Thursday, September 23, 2010

Shooting Stars..

Can we pretend that Airplanes in the night sky like a shooting star? I could really use a wish right now...Wish right now...Wish right now.

Do you know what I'd wish on those Airplanes in the night sky like shooting star over and over again? Very, very simple...

A Picture Greeting for my birthday.

Lame?!

Yeah it is.

But that will really really make Jepoy a very happy camper on his birthday.

Just imagine giving a jelly bean to a cute 5 year old boy. Imagine those cute little smile. Those teary puppy eye that brightens up upon seeing those colorful sweet jelly beans on your hand, the most wonderful thing he could have for the day. Can you stand not giving it to that little one?

Jelly bean is my picture greeting.

D'ya get et?

Can you stand not giving one? Despite this modern digital era we live in were taking a picture is as easy as shaving your pubs. You have 99 profile pictures on facebook, 55 on myspace, 2o on multiply and 3 on blogger and yet can't give one to Jepoy for a picture greeting? I guess not huh?!

But if you care a little bit, just a little bit of damn care for an online friend who will celebrate his birthday lonely, cold, and homeless. Go send your picture greetings on iamalivingsaint@gmail.com...

Arte lang lahat! Tablan sana ang matigas nyong puso...

Labyu! hihihihi

Wednesday, September 22, 2010

Realization...

May nabasa akong article online tungkol sa isang YP about my age na namatay dahil sa stress sa trabaho earlier today. Sumakit lang daw yung tyan nya then boom..Next thing happened was nasa morgue na ang katawang lupa nya at kinakarne.

Nagulat lang ako na nakamamatay pala ang stress just like that! Buti nalang petiks me sa work... Sabi sa article isa daw syang Consultant sa isang kumpanya na itago nalang natin sa pangalang HP. tapos, ilang days na daw syang may back pain at parang sumasakit ang tummy. tapos yun nga. Deadmeat dahil sa work stress.

Pasalamat ako dahil sa totoo lang HINDI ako na stress MASYADO sa trabaho...minsan lang (binigyang diin ang hindi masyadong na stress).

Kanina dumating 'yung isang close friend ko na galing ng bakasyon sa Oz, nag lamierda sya doon ng bongga. Bali Originally sa Singapore sya nag tra-traho sa isang sikat na TelCo doon, sabi nga nya resigned na daw sya at nag bakasyon muna sya ng one month. Based on her story, hindi ko kaya ang demands ng work nya. As in On call kung On Call sya potashet! Pag may server downtime or problem sa main distribution frame at hindi mo na-sagot or na return call ang tawag ng kasamahan mo within 2 hours tapos' ang career mo! more more pulot ka ng snails and turtle sa kangkungan para isigang upang mabuhay. Putakels lang! Kaya nga daw mababaw ang tulog nya parati. At sa isang vibrate lang ng cell phone eh parang ni ne-nerbyos sya at nagigising kaagad. Ganown ang effect! Parati daw mababaw ang tulog nya.Napagod na daw sya kaya nag desisyon na mag resign at mag pahinga muna ng isang buwan. Mayaman much?! Maraming budget?!

Naitanong ko tuloy sa sarili ko, handa na ba ako na mag trabaho ng hindi nag re-refresh ng facebook sa isang araw sa opisina? Handa na ba ako mag trabaho na hindi nakikipag landian/Chismisan sa YM? Handa na ba ako na mag trabaho na bawal mag blog at mag bloghop? at higit sa lahat handa na ba akong mag trabaho ng walang youtube?! I'm like can not be borrow one from one. Corny! Basta, parang hindi ko pa yata kaya iyon sabi ko sa friend ko.

tinanong nya ko pabalik, Eh kelan pa Jepoy?!

Ewan! Hidni ko alam! Na iistress akong mag isip! nakaka pressure! nakakakain pa naman ako ng tatlong beses isang araw eh yun nga lang dildil ng asin much.

