinakapos ganyan.

Kami 'yung tipikal na pamilyang hindi pwedeng manood ng sine everyweekend tsaka kumain sa labas tuwing kelan gusto. dapat tuwing Christmas lang. Ngayon empowered ako na baguhin ito at nag papasalamat ako kay Papa Jesus.

Kung blessing at blessing lang ang dame, isang timba sya. ISDA?! Naka timba?! basta bawal mag pakabitter dahil positive ang entry ko ngayon. LOL

Kahit bad boy me, binigay parin sakin ni Papa Jesus ang aking mga prayers tulad ng magka macbookpro, ipad2,iphone,macair. Yabang?! Juk lang.

Nag eemo akong ganto kasi heksayted na me umuwi. Gusto ko sana makipag kita sa mga bloggers kaso nahiya me. Ang dami ko kasing pimple. Kalande?! Sa totoo lang wala akong maisip isulat dahil na emo ako nung nabasa ko 'yung entry ko na naka link dito nung time na iniinterview palang ako tapos wala akong pambili pagkain, wala ako pantaxi. Shit. Naluluha me.

Ang Orte ko! Mag papasko na kasi at malamig ang Christmas me. LOL

Gagawa nalang ako ng video greeting ulet.

Kung umabot ka dito, I totally wasted your time. I delete mo na ko sa blogroll mo, I'm not worthy.

Meli Klitmat powz...

Saturday, December 10, 2011

Nightmare...

Nag teknikal-teknikalan ako. Boom coco krants, hindi ko na maayos ang blog template ko. So I settled for more simpler one. Anyweis-Hiway, sabi nga po ng mga gurang, it's the thought that counts naman right?! Regalo?!

For some reasons na corrupt ang Old kong template at nag explain pa talaga ko. Since kaka-palit ko lang din naman ng template at halos dalawang oras akong nag kakalikot ng settings ng potashet na blog na 'to. Edi inisip ko naring mag blog para tuloy-tuloy na.

Kahapon na butas ang shorts ko. Let me correct that, nag crack ng bongga ang punja, eh favorite shorts ko sya. Letch!



Saka ko lang na pansin na nagka-butas pala ang favorite kong shorts nung nasa MRT na ko. Walang humpay pa naman ang pag bukaka me na parang walang bukas sa MRT. Whut's worst is im not wearing under wear! Charut lang. Ang panget pa naman ng boxers ko Spell Polka dots (New Year?!) Haist! Dyahe much. Kaya pala walang humpay sa pag glimpse si Auntie sa mga hita me. sabay smile pa. Charot ulet. Pero seryoso, napapatingin ang mga Ate na katapat ko sa MRT kala ko tinitignan nila 'yung paper bag na dala ko kasi may dala ko mga pang kris-kringle. 'Yun pala pinag sasamantalahan nila me. Nyeta!

Dumaan ako ng fair price sa Paya Leybar para bumili ng yelo. Pag baba ko ng Yelo sabay dampot may narinig ako.

"KRAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAK!"

Potashet! Lalong lumaki ang butas. This is not happening.

Nag try ako mag hanap ng bilihan ng shorts, walang size 24. balingkinitan?! Walang nag titinda ng shorts :-(

Ang kyot-kyot pa naman ng japorms me



Oo ang tawag sa ginawa kong shot na yan ay aparador shot. Mahilig akong mag aparador shot pag nag bibihis me. Meron ako na boxers lang. Gusto nyo makita? Wag na baka masuya kayo ahahhahaha.

So alam na ang nangyari sa Party na pinuntahan ko. More-more demure sa pag ipit ng legs. Virgin?!

Sumakit ang tuhod kakaipit para di makita ang butas. Please take note na ang taong katulad ko ay bukaka all you can ang resting position. Bukaka all the way me pero that night ate charo. Ipit ipitan factor.

Nakakangalay powz.

Yun lang happy weekend...

Wednesday, December 7, 2011

9 Days more...

I dunno whut's wrong with the world. Nahihirapan na kong mag basa ngayon. 'Yung Game of Thrones na binabasa ko nakaka tatlong sentences palang ako tulog kagad ako sa mrt. 'Nung isang araw nga habang nag babasa ako sa tren nakatulog me tapos na bitawan ko 'yung libro kumalabog ng slightly bongga tapos gumulong kay Ateng Maputi. Nahiya me puluten kasi 'di me makayuko masakit likod ko. Gurang much?! may pumulut na uncle at iniabot sakin. Ambantot lang nya amoy sya lupa. And bad ko. Behave!

Interesado naman ako sa book na binabasa ko, impaks bumili ako ng complete set sa felefens at binyahe ko pa sya papunta dito sa Singafores kasama ng pulang hotdog at longganisa na nakulimbat sa airport habang nag-kakape me. Kung sino mang kumulimbat 'nun sana nabusog nya pamilya nya.

Excited na akong umuwi. Una, ang dami kong aattendan na kasal. Quota na ko sa weddings. Lagi nalang ba ko magiging best man?! at coin bearer. Nakakasawa na. It hurts so much. Parang sugat na pinakatan ng kalamansi at nilagyan ng sibuyas at kamatis. Enseylada?! Arte lang.

Dahil excited na kong umuwi ng felefens 'ito ang mga gagawin ko...in two weeks time uuwi na meeeeeeeeeeeeey!

1. Bibili ako ng betamax, isaw, adidas tsaka helmet sa kanto namin sasaw-saw ko sa suka na may onion at hepa B
2. Bibili ako ng putobongbong sa may tabi ng San Sebastian Church. Oo, kelangan dun galeng LOL
3. Pupunta ko ng MOA LOL na-miss ko na ihhhh
4. Maglalaro ako ng beto-beto at color-color sa Peryahan sa Probinsya
5. Ipag-shoshoping ko si Mama at Papa one-to-sawa hanggang masuka sila . Ako na! exclusion ang Electronics stuff (LOL)
6. Pupunta ko tagaytay ng walang dalang mapa...Hanggang sa maubusan me ng gasolina.
7. kakain ako ng Puki-Puki
8. Kakain ako ng maraming maraming Jalibi.
9. tatambay ako sa kanto namin makikipagitara at kantahan at kwentuhan
10. makikipag bloggers eb kung hindi nanaman ako ma iindian.
11. manonood ng sine papanoorin ko lahat ng showing...
12. kakain me ng balut at mainit na bibingkang walang pulang itlog..
13. mamimigay ng tinapay sa street children
14. mag papa-spa everywhere. Lahat ng pwedeng pamasahe papamasahe meyyyyyyyyyyy. Aylaykhet!!!
15. makikipag sexy times. Juk! makikipag kita sa friends...

Na excitttttttttttttte na mey...

Saturday, December 3, 2011

Pinoy SG Bloggers-Christmas Partey

Sa sandali kong panahon dito sa Singapow, isa sa pinaka-naging sandalan ko sa kalungkutan ay ang mga SG Bloggers. Sabeh?!

Gusto ko lang naman sabihin nag Christmas party kame at ang saya-saya raised to the positive infinity over logarithmic 10X of hyperbolic function of ln eX. Sa totoo lang na impress ako sa pag o-organize nila, mula sa pagkain, hotel, games, drinks, theme, promotions like Sobra! Orte?! Medyo tumaas lalo ang respect ko sa kanila on how they handled the event. Drama?!

Impak, alam kong madaming mag po-post ng pictures kaya mauuna na me. LOL may mga anonymous bloggers na kasali so I'm not gonna put their blog links. Kunting pictures lang. Serrree tinatamad akong mag blur ng muka nyo ihhhh.

Overall, The SG Bloggers who joined... teka napapa englishing me, it's so not Jepoy. Ang dami naming saya sa party kaya nga na kicked-out kame sa hotel ang ingay kasi namen. Buti nalang to the rescue si cutie April and her mom so we went to their place and the rest is history. Kaya nga sana kung may mga SG Bloggers na nakakabasa or naliligaw sa links namen sama kayo sa susunod. Sabi nga ng kasabihan the more the merriest. Ooops, something went wrong there. Corny ko pumuch-line sa English. Letch!

anyhu...

So here's me with all the awards I got last night LOL ako na! ang pogi-pogi me noh?! Blog ko to!!!! walang a-alma. LOL


At alam na alam na alam kong mag post ang mga bloggers na itwu ng mga kickass pictures, sila na photobloggers, kaya pag damutan nyo na ang collage na ito. I wanted to share the warmth and happiness, sharing and love we experienced last night. I really felt the Paskong Pilipinas last night. Ong ORTI?!

eto na picture


So hindi ko alam pano tatapusin to. At ma-leleyt na ko sa rehearsal namin sa Church. So have a nice weekend bitches...

*SMACK*

Thursday, December 1, 2011

Vote WickedMouth on PBA

Sandali ko munang pinupunit ang pag sasadula ng mga pangyayari sa paligid ng mundong ginagalawan ko sa pamamagitan ng pagtipa at pag habi ng kwento sa kyumputer para lumikha ng obra na magsasabuhay ng mga kwentong kapokpokan ko sa internetz.

Gusto ko lang sana hingin ang suporta ng tatlong masugid na mambabasa ng blog na ito na suportahan ang kaibigan kong nag mula sa kailaliman ng lupa at naging blogger. Sya si Wickedmouth.

Nominated sya sa Philine Blog Awards para sa Kategoryang best in Drama Post. Jowk! Nominated sya sa kategoryang Humor blog- Intergalactic Level. Aliens ang mga kalaban nya! Kaya kelangan ng support ng buong human race bago pa tayo ma invade ng mga aliens. Scary much. Kaya kung kinukunsedera mong tao you edi vote na you.

Sa katotohanan tamad akong mag basa ng blogs lalo na 'yung mga just-just lang. Mga humor blogs madalas binabasa ko lalo na pag malungkot at nalulumbay me. Impak, isa ako sa nagback read ng Blog ni Wickedmouth noong nagsisimula palang me. Montik na nga ko materminate dahil sa Porn na inupload nya sa blog nya kasi tawa me ng tawa habang binabasa at pinapanood ang entry na iyon eh, 'sakto nasa likod ko pala 'yung boss kong mukang urinola. Favorite entry ko ang Barbero entry nya two years ago. See hindi me skip reader!

Impak, ang Idol kong si Badoodles ay naging Champion narin ng Philippine Blog Awards, Pati si Xg ng Chiksilog tsaka si Mani-Makina a.ka. Reigun from LonDen UKEEY na talagang lumevel up sa pagiging best in humor blog for all season 2009 edition. Sya na!

