Monday, September 13, 2010

Quickie Post

Mahirap magkasakit.

Kung kelan ko kelangan mag Sick Leave saka naman ako hindi makapag Sick Leave dahil noong mga nakalipas na panahon eh nag sakit-sakitan na ako dahil tinatamad me mag work. Putakels lang kasi ngayon ayaw na maniwala ng boss ko na may sakit talaga me. Sus! Eh, may sakit naman kaya talaga me. Hirap na hirap na nga ang katawang lupa ko dahil meron akong napakatinding karamdaman.

Meron akong Sipon at Ubo na may kasamang pabugsu-bugsung Flu. Haist! Tinatablan din pala ng sakit ang mga hippopotamus. Kulay green ang plema ng ilong ko ang lagkit-lagkit. Pinag mamasyadan ko sya sa tissue paper iniisip ko kung pwede ba syang isama sa sinigang bilang mahiwagang flavor. Eiw! Jowk lang... Meron narin akong Ubo na kasing tuyo ng dessert sa Saudi, ang sakit-sakit na. Senyales na yata ito upang tigalan ko na ng tunay at wagas ang paninigarilyo.

Pasensya na kayo dahil hindi ko makuhang mag bloghop sa mga walang kwenta nyong blog nitong mga nakalipas na araw. HOY JOKE LANG HA! Wag sensitive. Hindi me makapag basa kasi parang nahihilo ako pag tumitingin ako sa screen ng laptop ko hindi kasi Apple ahahaha. Seriously, nahihilo talaga ako kaya nag pahinga nalang muna me habang nag kakamot ng talampakan.

Honga pala. Alam nyo ba na birthday ko na NEXT MONTH??!!! Oo tama birthday ko na. Ipapasara ko ang greenbelt punta kayo ha!!!

JOKE!!!!

PENGE naman ako ng picture greeting nyo. Puh-leeeaasssssse!!!! *insert nag mamakaawang sad face here*

Kung hindi nyo alam kung ano itsura ng picture greeting, eto tignan nyo ang picture greeting video na ginawa ko last birthday ko.

Binibigyan ko kayo ng 20 days para gawin at isend ang cute pictures nyo sa iamalivingsaint@gmail.com. Sige na close naman na tayo diba?

ang lahat ng mag bibigay ng picture greeting ay may libreng kiss *SMACK* sakin tsaka since naging parte na buhay ko ang blogging maging tunay na masaya ako sa aking burthday kung mag bibigay kayo ng picture greeting.

Tenchu!!!!
Mangungulit ako everypost ko para ma remind kayo. Okay...

46 comments:

  1. Yuck! Hindi na lang ako magpapadala ng picture greeting hahalikan mo pala eh. Ampf.

    ReplyDelete
  2. Wag kang mag alala gas dude dahil online lang naman ang kiss. Kaya mag padala ka na sa lalong madaling panahon. Pwede ring personal mo nalang iabot pag nilibre nyo ko ni Jowel hihihi

    ReplyDelete
  3. apir!
    parehas pala tayong october..
    hahahaha

    get well soon jepoy!

    ReplyDelete
  4. Aba nagkakasakit ka din pala hehe

    Jepoy, wag ka muna yosi... tigil muna bisyo... para di lumala... pano na lang tayo iinom nyan sa birthday mo pag ganun heheh XD

    Tara game, kelangan si kikilabotz video ulet yung kakanta at iiyak sa kaliwang mata heheheh joke lang marvs! Teeeeheee!

    ReplyDelete
  5. kawawa ka naman idol! pagaling ka ha? uminom ka ng maraming tubig at wag kalimutang uminom ng gamot. advance happy birthday din pala sayo idol! parehas tayo ng buwan ng birthday ah. ipapadal ko yung pinaka-pogi kong picture para sa bday mo! nyahaha. huy, padala ka din pag bertday ko at ng matuwa-tuwa naman ako! nyahaha. pagaling ka :P

    ReplyDelete
  6. bioflu na yan. hmmmmm hmmmmm(hum ng commercial).

    tubig therapy para sa sipon.

    octoberian ka din katulad namin ni yanah. wows.