Para sa akin lang hindi man kalakihan ang sweldo ko at napaka impakto ng boss ko at nakakaburaot man ang trabho ko eh, sakabilang banda dapat parin akong mag pasalamat dahil pwede akong mag youtube. JOke! I mean, dapat parin akong maging positive at maging thankful. pero pag inalis nila ang youtube! Hello Singapore! LOL

Kung rant at rant lang naman eh baka mapuno ko ang entry na ito ng bitterness pero i choose not to. Maikli lang ang buhay. Hindi natin alam kung kelan tayo ma de-deadmeat kaya dapat ienjoy at icelebrate ang life. Point is, wag masyadong mag pa stress sa kahit na anong aspeto ng buhay natin. Paminsan-minsan eh dapat i treat natin ang sarili natin. Go out. Travel. mag pa-spa. have fun. Sing. tumawa ng halos matae ka sa tuwa. Eat. Pray. Love (Promotion?!) Posive vibes parati dapat.

At dahil dyan... Penge ng picture greeting puta ka! (KUNEKSYON?!)

Ako'y mawawala muna pansamantala dahil may promo tour me around the globe para ipromote ang pluma ni Jepoy. Arte lang. Mag babakasyon lang muna me kelangan ko na kasi talaga ito naks! Hindi ko dadalhin ang aking laptop. Hindi ako mag iinternet. Promise! Mag rerelak muna si Jepoy ng one week. Kaya sana mag send na kayo ng picture greetings dahil malapit na ang birthday ko. Sa Oct 19 na. Oo excited me. Salamat nga pala sa lahat ng send ng picture greeting lalong lalo na sa mga readers na wala naman blog tapos nag send ng picture greeting. Natats me. Tenchu po talaga.

Ma mimiss ko kayo! God Bless!

Monday, September 20, 2010

Sunday...

Kaninang umaga binibilang ko ang nag padala ng picture greetings, napa smile naman ako kasi dumadami na sila. Ang dami palang nag mamahal sakin, i'm like so tats all over the sensitive parts of my body, kinikilig ako na parang huling patak ng ihi sa morning, ganown!. Naisip ko lang, ang isang nobody sa mundo ng blogosperyo ay my online friends na pala, i'm like whoa that was cool! Arte lang.

Dahil Sunday I decided to start my day by going to church. Oo, kahit masama akong anak ni Papa Jesus nag sisimba naman ako. Na tats again ang matigas at macholesterol kong puso habang nag praise and worship sa church. God I miss et so much!!!! Naluluha-luha pa ako habang kumakanta kay Papa Jesus habang nag pray ng taimtim. Syempre tinaas ko yung dalawang kamay ko ng bongga habang nag pray ng taimtim at umaawit na mahinang-mahina. Ang gaan-gaan sa puso feeling ko bumalik muli ang Halo ko.

Syempre hindi lang natatapos ang pag simba sa emotional part, kelangan makinig ng preaching at iapply sa pangaraw-araw na pamumuhay. Nakinig ako kay Pastor Ed Lapis ng tunay at wagas, at iniwan sa puso ang katuruan ni Papa Jesus for the week. Oo, may ganun talaga! Hmp!

After 3 hours na tapos na ang Church Service nagutum na me. Pag pasok ko ng kotse nampota napaso me sa manubela ang inet! Nakalimutan kong ilagay ang refelective panangalang sa araw. Shet! kakasimba ko lang napamura me. Haist! Nag crack tuloy halo ko! kainis much...

After ilang minutes drive na papunta MOA at naramdaman ko nang may mali sa Mall dahil ang trapik. Well, hindi nga ako nag kamali dahil sa Six Floor ako nakakuha ng parking. Sale pala sa MOA. Nyeta much! Punong-puno ng hampas lupa ang mall. Pag sale kahit hindi naman bibili nakikipagsiksikan grabeh so inet the aircon is not making talab and just imagine naroon lahat ng hampas lupa kahit di naman bibili makapag mall at makakain lang sa jollibee. JOKE!!!!! pero seryoso ang daming tao. AS EN! I'm like what are these Orc's doing here?! They make lakad without buying stuff so kadireee! Arte lang. Syempre hindi ko sinabi 'yun kaka church ko lang kaya. Nakaka hagard mag lakad grabe parang palengke ang MOA.

Nakaramdam ako ng gutom kaya naisip kong kumain na muna ng lunch. Kumain ako sa Subway ng Roasted Chicken breast with all vegies in et except Olive and Jalapeno. Oo, yan lang ang lunch ko maniwala ka! ahahhaha. Pag tapos kong kumain nalungkot ako dahil ako lang magisa. Haist! Okay lang sige iikot lang muna ako sandali tapos uuwi na me. I'm so pathetic wala me date. wala me sinusundut sa tagiliran. Wala me binubulungan sa tenga tapos tatawa ng hihihihi. Wala me kaholding hands. Wala me kahati sa coke sa isang straw. Pero ayos lang! Go! Gusto kong bumili ng pocket bag na gagamitin ko sa aking pag lamierda next week. Tutal sale pasok sa North Face at bili ng bag. Hindi ko binili ang mahal ahahaha. Bukas nalang pag-ninilaynilayan ko muna.

