Monday, September 20, 2010

Sunday...

Kaninang umaga binibilang ko ang nag padala ng picture greetings, napa smile naman ako kasi dumadami na sila. Ang dami palang nag mamahal sakin, i'm like so tats all over the sensitive parts of my body, kinikilig ako na parang huling patak ng ihi sa morning, ganown!. Naisip ko lang, ang isang nobody sa mundo ng blogosperyo ay my online friends na pala, i'm like whoa that was cool! Arte lang.

Dahil Sunday I decided to start my day by going to church. Oo, kahit masama akong anak ni Papa Jesus nag sisimba naman ako. Na tats again ang matigas at macholesterol kong puso habang nag praise and worship sa church. God I miss et so much!!!! Naluluha-luha pa ako habang kumakanta kay Papa Jesus habang nag pray ng taimtim. Syempre tinaas ko yung dalawang kamay ko ng bongga habang nag pray ng taimtim at umaawit na mahinang-mahina. Ang gaan-gaan sa puso feeling ko bumalik muli ang Halo ko.

Syempre hindi lang natatapos ang pag simba sa emotional part, kelangan makinig ng preaching at iapply sa pangaraw-araw na pamumuhay. Nakinig ako kay Pastor Ed Lapis ng tunay at wagas, at iniwan sa puso ang katuruan ni Papa Jesus for the week. Oo, may ganun talaga! Hmp!

After 3 hours na tapos na ang Church Service nagutum na me. Pag pasok ko ng kotse nampota napaso me sa manubela ang inet! Nakalimutan kong ilagay ang refelective panangalang sa araw. Shet! kakasimba ko lang napamura me. Haist! Nag crack tuloy halo ko! kainis much...

After ilang minutes drive na papunta MOA at naramdaman ko nang may mali sa Mall dahil ang trapik. Well, hindi nga ako nag kamali dahil sa Six Floor ako nakakuha ng parking. Sale pala sa MOA. Nyeta much! Punong-puno ng hampas lupa ang mall. Pag sale kahit hindi naman bibili nakikipagsiksikan grabeh so inet the aircon is not making talab and just imagine naroon lahat ng hampas lupa kahit di naman bibili makapag mall at makakain lang sa jollibee. JOKE!!!!! pero seryoso ang daming tao. AS EN! I'm like what are these Orc's doing here?! They make lakad without buying stuff so kadireee! Arte lang. Syempre hindi ko sinabi 'yun kaka church ko lang kaya. Nakaka hagard mag lakad grabe parang palengke ang MOA.

Nakaramdam ako ng gutom kaya naisip kong kumain na muna ng lunch. Kumain ako sa Subway ng Roasted Chicken breast with all vegies in et except Olive and Jalapeno. Oo, yan lang ang lunch ko maniwala ka! ahahhaha. Pag tapos kong kumain nalungkot ako dahil ako lang magisa. Haist! Okay lang sige iikot lang muna ako sandali tapos uuwi na me. I'm so pathetic wala me date. wala me sinusundut sa tagiliran. Wala me binubulungan sa tenga tapos tatawa ng hihihihi. Wala me kaholding hands. Wala me kahati sa coke sa isang straw. Pero ayos lang! Go! Gusto kong bumili ng pocket bag na gagamitin ko sa aking pag lamierda next week. Tutal sale pasok sa North Face at bili ng bag. Hindi ko binili ang mahal ahahaha. Bukas nalang pag-ninilaynilayan ko muna.

Maya maya may nag TEXT!

Yehey may date na me! Eto picture. Wag kayong mag isip ng masama Okay kaka church ko lang!

Sya si Anna. Ang dami namin napag kwentuhan nag enjoy me so much. Una namin napag kwentuhan kung paano gumagana ang reactor sa planta. Kung paano na nagiging accepted ang effluent value ng isang water waste sa isang planta. Kung paano ang mechanismo ng reactor at process ng water treatment sa water waste. Nose bleed ka noh?! Ako slight lang ang talino ko kaya. JOKE! Syempre nosebleed din me dinaan ko nalang sa pag papacute para kunyari na gets ko. At marami pa kameng napag kwentuhan sikret na 'yung iba. ahahahha

Kung nakarating ka dito aba eh salamat at hindi ka nag skip read. Tinatamad na ko mag kwento. Tae muna me.

God Bless!!!!