    ReplyDelete
  7. naku, sa panahon talaga ngayon, mahirap magkasakit. ako, sa november pa ako ulit pwede magkasakit dahil ayoko mawarningan.

    yung picture greeting, pag-iisipan ko. hehehe

    ReplyDelete
  8. Ayos! may rason na para manlibre ka next month...lol

    Nakapadala na ako last year ah... pwede bang recycle lang?! lol

    ReplyDelete
  9. Matamlay ata ang sex life kaya nagkakasakit? LOL...

    Pic greeting? Grab ka n lng ng pictures sa blog ko tas lagyan mo n lng ng texts kunyari binabati kita LOL.

    Pagaling ka parekoy!

    ReplyDelete
  10. ang yosi ay kadiri...kaya tuloy-tuloy lang sa pagbuga!ano daw?haha

    get well soon sir jepoy!

    ReplyDelete
  11. Popoy Inosentes9/14/10, 11:10 AM

    ayan kasi. buti nga sayo jepoy. hahaha. LOL

    magpapdala ba ako ng picture greeting? hmmmm. ni hindi mo nga ako grineet nung bday ko. LOL

    ReplyDelete
  12. oi tubig tubig ang inumin. =) pagaling ah! sayang bawal na sa trabaho yun mga fake na excuse letters. haha ;p

    ReplyDelete
  13. Get well soon bossing!

    at dahil OCtoberian ka! Octoberfest na! *anong konek?? hehehe..

    sige bossing paghahandaan ko yang picture greetings na yan para sa long time Idol ko.. naks...

    Pagaling ka bossing!

    ReplyDelete
  14. get well soon po! :D i'll do my best para makapag send din ng picture greeting. :) advance heypi bertdey! :)

    ReplyDelete
  15. pagaling ka ha? ayokong nagkakasakit ang favorite kong blogger hehe.....

    ReplyDelete
  16. pagaling ka po sir...kaylangan ka ng bayan...lol.. natuwa ako at nafacamot ka sa iyong talampakan..mejo mahirap hirap un para sa isang may sakit... malapit na pala ang iyong kaarawan nawa'y matikman namin ang bagsik ng living saint..hehehe... advanz hapiberdei...

    ReplyDelete
  17. pahinga ka ng marami boss jep,
    bawal magkasakit ngayon

    malapit na ang birthday mo nga pala
    sige magpapadala ako kapalit ng isang truck ng c3.

    Be blessed sir. God's healing be upon you!

    ReplyDelete
  18. ay si kuya jepoy magbibirthday!
    ayos!
    at dahil may libreng kiss sige sige sige magbibigay ako ng picture greeting!
    ikaw pa!:kindat:

    ReplyDelete
  19. wow! mag bebertdey ka na pala... Advance Happy Birthday Jepoy!

    ReplyDelete
  20. teka, pagaling ka pala bago ka magbirthday. get well....

    ReplyDelete
  21. OCTOBER FEST NA! :D

    picture greeting?! Sure. :)

    ReplyDelete
  22. Kailangan level up ang picgreet ko! Abangan.

    ReplyDelete
  23. Moral: Laging tandaan na may bday greeting na ikukulit sayo. MUHAHAHA joke. lang. Wag na raw magsakit-sakitan ! =p hehehe joke.

    anyhoo... oo na walang kwenta blog namin !!!!!!!!!!!! tanggap na namin!!! ikaw na! ikaw naaa na may balak magdagdag ng secret ingredient sa kung ano2x! ayoko pumunta sa bday mo baka may secret ingredient ung mga pagkaen! hahahah!

    wow jepoy kelan lang nagpagawa ka ng ganito sakin. nung time na un, hindi ko pa pinapakita mukha ko. wahahhahahaha! pwes ngayon, wala nang shades ung ibibigay ko syo ! haha!

    pagaleng jepoy!!! :D sige ka, d kta bbgyan picture greeting. =p

    ReplyDelete
  24. advance happy birthday sa'yo! pwedeng bigyan mo muna ako ng pic greeting bago kita bigyan kasi birthday ko na next week! plugging haha XD

    pagaling po ikaw. ingat!