Maya maya may nag TEXT!

Yehey may date na me! Eto picture. Wag kayong mag isip ng masama Okay kaka church ko lang!

Sya si Anna. Ang dami namin napag kwentuhan nag enjoy me so much. Una namin napag kwentuhan kung paano gumagana ang reactor sa planta. Kung paano na nagiging accepted ang effluent value ng isang water waste sa isang planta. Kung paano ang mechanismo ng reactor at process ng water treatment sa water waste. Nose bleed ka noh?! Ako slight lang ang talino ko kaya. JOKE! Syempre nosebleed din me dinaan ko nalang sa pag papacute para kunyari na gets ko. At marami pa kameng napag kwentuhan sikret na 'yung iba. ahahahha

Kung nakarating ka dito aba eh salamat at hindi ka nag skip read. Tinatamad na ko mag kwento. Tae muna me.

God Bless!!!!


Saturday, September 18, 2010

Birthday Wish...

Hindi ko alam kung may patutunguhan ang entry ko ngayon basta ang alam ko lang gusto kong mag emo. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh, kaya ayokong nagbabasa ng mga makekesong novel. Na-aapektuhan ang puso't balun-balunan ko. Sinabayan pa ng mga emo shit songs na nag pla-play sa ipod ko. Ay... wala pala akong ipod WTF! Dito lang pala sa computer ko sa opis.

Mag bi-birthday na nanaman kasi ako next month kaya siguro ganto medyo ma-emo. Alam nyo noong bata palang ako at sipunin pa at wala pang bulbul sa dibdib hindi uso ang birthday celebration samin. Sayang naman kasi ang perang ipang hahanda para palamunin ang mga hampas lupa kong non-showbiz friends sa kalsada. Kaya sa t'wing birthday ko bibili lang si Mama ng paborito kong Siopao. Take note hati pa kame ng kapatid ko doon. Kawawa much?! I don't think so, kasi masaya na ako doon sa ganun. Hindi ko naranasang magkaroon ng birthday cake at Mcdonalds mascott na nag sasayaw kasi naman hello sayang naman. Hindi ko rin naranasan mag ihaw ng hotdog na may marshmallow sa ibabaw tapos itutusok mo sa katawan ng puno ng saging na naka cut into cross-wise. pero ayos lang yun, no biggie. Ang importante sakin kumpleto kame at nag mamahalan ng tunay at wagas. Puta parang telepantasya lang. Pero too 'yun.

Dahil sa munting kwento ko, meron na siguro akong license na mag birthday wish. At dahil one month pa naman bago ako mag birthday may panahon pa ang mga nag mamahal sa akin na mag save para sa aking bigday. Ito ang gusto kong regalo sa birthday ko.

1. Picture Greetings mula sa blogger friends/Officemates/Friends (Taaamaah!!!)

2. CK Boxer briefs pwede narin Jockey kung nag titipid (yung kulay green para kinky)

3. E-heads THE HEADSET (complete set ng cd's nila rakenrol \m/)

4. External HDD (wag naman sana 40GB lang obsolete na yun, choosy much?!)

5. Iphone4 (fine mahal! Malay mo lang naman mahabag best friend ko. Puta ka tablan ka naman)

6. Gummy Bears or Gummy Worms or Reese's Peanut butter cups

7. Lebron Shoes

8. Rick Riodan Red Pyramid Book

9. Sofitel buffet lunch/dinner

10. Power Hugs from Mama, Papa, Utol


Sa totoo lang kahit yung numbers 1,6 and 10 lang ang matupad im gonna be the happiest birthday boy in town...

Happy Weekend!!!

Thursday, September 16, 2010

Wala lang...