Pangarap ko rin sya noon pero dahil sa tatlo lang nagbabasa ng blog ko at puro typo at gramatical errors, phase incoherence, none logical structure writing me kaya eliminated na sa banga kagad. Ang hirap kasi mag pilit na blogger like mey. LOL

Si Glentot nalang ang mag tutuloy na pangarap kong na unshami at nilimot na ng panahon na mag champion sa PBA lalo pat palaos na ng palaos ang Pluma ni Jepoy! so pleeazzz cast your votes to the wickedmouth. Hindi ko alam kung paano, basta basahin nyo nalang sa site ng PBA LOL.

Just imagine pag nanalo si Glentot mag speech sya sa stage. ahahahhahahahahah naiimagine ko na, it's gonna be a disaster. Jowk! Inggetero?!

Marami pong salamat sa suporta! Ako po si Jepoy tabachoy nagsasabing pag makati kamutin mo hanggang dumugo...Now singning off!

*SMACK*



Wednesday, November 30, 2011

Randoms...

Sa totoo lang na eexcite na kong umuwi ng Felefens... Mula sa araw na ito, 18 days nalang ang bubunuin ko at mag sisimula na ang mall tour mey.

Artista?!

Nakaka-miss din ang bungangera kong Mudrax. Na mimiss ko ang pag sapok nya sakin pag umaga dahil alas dyes na hindi pa ko bumabangon. Gusto nya kasi 6 AM gising na, Hello! double Hello!!!

Nakaka miss ang eksena namin tuwing umaga ng sabado.

"Anak andyan sa chiller 'yung fresh Milk 'wag ka na mag kanin ang laki-laki na ng tyan mo. pati mag walis ka sa labas ang dami nanamang dahon nag laglagan tapos mag bantay ka ng tindahan Mamalengke lang ako"

"Ayoko 'Ma"

"Punyeta ka! Mag bantay ka ng tindahan..."

"Fine!!!!"

Dito walang nag-gaganun sakin pero baket parang may kulang. Emo? Oo ate Charo na lolongkot din me. Hindi lahat ng humor blogger lagi masaya! Clown?! minsan umiiyak din me ng nakanganga ng 5 seconds sa shower.

Malapit na pala ang pag titipon ng mga Pinoy Bloggers dito sa Singapore. Mag Chri-Christmas partey kame. Hongsoyo-soyo! Na excite me mag pa picture.

Tatlong klase ang amoy ng bus 98 na sinasakyan ko araw-araw 1. Amoy Basurahan, feeling ko nasa loob ako ng Trash Can 2. Amoy Tae, no further explanation needed 3. Amoy Junkshop parang may natapon na break fluid na may halong grasa. Kaya sa tuwing sumasakay ako hindi maipinta ang muka ko. Minsan nakita ako ng kaibigan ko nag text sya sakin.

"Brad may problema ka ba? nakita kita sa bus stop kanina para kang natatae ng tubol na galet habang pasakay ka ng bus eh"

Hindi pa binibigay ng kumpanya ko ang 13th month tsaka bonus, AyHeychit! Natatakot akong umuwi ng Felefens sa pasko na dilat ang mata 'yun lang ang pag-asa me. Walang pera much. Minsan na tetempt na kong mag benta ng laman...laman ng pata ko. LOL

Nabuburat ako sa Potashet na washing machine sa bahay yung longsleeves ko ang dumi-dumi parin ng parteng leeg. Nangungutim ang mga puti. Hindi ba magandang sabong panlaba ang Vaseline lotion?! Jowk. Kung pwede lang akong mag handwash at may time gagawin ko. Hindi ako natutuwa sa washing machine namen. Kaya ayoko na mag puting boxers at longsleeves. Letch!

Parang mga status lang sa twitter ang blog ko LOL follow me on chiwerer and if you tweet good stuff I'll follow you too twitter.com/incrediblejepoy

Promotion??!!!

Ektweley Wala kasi ako masulat pero gusto ko mag sulat para kunyari busy dito sa opis.

Sagutin nyo nalang tanong ko para interactive?

Ano pipiliin mo hindi pwedeng wala kelangan meron.

One week na Humangin ng Utot or 3 days na umulan ng tae? Please explain.

Kthanksbye...

Friday, November 25, 2011

Pera na Naging Bato Pa...

nung isang araw nag abot ng cheke 'yung boss ko. Ektweli, di ko pala sya bossing. Director pala namin sya. Bali nag rereport ako sa Manager ko na based sa France.

Binuksan ko ang sobre.

Pagkita ko ng amount, montik na kong malaglag sa upuan ko tapos umiyak habang naka nganga ng 5 seconds.

Sakto kasi medyo kapos me. Saktong-sakto ang pera na 'to na pang down ng condo at pambili ng tatlong baboy at dalawang Ostritch, isang kilong kamatis, Okra, Patani at Sayote at limang kasoy at tatlong takal ng Mantika. Ang saya me!

Biglang nabuhay ang ulirat ko at napa trabaho ng wagas. Halos ubusin ko ang ticket na naka pending. Kahit dumugo ang brain cells ko, goooooooooooow!

Nag labas ako ng maliit na notebook at nag sulat ng mga Christmas List to shop, ganyan. Mga kaibigang bibigyan ng gift para sa spirit ng christmas. All about giving and all.

Na excite me habang naka titig sa cheke. Nag plano akong umuwi ng maaga para ma deposit na sa account ko ang pera at ng masimulan na rin ang pag wawaldas. Alaykhet!!!!

Nag tingin narin ako ng flight details sa SingAir dahil uuwi ako ng Felefens...hihihi hindi ko alam kung san ko ilalagay ang kileg na nararamdaman me. Wala akong mapaglagyan ng smile at kilig puno na kasi ng Milo ang tumbler me. Feeling nga siguro ng katabi me may aning-aning na talaga mey. Tumatawa mey mag isa. Baliw much?!

Maya-maya may na receive akong email galing sa HR namin. Eto sabi.

"Dear Jeffrey.

Please do not bank in the chequeue, the amount you received was a mistake from accounting. You should be getting another chequeue which is the offset amount of your training in France. Amounting to 450.00 SGD.

I Apologize for the inconvinience.

Thanks,

HR"

Napa dausdos ang likod ko sa pader pababa ng dahan-dahan habang may background music na pasko na Sinta ko.

Awwwwwwwwwwww!


Tuesday, November 22, 2011

Jepoy's Simple Wish List for Christmas...

Dahil malapit na ang pasko 'tas bored pa 'ko today like subrang antok! Antok-na-Antok pala. Ektweli, natutulog nga ko habang sinusulat ko 'to kaya just for fun naisipan kong mag sulat ng mga kahilingan ko ngayong kapaskuhang darating.

So ito ang mga list. 'Yung mga list ko hindi naman superficial, medyo malapit naman sya sa katotohanang pwedeng matupad. Kung hindi eh, sasampalin ko si Santa Klaws ng palayok hanggang dumugo bibig nya.

Game. Gow!

1. World Peace. I TEYNK YOOOOW! hihihihi

2. Boxers. Wag naman 'yung nabibilisa palengke. Medyo susyalan naman sana ng Konti like D&G, CK. Charut lang. Kahit Bench lang pwede na.

3. Alikansya. Gusto ko ng malaking Alikansya. 'Yung hindi madaling sungkitin ang berrrya. Gusto ko malaki sing laki me. Juk! Sana wag naman 'yung Urinola na Alikansya powz ha.

4. Live Strong Bauler. Matagal na kong nag hahanap ng Bauler na Live Strong ng Nike. Gusto ko yung kulay Owenge okaya kulay Gween. Ayoko ng glow in the dark powz ha.

5. Box. Uu gusto ko ng box na lalagyan ng kung anik-anik, gusto ko yung may dibi-dibishun pwede lagyan ng relo. Resibo.Alcohol. Pantutuli. Pulvoron.Gamot. Inshort lalagyan ng kung ano-anong shit.

6. Gusto ko ng CorkBoard sa Wall. Yung lalagyan ng mga emo shit pictures, announcements, reminders. samahan mo narin ng pins. Pwede rin whiteboard samahan mo narin ng magnets. Lalagyan ng mga pictures emo fuck. Para titingin nalang ako dun pag nalolongkot me. Hirap mag browse ng album sa phone ihhhh.

7. Mejas. Gusto ko ng makukulay na mejas. Mga sampu. Wag knee saks ha. Yung mababa lang. PWede mejas pamasok, pantakbo, tsaka panlaro. Pwede rin pahiran ng ano... Ng sipon wag ka bastos sampalin kita ng tumbler na may bato eh.

8. Gusto ko ng sabitan ng tukbras sa banyo. Minsan kasi pag nag tutukbras na ko ang dumi ng tukbras ko may tae ng daga. Yuck! Gusto ko 'yung sabitan ng tukbras na may design-design ganyan. Gusto me smurfs or kahit anong animals wag lang monkey. May galit sa monkey?!

9. Gusto ko lalagyan ng MacBook na may fan at naka incline sya para masarap manood ng walking dead habang kumakain ng mane tsaka cornbits tsaka sinigang at kanen. ANg dame?! Dining table?!

10. Gusto ko nang mag aalaga sakin, pag sisilbihan, mamahalin ng tunay at wagas at hindi sasaktan. ANG EMOOOOOOOOOOOO?!! Katulong ang gusto??????!!!!

JUK Unli... I wasted your time again. Ha!

Kthanksbye...


Thursday, November 17, 2011

Tae

Sobrang fresh pa nang pangyayaring itwu. Hindi pu-pwedeng hindi ko iblog.

Kumapit na you! Heto na me!

Kanina pag dating ko ng office na realize kong nakalimutan ko palang tumae sa bahay. Kaya pala nasa tren palang ako taeng-tae na me. Lalo na sa bus stop. Ayokong tumae sa station ng Lakeside dahil nakakasuka doon. Bukod sa ang baho. Dikit-dikit din ang bowl, I mean yung cubicle nya hindi maayos. Tsaka ang daming tao nag come and go. Ang hirap mag concentrate.

Eh sakto ke-tagal-tagal ng bus 98. Hirap na hirap na talaga me ng slightly bongga. Na kwento ko naman sa previous blogs ko na mahina ang aking panunaw diba? Na hindi ako pwedeng abutan ng jebs anywhere dahil hindi ko sya kakayanin.

Sa bus palang gusto ko nang mag dasal dahil feeling ko hindi talaga ako aabot at tatae na ko sa bus ng walang humpay. Pinindut ko na lahat ng daliri ko na natutunan ko sa reflexologist na nag bebenta sa nanay ko nang kung ano-ano shit. Tinuro nya na pag natatae daw pindutin mo yung hinlalaki mo sa may bandang dulo. Eh, susme halos mabutas na daliri ko parang lalo pa kong natatae. Aheychit!

