Sunday, September 25, 2011

Effort

Ito yung verb na madalas pinanggagalingan ng tampuhan sa isang relasyon. Kaibigan man or Kasintahan or fubu. Pero syempre kung fubu ka lang, 'wag masyadong ambitious.

nakarugtung ang salitang "effort" sa "expectations".

Kaya nga nag-kakaroon ng ugat na pinag-mumulan ng tampuhan dahil sa hindi na me-meet ang expectations. Okay don't give me the crap na, "Wag ka kasing mag expect..." Like yeah Riiiiiggggght, believe me I'm not stupid to not know that.

Pero sa sarili kong pananaw, hindi mo maiaalis ang expectations sa kahit na anong uri ng relasyon. Unless nalang bato ka. Para din sa'kin lahat ng human may sari-sariling expectations. May mga taong totpul pero mostly ang mga taong totpul mas malaki ang chances na sila 'yung may mga expectations aminin man nila ito o hindi.

Dalawang klase ang uri ng expectations. Isang reasonable at isang unreasonable expectation. Don't make me elaborate. Tinatamad ako.

Kagaya ng title ng post na ito na may pinamagatang "Effort". Hindi ako mag co-concentrate sa Expectations dahil mahabang paliwanagan at justifications ang gagawin ko. Oo aaminin ko madalas mataas ang expectation ko sa mga taong nakapaligid sa'kin, 'yun nga lang maayos ako mag react. Sanay na'kong mag walk-out or bigla nalang iiwas or deadmeat sa banga lang. Hindi kasi ako magaling mag explain at ayoko ng confrontation at higit sa lahat ayoko ng issue. Nakakapagod.

Mabalik tayo sa effort.

Naniniwala ako na sa isang relasyon, kaibigan man or special landian dapat duplex ang effort. Kumbaga sa transmission lines dapat yung signal nag re-refract yan papunta tsaka pabalik. 2 ways.

Pero measurable ba ang effort dapat?

Ang hirap ng question. Ang sagot ewan. Pero tingin ko dapat merong effort. Pumunta tayo sa pinaka simple at very visible examples para mabilis nating maintindihan.

1. Yung kaibigan mo nag text nag papasama kumain sa labas. Ikaw wala ka namang ginagawa. Free ka naman. Pero tinatamad ka or hindi ka naman mag eenjoy kung sasama ka. Alanganamang pilitin mo sarili mo. Syota mo ba sya?! Ang ending hindi ka pumunta nag palusut ka lang.

Nasan ang effort?

2. May kaibigan ka na parati lang syang nandyan. Pagkelangan mo kalaro sa basketball, badminton, tennis isang text lang pasok sa banga kagad sa schedule. Pag kelangan mong pumunta sa mall para mag tingin-tingin or kumain, isang txt lang pasok sa banga kagad. Pero pag sya humingi ng favor bigla kang mag papalusut kahit kaya naman, nag papalusut ka kasi ayaw mo. E sa ayaw mo ano ma gagawa nya diba? Valid naman, right?! Valid na reason naman na may kanya-kanya kayong buhay at hindi umiikot ang axis ng mundo senyong dalawa lang. Understandble ayaw mo eh. Pero...

Nasaan ang effort?

3. Yung GF mo halos pag silbihan ka na. Kulang nalang dilaan nya libag ng singit mo. Pero pag kelangan nya ng kausap minsan tinatamad ka kasi ang daming arte. Naiirita ang foreskin ng bayag mo sa lahat ng pinagkwe-kwento nya. Pero pag tropa mabilis ka pa kay flash. Valid reason naman na ayaw mong makinig kasi di ka makarelate. Or ayaw mong plastikin si GF kesa naman masaktan lang sya diba. I think valid reason. Kaso

Asan ang Effort?

Susme, ang haba rin palang talakayin ng effort. Pero kaya mo bang mag bigay ng effort sa mga taong hindi mo naman kilala ng malalim? Or tama bang mag bigay ng effort sa kanila gayong hindi mo naman sila kilala ng lubusan? Sayang ba? Di ko alam. Pero ito ang tanong ko.

Ikaw mag take ka ba ng Effort na magbigay ng Picture greeting kay Jepoy para sa Birthday nya? Mag eemail ka ba sa incrediblejepoy@yahoo.com? Palagay ko hindi. Like what for!!! right? Ang pathetic lang diba?

Well...

Just to let you know. I totally understand. Hindi umiikot ang axis ng Mundo sa walang saysay na blog na ito.

No biggie...

Gaya ng sabi ko ayoko ng issue. LOL

hihihihihihi


13 comments:

  1. at dahil gusto kong this time mag effort, gagawa ko ng picgrit asap. hehe! para ma feel mo na presence ko. idol kc kita ;)))
    mwuah!

    karen

    ReplyDelete
  2. nyahahahaha... ay lavet! hanggaling ni Jepoy ahh.... hmm... may nag-birthday na blogger noon... si dhee... naghingi at nakiusap for a picture greeting kay Jepoy... pero hmm... nasan ang effort?... lolz... pag-iisipan koh pa yan... lolz... ba't isang Happy Birthday sau! *hugz* Godbless!

    ReplyDelete
  3. first paragraph pa lang alam ko ng tungkol sa pamamalimos mo to ng pcture greeting hahah

    ReplyDelete
  4. Aha sobrang effort ang binigay mo sa post na ito. yon ang effort talaga.

    ReplyDelete
  5. may pinaghuhugutan to.. hahaha

    ReplyDelete
  6. hahahaha...akala ko kung ano na...mag eeffort sana ako ng picgreet para sayo, kaso hiya me eh..
    Happy birthday nalang...


    -Dyowa ni Edmilyn.

    ReplyDelete
  7. @Anonymous

    Si Wickedmouth ang Jowa ni Edmilyn. KAMOWN! Magkagayun pa man wag na you mahiya send na!

    ReplyDelete
  8. Nag effort akong mag send ng picture greeting sa iyo! :D

    ReplyDelete
  9. dahil usapang effot to, mag-abang ka na.. pagluluto kita ng corned beef at sardinas paguwi mo dito sa singapore...

    - hulaan mo kung sino ako, hndi ko sasabihin

    ReplyDelete
  10. ayan nag effort na ako...ahahahaa..potah ang taas ng litanya...sa picgreet lang pala napunta.ahahaha..
    pee bday jepoy!

    ReplyDelete
  11. oy ilabas mo yung in-FB kong picture greeting ha

    ReplyDelete
  12. Hahaha. Bute nagbloghop na ulit me, nabasa ko ulit to. Gagawa na nga mey. Hahaha. Ang daming nasabi, picgrit lang pala. Maisend na nga lang yung last year. Nasaan ang effort?

    ReplyDelete
  13. i so love this blog.. maxadow me nkarelate.. kakainis lang at ngyari nga sakin toh!!! lanya!!! hakhak.. I'll try to make you a pic greet.. pramis!!! hehe.. pwede pa share nito sa FB account ko? Tenks!!!

    ReplyDelete