Ang dami-daming mga salitang Urban na nauuso nowadays, at kadalasan hindi ako nakakarelate sa mga ito or kung alam ko man eh hindi ko naman alam i-execute sa convo ang mga litanyang ito, siguro dahil tumatanda na me. Kadalasan ang mga urban words na nauuso ay ginagamit ng mga putang youngsters na naka jejemon look or 'yung mga naka body fit tapos naka skinny jeans na naka emo hair. Hindi ako bitter dahil hindi naman ako sumasabay sa uso sa porma ng mga kids na ito, duhr!

Para lang kasing kabuteng nag susulputan ang mga salitang urban na kalat na kalat maging sa YP's. Minsan nga natatawa ako dahil may mga nag pupumulit i-execute ang mga urban words na ito makiuso lang pero sablay hihihi. Madalas mapapanood din sa TV na ginagamit ng mga artista ang mga salitang ito, dahil nga siguro uso kaya ganun. Susubukan kong ilista ang mga ito at gamitin sa sentence ng ayon sa pag kakaintindi ko. Kung sablay ang sentence sorry naman.


1. Major Major- Pinauso ni Venus Raj at sa tingin ko dahil napaka init nito, hindi ko na kailangan pang iexplain. Gagamitin ko nalang sa sentence. Kung sablay or mali ang pag kakaexcute ko sa sentence eh, sorry naman.

Sample Sentence: Kung mag papadala ka ng picture greeting kay Jepoy dapat Major Major now na! (fail!! LOL)

2. Much- Salitang Ingles na karaniwang idinurugtong sa verb para mas maging superlative ang mensahe ng phrase or para mas bigyan ng diin 'yung bagay na gusto mong sabihin. Yun nga superlative din (ang gulo ko!). Proceed to sample convo nalang tayo.

Sample convo: Dapat mag send na kayo ng picture greeting para kay Jepoy now na. Nag mamadali much?!

3. Palong Palo- Pinauso ni Angelica Panganiban sa isang Pelikula kung saan sinapian sya ng katawang bakla ni John Lapus. Karaniwang ginagamit ang salitang ito para sabihing "superb" ang isang pagkain,bagay,pangyayari or sa mismong tao. Ektweli, pwedeng gamitin kahit saan basta tama ang pag kakabitaw ng salita or what they call nasa hulog. Madalas ko itong marinig sa mga babaeng maiingay sa MRT.

Sample Sentence: Palong-Palo ang mga picture greetings na ipapadala ng mga blogger/reader friends ni Jepoy.

4. TaMahh- Hindi ko alam kung saan nanggaling ito pero may paraan parang bigkasin ang salitang ito. I-pro-prolong mo ng bahagya ang 'Ta' tapos pa-rising intonation na may stress naman sa 'Maaaa'. Go Practice! (uy ginawa nga! bwahahhaa)

Sample Convo: Mag papadala ka ba ng picture greeting kay Jepoy ngayon?... TaaaMaaahhhh!

5. Mga salitang gagawin mong patanong. Pwede rin sentence. Mas madaling ipakita sa sample convo para magets nyo. Go!`


Sample Convo: Jepoy: Tangina nyo mag padala na kayo ng Picture Greeting NOW NAAAAHHH!!!!
Unknown: Nag mamadaleee???!!!!!
Jepoy: Yes, Puta ka!
Unknown: Galeet?!

6. Pa-burger. Hindi ko alam kung saan nag originate bigla ko nalang narinig ang mga officemates ko na nagsasabing mag pa burger ako. Ako naman si tanga literal na bumili ng burger. Tanga much?! Pero ang ibig sabihin nito ay treat mo sila because something went right sa'yo. Pwedeng work promotion, new baby, new gf, mga stuff na positive sayo tapos parang humihingi sila ng libre. Ganown!

Sample Convo. Yessssssssssss na promote ako! Pa burger ka naman. burger! burger! burger!

7. jejemon, jeje words. I think hindi ko na kelangan pang i explain ito. sample sentence nalang.

Sample Sentence. Eyow fphowz! Pichurz Gr8tng n4m3n dhy4n 4 mY Bhurtdh4y!!! T3nchuw fphowz!!!

8. Achieve na Achieve. Nag mula din kay Angelica Panganiban mula sa pelikulang Here Comes the Bride. Hindi ko ma explain pero mag bibigay nalang ako ng example to best explain this. Madalas ko rin itong naririnig sa mga babaeng maiingay sa MRT.



Ang picture sa taas with red mark ay achieve na achieve lalo na kung mag sesend ka ng picture greeting (maisingit lang...)