Umabot naman ako sa office. Syempre late me. At kahit na taeng-tae kelangan mag panggap na busy at hindi late. Bukas locker. Lagay laptop sa docking station. Login. Bukas ng email basa kyeme chenelyn kembot. LOL

Tapos diretso na takubets. Walang tao. Just like what I expected. Ilayket!

nag tanggal na me ng tshirt, pantalon, boxers at mejas. NUDE?! Maliligo?!

BOOOOOMMMMMMMMMMM! PRAAAAAAAAAAAAAK! WAPAAAAAK!!!! Sounds yan ng jebs tsaka utot.

Kuha tissue, punas pwet sabay flush.

BUT WAITTTTTTTTTTTTTT!!!!

Barado sya.

umikot-ikot lang ang jebs na parang sanga ng kahoy sa river banks. Hindi sya lumulubog. Dugyot much! Alanga namang kamayin ko 'yun para lumobog. Mas dugyot yun. Lumabas na me ng parang walang krimen na ginawa.

Pagbalik ko ng upuan ko nakita ko ang French director ko pupunta ng Toilet...

After 2 minutes lumabas sya at bumalik ng room nya.

Please note: Isa lang ang toilet bowl samin.

Yun na!


Monday, November 14, 2011

Jepoy the Tourist Guide

My weekend was nothing but tiring. Yez, may ganyang introit.

Dumating ang isang kaibigang blogger dito sa Singapore para mag waldas ng Salapi. Sya na ang SAP Expert! Sya na nag tra-trabaho sa company na hanggang 21st month pay. Expert sya kasi fuctional na, programmer pa! at 'yung isa pang division 'di ko alam tawag. Sya na!

So dumating nga si Olie dito. And because mabuti ang puso kong 'sing linis ng tubig batis at 'sing pure ng wilkins distilled water, edi ako na ang tourist guide and host.

Isa lang naman ang requirement ko pag may bumibisita dito at kung ako ang host. Sagot ko halos lahat pero sama ka sa Church namin kahit one time lang hihihihihihi. Ang bad ko noh?!

So pagdating ni Olie bukod sa pinag hintay ko sya ng 4 hours at mali-mali yung direction na binigay ko eh mukang nag enjoy naman si Kumag sa pag site seeing sa mga naka pekpek shorts na local. LOL

Dahil sandali lang sya mag stay dito sa SG eh dapat walang wasted time kaya sinama ko kagad sya sa Life Group namin LOL, sakto Worship Night. Ektweli, medyo hesitant akong invite sya kasi kantahan ito at prayer day. Ang tawag samin ng mga taong nakakakita sa paligid mula noon-hanggang ngayon ay "Alive..Alive". Oo kame yung grupong pinag tatawanan at sinasabihan ng alive..alive. Ok lang. No biggie.

Inisip ko lang baka magtumbling si Olie pauwi ng Pinas pag nag praise and worship na kame sa open space. Everything went well nalimutan kong si Papa Jesus ang nag touch ng puso ng isang tao at hindi ang kabutihang loob me. So first day nya check sa bangga.

Kinabukasan sabado dinala ko sya sa Night Safari. Zoo ito ng mga nukturnal animal tulad ng Baboy. Charut!

At dito ang exciting part ng kwento ko today.

So pumasok na kame ng zoo para ma-nood ng show. After ng show sumakay kame ng Tram para umikot sa zoo. Medyo malaki kasi ang zoo ang sakit sa paa lalo na pag wala kang kang saplot sa paa. Ita?!

'yung unang round ng tram. Ejoy naman. Pero sa mga susunod na ikot ng tram eh dito na naganap ang karumal-dumal na pangyayari.

may tatlong Eurpean Chick na sumakay sa harap namin. Lasing sila. Pano ko nalaman na lasing dahil 'yung isang babae na nasagitna puro motha-fucka ang laman ng bibig at ang pinaka level up eh lumingon sa likod ko at dumura sa ere ng napakadami.

DUGYOT MUCH!!!

Yes nag landing sa muka ko ang dura nya. Hindi ko pinatulad dahil una sa lahat ang hirap mag english pangalawa kasing sila pangatlo ang ganda nya.

Umandar ang tram.

Diba nga nasabi ko na night zoo ito. So maraming part na madilim ang daan dahil ang mga spot lights ay nasa mga nocturnal animals lang tulad ng elepante. Hindi talaga alam nocturnal animals?!

So sila Ate1, Ate2 at Ate 3 habang umaandar ang tren ang ginawa nila ay nag labas ng alak at lumaklak ng walang humpay. Hindi lang 'un. Nag french kiss sila. Yes parang Orgy lang sa Zoo. Yung nasa gitnang Ate2 na maganda nakikipag french kiss kay Ate1 tapos pag sawa na sya lipat naman dun kaya Ate3. Syempre na gulat me. Tinulak ko sila sa Tram. Charut!

Hindi lang yun ang ginagawa nila.

Habang nag french kiss sila may finger lickin good na nangyayari somewhere down there. Pag nagsawa sila nag va-vandal naman sila sa Legs nila at sa pader ng Tram. Gawain ba yun ng matinong tao?! Imagine ginagawa nila 'yun ng mga 30 min more or less. May mga bata sa likod namin. Masisira ang inocense namin ng mga kids. Hindi ba nila naisip 'yun?! Mga haliparot! Lapastangan!

Ang babastos! Pag baba namin ng Tram hinuli sila ng security dahil si Ate2 nag nakaw ng bagtsaka kapote. Seriously kapote???!!! Gaawd! Nakakagalit sila. Pwede naman kasing mag Orgy nalang sa hotel baket sa Zoo pa! ang daming bata at daming inosente like me.

Second day ng tour ni Ollie pasok sa banga. Nakakita sya ng live Porn sa Zoo. LOL

Seriously, sana nasa Changi Prison ang tatlong tibolets na 'yun at pinag li-inis ng banyong punong-puno ng tae everywhere! Porket Puti sila feeling nila dyos na sila? Pwedeng gawin ang lahat ng gawin sa Asia?! Durhr!

May galet?!

Sunday naman Sinamahan si Kumag sa Universal Studios pag tapos namin mag Church. Tinatamad na 'kong mag kwento. Sya nalang mag blog.

Finish...


Friday, November 11, 2011

Kwentong Office ni Jepoy (SG Version)

Napa blog akong bigla! Shayt!

I'm like, Gawwwwddddd hindi nga ko na nanaginep! It's not a wet dreams either! It's the truth and nothing but the truth so help me God.

Makakapag-blog na rin me sa office araw-araw. Oylabetz! Hindi na sya blocked! Sana lang hindi nagkamali ng pag-filter ang mga IT-IThan namin.

anyweyhi-way lez go back to regular Jepoy's blog programming shit.

Nang-gigigil ang skin ko sa kasama ko dito sa opis. Pa'no ba naman ang kurips. Kurips pa sa Mudrax ko. Nawala 'yung badge nya last month. Until now wala parin syang badge. Guess what kung baket?! Dahil ayaw nyang mag bayad ng 50 sa badge replacement. Ampf! Tag tipid much?! Eh, sya rin naman gagamit nun.

Sa araw-araw na ginawa ni Papa Jesus araw-araw din akong iniistorbo pag natatae sya para hiramin ang badge ko. I'm like, I don't have any patience anymore! Hindi ako Santo para hindi magalit at mag sawa kakapahiram ng badge ko na may cute kong picture at pefect smile (Sabeh?!). Arte lang.

Nakakairita lang ba sa makinis kung kutis na parang pwet ng baby. Ang baho kasi ng hininga nya. Amoy putik.

Tsaka isa pa, ayoko ring naiistorbo ang pagiging hardworking employee ko. Ganadong-ganado ka mag trabaho in the morning tapos biglang may kakalabit sa'yo dahil naiihi sya at wala syang badge para makapasokl. Aheychit! Nakakasira ng momentum kaya tuloy na papa twitter nalang me pag na break ang momentum ko sa trabaho.

Maliit lang ang opisina namin dito. Nasa pusod sya ng Singapore. Jurong East itwu. Let me correct that, hindi pala sa pusod, nasa dulo pala ng Singapore, isang tumbling nalang tsaka tatlong split nasa Malaysia na. Ang layo! Para syang Cavite or Languna kung ihahalintulad sa Pinas.

Malayo ang office namin sa mga malls. Puro trak ng gulay at kahoy ang makikita mo sa kalsada. Ang mga trabahador dito hindi naka kuntodo porma tulad ng sa Central Business District sa Raffles City. Dito umaga palang amoy grasa na mga tao. Minsan amoy panis na sabaw ng tinola. Feeling ko tuloy nagbalik ako ng Mapua walang magaganda. Tsarot!

Yung building namin dito para syang isang malaking warehouse na luma na amoy monosodium gluthamate (parang sounding brainy) . Madaming tae nag kalat sa tabi, meron sa sahig, bintana at ceiling.Tsarot ulet!

Malayong-malayo sa office ko sa Manila sa Ortigas ang building at location ng office ko ngayun. Doon sa sa Ortigas madami nakadamit na maayos, longsleeves at necktie panay branded pa, kung mag bihis kala mo CEO pag lunch time kalahating gulay lang at halfrice tsaka isang sabaw order.

Madalas pag rush hour sabay-sabay nag sasakayan sa Elevator. Dito ako na papasigaw sa isip ko ng ganito.

"Punyetah amoy kile-kile kayo. try nyo kayang mag safeguard minsan. soak nyo keli-keli nyo ng one month! Letch"

Pero given na 'yun. Iniisip ko nalang na sanay na ko. Tsaka pangkabuhayan showcase ko itwu. Sabi nga nila pag walang tsaga may pakpak ang balita. Parang may mali sa salawikain ko?

Akalain nyong mag 5 na! naubos ang Oras ko sa kakatipa ng kwento sa office. Hihinto na ko dito baka ma-google translate pa nila 'to. Matapos pa ang pangkabuhayan showcase ko!

Next time madami pa kong kwento....






Monday, November 7, 2011

Happenings

Eto nanaman ako walang magawa sa buhay kaya nagsusulat sa nilalangaw kong blogsite. Pagod na pagod ang katawang lupa me today sa kaka laro ng badminton para pumayat. Pero ang laki parin ng tyan me. So depressing like that. Mahigit apat na oras kameng nag lalaro. Tinitiis ko ang flavored smell ng mga ibang lahi na nag lalaro sa paligid. Halo-halo ang smell. May amoy tae, amoy keli-keli, amoy kiamoy, amoy panis na kanin at amoy inaamag na yema. Effort much.

Kakatapos lang ng long weekend at may pasok nanaman bukas. And most pro'lly pag sisisihan ko nanaman ang mga bagay na isusulat ko dito mamyang pag gising ko bukas ng umaga. Lagi naman ganun eh.