47 comments:

  1. Ayiee.. Dumedededate. Haha. Kainis nga sa Moa kapag sale. Lahat ng tao andun. Hawian to the max. After mo kumain, kumain ulit kayo? Ah. Eh. Loss of appetite. Haha. God bless Sir Jipoy.

    ReplyDelete
  2. hello anna!where's karen and nina? joke..ahahha

    ang sarap sarap ng food..feeling ko tuloy yung kinakain ko pangmahirap na level..ahahhaa...

    noong pumunta ako sa MOA last year, parang wala lang...mas pinili ko pang tumambay sa dalampasigan at magpuna ng mga tumatambay dun.ahahaha...

    hindi pa pala ako naka send ng pictures/..makakhabaol pa ba ako?lols

    ReplyDelete
  3. @Yow

    Friendly date lang yan sobra ka hihihi

    @Maldito

    Pwedeng pwede pa noh. magmadali isama ang coupon and ilalaglag sa suking tindahan. Go!

    @Xprosaic

    Nasan na contribution mo puta ka!

    ReplyDelete
  4. Okay... ibibigay ko na nga pic greeting ko... AY VID GREETING PALA SIA ACTUALLY. kahapon ko pa natapos kaya mapapansin mo medyo pareho kmi ng suot dun sa isang vid ko na nakapost na. hahahahha! originally, gumawa tlaga ako vid for u tapos siningit ko ung nakapost ngayon na nakikita mo so talagang ung syo ung dhilan bkt nagkavid ako. =p andami ko kayang kuha para perfect vid ko syo haha. pinuno memory ng laptop ko =\ hahaha!

    anyway, okay kawawa ka naman at nasira agad ang iyong halo. at talagang dumayo ang mga orcs haha! sana tinawag mo kmi ni legolas! hahahahah!!!

    naka naman... hi anna! paduguin mo pa ilong ni jepoy oki? haha! sarap naman ng kinakain nio...

    ngapala, un din inoorder ko sa subway pero gusto ko may olives at jalapeno. bawal silang mawala. hahahhahahaha. mawala na ang lahat wag lang un MUHAHAHHAHAHAHHA

    ReplyDelete
  5. Sige Jepoy isip muna ako kung sinong photographer kukuha ng pic ko hehe
    =)

    At nagdate pala kayo ni anna ah heheh =) yeah inggit us much LOL

    ReplyDelete
  6. uy may ganun? patay malisya ba? hehe.. :P kelan mo ko bibisitahin??

    ReplyDelete
  7. wow. friendly date :D

    Moa at trinoma ang malls na laging jampack sa tao pag may sale. Yan ang mga malls na dapat iwasan kung ayaw sa mataong lugar. :D

    ung pastor sa kwento mo ung author ng mga books diba? familiar kasi name.

    ReplyDelete
  8. Baka si Anna na ang soulmate mo Jepoy. At ikaw din ang soulmate niya. Yikkkeee! :) Kitakits next week. :)

    ReplyDelete
  9. weh.. kakakain mo lang kumain ulet? hahahaha

    at least hindi ksing boring ng saberdei mo ung sunday mo diba?

    adik mga twit-twit mo eh hahahaha

    ReplyDelete
  10. 'yon ang da moves, may piniprisintang ebidensya! panalong panalo ang biyaya mo mula sa itaas! maghasik ka naman banda dito.

    ReplyDelete
  11. 'yon ang da moves, may piniprisintang ebidensya! panalong panalo ang biyaya mo mula sa itaas! maghasik ka naman banda dito.

    ReplyDelete
  12. wow... may date si koya Jepoy.. hihihi.. tanungin mo muna kung single sya. :P

    yung pic greetings ko, wait lang.. mahaba pa naman ang oras diba.. :)

    ReplyDelete
  13. ayun oh~
    ang kyut nyong dalawa ahihi~~
    ang sarap ng food ah pang mayaman hahaa~~
    waahh mukhang nanosebleed din ako sa pinagusapan nyo about sa process ng water treatment sa water waste.
    haha~

    ReplyDelete
  14. jepoy, pede namang dumating sa dulo ng nagsskip read. lol.

    ReplyDelete
  15. ikaw na ang may kadate. ahahahaha. sabi ko na ay smell something here eh. ahahahahaha. ^_^

    mukhang nag enjoy kayo ah?

    ReplyDelete
  16. Naimagine ko ang huling patak ng ihi in the morning! Nakakakilig nga yan! Haha.

    Dati nung nagsisimba at katoliko pa ko, isa sa hatest part ko ay ang sermon. Lalo na pag iniiba ng pari ang boses nya para lang mag mukhang serious or nakakatakot or kung ano mang gusto nilang palabasin. Parang tangerks.