9. Pak na Pak. Hindi ko alam kung paano gamitin ito pero sa aking imbistigasyon sound ito ng click ng ng camera. Pak sabay pose, ganown! Tingin ko nagamit din ito ni Angelica Panganiban sa Here Comes the Bride na movie. itr-try kong gamitin sa sentence pero hindi ko sure kung tama.. reminder ito ni kuya Soltero na mag papadala ng picgrit diba kuya?!

Sample Sentence: Habang tumatakbo ako kanina naisip kong icheck ang email ko kung may nag send ng picgrit, nakita ko meron na nga. pag bukas ko Pak na Pak! alabet!

Wala na akong maisip na maidagdag dahil tinatamad na me kaya dapat ko nang tapusin ang isa nanamang walang ka kwenta-kwentang entry...

Yown lang...

Monday, September 13, 2010

Quickie Post

Mahirap magkasakit.

Kung kelan ko kelangan mag Sick Leave saka naman ako hindi makapag Sick Leave dahil noong mga nakalipas na panahon eh nag sakit-sakitan na ako dahil tinatamad me mag work. Putakels lang kasi ngayon ayaw na maniwala ng boss ko na may sakit talaga me. Sus! Eh, may sakit naman kaya talaga me. Hirap na hirap na nga ang katawang lupa ko dahil meron akong napakatinding karamdaman.

Meron akong Sipon at Ubo na may kasamang pabugsu-bugsung Flu. Haist! Tinatablan din pala ng sakit ang mga hippopotamus. Kulay green ang plema ng ilong ko ang lagkit-lagkit. Pinag mamasyadan ko sya sa tissue paper iniisip ko kung pwede ba syang isama sa sinigang bilang mahiwagang flavor. Eiw! Jowk lang... Meron narin akong Ubo na kasing tuyo ng dessert sa Saudi, ang sakit-sakit na. Senyales na yata ito upang tigalan ko na ng tunay at wagas ang paninigarilyo.

Pasensya na kayo dahil hindi ko makuhang mag bloghop sa mga walang kwenta nyong blog nitong mga nakalipas na araw. HOY JOKE LANG HA! Wag sensitive. Hindi me makapag basa kasi parang nahihilo ako pag tumitingin ako sa screen ng laptop ko hindi kasi Apple ahahaha. Seriously, nahihilo talaga ako kaya nag pahinga nalang muna me habang nag kakamot ng talampakan.

Honga pala. Alam nyo ba na birthday ko na NEXT MONTH??!!! Oo tama birthday ko na. Ipapasara ko ang greenbelt punta kayo ha!!!

JOKE!!!!

PENGE naman ako ng picture greeting nyo. Puh-leeeaasssssse!!!! *insert nag mamakaawang sad face here*

Kung hindi nyo alam kung ano itsura ng picture greeting, eto tignan nyo ang picture greeting video na ginawa ko last birthday ko.

Binibigyan ko kayo ng 20 days para gawin at isend ang cute pictures nyo sa iamalivingsaint@gmail.com. Sige na close naman na tayo diba?

ang lahat ng mag bibigay ng picture greeting ay may libreng kiss *SMACK* sakin tsaka since naging parte na buhay ko ang blogging maging tunay na masaya ako sa aking burthday kung mag bibigay kayo ng picture greeting.

Tenchu!!!!
Mangungulit ako everypost ko para ma remind kayo. Okay...

Friday, September 10, 2010

Going the Distance

This is not a movie review.


Wala me magawa kaya na nood ako ng mubi kahapon. Maaga kasi akong pumunta sa mall para ibili ng goldilocks stuffs ang aking kaibigan na based sa States. Sya 'yung super bait na nag iisang pinay doon sa company namin sa tate, lagi nya kame iniivite sa mga family gathering nila kaya hindi ako na ho-homesick much noong time na nandoon ako, open 'yung house nila for us, parang family 'yung turin nya samin, kaya naman sa 'twing meron ma o-offshore samin I make sure I give something for her, that's the least thing I can do to return her kabaitan to me.

So back to the movie. Sa DVD nyo nalang panoorin. Ahahaha!