Nag custome party pala ang life groups namin last Sunday. Anime or Cartoons daw ang dapat na isusuut. Hindi ako nag effort masyado. Ito lang me. Ang lahat ng manlalait tutubuan ng pigsa sa singit. Hindi lang isa kundi anim.

Pinatabang SuperMan lang. LOL gusto ko nga sanang mag leggings tapos mag brief na red outside para todo effort na. Pero hindi pala kaya ng bubut at sariwa kong katawan mag costume ng ganyon. Mabuti pang i-lechon nyo nalang me on a very very mild heat kesa mag suut me ng ganun. Shy me.

Masaya ang party masasabi kong one of the best and memorable custome party for me. Napaka cool ng mga sumali at naging makabuluhan ang gathering dahil sa pagkain. Juk! Syempre dahil sa worship time namin.

Ektweli, medyo nahiya naman ako kasi ako lang ang hindi masyadong effort LOL ako na tamad. Gusto ko lang naman kasi kumain eh. May Pansit kasi. Ang sarap pala ng pansit, first time kong kumain. Charut!

Naisip ko lang hindi bagay sakin ang shirt. Hindi kasi ako si superman.

1. Wala akong abs. Mataba me at panget.
2. Hindi ako mayaman wala akong Ferrari
3. Hindi ako matalino. Sakto nakakaintindi lang
4. I can't save the world.
5. Hindi ako blue eyes. Just an average black eyeballs.
6. I don't have super strength. Wala nga kong lakas ng loob sabihin na gusto kita. Puro nalang tingin. Puro nalang titig. Puro nalang "Hi" with matching smile (HISKUL?!)

Oo may ganyang emo.

At dito nag tatapos ang blog entry. I wasted your time. LOL



Tuesday, November 1, 2011

My Travel Experience

I got so inspired by this blog. So I thought of writing some of my personal experience and input about traveling.

Ang hirap mag English! Kelangan ko yata ng bimpo sa ilong habang nag susulat.

I don't consider my self as a traveler, I just had a little opportunity to fly somewhere like US and Paris because of business trip. So might as well enjoy the trip kahit ba work ang ginawa ko, diba?!

When I get to experienced the thrill and fun, excitement of traveling, I got this thirst of wanting for more.

Syempre, hindi sya mura but like love and friendship hindi mapapalitan ng kahit na magkanong salapi ang experience. I wish I can use the right adjectives and all that shit to give you the superlative description on why you should consider traveling while you still can. While you still have the energy and capability to enjoy it, but I'm not a good writer so I really can't.

I guess some of pictures would help me showcase the title of my blog post. Just to share the smile I had. When I get to check the pictures all memories comes back like those just happened yesterday. Arte?! Here you go...



First Picture was my first International Travel. That was 2008 at Ashville Nort Carolina with my friend and ex-officemate Stell at the great Biltmore Estate


Next Picture was some where in the Boundary of the Tennessee State from NC, this was a long drive to the interstate, wala kameng perang pambili ng plane ticket kaya long driving nalang. This was the state where my previous company was based.


Is it obvious that I look like I'm about to die?! That was caving experience. we were inside a freakin cave for the entire day. Tiring! but it's so worth it. This was a private cave owned by a friend of my ex-officemate. Seriously! Hindi ko na uulitin yan. I was asking them to call a rescue during that time. But I'm glad I was able to finish the trail:-D

This was a hiking experience. We were in the heart of the forest. Alam nyo yung parang blaire witch project na movie, nasa parang ganun area kame. And yes I was dead hungry. I ditched my friend to give me his Lays LOL. So there you see I was scrambling and munching all the chips like there's no tomorrow. This was taken 2008 in Smokey Mountains of Tennessee.

Next picture was taken in Daytona Beach Florida circa 2008...God I miss USA!

This picture was taken in the heart of Atlanta Georgia cica 2008. We met some pinoy expats and they invited us to stay in their Hotel for overnight so we can tour the state more. Libre much. Pulubeng-pulube lang talaga.

Picture was taken in Orlando Florida EPCOT Disney Land :) spell happiness!!!!

Spring 2008 at University of Tennessee where I took my Phd. CHARUT!

and my recent was Paris, France :))






I can put more pictures here but nothing beats the real experience of going somewhere you haven't been too plus you might be puking by all my fatty-Porky Pictures LOL. Believe me it's really a great feeling. The rush of adventure and getting lost and frustrated at times is a learning experience that you can get to treasure. I encourage you to try it as well.

Pag walang budget pwede naman mag save and it doesn't mean you do fly to Europe and States as well. Marami pang pwedeng madiskubre na lugar na mura at masayang presyo. hihihihi

Friday, October 28, 2011

Randoms

'Nung nagsabog yata si Paps ng six pack abs noong araw ng pag lilikha, nasa loob yata ako ng kwarto at kumakain ng Cheetos at Grapes. Or vice-versa, 'nung nag sabog nang katabaan sa mundo eh kakatapos ko lang magsampay kaya may balde sa ulo ko, plangana sa magkabilang kamay at nasalo ko lahat ng fatness. Awww!

so sad

Pagod na pagod na kong maging matabang cute. Gusto ko naman cute lang. Wala na yung mataba. Ang saket, saket na sa tenga ang sakit pa sa puso. Charut!

Nitong nakalipas na bwan pag uwi ko galing pransya eh parang na-suck narin ang kasipagan ko sa pag papapayat. I still excercise pero madalas twice a week nalang. And I hate eeet!

Arteh?

Kanina nung pauwi ako, may naamoy akong amoy tae. Yung pusod ko pala. parang pwet lang. Nainffect sya. Hindi kasi nalilinisan at natutuyo ng maayos. Pero ang suspetcha ko dahil sa katabaan ko.

Oo, sinisisi kong lahat sa katabaan. ayokooooooo naaaaaaaa!!!! kahapon habang suut ko ang longsleeves ko pag upo ko tumalsik ang isang butones ng tatlong kilometro. Kung sinumaan ang tatamaan nun eh mag kakapasa sa fez. I'm so sad and frustrated and downcasted. Sabeh?!

Baket ba ang hirap mag papayat?!

Ginagawa ko naman yung part ko *insert emo song here* minsan nga habang tumatakbo ako lumuluha me sa kanang mata habang nililipad ng hangin papalayo ng pisngi ang luha at pumapatak sa lupa para mag silbing pataba ng palay na lonely and blue. Sabeh?!

Basta... Nalulungkot me. Sa sobrang lungkot napakin me ng adobo.

Sorry Nasayang ang oras mo sa pag babasa. Wala naman pinupunto ang entry na itwu. Actually, meron pala. Gusto ko na pumayat! Hindi naman 'yung palito kapayat yung tama lang. 'Yung parang Derek Ramsey lang. LOL

Okay, laslasin nyo na leeg ko ngayon na!!!

Juk...

Happy Weekend...

Sunday, October 23, 2011

My Birthday

Umuwi ako ng Pinas para mag celebrate ng birthday sabay combo ng bakasyon para makasama ang aking mahal na Pamilya.

4 days is just not enough to celebrate my birthday and to be with my family. I guess, no matter how many days I spent with them. It'll always be not enough. Arte lang. Sa totoo lang haggard ang mga pangyayari.

Umpisahan natin sa pagdating ng Sunday ng gabi.

Mula sa Airport ng NAIA diretso na sa Jollibee. Oo, kasali talaga yan sa checklist. Laway na laway na kaya ako sa Chicken Joy! Tapos 'yung nakain ko para lang binabad sa mantika yung manok tapos nakalimutang gamitan ng apoy sa pagluluto. Fresh itwu! Malungkot much. Gusto ko sanang i-deep-fry yung fez nung Manager ng Jabi kaso ayokong mabahiran ng puot ang first day ko sa Pinas.

So Umuwi nalang kame ng Probinsya. Ako nag-maneho dahil na-miss kong mag drive ng wagas.

Kinabukas, it was my second day. Ubusan ng yaman. Kung makakapagsalita lang ang wallet ko mag sasalita sya talaga ng, "Tama na!!!???###$$&&@@@" sabay kapit sa pader at slide pababa. Kung baga sa KFC, finger licking good! simut sarap to the bones ang pananampal ko ng pera. Charut.

Tuesday, luwas ng Maynela ang probinsyanong Jepoy para makipag kita sa ilang mga kaibigang bloggers. Sa awa ni Papa Jesus. Walang dumating. Fine! Senyales na nang pag close ng blog. Charut ulet.

Buti nalang 'to the rescue si Christian, isang kaibigang umuwi ng Pinas for good galing din ng Singapore. Dumating sya pero saglit lang dapat sya kasi mag sasara pa sya ng grocery store nya. Kaya dahil uuwi rin naman ako ng province edi nag makaawa akong mag pahatid sa sakayan ng bus. Tutal bago naman Oto nya.

Ako nag turo ng daan papuntang sakayan ng bus sa may D. Jose.

Diretso kame dun pag tapos mag dinner kelangan maabutan ko ang last trip. Subalit dahil sa sobrang brainy ko mali ang naituro kong daan. Napadpad kame sa Divisoria! Spell Stucked Up on a dirty divisoria road! Kung alam mo ang daan sa divisoria ganun ang eksena namin, naipit kame sa traffic jam dahil sa mga potang Jeepney driver na parang wala ng bukas kung mag hintay ng pasahero. Mauubusan much???!!! Yan tuloy naiwan me ng bus.

Malungkot much!

Buti nalang sinamahan ako ng hitad hanggang sa huli kapalit ng libreng dinner at libreng videoke. Nag videoke kame hanggang sa maabutan ko ang first trip.

Eto proof salamat sa Tanduay Ice...



Kinabukasan birthday ko kasama ko ang aking mga ex-officemate/friends the entire day. Nag enjoy me. Meron pa silang gift sakin na cake. Alaykhet! na touched me ng wagas.

Tapos pag balik ko ng Singapore ito naman ang bumuluga sa akin pag dating namin ng Genting, Malaysia.

Sulit ang byahe naming pitong oras Papuntang Genting Malaysia dahil may Cake me. Na surprise talaga ako. Naluha me ng slight. Pinigilan me.


I felt so loved. Pero hindi 'yung love na may Malisya.

Charut!

It's another year for me. Another year to look forward too. Another year to meet new friends. Another year to hope. Another year to celebrate life and all the uncertainties that comes with it. I embrace it because I know God has something in store for me. Great things to be grateful for.

Charut ulet.

Salamat sa pag babasa faithful readers.


Ingats...


Friday, October 21, 2011

2011 Picture Greeting Unleashed

Ang dami-dami kong kwento. Punyetah! Pero dahil lalagarga nanaman ang pwet ko papuntang Malaysia postponed muna ang kwento.

Share ko nalang muna ang Picture Greeting Collection ko. Promise next year hindi na ko hihingi. Ang hirap mamalimos eh.