    Antagal ko ng di nakarating ng MOA! Sana pala nagpakahampaslupa ren ako nung sale! Haha.

    Ang cute naman ng mga topic nyo. Haha. Kung ako siguro kinausap ng ganyan baka nag PSP nalang ako. Hehe. ;p

    ReplyDelete
  17. Celebrate natin yang date mo...sya na ba? hahahaha!

    ReplyDelete
  18. Which reminds me of our lakwatsa na hindi matuloy tuloy! :D

    ReplyDelete
  19. that was a great Sunday with Great God!

    papadala ko na yung pic ko sa wed sir, kasi may time na holiday ulit sa wed eh.

    Be blessed sir!

    ReplyDelete
  20. bonggang bonggang belated happy birthday po

    ReplyDelete
  21. oi jepoy, naalala mo yun disclaimer nyo ni lex (http://tambayannilex.wordpress.com/)na 'hindi kami mag syota?' dapat andito rin yun picture nyong dalawa na magkatabi. hihihihi. para mailabas natin sa sangkalawakan, kung sino talaga ang trulili na 'date' mo kagabi. haha

    ReplyDelete
  22. @Traveliztera

    Alam mo sobra akong na eexcite sa video greeting mo yung parang huling patak ng ihi sa umaga bwahahahha.

    Dibale ibuild ko nalang ung halo ko ulet.

    Alam mo siguro ung jalapeno kaya kong tiisin pero ung olive ayoko talaga, YUCK!!! pero gust ko ng olive oil lalo na pag hinalo sa gulay hihihihi

    @KumagCow

    Sus wag ka na mag isip ng photographer mo, i automatic mo nalang tapos mega pose ganown!

    @Chikletz

    Patay malisya talaga bwahihihi... CHikletz alam mo naman na ikaw ang ultimate goal bisitahin dyan sa states, hayaan mo pag nakaipon ako ng pamasahe bibisitahin kita dyan para maka kiskisang elbow naman kita. Hindi ka mag babakasyon ngayung pasko sa pinas?! Hoy bisitahin mo naman ang bulacan!!!!

    @Khantotantra


    Oo friendly date. Ang friendly friendly ko kaya!!!!


    Oo author nga sya ng maraming books tsaka meron din syang program sa AM staton 702 DZAS

    ReplyDelete
  23. @MarcoPaolo

    Oo sir friendly date ang saya saya nga eh

    @Gasdude

    Isyu ka koya! Hi daw sabi ni anna madami ka daw utang sa kanya.. Kitakits isave mo na sweldo mo ha hahahaha

    @Yanah

    Kung papansinin mo ate ung kinain namin tacos lang yan cajun salad at apple shake hihihi

    @Superbalentong

    Alam pre aabot dyan ang blessing kung papadalhan mo ko ng picture greeting.. Hmp deadma ka sa banga!!!!

    ReplyDelete
  24. @Goyo

    Ikaw talaga goyo...

    Pakipadala na ang picture greeting bilis ahahhaa

    @Unnie

    Muka nga meng haggard dyan ang dami talagang tao at walang wax ang hair ko at may pimple me i hate et...

    @Bulakbolero

    Skipread ka talaga! Hmp!

    @Kikilabotz

    Oi ang arte arte mo kasi. At mali ang pag kakasmell mo sa something fishy ahahhaa

    Oo sobrang nakakaenjoy!

    ReplyDelete
  25. @Vajarl

    Sayang sana nag punta na you ng moa sayang naman ahahaha. PSP talaga, nag papahumble ka nanaman ng pagiging matalino ha...

    @Stibi

    Puta mo! Celebrate ka dyan!!!!

    @Angel

    Onga no, ikaw dapat kaya ang unang unang blogger na imeet ko hindi na tuloy tuloy yan... ahahaa

    ReplyDelete
  26. @Anna

    langya! ahahaha late kasi ung tag ng picture mo sa facebook nagawa ko na ung entry tapos na tae pa ko kaya tinamad na me tapusin... San kayo natuloy na Lex kagabi? Hinatid ka ng kumag?! LOL

    ReplyDelete
  27. nakow, hinatid lang ako sa sakayan. then gora na ako sa uwi. ang bilis, walang traffic. si lex 1 AM na yata nakauwi sa marikina. haha.