Okay naman 'yung movie para sa akin kasi i never expected much from romance comedy these days. Ektweli, ito nga pinili kong palabas kesa naman Mamaratzi o Exorcism 'yung panoorin ko. Ayoko nga ng horror baka maihampas ko 'yung coke at popcorn sa katabi ko pag nag kagulatan magka rambulan pa sa sinehan. Dati nga 'nung pinanood ko 'yung "Shutter" Thai version yata 'yun, montik ng lumipad yung laptop ko 'nung nagulat me. Putakels! Scared me.

Dami kong segwey, haist! whurabout the structure of this post?! Gone...

Okay, go! Simple lang story ng mubi it was all about LDR or Long Distance Relationship. Erin played by Drew was a Journalist intern in one of the New York Newspaper company tapos si Garret played by Justin Long was working in a Music Label company as a talent scout yata or something near to that. They are on their early thirties. They both came out from bad relationships. Si Garret was never committed to any girls or hindi nya kaya talagang mag commit, and Erin gave up everthing for her ex tapos di rin nag work out kaya nga at her age 31, eh nag sisimula palang nyang ibuild yung dream nyang maging fine writer. They met in the bar. Then Boom, SeX!... Became friends with benefits for a short time then they both realized na they wanted each other badly, for real this time. Yes, They fell in love (CHEESY POTASHET!!!). Kaso lang, si Erin needs to go back to San Francisco kasi intern lang naman sya sa NY and unluckily no work for her there. While Garret naman has work and life in NY. So na showcase, 'yung hirap ng isang LDR. Na showcase 'yung confusion on whether to sacrifice your career just to be with you love, or you would rather choose your career and bare the hardships of an LDR. Hindi ko na kwento kung ano ending para naman panoorin nyo kahit itorrent nyo nalang. So, Sounds interesting? Yes it is, but unluckily wala akong na alala pag tapos ng movie, unlike dun sa 500 Days of Summer na tunay at wagas na maaalala mo ang story. Nonetheless, this movie isn't as crappy as Jeniffer Aniston's boring and forgetable movie recently. Sobrang funny ng side kick ni Justin Long. Ang daming eksena na napatawa ako ng sobra, nautot nga me sa mubi house na malakas. Pero diba pag malakas 'yung utot walang amoy 'yun nga lang may sound. Deadmeat lang ako wala naman akong kasama eh. Ganun ako na tawa sa putang sidekick ni Justin long at 'nung nag sex sila drew at Justin sa Mesa tapos nahuli sila, DAMN FREAKIN' Funny...

ito 'yung trailer you might be interested go buffer it




Before I end this post I would like to get you two cents (MAY GANUNG PAKULO?! Parang putangina lang) If you will be in that situation, would you settle for LDR or would you find way to be with your love and give up what you've been dreaming for the rest of you life? Would you take Chances through LDR and gamble? Para lang masayang pag brainstorming or debate topic eh no..

YOWN LANG!

Kthanksbye!

Wednesday, September 8, 2010

Kubeta

I never felt so scared in my entire life. I was looking at this self inflicted mess and I couldn't think of a way to start fixing it, to start picking up the broken pieces of my sanity to build my self up... to become whole again. Should I give up? Should I take my chances? Should I ask help? I succumbed into a great pensive of loneliness, confused, alone and helpless. Yes, I needed help. I just couldn't accept the fact that I needed one. Therefore I lied. My mind says I can do it but the truth is...I really can't. I know I am weak. But still, I'd like to prove them wrong.

AYOKO NA!

Hindi ko na kaya mag uminglish! Nosebleed much.

Gusto ko lang namang ikwento na nahirapan akong maglinis ng kubeta kanina. Nangigitata at nanlilimahid na kasi ang mga putang molds sa lahat ng sulok ng banyo. Lalo na ang ding-ding sa shower area kung saan na mumuhay ang dead sperms sa panahong tag tuyot, pati ang shower curtain naninigas na rin ampota, pwede na syang tumayo mag isa dahil sa sobrang tigas. 'Yung toilet bowl ang dami naring molds. Hindi na ako makatiis kaya kelangan ko ng gumawa ng paraan. Ektweli, tinawagan ko si Mama kung pwede nyang papuntahin si Pinky (labendera/alalay ni Mama) sa Maynila para mag linis ng CR ko, pati narin mag linis ng aking munting tirahan.

"Mama Paluwasin mo naman si Pinky please ang dumi-dumi na ng CR ko, nahihirapan na me tumae parang umaatras na yung tae ko pag nararamdaman kong madulas na ung sahig dahil sa molds.."

