Friday, September 10, 2010

Going the Distance

This is not a movie review.


Wala me magawa kaya na nood ako ng mubi kahapon. Maaga kasi akong pumunta sa mall para ibili ng goldilocks stuffs ang aking kaibigan na based sa States. Sya 'yung super bait na nag iisang pinay doon sa company namin sa tate, lagi nya kame iniivite sa mga family gathering nila kaya hindi ako na ho-homesick much noong time na nandoon ako, open 'yung house nila for us, parang family 'yung turin nya samin, kaya naman sa 'twing meron ma o-offshore samin I make sure I give something for her, that's the least thing I can do to return her kabaitan to me.

So back to the movie. Sa DVD nyo nalang panoorin. Ahahaha!

Okay naman 'yung movie para sa akin kasi i never expected much from romance comedy these days. Ektweli, ito nga pinili kong palabas kesa naman Mamaratzi o Exorcism 'yung panoorin ko. Ayoko nga ng horror baka maihampas ko 'yung coke at popcorn sa katabi ko pag nag kagulatan magka rambulan pa sa sinehan. Dati nga 'nung pinanood ko 'yung "Shutter" Thai version yata 'yun, montik ng lumipad yung laptop ko 'nung nagulat me. Putakels! Scared me.

Dami kong segwey, haist! whurabout the structure of this post?! Gone...

Okay, go! Simple lang story ng mubi it was all about LDR or Long Distance Relationship. Erin played by Drew was a Journalist intern in one of the New York Newspaper company tapos si Garret played by Justin Long was working in a Music Label company as a talent scout yata or something near to that. They are on their early thirties. They both came out from bad relationships. Si Garret was never committed to any girls or hindi nya kaya talagang mag commit, and Erin gave up everthing for her ex tapos di rin nag work out kaya nga at her age 31, eh nag sisimula palang nyang ibuild yung dream nyang maging fine writer. They met in the bar. Then Boom, SeX!... Became friends with benefits for a short time then they both realized na they wanted each other badly, for real this time. Yes, They fell in love (CHEESY POTASHET!!!). Kaso lang, si Erin needs to go back to San Francisco kasi intern lang naman sya sa NY and unluckily no work for her there. While Garret naman has work and life in NY. So na showcase, 'yung hirap ng isang LDR. Na showcase 'yung confusion on whether to sacrifice your career just to be with you love, or you would rather choose your career and bare the hardships of an LDR. Hindi ko na kwento kung ano ending para naman panoorin nyo kahit itorrent nyo nalang. So, Sounds interesting? Yes it is, but unluckily wala akong na alala pag tapos ng movie, unlike dun sa 500 Days of Summer na tunay at wagas na maaalala mo ang story. Nonetheless, this movie isn't as crappy as Jeniffer Aniston's boring and forgetable movie recently. Sobrang funny ng side kick ni Justin Long. Ang daming eksena na napatawa ako ng sobra, nautot nga me sa mubi house na malakas. Pero diba pag malakas 'yung utot walang amoy 'yun nga lang may sound. Deadmeat lang ako wala naman akong kasama eh. Ganun ako na tawa sa putang sidekick ni Justin long at 'nung nag sex sila drew at Justin sa Mesa tapos nahuli sila, DAMN FREAKIN' Funny...

ito 'yung trailer you might be interested go buffer it




Before I end this post I would like to get you two cents (MAY GANUNG PAKULO?! Parang putangina lang) If you will be in that situation, would you settle for LDR or would you find way to be with your love and give up what you've been dreaming for the rest of you life? Would you take Chances through LDR and gamble? Para lang masayang pag brainstorming or debate topic eh no..

YOWN LANG!

Kthanksbye!

35 comments:

  1. LDR? - IDK, balik ako ulet pag isipan ko sagot ko haha

    ReplyDelete
  2. Majority ng naging relationships ko eh LDR: Novaliches-Cavite, Pinas-Singapore, Singapore-Pinas. Tapos meron pang Singapore-Thailand pero wala lang 'yun. LOL

    Lahat failed. Hindi na ako natuto. Huhuhu.

    ReplyDelete
  3. @Ahmer

    Sige lang Sige lang hahah

    @Gasdude

    Ang landi landi mo talaga, puro katawan lang nila habol mo. Parang shirmp lang. Ahahaha

    Nawala kayo ni dyowel kagabi putashet kayo pag tapos nyo kong pigain biglang mag offline. Sus! LOL

    ReplyDelete
  4. marami din akong naging relationship na LDR..lahat ng fail..pero may mga relationship din akong napagdaan na kahit lagi na ngang magkasam fail pa rin..so therefore i conclude na LDr man or short distance relationship..nasa inyo pa rin yan ng partner mo..kung magfail kayo or magiging successful..