    ReplyDelete
  28. ah sya yung magandang girl na kasama nyo sa trinoma.. is she korean?


    kelan kayo nagBKK? kala ko SG?

    ReplyDelete
  29. @Pong

    Thank you Sir, God Bless din sayo

    @Ibanez

    Hindi pa po belated hehehe

    ReplyDelete
  30. kya pla utod klig mo,ke gnda ng kdate(niwla akong friendly d8 lng yn)...ayee!!!lumalablayp?hahaha!alabet...Magsimba ka na ng madalas pag ganyang tuwing smba may mkakadate sa dulo.hahaha!

    ReplyDelete
  31. Naaalala ko yung blogger na yan eh--yung gumagamit ng term na hampaslupa and Orcs...yung andami na nyang death threats...
    hehehehe...

    Ayun eh, dumedeyt na. Pst. Bata ka pa ha.

    ReplyDelete
  32. start the day right and it will end right ^_^

    parang hindi naman friendly date. i can see it in your smile. nang-iintriga lang haha

    teka kelan ba kasi bday mo?

    ReplyDelete
  33. at matutuloy pala ang lamyerda mo hehe buti naman. pasensya na alipin lang ako sa workplace ko kaya no choice but to work. patingin na lang ng mga pics nyo ni tot and company

    ReplyDelete
  34. pwede pacomment? haha. salamat nga pala sa tac0s at sa hal0-halo. hehe. nag-enjoy ako sa pagtambay natin sa MOA. lol. feel ko nga lang nasira ko moment nyo ni anna. jowk! hinatid ko naman sya hanggang sakayan tinamad na kasi akong umuwi ng cavite. hehe

    ReplyDelete
  35. Ang sama ng ugali, hindi nagyaya. Arte lang. Mamaya na yung pic greet mo putangina ka. Mag-eeffort pa ako kailangan kasi maganda ang structure.

    ReplyDelete
  36. gulo mo! kala ko kaw bibisita sakin?! LOL! wala pa kong pambisita sa bulacan eh :(

    ReplyDelete
  37. yowneh... inggit much ako.. nice knowing na nagsisimba ka pala boss. joke. ganon ba talaga pag malapit na ang bday? joke ulit... advance happy bday po.

    PS - ganda ng kadate mo. pakilala mo naman ako. LOL.

    ReplyDelete
  38. belated o advance happy birthday fafa jepoy..

    ReplyDelete
  39. so pretty ur date!
    pero nawindang ako sa bilang kung ilang beses ka kumain?ahmm...

    tuloy lang sa paglait ng mga hampas lupers... :)

    ReplyDelete
  40. Yun naman o. Kaya pala di na nagaaya. Busy! lol

    Haven't dropped by here in a while. How are you, Jeffrey?

    ReplyDelete
  41. @2ngaw

    Kilig ba talaga?! LOL Sows!!!! parati naman akong may date. Oo ako na ang maraming date bwahihihi

    @Ayie

    Bata pa nga me. You know naman na im such a virginal. Friendly date lang mami ayie. don't worry ahaha

    @Sikoletlover

    Hala! naka smile ba talaga? tagilid nga, im i look like a mess i heyreeet! walang wax wala sa porma haist!

    Oct 19 po ang birthday ko... hihihi

    @ The Phillipine Guild

    I get it I get it.. It's okay.

    ReplyDelete
  42. @Beero

    Hala andito ka narin?!!! Nahiya naman me ahahaha! lagot kaw ahhaha

    @Glentot

    Tinxt kita pota ka!!!!

    @Chikletz

    wala nga me pamasahe, ikaw nalang bumisita ikaw kaya dollars ang kita!!! Bilis na kasi...

    @Nafacamot

    Sige Pre pakilala kita next time hehehe. Salamat sa pag bati..

    ReplyDelete
  43. @AdroidENteng

    Oist salamat sa pag bati sir

    @Greta

    Greta pakiss nga bwahihi. Oist ung kinain ko sa subway sandwitch lang. Ung sa fridays salad lang yan tsaka tacos duhrrrrrrrrrrrrr!!!!!

    @Citybuwi

    Hi Nyl, di ka naman kasi sumasama pag nag aaya ako eh. Im good nyl. Lagi ako nag babasa ng entry mo hindi ko lang alam ano i cocomment ko kasi so englishing much...

    GOd Bless You Nyl

    ReplyDelete
  44. ayi! nakakakilig naman :)
    hihihihi

    ReplyDelete
  45. boss makikibasa sa blog mo...:D

    ReplyDelete