"Punyeta! ang laki-laki mong tao hindi mo malinis ang sarili mong banyo? Ganyan ko ba kayo pinalaki? Hindi habang buhay may mag lilinis ng banyo mo? Paano kung nag tra-trabaho ka na sa ibang bansa? Nakakahiya sa house mate mo sabihin hindi ka tinuruan ng magulang mo. Gusto mo ba 'yun?!"

"Mooom, please understand naman oh. Babayaran ko naman si Pinky eh, it's not like gugutumin ko sya here"

"Kahit na! Punyeta ka nag eenglish ka pa. kuskusin mo ang sahig ng banyo mo matutu ka! at yung toilet bowl kamayin mo yan. Hindi yan puputi magisa. lab You."

tooot..

So wala akong choice.

Hindi kalakihan ang banyo ko. Maliit lang sya kaya kung tutuusin madali lang linisin. Ang mahirap talaga ay hindi ko maipit ang abs ko. Fine! tyan ko pag nag lilinis ng sahig. Tunay na tunay at wagas ang effort ko. De pota pinapawisan me sa lahat ng parte ng katawang lupa. Haist, makapag fun run na nga.

Gumamit ako ng Clorox para mamatay ang germs at habang tumutugtug ang awiting Hillsongs Music na favorite kong pakinggan eh hindi ko naramdamang tapos na ang pag lilinis ko. Ngayon malinis na ito ng tunay at wagas.

Pwede na me mag merienda ng Pancake na may Peanut Butter on Top! Woot!

Kthanksbye!

Monday, September 6, 2010

Blogger Meet up

Naimbitan ako sa isang maliit na blogger meetup. Short notice ito pero dahil wala naman akong lakad, I mean hindi natuloy, eh naisipan ko naring sumama...

Sharing pictures to you people...

]








Realization: (Oo dapat meron realization)

Masarap makipag EB sa blogger, parang may instant connection. 'Yung tipong feeling mo sobrang tagal mo na silang kakilala. 'Yung ganown. Parang ang dami-dami nyong pwedeng pag usapan. And the more you discover things about them, the more na mas masarap makipag kwentuhan, meron din naman na after mong ma discover yung pag uugali eh, ayaw mo nang makisama pang muli. Wala namang ganun sa kanila nasabi ko lang ang 2 faces of a coin para kapanipaniwala ang realization ko.ahahha. I know it's not proper to judge a person but you can perhaps say what kind of person they are by merely reading their blog entries kahit pa bad things about them yung sinusulat nila eh, positive parin yung dating sa readers because readers can see the message behind those kind of entries. May nakaka relate ba? Or lumalabas lang ang frustration kong maging isang Clinical Psychologist wannabe?! Basta, ang cool lang ng EB last time kahit wala naman kameng makabuluhang bagay na ginawa at pinag kwentuhan. hahaha. Actually nag nosebleedan lang kame dahil sa career stuff usapan kasi mag kakaiba kame ng industry.

And one more thing, common denominator lang pala nating mga blogger ang pag susulat online but that doesn't suppose to end there. Yes, friendship is an option here but I don't offer mine to anyone (Attitude?!) joke lang ahahahah.

napasobra ata ang singhot ko ng katol...

Kampay mga kablogs...Blog on. In one way or another you inspire people like me through your writings kahit feeling nyo wala namang kwenta and ang panget-panget. Sa totoo lang, ang ganda kaya ng structure...

Kthanksbye!

Thursday, September 2, 2010

Blogger of the Month- September Edition

Panandalian ko munang iiwan ang pag kwe-kwento ng kung ano-anong shit dahil mag ma-make way muna ako sa buwanang blog award na ipinagkakaloob ko sa may pinaka mabuting puso na blogger sa mundo ng sapot. Chos!

Aktwali panahon nanaman ng pag re-recognize ko sa napili kong blogger of the month para sa month of September.

Dahil naging parte na ng pang araw-araw na routine ko ang pag babasa ng iba't ibang uri ng blogs, sa tingin ko magandang way itong pakulo na ito para ma recognize ang talent ng napili kong blogger of the month. Atleast mabahiginan man lang sila ng fame ko [insert matalim na kidlat at makas na kulog here]

Sana wag kayong mag tampo dahil isa lang ang pwede kong ifeature monthly, hindi naman pwedeng lahat kayo i feature ko araw-araw nakakapagod naman ata 'yun. At sa totoo lang ang hirap mag decode ng facebook ng may facebook. Ang hirap mag hanap ng picture nyo, Sus! Ibang level ng technical talent ko ang ginagamit ko dito. Haist, pagod me.


