I got my first Paris haircut kahapon.
I felt like a celebrity. The French Stylist was cutting my hair and shampooing me, kulang nalang alisin ko salawal ko at mag suut ng CK brief at ready ng lumakad sa red carpet ng Metro Paris Calvin Klein fashion week. kaso baka masuya ang mga tao, isipin nila baket may marshmallow man na kasali. Kaya Steady lang me.
Here's the haircut result (disregard the double-chin, it is freakin me out)
In my opinion, mas maganda parin ang Services sa Pinas. Iba mag alaga ang mga Pinoy ng customers eh. Dito, Kahit dekalidad ang gamit nila still, nothing beats Manong barbershop sa Pinas, sa halagang kwarenta, may makapigil hininga pang masahe na may kwentong barbero pa. Sa Hair Salon naman, may-gupit-na may-masahe-pa at may bonus pang extra service gaya ng libreng Juice at Magazine pati pambobola ng Parlolista kung gaano daw ako kapogi. Pa-pogi daw ako ng-pa-pogi.. Syempre na niwala naman me.
Pag-uwi ko.
Tinapos ko ang Game of thrones na na-download ko. The series was Wicked! Now I have books to read.
Then, I checked my email baka kasi May Nag-Send na ng picture greeting na bago sa incrediblejepoy@yahoo.com.
Kaso wala. Ang sakit. Ang sakit-sakit.
I got really sad. Then I suddenly noticed, I got an email from someone, a very special someone (Oo, may ganyan kumapit ka na)
And then my heart skip a bit *INSERT SUPER BASS By Julie Anne San Jose Here*. Totoo yan hindi yan joke. This part of the my entry is related to this. You can read it if you are interested.
Her email doesn't really contains mushy and cheesy shit. Ito yung tipong email na pag katapos mong isulat nakatitig ka lang sa laptop mo tapos iniisip mo ng 48 years kung isesend mo ba or ide-delete mo yung message. Minsan ito yung email na habang sinusulat mo nag flashback sayo yung habulan nyo sa dagat na nag slow mo habang dahan-dahang humahampas ang agos ng tubig sa maiinit nyong katawan. super Sariwa at bubut parang bayabas lang.
Okay, we weren't together-together (Parang showbiz lang ampf!) but we went out and get a little bit intimate for few couple of times. We were happy back then, at least somehow that was what I wanted to believe back then.. She's young and I'm not so young. 8 years gap. Cradle snatcher much?!
Then we lost communication just like that. Oo parang indie-film lang pero ganun talaga eh. Then I got a job in SG flew here in France trying to be happy. Arte lang.
But Seriously I didn't really know what happened back then. I just thought she realized she should go out to someone like her own age. And then I moved on. Just like that. Sanay na tayo sa maganyang ni-yuyurakan ang puso't damdamin. Katawan lang ko lang ang habol nila. CHAROT!
Well-trained na kaya ang ma-cholesterol kung puso sa mga ganyan.
Fine.
Ako na mamatay na Single kayo na ang may happily ever-after-forever-and-ever. Buset! Oo ampalaya ang ulam me kanina na-pinigaan-ng-apdo-ng-tilapia-at-baboy.
Ang paet lang..
Ang paet-paet...
But seriously, to you thanks for the email. I Appreciate it. I responded back. Just in case naka auto-spam ang email ko, you can go to your spam messages and read it *SMACK* just like the old times. (HONGLANDE KO!)
Can we pretend that Airplanes in the night sky like a shooting star? I could really use a wish right now...Wish right now...Wish right now.
Do you know what I'd wish on those Airplanes in the night sky like shooting star over and over again? Very, very simple...
A Picture Greeting for my birthday.
Lame?!
Yeah it is.
But that will really really make Jepoy a very happy camper on his birthday.
Just imagine giving a jelly bean to a cute 5 year old boy. Imagine those cute little smile. Those teary puppy eye that brightens up upon seeing those colorful sweet jelly beans on your hand, the most wonderful thing he could have for the day. Can you stand not giving it to that little one?
Jelly bean is my picture greeting.
D'ya get et?
Can you stand not giving one? Despite this modern digital era we live in were taking a picture is as easy as shaving your pubs. You have 99 profile pictures on facebook, 55 on myspace, 2o on multiply and 3 on blogger and yet can't give one to Jepoy for a picture greeting? I guess not huh?!
But if you care a little bit, just a little bit of damn care for an online friend who will celebrate his birthday lonely, cold, and homeless. Go send your picture greetings on iamalivingsaint@gmail.com...
Arte lang lahat! Tablan sana ang matigas nyong puso...
Labyu! hihihihi
Sabi nga ng kanta there is sunshine after the rain. Totoong fleeting ang emotions at hindi ka maiiwan sa isang state lang for the rest of your life. It doesn't mean I already moved on but what is important is I am moving forward. May mga parte ng buhay ko na kelangan nalang iwanan na-untouched and unexplained parang figurine lang na naka display sa aparador na pag nakita mo it will just give you flashback of memories either good or bad man ito.