    ReplyDelete
  5. LDR...parang kasing uber sa hirap naman.. pano mo mapapanaitli yung isang relasyon kung magkalayo kayo? i mean, mahirap yung parang wala kayong pinaghahawakan sa isa't-isa. for some people cguro,it can work out. pero, for me, personally, i dont think it will. kase i need the guy's presence para maramdaman ko ung love---connection echos.. :D

    ReplyDelete
  6. hindi ako mag aaksaya ng panahon para pag-isipan yan....

    basta ang alam ko, walang sex walang relasyon...

    yun lang! bwah!

    ReplyDelete
  7. LDR nalang...may jowa ka na matutupad mo pa dreams mo.tigang ka nga lang.hehehe!

    ReplyDelete
  8. LOL TAWA AKO NANG TAWA SA TRAILER HAHAHA!

    anyhoo... review naman toh e :P na may sumesegway haha! at oo sa trailer pa lang,natatwa na ako sa sidekick ni justin long hehe! alam mo,tagal ko na d nakakapnod ng mga ganyan --puro horror kasi ako e. gusto mo manood? =p hahahahhahaha!

    anyhoo, eto lang masasabi ko : bilib ako sa mga antagal sa LDR.

    ReplyDelete
  9. BWAHAHAHA! Nakatulog ako! Confe ulit tayo nina Bulakbolero next time. :)

    ReplyDelete
  10. nasubukan ko na ang LDR...failed!!

    marami na ding hindi LDR...failed pa din!!

    wala yata don yun eh...pero mas ok kung di LDR kasi di mo naman najejerjer ang screen ng pc o cell mo eh,hihihihi

    ReplyDelete
  11. Ang hirap ng LDR. walang sex. di ko alam. ang ldr kasi sakin dati pque-marikina. di naman kami nagtagal. 1 araw lang, hiwalay na. hahaha

    ReplyDelete
  12. Wag ka na lang magrelasyon kung LDR.
    Kahit di pa nasusubukan pero tingin ko walang patutunguhan yon. Lubayan na lang. Simula pa lang wag na pasukin. Nyahahaha. Pero kung sasagutin ko yung tanong, sige na nga LDR na lang. Kagulo ampness.

    ReplyDelete
  13. sa tingin ko nasa couple talaga kesohodang LDR man yan o hde.

    7 yrs na LDR and counting. 10th yr namin last week. so LDR ako haha

    ReplyDelete
  14. Eto lang ang maquoquote ko sa mga sinulat mo: "Nonetheless" Kung maka-nonetheless ka, feel na feel. Nahiya ka pang tawaging movie review. Sirang-sira ang structure!!!

    Anyways gusto ko si Drew Barrymore kahit leche ang mga pelikula nya kebs lang.

    Para naman sa akin hindi OK ang LDR mas ok ang DSLR. whatever.

    ReplyDelete
  15. is there a star here para i rate ang relatedness level?potah..swak na swak sakin e..yun na yun..ahahahhaa..

    di ba in real life mag syota si drew and justin? wala lang..showbiss galore..

    at oo...i will still go for my career rather than chase that relationship..

    pero i think for now...might change my mind tom.ahha.

    thanks jep for the tip..download ko now.ahaha

    ReplyDelete
  16. boo for LDR!nakaktigang kaya un...para ka lang may textmate o whatever!hahah

    nakakbilib ang mga pip na magisa lang nanunuod ng sine!

    ReplyDelete
  17. Do you really want to know my answer Jepoy? Hehehe! I'm in a long distance relationship right now. It's difficult, emotionally and physically. But if you both know that you're on to something wonderful, it will work out. Look at us! We just got married last month! ♥ Love love!

    ReplyDelete
  18. Thanks for another movie maidownload nga yan... tsk...

    LDR?? Nasubukan ko na yan... Yung una failed dahil sobrang hirap... pero Ngayon tingin ko natuto na ako (NAKS)kaya ayan LDR ule ako ngayon pero so far ayos naman.. hihihi

    ReplyDelete
  19. Nakadalawang LDR na ako, failed yung isa. Yung isa.. tsaka kita babalitaan. Wala akong gagawin mamaya, malamang panonoorin ko ito. Syet lang, baka iayakan galore to, ayaw ko umiyak sa sinehan.. mag-isa. Syet lang talaga.

    ReplyDelete
  20. I don't think the "distance" can be considered as a "hindrance" sa pag-ibig. Kahit na LDR, basta't merong respect and trust, at syempre, mahal mo.. At abscence makes the heart grow fonder "daw".. So ako, LDR ako. Hehehe!