Btw, maraming salamat sa nag send. Appreciate it!

I'm officially older than last year and I really had a blast! like super! Arte lang.

Saka na kwento. Eto na bidyo.



Saturday, October 15, 2011

iOS5 FAIL!

May ngiti ako sa labing nag download ng iOS5. Para makiuso ba. Sayang naman ang pagiging teknikal-teknikalan ko kung soooo 2000 and late ang OS mey.

Maaga akong umuwi ng bahay kahit friday. dahil mag uupdate ako ng phone at ipad. Ako na may ipad! Hindi ko rin alam kung baket ako may ipad. Napadaan lang ako sa Palengke tapos naisipan kong bumili ng ipad. Parang prutas lang.

Ako na talaga!!!!

Aanhin naman ang ipad kung walang lovelife.

Maikunek lang.

Balik na tayo sa kwento. So bago ako humarap sa macbookpro ko. Oo ako na ang alagad ni Steve Jobs. LOL

Pota ang yabang ko! Hindi ko kinaya. Parang hindi ako. Sayang naman ang puso kong humble and low.

So eto na nga kasi. Pag tapos kong mag shower, masaya akong nag update ng itunes at nag upgrade ng OS ng phone at ipad me. Update and Restore, gaya ng mga instructions ng mga kaibigan sa twitter.

Nag sync ako. Akala ko equivalent 'yun sa back-up. Eh, diba ang synchronization ay may abbreviation na sync so diba logical naman isipin na backup din un?!

Umuo ka. Sisibatin kita ng tsquare sa wetpaks!

Ang ending nawala ang pictures kong uber cute and hot at nawala lahat ng mga applications ko. I'm like. KEL ME NA!

Gusto kong mag wala habang kumakain ng atis at nag ta-tumbling! I need the photos. I'm so sad.

On the other hand, Masaya ako dahil uuwi na ko bukas ng Felefens!!!!! Madami akong dalang chukuleyt at Gummy Worms at Chicken Rice at Kendi.

Excited na me!




Wednesday, October 12, 2011

Kiskisang Siko Us! bilis...

Gustong-gusto kong mag sulat ngayon.

Ang kaso mo naman walang nalabas na katas. Tuyong-tuyo na. Over used me.

Brains ang tinutukoy ko, you filthy little basteeerdz!

Wala akong masyadong ma kwento dahil medyo busy ako sa physical activities ko lately like pag runnin- stitch at pag ganchilyo ng kumot. Juk! Medyo naging busy sa pagburn ng fats. Feeling ko naman may pag-asa pa talaga akong mag ka six pack abs. Pagod na pagod na akong maging mataba. Pagod na pagod na.

Arte lang.

Alam nyo ba sobrang daming nangyari sakin the past week. I quit smoking. Yes, after more than 10 years of being a smoker I am now free. God is awesome!!!! Ayokong mag holier-than-thou drama dito pero seryoso God can really do wonders in our lives. Hindi ako nag lilinis-linisan but lately ang daming tinuturo sakin ni Papa Jesus about my Christian walk. And I feel so happy. Sooooo Happy. Mangiyak-ngiyak nga ko parati sa Church. Praise and Worship palang isang planggana na yata 'yung naiiyak ko. Iyakin talaga ako kay Papa Jesus. Seeereee naman.

Okay.. I'm flying home on Sunday. It is my birthday week. I choose to celebrate it kasama sina Mudrax at Pudrax. Obcorz, I wanted to meet blogger friends as well nakakamiss din makipag kulitan at kwentuhan. Kaso nga lang weekdays and no more alcohol and yosi. Sorry I'm a changed man.

If your free dinner tayo. Tuesday night, kita-kita sa Mata? Kung busy ka okay lang friendship over na. Charut. If you're free sama ka! Sorry late notice. Wala na kong time mag invite sa facebook. Hindi me marunung.

MgaEpal.com kung nababasa nyo 'to bossing sama kayo! sama nyo si Boss Chic! LOL

oh tara don't be shy na kashe, i'm like not gonna make kain you naman ihhhh...

Cheers! Birthday Video Greeting to be posted Next week. Thanks for Participating and thanks Che and Stephy for the videos.

Kitakits sa mata!


Wednesday, October 5, 2011

Super Short Kwento

Okay fine! hindi ko pala kayang mag close ng blog! Kahit ako nalang mag isa nag babasa ng blog na itwu, Kebs sa banga! susulat parin me ng susulat...

As you all know my friends I'm back here sa Singapore and I'm lovin eeet!!!! Pero bago yun let me make kwento what happened on my last days sa France. Bullet ko nalang kasi natatamad me ng wagas.

1. Ayaw mag sara ng luggage ko. 2 months worth of shopping is just not enough on a 20 Kilo max allowable baggage weight. Hindi ako nag yayabang na marami akong pinamili. Ganto kasi 'yun. Alam nyo naman na mataba me. At ang sizes sa Europe ay basok na pasok sa balingkinitan kong katawan. So madami me pinamili sa murang halaga lang.

2. Pag dating ko sa Airport. Maaga as super aga. Hindi halatang excited me. 12 pm ang flight ko nandun na 'ko ng 7AM. Excited much?! Excited kasi akong mag timbang ng bagahe. Bumili din ako ng extra hand carry bag na may gulong para marami-rami space.

Heto na.

Dumating na ang mga punyetang Singapore Airlines staff at nag simula na ang check in mga around 8:30 yata 'yun.

Suminget me sa pila. hihihi

Pag dating ko ng counter at pag timbang ng baggage. freakin 48 Kilos lahat. Excess baggage ako ng 28 Kilos. At mag bayad daw ako ng 875 Euro.

nag dilip ang paningin me. Hinampas ko si Ate ng Check-in bag me hanggang dumugo ang bunganga nya.

Charut!

Nanghina me. Dahan-dahang umaatras habang nag sasabi ng, "No..No..Noo" habang nag slow-motion ang paligid.

Sa mga oras na 'yun ang haba na ng pila. Si ate parang walang bukas kung mag patimbang lahat ng bag ko pati paper bag tsaka computer bag kasama sa timbang. Pota! Dalawang laptop dala ko isang 17 inch Mac tsaka 14 inch work laftaf at madaming charger. kamusta ang timbang??!!

Para akong aliping patadjong na nag kukulkol ng gamit para itapon. Hindi ko makayanan. Nahiya me.

Nilabas ko ang mga delata, cheese,peanut butter, perfumes,pantalon at kung ano-ano pang shits para lang mag bawas ng timbang dahil wala akong pambayad ng excess baggage.

I hatechet! Ang konte tuloy ng nauwi me!!

3. Pag dating ko sa Airport. Delayed ang flight ko ng 3 hrs!!!!! May pampalubag loob ang Sing Air. Lays tsaka Coke.

Montik na mag dilim ang paningin ko wala manlang tinapay or kanen?!

Syempre gumawa me ng eksena feeling ko lang naka business class me kung makaasta kala mo mamahalin ang ticket. hihihihihi

4. Uuwi ako ng Pinas! Sino bakante senyo tara kwentuhan tayo. Sagot ko buritos kasi birthday me e.

Sa mga hindi nag paladal ng picture greeting.

Friendship Over!

Charut.

Monday, October 3, 2011

Ako si Jepoy Tabachoy

Behold..My new New blog name.

Ako si Jepoy Tabachoy.

Ang kiky lang, right?!

Dito wala kang mababasa kundi ang mga misadventures ni Jepoy. Mga ideas at kwentong shits. Tamad din syang magbasa ng blogs pero nag babasa sya basta 'wag ka lang papilit. Apparently, this pathetic name change is my way of trying to eliminate the google blogger blocked shit.

Halika...

Mag-simula tayo ng pag kakaibigan at ng mga bagong kwento dito. Follow ka lang...

Bukas ko sisimulan ang kwento...

Just leave your bloglinks on the comment field. I will add new. Let's start fresh and new hihihihi

Kthankxbye

Saturday, October 1, 2011

Malware Detected

Una sa lahat walang virus ang site ko. Ikawala malapit na birthday ko tapos mag kaka-virus pa ang blog me?! Ano ba nagawa kong kasalanan sa mundo ng internet?

Ang sakit Ate Charo.

Matagal kong naging hingahan ng sama ng loob ang blog na itwu, naging kandungan sa malalamig na gabi. Charot!

Ampotah naman wala na ngang nag babasa nito i-block pa ng google?! Kamown! It's so unfeeeyr! Gusto kong mag wala sa galit. Gusto kong basagin ang bungo ng kapitbahay kong walang humpay mag luto ng curry. Gusto kong punitin ang damit ko habang nasa shower tapos lumuluha at dumadausdus ang likod sa pader. Sumisigaw ng ang dumi-dumi ko!

Arte lang.

Siguro panahon na talaga para ihinto ang blog na itwu. Panahon na para harapin ang tunay na hamon ng buhay. Panahon na para makibaka at labanan ang kurapsyon sa lipunan. Alisin ang bulok na kamatis sa basket ni Mama. Panahon na para magbago. Panahon naaaaaaaa ng talikuran ang nakaraan at harapin ang bukas. Tulad ng kasabihan time is Gold. Oo walang kunek masyado.

Sa lahat ng nag basa. Nag google follow. Nag email. Nakitawa. Nakisimpatya.Nakiadd safacebook. salamat. Hanggang sa Muli.

Goodbye Cruel world...


Thursday, September 29, 2011

Tour de Eiffel

Noong monday night naisipan kong mag punta ng Eiffel Tower ng gabi kasi nalolongkot me. Hindi ko kasi mapagkasya yung gamit ko sa luggage ko. Like sinusuka ng luggage ang gamit ko. Ayaw sumara ng zipper. I truly, madly, deeply heychet!

On my way papuntang Eiffel ang daming tao sa MRT as in 555 Sardines mode. Nakakatatlong stations palang ako hindi na maganda ang pakiramdam ko.

Guess what?!

Natatae me. This is so not happening. Ayokong mag iwan ng trace ng kahihiyan sa Pransya! Oo, ganyan talaga ang digestive system ko madalas hindi nakikisama alam yan ng mga close friends ko.

taeng-tae na me...

Nag co-contemplate ako kung uuwi ba ko or diretso na sa Eiffel para mag emo, kaso naman ang hirap namang mag emo habang natatae. Multitasking ba itwu?! At isa pa hindi ko rin alam saang lupalop ang mga toilets here.

Trocadero.

MRT station papuntang Eiffel. Dahan-dahan akong naglakad dahil pag may sumundot sa tagiliran ko lalabas ang tae ng walang humpay kaya dahan-dahan lang. Kung uuwi ako mafo-forfeit yung ticket ko paakyat ng Eiffel sayang naman.

