Tuesday, December 4, 2012

Back From Fishing...

Nakalimutan kong meron nga pala akong blog site. Masyado akong nalibang sa kakabasa ng blog ng may blog. Busy din sa Pag hahanap ng love life, nakakapagod. Jowk!

Nangisda lang ako ng mga chismosang bangus at malanding shrimp habang nag mumuni-muni tapos hindi ko naramdamang ilang bwan na pala ang nakalipas at hindi pa ko nakakapag update. Like, Thiz ez not happening!Really!

Para sa impormasyon na tatlong masugid na nagbabasa ng aking misadventures at kwento sa blog na 'to eh, malugod ko kayong ina-update na okay pa naman me. Nakakakain parin namang ng dalawang beses isang araw at nakakabili parin naman ng deodorant at sabon pampaligo.

Sa totoo lang hindi ko alam kung saan at paano ako mag sisimula sa mga bagay na gusto kong ikwento. Ang dami ko kasing kwento, hindi ko na ektwele alam pa'no ba simulan ang lahat ng hapdi at hagupit ng buhay na naranasan ko Ate Chro. Artiii lang.

Simulan ko ang kwento nung birthday ko. Sasamahan ko sana ng mga pictures pero nag mamadali ako kasi natatae ako eh! Ang effort mag hanap ng pictures sa picture folder ng computer ko. So tiis nalang muna sa mga kwento ko. Tsaka sino naman mag kaka interest sa mga pictures ko?! Duhr! So 'nung birthday ko umuwi ako sa Pinas. Yay! Maikling vacation lang naman kasi. Highlights ng uwi ko ay maipasyal at mapagshopping ang Mudrax at Pudrax ko at Utol ko tapos kinita ko rin 'yung available blogger friends nung time na nasa manila me. I'd like to grab this opportunity to thank them for comming and thank Madz for the Bday Cake. I'm so touched. So much. Landee??!!

Akala ko hindi ko na miss ang family ko kasi masaya naman ako sa Singapore at marami akong activities but noooooooooooooooo  pag baba ko ng Airport nakita ko si Mudrax tapos niyakap nya ko, tapos umiyak sya. Hindi kinaya ng makolesterol kung puso, Nag breakdown ako. Naiyak me!!! Sabi kasi nya pumayat daw ako ng kaunti. Sabi ko sa isip ko one year akong nag jogging tapos kaunti lang ang nabawas???!!! I hatechit!!!!! Prepared pa naman akong sabi hin nyang kaunti nalang Coco Martin na ang anak ko. LOL

All in all my vacation was sulit but super biten. Like always naman eh. Haist!

Next update, 'Yung ate na nag titinda ng Sandwich sakin lilipat na ng office. I'm like, WHHHAAAATTT???!!! Na lungkot me ng 45%. Binigyan na ko ng last Sandwich nung isang araw tapos lumakad na sya ng papalayo hanggang sa hindi ko na ma aninag. Hanggang sa malayong-malayo na sya. Kasi sumakay na sya ng elevator. Lahat nalang ng importanteng tao sa buhay ko iniiwan ako?! Pare-pareho silang lahat! Bullshit! Artii lang ulet.

Last Update, Nag renew ako ng Employment Pass ko dahil mag eexpire na sya next year. No big deal. Hindi ako nag eexpect na ma reject sya dahil okay naman ang company, sweldo at experience ko. Plus wala naman akong ginawang krimen sa Singapore. Tapos pag Check ko

BOOM! COCO Crunch! Rejected sya.

Konting information about SG. Hindi pwede mag trabaho pag walang valid Work Pass. Nangagaling ito sa Ministry of Man Power nila. Parang tunong Harry Potter lang ano? Ministry of Magic. Nag hihigpit din sila sa foreigners kaya medyo pahirapan.

So dahil rejected ang pass ko hindi ko alam kung bukas makalawa kakain na ako ng bato at buhangin at kakailanganin kong bumalik sa dati kong trabahong pag giling sa  entabladong may poste. Charot! Hindi ko alam ang future ko ngayon. Hindi ko alam kung dito parin ako sa SG or Hindi. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Pero isa lang ang certain.

My God is the same yesterday, today and tomorrow. His faithfulness is unlimited.

Alam na alam kong hindi ako magugutom pati si Mudrax and Pudrax saan man ako dalhin ni Papa Jesus. SG or Pinas, it's gonna be rock en roll!!!

So yan na muna taeng-tae na ko. May tae na yata brip ko kakapigil. Next time na ulet update. Feeling artista?!

Kthankzbye!