    ReplyDelete
  25. get well soon... hapi bday! =)

    ReplyDelete
  26. Get well soon sir Jepoy.

    Magsesend na sana ako ng picture greeting kaso may smack. Haha. Nakangtooch naman.

    ReplyDelete
  27. Wag kayo maniwala dyan, sakit sakitan lang yan...pa-effect in short.

    Aba bday mo na pala, in-short manlilibre ka nanaman!! Woot Woot!

    ReplyDelete
  28. @yanah

    Mabuhay ang mga Octoberian. Thanks Yanah! I'm getting better now. appreciate it.

    @Kumagcow

    yeah dude nag kakasakit din ang mga hippo hihihi. Ayoko na mag pakalasing ung tamang inom lang ng konti, im trying to have a healthy lifestyle hihihi.

    Yung picture greeting naman oh! Sus tagal...

    @Mr. NightCrawler

    I'm getting better dude thank you thank you. yung pict grit wag kalimutan ha.. Tenchooouu!

    @Khantotantra

    Oo Pare sobrang effective ng bioflu at Octoberian ka rin mabuhay! Yeah water therapy nga talaga ang solusyon and hindi mo nabanggit ang pict grit which is my primary reason of posting this entry hihihi. So wag mong kalimutan mag send ha...

    ReplyDelete
  29. @Gillboard

    Wag mo nang pagisipan gawa ka na! hihihi thanks :-D

    @IamXprosaic

    Sus yakult gusto mo?! Hindi pwede mag recycle kelangan ng bagong gawa yung trendy and fresh tapat!

    @Jag

    Sakto lang naman koya hindi naman matamyalay. Hindi nga lang nag uumapaw katulad ng saiyo...

    Ayokong mag grab gusto ko yung may personal touch talaga yung may effort, ganown! Bilis mag madali at mag send na...

    @Greta

    Salamat ng marami greta, sana naman gawan mo rin ako ng picture greeting ng sexy primary pics ng katulad ng sa facebook mo ung naka posing ka sa ilog. Yes, stalker me...

    ReplyDelete
  30. @Popoy Inosentes

    Paano naman kita i greet dinelete mo na yung facebook account mo after ng makapigil hininga mong revelation. Sige na mag bigay ka na ng pict grit for 'ol time sake :-D Birthday ko naman eh...

    @Poldo

    Nangako ka ng pic grit kaya pangatawanan mo. I reveal mo na ang poging poging pictures mo para sa pict grit collection ko, para sikat ka sa video...

    Salamat Sir, I'm feeling a lot better now. Appreciate it!

    @Batanggala

    Oi long time no see. Hintayin ko ang pict grit mo ha!

    @Weng

    Papagaling ako para sayo (MALANDI MUCH?!)

    ReplyDelete
  31. @Nafacmot

    Sir malaming salamat ha, im feeling kinda okay now. At sana mag send ka rin ng pict greet ha.

    @Pong

    My brader thanks sa concern and suggestion ha, im feeling okay now. Thanks for the speaking healing :-D

    At yung pict greet mo hihintayin ko para C3 mo eh solb na solb pag uwi mo...

    @Eloiski

    Eloi bilis na bigyan mo na ko ng pict grit malay mo maawa me sayo bilhan kita bigla ng cd collection ng E-Heads na pangarap nating dalawa...

    @MarcoPaolo

    Oi pict greet ko hindi mo nasabi! gawan mo me ha!