Na aalala ko bigla 'yung indian film na 3 idiots, ginaya ko sila. Kalma lang sabay sabi ng, "Al Iz well, AL iz well"

Effective.

Lalo akong natae. Heychet! Alam mo yung lalabas na tapos may kilig/chill factor na. Ganun na ang feeling. Okay, hindi ko na kaya! Nagtanong na ako sa mga tao sa paligid kung saan ang toillet hindi nila ko maintindihan. Husay!! Na didisappoint na ko ng tunay at wagas. Nag hahalo na yung disappointment tsaka 'yung feeling na natatae.

dahil brainy me may na-isip akong paraan. Sa kabilang kanto may Hotel. Pumunta ko 'dun dirediretso lang ako sa loob kahit hindi naman ako na check-in. Alam kong impossible walang kubeta there.

Syempre meron nga.

Alam na.

So bilang closing ng kwentong itwu. (Halatang bang malalate na ko kaya tatapusin na?!) Natuloy ang pag-emo ko sa taas ng Eiffel tower. Sobrang ganda ng view seeing Paris, this is my favorite spot. Let me share it.



ang bilang pangwakas. Salamat sa nag send ng picture greeting. Hindi na ko hihingi last na yung mga post ko. Nakakapagod na. pagod na pagod na me.

Arte lang.

kthanxbye.


Sunday, September 25, 2011

Effort

Ito yung verb na madalas pinanggagalingan ng tampuhan sa isang relasyon. Kaibigan man or Kasintahan or fubu. Pero syempre kung fubu ka lang, 'wag masyadong ambitious.

nakarugtung ang salitang "effort" sa "expectations".

Kaya nga nag-kakaroon ng ugat na pinag-mumulan ng tampuhan dahil sa hindi na me-meet ang expectations. Okay don't give me the crap na, "Wag ka kasing mag expect..." Like yeah Riiiiiggggght, believe me I'm not stupid to not know that.

Pero sa sarili kong pananaw, hindi mo maiaalis ang expectations sa kahit na anong uri ng relasyon. Unless nalang bato ka. Para din sa'kin lahat ng human may sari-sariling expectations. May mga taong totpul pero mostly ang mga taong totpul mas malaki ang chances na sila 'yung may mga expectations aminin man nila ito o hindi.

Dalawang klase ang uri ng expectations. Isang reasonable at isang unreasonable expectation. Don't make me elaborate. Tinatamad ako.

Kagaya ng title ng post na ito na may pinamagatang "Effort". Hindi ako mag co-concentrate sa Expectations dahil mahabang paliwanagan at justifications ang gagawin ko. Oo aaminin ko madalas mataas ang expectation ko sa mga taong nakapaligid sa'kin, 'yun nga lang maayos ako mag react. Sanay na'kong mag walk-out or bigla nalang iiwas or deadmeat sa banga lang. Hindi kasi ako magaling mag explain at ayoko ng confrontation at higit sa lahat ayoko ng issue. Nakakapagod.

Mabalik tayo sa effort.

Naniniwala ako na sa isang relasyon, kaibigan man or special landian dapat duplex ang effort. Kumbaga sa transmission lines dapat yung signal nag re-refract yan papunta tsaka pabalik. 2 ways.

Pero measurable ba ang effort dapat?

Ang hirap ng question. Ang sagot ewan. Pero tingin ko dapat merong effort. Pumunta tayo sa pinaka simple at very visible examples para mabilis nating maintindihan.

1. Yung kaibigan mo nag text nag papasama kumain sa labas. Ikaw wala ka namang ginagawa. Free ka naman. Pero tinatamad ka or hindi ka naman mag eenjoy kung sasama ka. Alanganamang pilitin mo sarili mo. Syota mo ba sya?! Ang ending hindi ka pumunta nag palusut ka lang.

Nasan ang effort?

2. May kaibigan ka na parati lang syang nandyan. Pagkelangan mo kalaro sa basketball, badminton, tennis isang text lang pasok sa banga kagad sa schedule. Pag kelangan mong pumunta sa mall para mag tingin-tingin or kumain, isang txt lang pasok sa banga kagad. Pero pag sya humingi ng favor bigla kang mag papalusut kahit kaya naman, nag papalusut ka kasi ayaw mo. E sa ayaw mo ano ma gagawa nya diba? Valid naman, right?! Valid na reason naman na may kanya-kanya kayong buhay at hindi umiikot ang axis ng mundo senyong dalawa lang. Understandble ayaw mo eh. Pero...

Nasaan ang effort?

3. Yung GF mo halos pag silbihan ka na. Kulang nalang dilaan nya libag ng singit mo. Pero pag kelangan nya ng kausap minsan tinatamad ka kasi ang daming arte. Naiirita ang foreskin ng bayag mo sa lahat ng pinagkwe-kwento nya. Pero pag tropa mabilis ka pa kay flash. Valid reason naman na ayaw mong makinig kasi di ka makarelate. Or ayaw mong plastikin si GF kesa naman masaktan lang sya diba. I think valid reason. Kaso

Asan ang Effort?

Susme, ang haba rin palang talakayin ng effort. Pero kaya mo bang mag bigay ng effort sa mga taong hindi mo naman kilala ng malalim? Or tama bang mag bigay ng effort sa kanila gayong hindi mo naman sila kilala ng lubusan? Sayang ba? Di ko alam. Pero ito ang tanong ko.

Ikaw mag take ka ba ng Effort na magbigay ng Picture greeting kay Jepoy para sa Birthday nya? Mag eemail ka ba sa incrediblejepoy@yahoo.com? Palagay ko hindi. Like what for!!! right? Ang pathetic lang diba?

Well...

Just to let you know. I totally understand. Hindi umiikot ang axis ng Mundo sa walang saysay na blog na ito.

No biggie...

Gaya ng sabi ko ayoko ng issue. LOL

hihihihihihi


Wednesday, September 21, 2011

Picture Greeting Sneak Peak

You pro'ly think I am the most pathetic person In the whole wide world. Maybe I am! Who cares, care bears!!

I forgot my blog-birthday but I know running 3 years na ang walang saysay na blog na ito. And what makes it better is that the author find happiness in writing stupid stuff about his life and experiences (that's me, duhr!). Kahit manlang sa pangarap matupad ko ang pangarap kong maging isang manunulat. Kahit panay typo at grammatical errors at least meron na 'kong 100K hits and 419 google followers.

Beat that Sucker!

Pero sa totoo lang sa'kin siguro galing yung 90K tapos yung 419 naman tatlo lang ang nag babasa. Pero who cares!!!!!

Intro lang yung nasa taas. Tanga?!

As you all know ang picture greeting for birthday ay originally started kay Popoy Inosentes (RIP) tapos naging glorified video na pinauso ni Gasolinedude. I think 2007 yun. Tapos Ginaya ko dahil pinanganak akong inggetero and the history has been written and this has been done by many bloggers! Ang saya diba.

Abstract lang yung nabasa mo sa taas. Oo technical writing itwu!

Kaya ako nag post dahil kelangan ko ang picture greeting nyo. At kung sino man ang magaling gumawa ng video. Pwede narin ako pagawa. LOL Spell abusado. Orayt San Mig light, tama na sat-sat this is one example of picture greeting, featuring Kokey Monster my brader from another Mader.


At hindi lang intestines ang mataba pati utak ni Effbee mataba rin. Sa mga nag send ng picture greeting. You made my day! Appreciate it much. At sa mga gustong mag send pleaseeeee that simple gesture will make my lonely heart skip a bit. Send it to

INCREDIBLEJEPOY@YAHOO.COM


Sa mga hindi naman mag send well okay lang it's not the end of the world. Simple lang. Friendship Over.

Yes I'm pathetic like that...

WHO CARES!!!!

Sunday, September 18, 2011

My heart skip a bit

I got my first Paris haircut kahapon.

I felt like a celebrity. The French Stylist was cutting my hair and shampooing me, kulang nalang alisin ko salawal ko at mag suut ng CK brief at ready ng lumakad sa red carpet ng Metro Paris Calvin Klein fashion week. kaso baka masuya ang mga tao, isipin nila baket may marshmallow man na kasali. Kaya Steady lang me.

Here's the haircut result (disregard the double-chin, it is freakin me out)

In my opinion, mas maganda parin ang Services sa Pinas. Iba mag alaga ang mga Pinoy ng customers eh. Dito, Kahit dekalidad ang gamit nila still, nothing beats Manong barbershop sa Pinas, sa halagang kwarenta, may makapigil hininga pang masahe na may kwentong barbero pa. Sa Hair Salon naman, may-gupit-na may-masahe-pa at may bonus pang extra service gaya ng libreng Juice at Magazine pati pambobola ng Parlolista kung gaano daw ako kapogi. Pa-pogi daw ako ng-pa-pogi.. Syempre na niwala naman me.

Pag-uwi ko.

Tinapos ko ang Game of thrones na na-download ko. The series was Wicked! Now I have books to read.

Then, I checked my email baka kasi May Nag-Send na ng picture greeting na bago sa incrediblejepoy@yahoo.com.

Kaso wala. Ang sakit. Ang sakit-sakit.

I got really sad. Then I suddenly noticed, I got an email from someone, a very special someone (Oo, may ganyan kumapit ka na)

And then my heart skip a bit *INSERT SUPER BASS By Julie Anne San Jose Here*. Totoo yan hindi yan joke. This part of the my entry is related to this. You can read it if you are interested.

Her email doesn't really contains mushy and cheesy shit. Ito yung tipong email na pag katapos mong isulat nakatitig ka lang sa laptop mo tapos iniisip mo ng 48 years kung isesend mo ba or ide-delete mo yung message. Minsan ito yung email na habang sinusulat mo nag flashback sayo yung habulan nyo sa dagat na nag slow mo habang dahan-dahang humahampas ang agos ng tubig sa maiinit nyong katawan. super Sariwa at bubut parang bayabas lang.

Okay, we weren't together-together (Parang showbiz lang ampf!) but we went out and get a little bit intimate for few couple of times. We were happy back then, at least somehow that was what I wanted to believe back then.. She's young and I'm not so young. 8 years gap. Cradle snatcher much?!

Then we lost communication just like that. Oo parang indie-film lang pero ganun talaga eh. Then I got a job in SG flew here in France trying to be happy. Arte lang.

But Seriously I didn't really know what happened back then. I just thought she realized she should go out to someone like her own age. And then I moved on. Just like that. Sanay na tayo sa maganyang ni-yuyurakan ang puso't damdamin. Katawan lang ko lang ang habol nila. CHAROT!

Well-trained na kaya ang ma-cholesterol kung puso sa mga ganyan.

Fine.