I have been trying to continue my life as usual without any traces of heartache and frustration for sometime now. And I have been very successful in doing so. No one bothered to ask because I simply won't answer them or I will be offended. My personal life is mine and I don't have any plans in sharing them to anyone and I am not comfortable talking about it too, that's why I give others an utmost respect when it comes to this aspect. I have this one person who knew me once but that person gave me the worst heartache I have ever encountered in my life.
But fate has it's on way of leading us to the path were God would like us to find our self lurking and dwelling. At this point, I think life has been good to me and I think I will not pass the idea of being happy once again. Who knows this might be it? Well I would have to figure that out soon, but so far let's just say I'm good...
I am the master of my fate I am the captain of my soul (quoting from the great poem Invictus)
(Geez! looks like father and daughter with my big fat hand)
Naniniwala ba kayo na may mga bagay bagay sa buhay na mas makabubuti nalang na hindi sabihin o alamin? Tulad nalang ng mabaho ang hininga ng girl friend mo or may panis na laway na namuo ang Manager mo sa labi nya pag pasok ng isang morning, eh saktong ikaw lang nakapansin tapos mega smile pa sya sayo. Well, joke lang 'yung examples na iyon para naman maging light parin ang entry na ito. Hindi kasi ako sanay sa mga seryoso mode masyado. Wala kasi akong sense na tao talaga.
Going back.
Naniniwala ka bang May mga bagay na hindi na kelangan pang busisiin at alamin? Kumbaga kung gusto ng isang tao na maging secret ito hanggang ma deadbol sya edi be it para walang complications at kung gusto naman nyang sabihin ito dapat handa sya sa pwedeng maging consequence nito sa relationship nila, tama ba? Isang classic example nito ang pambababae ng mga kalalakihan. Kunwari si lalake may Asawa at dalawang Anak tapos may Talipandas sya na kinalantare sa Opis. Sa tingin ninyo fair na malaman 'yun ng Asawa ni lalake kung smooth sailing naman ang pamilya nila? Ang sabi nga ng dati kong katrabaho sa ganitong mga scenario ng buhay, "Pre what she doesn't know doesn't hurt her"
I don't agree nor disagree sa statement. Hindi ko kasi kayang i-justify.
Ang punto ko lang sa post na ito. Meron mga bagay na personal masyado sa atin na hindi na necessary pang sabihin pa, kung hindi rin naman sya a matter of life and death at hindi sya makakabuti, wag nalang diba? Dahil pag nag desisyon ka ng ibulalas ito finally sa taong involve, hindi mo na ma co-control ang consequences na pwedeng mangyari, dapat handa ka. It will either make or break you.
Kung sabagay kanya kanyang gravity naman ng reason why we decided not tell those secrets to any living creatures diba? Pwedeng wala lang, pwedeng you think that's better, pwedeng it will offend them kasi, pwedeng nahihiya ka lang and the list goes on and on and on.
In my case it breaks me.
Pero hindi ko na mababawi kasi nga nandun na 'yun. So what I haf' to do is to bear and deal with the consequences. Yes it hurts but that's life. Everything will come to pass anyways.
In the first place kelan ba naging mali ang pag sabi ng Mahal kita (ANG CHEEEEEZZZZY) hahahaa joke lang yan, Shunga! Pangiliti lang sayo kumagat ka naman.
***************************************
Gusto ko talaga sanang mag pa ka emo today, habang naririnig ang pag ikot ng elisi ng electric fan tapos naka leave pa ko today tapos my katol pa sa tabi ko, ayos na ayos ang pag emo.
*Ting* Alam ko na....
Gagawa nalang ako ng letter.
Dear Panget,
Alam kong nag paparty party ka ngayong oras na ito habang ako naman ay namamatay kakaisip sayo. Pero ayos lang 'yun paka saya ka lang. Sana mabulunan ka letche ka! Joke lang. Sana ay parati mong ingatan ang kalusugan mo. Kumain ka ng gulay, kamatis, okra, sitaw at cabbage. Alagaan mo ang skin mo alam mo naman na yan lang asset mo. Sana ay maging mabait ka parati katulad ng pagiging mabait ko. Sana ay parati kang maging happy kahit ako parating Sad. Wag ka na sanang mag paramdam sakin para makalimutan na kita. I delete mo narin ako sa facebook mo. At ayoko ng makita ang IP mo sa blogsite ko, Oo kabisado ko ang IP mo. Hindi ako bitter. Kelangan mo lang akong tulungan makalimot for my own good. Ingat ka parati sa trabaho wag tanga tangahan sa boss mo. Tsaka gumamit ka ng facial wash bago matulog wag masyadong tamad mag hilamos. Sige na nga pag nalulungkot ka ng sobra pwede mo kong itxt at i email, pero kung kaya mo naman na tiisin eh wag nalang. Sya nga pala may bago akong Kras hihihi. Ang landi ko noh? Pero naiisip parin kita madalas kahit may bago akong kras. Konti pa malapit ng hindi. Sige wala na akong maisip sabihin. Mag ingat ka. Lab you.
Lubos na Gumagalang,
Panget