Anyway choknut (Oo, walang rhyme) Leme prezent to y'all our blogger of the month (englishing much?!)


Sya ay walang iba kundi si Yow a.k.a. Josh Villanca. Isang Nursing student mula sa College of the Immaculate Conception, tunay na may dugong blogista tulad natin. Ngayon pwede nyo na syang abangan sa labas ng campus para mag pa autograph dahil ang galing-galing kong stalker. Si Yow ang itinadhana ng Universe na blogger na tatalo sa hits ni Perez Hilton. Sya na!!

At para dumami lalo ang fans ni Yow ginamit ko ang kakayahan kong idecode ang security ng facebook para makuha ito. Boom! Panis!





para makilala si Yow ng lubusan. Basahin nyo ito. Kinupit ko sa indroductory description ng blog nya. Sya na!


"Kung naligaw ka sa blog na 'to, maaaring mapaisip ka o mapagmuni-munian mo kung sino ba ang taong may ari ng putol na kamay sa header ng blog na to. Morbid ka kung maisip mo yun pero hindi ako yun. Hindi ako putol. Hindi ako hiphop. Hindi ako niggah. Pero YOW! Yow ang pangalan ko.


* Walang bakas ng 'Yow' sa buo at tunay na pangalan ko.
* Yung EX ni greta ang nagsimulang magtawag sa kin ng Yow.
* Nagustuhan ko naman ang tawag kaya ginamit ng palayaw.
* 19 years old. Teen. Baby-face. Ne?
* Status, In a relationships. -ship lang pala. Haha. Joke lang Bebe.
* I kissed my girl and I liked it.
* Proud baryo peop. Isang Novo Ecijano.
* Nursing student.
* Extrovert.
* Has history of being snob.
* Malikot kaya dumihin.
* Maingay kaya pansinin.
* May boses pero di kagandahan lalu't higit sa kantahan.
* Marunong sumayaw. Marunong lang.
* Matalino period. Pero hindi ako sobrang galing mag-aral.
* Gwapo sabi ng 10 tao. Siyam dun kapamilya. I love my family.
* Masayahin. Umaabot sa pagkakataong tumatawa mag-isa.
* Short-tempered sa paghahanap ng nailcutter, nahulog na thumb tacks o kahit anung walang hiya, buset at nagtatagong maliliit na mga bagay. Grrr..
* Mahilig ako kumain. ng kumain. ng kumain. Pero di tumataba (masyado).
* Di ako umiinom ng gatas, kahit na masustansya kapag nag-check the labels.
* Ayoko ng beef, nahihilo at nasusuka ako sa lansa at anggo.
* Nakapatay na ako ng langaw at lamok.
* I'm a green person. Oo, mahilig ako sa kulay green.
* Hindi pa ako nagkakabeke o tigdas, kung busit ka, sa malamang hawahan mo ko.
* Mayroon akong BESTS. High School at College category pa.
* Maganda ang Showtime para sa kin. Kaya sinunod ko pangalan nito sa show.
* Mahilig ako magsulat. Writing is a way of expressing feelings. I write to express not to impress. Kaya may kakaibang ligaya kapag nagsusulat gaya ng ligaya mo kapag naliligo at.. yun. Naliligo.


Ikaw na malikot ang kamay kakapindot sa mouse mo, tutal naligaw ka na din dito, WILKAM PO! :)
Ito ang Its Yow time. Kung tutuusin mali ang grammar nyan pero hayamuna. Mailusot na lang. Di rin naman ako sobrang galing mag-ingles. Slightly lang. Slightly? Haha.


Ang blog na ito ay mapupuno lamang ng mga kwento ng buhay, opinyon, experiences, kalokohan, kabulagstugan, ka-cornyhan, at sharing ng kung anu-anong bagay ni Yow. Kaya nga oras ni Yow eh, time ko talaga. Ako muna ang nasa eksena. Ako muna ang bida."

Congratulations YOw! Ikaw na! pakipasok nalang ang bayad sa aking paypal account. Jowk! Blog on...