Ako na mamatay na Single kayo na ang may happily ever-after-forever-and-ever. Buset! Oo ampalaya ang ulam me kanina na-pinigaan-ng-apdo-ng-tilapia-at-baboy.

Ang paet lang..

Ang paet-paet...

But seriously, to you thanks for the email. I Appreciate it. I responded back. Just in case naka auto-spam ang email ko, you can go to your spam messages and read it *SMACK* just like the old times. (HONGLANDE KO!)



Monday, September 12, 2011

Just a thought

Una sa lahat congratumulations sa'kin dahil ang sipag kong mag blog which only means wala akong social life at all.

Okay bago ako tirahin ng mga taong mag ju-justify na marami silang social life kahit araw-araw sila nag po-post ng entry 'edi sila na ang magaling sa time management at sila na rin ang social maniac! Angkinin na nila lahat! Ayokong makahanap ng kaaway sa internet dahil lang sa kuru-kurong pwede naman pagkasunduan at hindi rin ako magaling makipag-sagutan. Sopas lang kaya laman ng brain me.

Ang paksa ng panulat ko ngayon ay tungkol sa OFW. Obcorz OFW me. Kala nyo naman Climate change ang su-sulatin ko. Duhr!

Dahil mag one year na akong OFW papabulaanan ko at Sasangayunan ang Norms ng pagiging isang OFW.

Okay,

Ang lahat ng susunod na mababasa ay based sa sarili kong Observation and Experiences.

moving forward...Wag ka masyadong excited kuha ka muna kape tsaka biskwit. Lamay?!

1. Hindi totoong puro hirap at pag titiis at pasakit ang nararanasan ng OFW. Minsan kasi naka stereotype sa mga pag-titiis, inaapi and all that shit. Okay, may mga ganung isolated cases and they are existing hindi ko dini-disregard 'yun. Ang point ko lang, Hindi lang puro pag titiis at sacrifices sa abroad. Oo, we sacrifice a lot and we have our episodes of emoness often because we are in foreign Land.

Pero

C'mon! Again based sa sarili kong observation and experience ito... Parang hindi naman puro pasakit at pag titiis ang nakikita ko. Meron din Saya, Party-Party, shopping, travel abroad ng walang humpay, bili ng gadgets, padala ng pera kay Mudrax and Pudrax, Padala ng pang tuition fee kay bunso, pambili ng gamot kay lolo at lola with all that happiness. Masyado kasi tayong nakulong sa experience ng mga tatay natin sa Saudi na nag re-record ng voice recording sa casette tape at snail mail by means of communication noong araw. Tapos na ang ganung era. Marami ng pwedeng pagkaabalahan ngayon.

Oo mahirap at sacrifice talaga, nararanasan at patuloy ko paring dadanasin yun. Minsan nga nakakaiyak pag tumatawag ka sa Pilipinas pero sa kabilang banda nun marami rin namang saya. At kung mag coconcentrate sa Saya tatagal kang OFW kung hindi uuwi ka kagad. Unless may issue sa work or employment contract mo, that is another story.

2. Hindi porket nasa abroad marami ng Pera. Nag bubudget din kame. Nagtitipid sa pansariling kailangan para may perang pampadala sa Pinas. Kaya sana sa may mga kamag anak na OFW wag nyo silang iprepressure ng ipressure sa Pera. Masakit sa ulo yun.

Promise! Mag papadala at mag papadala sila. Tama na yung isang beses nyo sabihin. Wag naman every call remind ng pera kagad. Depressing 'yun sa kanila at doon nag sisimula minsan ang problema. Kumustahin nyo naman muna sila kung nakakakain ba ng tama, kung may problema ba. Wag nyong ratratin kagad kesyo yung posonegro sumisingaw ang tae sa lababo at kung ano-ano pang problema please ako na nakikiusap. Arte?!

3. Hindi porket madaming laman ang balikbayan box okay sa alright si Mr at Ms OFW sa trabaho. Hirap sila sa pag kayod. OT ng OT. Lahat ng sabihin ng boss tungo lang tungo. Sabi nga g mga expat sa mga OFW, "Mura na sulit pa..."

4. Pag umuwi ng Pinas ang OFW sabik yan makasalamuha kayo kaya wag kung ano-anong shit na dahilan ang sasabihin ninyo pag magkikita-kita na. Minsan last minute pa kayo mag cacancel ng lakad. 'Yung excitement ng OFW pag umuuwi lampas sa PH Scale. Don't let them down by canceling your commitment the last minute. Sabihin nyo kagad kung di kayo pwede tapos.

5. pag pinag sama-sama mo ang OFW sa isang community dalawa lang ang pwedeng mangyayari kung hindi magiging uber close mag kakasiraan ng pag kakaibigan. I dunno, it's just so proven from the countries I've been too. May mga ibang OFW nga sa western part of the world hindi nag sasasama masyado sa Pinoy Community. Ang dami daw chismis. Which I think is a fact. We are Usi by heart.

6. Ang mga OFW kung hindi magiging closer to God, magiging closer to bisyo (take not the word closer to bisyo, I didn't say addiction) naman sa abroad. Name it. Sugal, Alak,Sigarilyo,Babae,drugs. Meron din naman mga steady lang din.

7. Bibigyan ko ng Medalya ang makabagong OFW (Excluded na yung OFW na wala pang era ng internet nung nag abroad) na walang sariling computer at internet or ung hindi nila priority ang internet. Again hindi ko dini-disregard ang fact na merong OFW na walang computer at internet sa bahay.

8. Totoo pala ang kasabihang ang tao pag gipit kahit sa patalim kumakapit. Kala ko dati sa Movie lang yun. Pag nangyayari na pala ito right before your eyes nakaka drop jaw. Parang gusto mong sumigaw ng, "This is not happening...." Enough said.

9. May mga OFW na magaling sa pera. When I say magaling sa pera maliit man ang kinikita very evident naman kung saan napupunta ang pinag papawisan. Meron din OFW na bulagsak sa pera, binigyan na nga ng Blessing hindi pa mamanage ng mabuti ang finances<--Present

10. May mga OFW matataas ang ihi. Nakaabot lang sa mataas na estado kala mo tae na ang tingin sa iba. Minsan nakakalimutan kung saan nanggaling. Sa tatlong bansang pinuntahan ko para mag trabaho, dito lang ako naka experience na bumati ako sa isang Pinay deadma sa banga. Hindi porket nasa loob kame ng Louie Vuitton at tatlong bags ang binili nya eh may karapatan na syang hindi manlang ako batiin. Ang laki-laki kong tao para hindi nya mapansin at sabihan manlang ng, magandang umaga kabayan or isang tango nang pag-acknowledge na pareho kameng kumakain ng Adobo. Marahil isa syang turista na madaming pera ewan ko sa kanya. Like I care! Duhr! Oo ako na ang sensitive.

Sensitive talaga ako...

Lalo na kung di ka mag-papadala ng picture greeting erase ka sakin sa banga...ahahahaha




Saturday, September 10, 2011

Ikaw masaya ka ba Buhay Mo?!

May episode sa buhay natin na punong-puno tayo ng katanungan na ang hirap-hirap sagutin. Tulad nalamang ng title ng post na 't0.

"Masaya ka ba sa Buhay mo?"

Ako... Masaya nga ba ko sa buhay ko? I think the question is an understatement. Oo, uma-understatement tayo dito. Magamit lang ba minsan.

Wait lang, bago mo sagutin kung masaya ka nga ba talaga o hindi eh, pumunta muna tayo sa basis ng pagiging masaya mo. Ito kasi ang ku-kumpleto ng pormula sa pagiging happy mo. Pwedeng materyal, pwedeng love life, pwedeng career advancement, pwedeng kahit anong shit dahil nasa'yo naman 'yun.

Pero.

Hukayin pa natin ng kaunti. Para kunyari brainy. Pumikit ka saglet at isipin mong hindi existent ang judgement ng taong nakapaligid sa'yo. Mag concentrate ka lang sa sarili mo. Maging selfish ka muna pansamantala para lang masagot ang question ko.

Masaya ka ba sa buhay mo?

May thin line ang pagiging masaya sa pagiging satisfied. Sa tingin mo pwede ka bang maging masaya ng hindi ka satisfied? Again, don't mind the judgement of other people around you.

Masaya ka ba sa buhay mo?

Sa sarili mong paniniwala, infinite within you ba ang happiness talaga? Yung tipong kukupleto sayo? or fleeting lang sya kasi part sya ng emotions mo? Pwede kasing naniniwala ka na masaya ka tapos mamyang gabi hindi na. So Alisin natin ang variable X . Let X be your Emotions directly proportional to Happiness which is co-equivalent to Sadness, Anger, Bitterness where Happiness, Sadness, Anger and Bitterness equals Emotion in Theory kunyare but in reality hinde.

So ngayon i-enumerate mo isa-isa ang basis ng pagiging Masaya sa Buhay? then start from there. Please note the word "Buhay" do not disregard.

ako Masaya ba ko sa buhay ko?

Ans is: Getting there...

So.. Masaya ba ko talaga sa buhay ko ngayon???!!

Ans. Trying too...

Oo ang lande lang.

Pero sa puntong ito, alisin natin ang "happy ka ba sa BUHAY" question. Gawin nating Happy ako ngayon kung... Magiging happy ako ngayon kung mag papada ka ng Picture Greeting mo sakin para sa birthday ko.

incrediblejepoy@yahoo.com.

:-D



Wednesday, September 7, 2011

Home Sek

Mag iisang taon na pala akong wala sa Pinas. Kaya naman hayok-na-hayok na ang fats kong maka-lasap ng totoong pinoy food na luto ni Mudrax.

Si Mudrax kahit putak ng putak 'yun pag nag luluto eh miss-na-miss ko na ang luto nya pati ang lambingan namin. Madalas pag nag papabili 'yun ng putahe isa-isa, doon kame hindi nag kakasundo. Nag liliparan ang sandok at kaldero sa mga panahong ganyan.

"Anak bumili ka nga ng vetsin"

"ako nanaman?!"

"Punyetah! Sino uutusan ko, yung tae ng kalabaw?!"

"Fine! Penge narin pambili ng Chocolate..."

"Wag na tataba ka lalo"

"Fine!"

Ilang minuto pag balik ko para iabot 'yung vetsin.

"Ay onga pala anak nakalimutan kong mag mapabili ng knorr cubes tsaka kamatis"

"Ayoko na Ma, may nang hahabol na itik sa kanto baka ma stress ang puso me"

"Sige higupin mo yung sabaw ng walang knorr cubes at kamatis, vetsin lang meron"

"FINNNNNNNNE!"

Dito sa abroad walang pumuputak na nau utos sa akin. Pwede kong itapon ang brip ko sa sahig at damputin after one week nang walang magagalet. Sa bahay si Mudrax ang pag-putak kaliwa't kanan parang wala nang bukas. Pero miss na miss ko na sya.