    Im feeling a lot better now koya, thanks for the concern

    ReplyDelete
  32. @Anna

    Im feeling a lot better now, oist ung pict grit ko ha! Wag kalimutan.. Tenchuuu!

    @Goyo

    OCTOBER FEST NA! NOM NOM!!!

    Hihintayin ko ang pict grit mo ha!

    @Ayie

    Hihintayin ko talaga yan. Im so heksited!!!!

    @Teveliztera

    Wag na mag tamputampuhan steppy, hihintayin ko ang napaganda mo pict grit, na excite tuloy me hihihi

    ReplyDelete
  33. @Sikoletlover

    Nangongolekta rin ba kayo Madam ng pict greet? Hindi ko naman alam eh. Happy birthday pow! Sana makatikim ako ng pasalubong galing japan...

    Thanks po Im feeling a lot better now.

    @Roanne

    Thanks a lot Roanne! Appreciate it!

    @Ako si Yow

    Bilisan mo ang mag send ka na ng pict grit sus! parasaan pa't ikaw ang blogger of the month ngayong septemper. hihihi

    @Stibi

    At dahil lagi kang sumisilip sa lungga kong ito. Maggawa karin ng pic grit para makita ang artistahin mong face ng madlang pipol hihihih

    ReplyDelete
  34. Hmmmn.. Pic greet... We'll see...

    an_indecent_mind

    ReplyDelete
  35. @AIM

    Ang lande lande papilit pa!! Bilis na!

    ReplyDelete
  36. Humanda ka sa pic greet ko magpapakamatay ka pag nakita mo.

    ReplyDelete
  37. sus sakit sakit. gusto mo lang talagang magsick leave.
    fine, gagawa na ng picture greeting.

    ReplyDelete
  38. get well soon..=(

    nmiss kita at ang mga kwentong blog mo..

    pwede rin ba magpadala ng picture greeting khit reader lang???

    thanks!

    ReplyDelete
  39. di ba you're going to Singapore this September? ehem! early bday gift sa sarili?

    i'll try to send you picture greeting.. pasalubong muna! LOL

    ReplyDelete
  40. Mamamatay ka na. JOKE!hehe Kasi sigarilyo ng sigarilyo eh. Pasalamat ka green pa yang plema mo, ibig sabihin kaya pag ng katawan mo ung infection. Increase fluid intake tapos inom ng vitamin C :)

    ReplyDelete
  41. Get well soon. na lang at advance happy bday to you

    ReplyDelete
  42. @Glentot

    Fine, bilisan mo ng magulat ang lahat ng fans mo!Puta mo!

    @Oliver

    Gusto ko talagang mag sick leave, salamat sa concern ha puta ka!

    Bilisan mong gumawa ng picgrit na excite na me...

    @Lhay

    Hi Lhay pirst op ol i thank you beri many dahil sa pag babasa mo parati ng blog ko. Pangalawa, syempre naman please please please send it na as in now na...I will really really appreciate that..

    ReplyDelete
  43. @Supladong office boy

    Yes kurak!

    Do not try to send. Just do it. Oo, parang Nike lang. Puta ka bilis send mo na!

    @Drei

    Letche! Promise i will never smoke ever!!!!!

    Baket wala kang sinabing pictgrit? Nag papalusut much? Pakisend na please...

    @Diamond R

    Thanks much, feeling a lot better now. Thanks for the comment.

    ReplyDelete
  44. gusto ko yung berdeng plema para sa masarap na sinigang. malapot lapot ang sabaw nung, tae, kadiri.

    ReplyDelete
  45. Desperate much? Hahahaha! Check your inbox. Sinend ko na. Nude pic dapat sesend ko kaso baka ma-violate ang pagkalalake mo! Hahahaha!

    ReplyDelete
  46. basta wait lang huh. hahaha.

    ReplyDelete