    I actually have an entry, kuya jepoy.. uhm... can't really explain. Basahin nyo na lang.. Hehe. =)

    http://neneleah30.blogspot.com/2010/09/dear-boypren.html

    ReplyDelete
  21. LDR - posible kung may unlimited internet connection at maraming pera pambili ng load.

    pero kung habang buhay kayong ganun, itigil na kasi wala na yung patutunguhan. =)

    ReplyDelete
  22. ganda ng post di ko nabasa pero na-hook ako sa question mo sa dulo (kasi di nagbasa) at ang sagot ko dyan ay thumbs down sa LDR kahit na ang distance ay makati or manila lang. kung di naman nagpapakita at nagpaparamdam kahit sa kabilang barangay lang eh LDR na rin yun.

    ReplyDelete
  23. hmmm sakin ang ldr
    pinas-->pacific ocean pak!
    hmmm gaya nga ng sinabi ni yanah i need the guy's presence nyahaha..para naman mafeel ko na secure aketch sa love nya...ang hirap din ng ldr eh,,eh yun ngang magkalapit kay may lokohang nangyayari yun pa kayang malayo kayo sa isa\t isa ahhihi....
    kaya goodluck nlng sa mga may ka ldr woooo...
    pero gusto ko rin matry yan yung bonggang bongga haha~

    ReplyDelete
  24. i don't think ldr works... pwera na lang siguro kung matagal na kayong magkasama tapos dun nangyari yung nagkakalayo kayo pero other than that.. i don't think so. saka, mas maganda pa rin pag malapit yung mahal mo, masarap kaya ang may kayakap sa gabi. hehe.

    ReplyDelete
  25. This is the way I see it: Any relationship, LDR or not, will only work out if, and only if, both parties are willing to make it work. Both parties are responsible for the success or failure of a romantic relationship which, like any other relationship, must have the usual requirements like respect, trust, compromise, commitment, open-mindedness, and of course, love.

    ReplyDelete
  26. theoretically, hindi ok ang LDR. pero on the other hand, kung pareho naman kayong loves na loves talaga ang isa't isa, eh di GO lang. may advantage din naman yan, at least makakapag focus ka sa career mo kesa may dyowawa kang mini meet araw araw. hahahaha. pero siemps mas madami ang downside. pero all-in-all, not advisable. =)

    ReplyDelete
  27. kuya, nice thread you got here.

    you're question got me thinking. i guess whatever kind of relationship you have requires effort. mas marami nga lang pag LDR. But if you're in a situation like you were together for sometime already, and one of you has to leave, maybe you would want to try and see if it works. On a second thought, you don't want to be selfish and tie someone you love in a promise that seems close to impossible to fulfill. Hahaha! Ang gulo.

    ReplyDelete
  28. oks lang yang LDR. pede naman mag cam2cam eh. nyahahaha...

    ang tagal nio sumagot nun sa confe. kaya nagoffline na ko.

    ReplyDelete
  29. parang hindi interesanteng panoorin. o baka hindi lang kagandahan ang pagrerebyu. loljoke.
    ewan ko lang. pero parang gasgas na yung mga ganitong klaseng movie. iyon eh sa akin lang naman. wag mo kong awayin. pero sige matry na ngang panoorin. download na lang. hakhak!

    LDR - ewan ko! hakhak!

    ReplyDelete
  30. alam ko na ang sagot sa LDR na yan...
    puntahan mo na lang ang blog na to
    bloggers na in a LDR pero naman! sweet na sweet

    http://kundiman.net

    hakhak! ayos na sagot na yan! wag ka na!

    ReplyDelete
  31. I have been in LDR but it really doesn't matter... kahit manila pa ako at pampanga syota ko pupunta pa din ako makaiyot este makasama lang sya... heheh

    I mean if you do need each other distance is just a number... parang age lang... ilang taon ka na nga ulet jepoy?! YES!!!!!! hahah

    =)

    ReplyDelete
  32. Nakakatakot ka palang katabi sa sinehan. Haha.

    Napatingin ako sa poster ng movie na yan sa mall dahil akala ko si Matt Long ang bidang lalake na uber kras ko. Tas nalaman kong Justin Long, ayun, di ko na pinansin. Haha.

    At ayoko ng LDR. Pano ang sex? Puro webcam? Haha.

    Hello Jepoy. :)

    ReplyDelete
  33. skipped reading.

    LDR, nasa tibay nyo lang yan...

    patibayan ng mukha at patigasan ng pagmamahal. kung di mo kaya, sabihin mo na agad sa una pa lang para less harm sa both parties. yun lang yown. (di ako bitter.)

    hek hek!

    ReplyDelete
  34. People,

    maraming salamat sa lahat ng inyong makabagbag damdaming two cents. Tinatamad na akong isa isahin kayo dahil masama ang pakiramdam ko. Tunay at wagas akong na tats mula nipples hanggang betlog sa inyong comments. Tenchooouuu!

    ReplyDelete
  35. I am blog hopping and your post interest me. You are so humorous, you made me laugh..hehehe
    Anyway, for me LDR works if both parties got the commitment to work it out and always having an open communication. One more thing honest rin sa isa't isa. Yun lang bow :D

    ReplyDelete