Haist!

****************************************

Sya nga pala malapit na ang birthday ko. Next month na. Dahil hindi ako masipag mag blog-hop malamang deadma sa Jar ang lahat pag humingi ako ng picture greeting.

Pero nakagawian na ito ng Pluma ni Jepoy for the past 2 years

kaya hihingi ako ulet ng picture greeting. Hindi pa ngayon ha. Sinasabi ko lang.

Sana yung mga silent readers mag padala ng picture greeting. I'll give details soon. So ano ba ang picture greeting? edi pumunta ka dito para sa sampol.

Sobrang magiging masaya ako kung mag papadala kayong lahat ng picture greeting at pag nag padala ang mga Humor blog idols ko ng picture greeting.

1. Badoodles
2. Salbehe
3 Mga Epal
4 Glentot
5 Chicksilog
6 GreenPinoy
7 TheGreatMaldito
8.Kokey Monster

Kung hindi sila papadala ok lang tuloy ang buhay. LOL Pero pag ang mga kaibigan ko hindi nag padala FO na...

kung excited ka padala ka na sa incrediblejepoy@yahoo.com...

Uwi ako ng Pinas sa Birthday ko! Woot So kitakits sa mata...



Monday, September 5, 2011

Walang Kwentang Entry (read at your own risk)

Nakakaburat na dito sa Pransya!

Sa totoo lang maganda lang sya at exciting dahil nga "Paris". Okay, just to be fair okay dito mag-tour mga 2 or 3 weeks pwede na. Or if you really love history and Architecture and all that shit walang doubt sobrang mag eenjoy ka dito. Well nag eenjoy naman ako. Kung mayaman ka mag eenjoy karin lalo porshur dahil marami kang mabibili pero kung pulubs lang katulad me eh gudlak-darak mag dildil ka ng salt here there and everywhere dahil medyo kamahalan ang bilihin pati kainan.

Well hindi naman siguro, pag-kumain kasi ako parang wala ng bukas. Mag-tipid na sa lahat wag lang sa pagkain! yan ang mantra ko. Ganyan kasi kame pinalaki ni Mudrax! kumain dapat ng masustansyang food to be strong and healthy. Kaya ang mainit na kanin ko maraming star-margarine hindi lang pang-pamilya pang sports pa kaya ako majubis.

Pero ganun pa-man cute naman.

Isa pang reason kung baket uwing-uwi na ko liban sa naiwan ang puso ko sa Singapore eh buong floor kung saan ako nakatira sa pesteng Hotel na 'to eh puro mga Anapeyz na masisipag magluto everyday ang neighboring rooms me. Okay lang mag luto ng food nila. Promise!

Kaso kung sabay-sabay sila amoy pinaghalo-halong curry na yung buong floor araw-araw. Teka nasabi ko na ba na ayoko ng Curry? at kahit anong klase ng curry at lalong hindi kaya ng sikmura ko ang amoy ng curry na kumukulo :-(

Okay, enough of my stupid rant and all that shit...

Kaya ako nag sulat today kasi I'm so bored like that. Kaya kanina bilang isang dukha hindi ako na-masyal para tipid sa ticket ng tren. Nag lakad-lakad lang ako sa paligid kasi maganda naman sikat ng araw kaya masarap lang maglakad-lakad, site-seeing and people-watching lang ba. Nag hanap din kasi ako ng Church na pwede ko puntahan. Wala akong mahanap! Nag-hihingalo na ang spiritual side of Jepoy. I'm so weak. Arte lang.

kanina habang nakaupo ako sa labas na parang pulube sa Edsa nag-isip-isip lang ako about life. Oo may ganun talaga.

Maya-Maya pa may tumabi sakin isang teenager na blonde. This is et! makakatikim narin ako ng blonde! Hindi yung puro blonde lang sa bang bus at mike's appartment ang nakikita ko. this one is fow-realz.

Mga nasa edad kinse siguro si Ate lol. Bigla kong naisip parang masarap atang makipag habulang gahasa sa isang blonde. hihihihi kaso ang problema kinse lang sya! Child abuse itwu!

Nagtanong si Ate kaso in french hindi ko ma gets syempre. Sabi ko, "NO HABLA ESPANYOL" malay ko bang spanish pala yung sinabi me. Hindi kasi ako nakakapagisip at act ng tama pag nabibigla me sa harap na magagandang dilag.

Tuloy parin sya sa pilit na inquiry nya sakin. Ako naman pilit kong iniintindi ang mga tanong nya para lang kameng nag lalaro ng sharades or pinoy henyo.

After mga 2 minutes..Nag gets ko na.

Nagtatanong lang pala sya sa'n may pinaka malapit na kubeta at kung may yosi daw ba me. Hello!!! Nag yoyosi ba me??!! Nakikita ba ni ate kung ano nakasulat sa TSHIRT KO??!!


So ang french blonde hunting dream ko ay balik sa square one...Charot!

Natuloy nga pala yung lunch namin nung officemate kong nag bigay ng Donut sa kin. Uhhhm correction, nag bigay ng Donut sa buong floor pala namin hindi lang sakin. Masyado lang akong nag assume.. Saka ko na i-bla-blog yung details masyado pang fresh ang pain eh. JOWWWWK!!!! ahahahhaha



Tuesday, August 30, 2011

Tips: Pag hindi kagandang lalake at Hindi ka-Machohan

1. Dapat mabuti ang puso mo

2. Dapat mabango ka 24/7! Mga 4 sets ng perfume in a week. Minimum of 4 sprays hindi yung kalahating pindot lang sa pabango mong mamahalin. Tag tipid much?! Dalawa sa likod ng earlobes mo, dalawa sa tagisang wrist tapos dagdag mo narin 2 sa may bandang shoulders para pag may sumandal alam na...

3. Dapat brainy ka! pwede narin street-smart 'wag tatanga-tanga. Mabilis catch-up dapat.

4. Dapat hindi ka bad-breath kung hindi ka palasalita mag-baon ka ng mint. Yung manipes na parang plastic na square na sobrang anghang ('di ko alam tawag eh) para pag nag-sabeh ka ng, "Hi dur Mes!" Pahangin ang pag sabeh mo para angas! Fresh breath!

5. May etiket dapat. Hindi nag ka-kamot ka ng betlogs sa madlang pipol lalo na sa harap ng Chikas. Pwede naman sumimple kung kamot na kamot ka na pag nakaupo na sa retawrant. Wag ka rin mag-titinga ng basta ka nalang nga-nga at susungkitin yung isang tipak ng karne sa bunga-nga mo. Taong Java?!

6. Dapat friendly ka. Hindi ka na nga kakinisan at katangusan ng ilong 'di ka pa nag sasalita. Edi hindi ka nag exist. Wag karing Epal, may thin line yun. Tanga?!

7. Dapat may pera ka. kahit hindi marami basta meron. Ikaw pa papa-libre?! Hindi ka na nga flawless at cute papalibre ka pa?!

8. May sense ka dapat kausap. Pwede rin naman daanin mo nalang sa humor, iiiiihhhh basta 'yun na 'yun. Babala pag sablay ang bitaw ng humor isang malaking trash ka sa banga.

9. Mag damit ng maayos, hindi kelangan bongga basta maayos. Sa mga katulad nating hindi ka-gandahang lalake pag-bumongga ng Porma, masagwa. Trying hard! LOL

10. Dapat humble ka. Mag yayabang ka pa??!! Artista ka koya?? Bench Uncut Model??!! Teleserye prinsepe??! Machete??!!


Ang lahat nang inyong nabasa ay mula sa panulat ng isang anonymous writer...

Ching!


Saturday, August 27, 2011

Feelingerong Baboy

Hindi ko lubos maisip ano ba ang pinang-gagalingan ng lunkot ko. Dahil ba biglang lumamig ang panahon dito at isa lang ang dyaket na dala ko kaya nanunuut sa fats me ang lamig?! Oh dahil hindi ako maka withdraw ng pera kaya puro credit card ang ginagamit ko at yung allowance kong kakaramput tinitipid me? Oh dahil marami akong na mi-miss?!

Hindi ko talaga alam.

Madalas akong may moment ng ganito. Ewan ba! Tumatanda na siguro talaga me. Mag 22 na kasi me eh. LOL

Tulad kanina, may isang french girl sa opis na bumati tapos humalik sa mag-kabilang pisngi me. Eh hello?! Malay ko bang culture nila yun. Na shock me! Napakapit me sa wall at napadausdus ng dahan-dahan. Ang bango pa naman ni Ate amoy coco jam. Wrraaar! Buti nalang always me mabango. Syempre naman mataba na nga mabaho pa? Like Eiwwww!

Tapos pag upo ko sa Squater na station ko, mabagal akong nag-setup ng gamit. Bukas ng laptop, kuha ng device ek ek kunyari busy tapos check ng email. Nang biglang may naligaw na email. meron syang personal email sakin. Meron daw Donut sa pantry kuha daw ako. Akala naman ni ate makukuha nya ko sa Pa-donut-donut nya. Duhr! Hard to get kaya si Incrediblejepoy.twitter.com (Nag promote?!)

Tuloy ang kwento...

Syempre ang una kong reply sa kanya ay "Merci" yan lang kasi alam kong French word pag nagugulat me kaya kahit gusto kong mag-lumandi ng email response eh hindi ko nagawa kasi, hello?! alanganamang mag google translate pa me. Effort much?!

Syempre bago me mag-punta ng Pantry sumilip muna me sa salamin para i-check kung pogi parin ba me. Syempre naman pogi parin. What do you expect blog ko 'to eh LOL. Sa madaling salita nag punta me ng Pantry. Ang daming tao! Lahat 'nakain ng donut!

Nag email blast pala ang hindot sa lahat, naka bcc lang para personalized. Akala ko pa-naman special me. Hindi pala! I'm just an ordinary boy sitting on the corner waiting to be loved. JUK!

Dahil dun ayoko na syang pansinin. Nahurt me.

MATAMPUHIN?!

Joke lang syempre. Gusto nyo picture nya? ihhhhh wag na...

Tapos kanina bago mag-uwian dumaan sya sa station ko. Sabi nya sabay daw sya mag lunch sa Monday para mapractice ang English nya. Hmp! If I know gusto lang nya me makasama (ASSUMING??!!!). Sabi ko naman...

"Je vais y penser"

(Ang mga pangyayari ay hindi naganap nang katulad nang pagkakasulat. Hindi rin akma sa reaction ng manunulat ang kada emosyong nabasa. Hindi rin makatotohanan ang reply sa huling salita. Inshort, hango sa totoong pangyayari pero nai-tweak ng konti ang istorya. Para lang mas masaya ang kwento.)