Friday, January 29, 2010

Lamesa ko at Movie Eklavush

Dahil sa kaututan ni Pareng LordCM mula sa bansa ng magagandang bitches este beaches eh, na isipan nyang picturan ang kanyang cube, in particular 'yung mesa nya sa opis tapos ininyumerate nya kung anu anomang hayop ang matatagpuan dito tulad ng surot, kuto, kuntsinta,gagamba, langgam,langaw at higit sa lahat ahas. Jowk lang. Nilagay nya kung anu makikita doon tapos tinag nya ang pinaka magandang blog in the-whole-wide-world. Ang Pluma ni Jepoy. Tapos daw mag 'tag din ako ng ibang blogger. Una sasabihin ko muna kung sino ang itatag ko. Tinatagag ko si Glentot bansot. Sige na nga pati narin si Drake. sino pa ba. Pati si Chyng. tsaka si Gasul. Sana lang gawin nila pero kung hindi naman ok lang rin. Pukang Ama nyo! LOL

So eto ang mesa ko sa Opis. Drum rolls please....

Medyo malaki kasi ang space kaya hinati hati ko nalang ito. Para makita nyo naman ang mundo ni Jepoy habang nag blog tra-trabaho sa opis. Presenting (Drum rolls ulet please...)

Front View


Sige dahil pangit ang picture kuha lang sa celfon kasi. Ito ang mga magkikita dine: Dalawang Dell 17 inch monitor. Isang Optiplex Tower (Nasa ilalim). Isang Dell Keyboard. Dalawang Dell Speakers. 2 Pandesal na may palamang giniling na porkchop. Isang Tasang Kafe. Isang Nortel Na teleponong ka-cheapan. Dan Brown Deception point foket vuk. Pay Slip (Yey Sweldo na). Pandikit na nakalagay sa parang lalagyan ng wax (di ko alam baket ako may paste dyan) sticky notes. Techpen na Kulay Green.

Left View



Eto naman matatagpuan sa left side ng mesa ko. Isang Extension Cord na puti (plug ng mga devices na sinisimulate kung kelangan. Sa ilalim nya ang IELTS result ko (7 lang *sad*) Isang keychup ng mcdo (di ko rin alam baket meron nyan) Isang Green Cross Alcohol 'di lang pang pamilya pang sports pa. Isang Pink na pantanggal ng staple wires. Sticky notes reminder (About something). Ang Nike Gray messenger bag ko kung saan matatagpuan ang kikay kit ko tulad ng Eye glasses, keys at perfume tsaka hand sanitizer, tsaka Marlboro lights at green lighter. Starvaks 2010 Planner. Picture ko at friends sa wall. At kung anik anik na papel na reminder na inaamag lang naman. Gunting, pentelpen,pang highlight, purple na techpen, lapis, black ballpen, blue ballpen, red ballpen,Gunting. Tissue paper para pag may libreng pizza ready kagad.

Right View


Dito naman sa left side Nortel Phone.2010 Calendar, scotch tape. Deception Point ni Dan Brown.Cork Board at white board na maliit. Starvucks baso. Emerson Cofee mug. Orange water tumbler.Green Cross alcohol ulet 'di lang pang pamilya pang sports pa. Wax para pogi parati. Pay Slip. Clip na heart shape nakuha ko 'nung Christmas galing sa officemate ko. at more more sticky notes at papel reminder sa wall ng cube.

Taf View

Kung may maayos na part ng cube ko ay ang taf view ng mesa ko. Ito ay mga device training manual ko tulad ng Advance Vibration, Intermediate Vibration, Oilview Analysis, Advance Tribology, Basic Vibration at kung anik anik pa. Meron din mga nokbuk at mga kalat na papel at karton. Meron din Oracle hand out at Vantive handout.

Ok Tapos nyo nang makita ang Mesa ko. I therefore conclude. Magulo din pala ang mesa ko. Aayusin ko pag mag reresign na ko.

Moving on, dito naman tayo sa Movie Review. Excited kasi akong mag share ng insights ko sa movie na ito dahil tunay na tunay na na-teary eyed ako sa pelikulang ito dahil parang medyo naka relate ako sa story ni Big Mike.

Eto ang title


Pinanood ko ito sa Directors Club sa MOA. First time ko doon. Ang sarap pala doon manood, para kang nakaupo sa lazy boy pwedeng itaas ng bongga ang paa at pwedeng mag kamot ng betlog habang na nonood walang makakita kasi maluwag ang spaces. Anyway highway, based ang movie na ito sa true to life experience ng isang pamilya na nag ampon ng isang Manong na black.

Shit. Hindi pala ako marunong mag review.

Bali. isang pamilyang puti na nag apon ng homeless black kid na eventually naging FNL super star, Angas! ganun lang ka basic ang story pero anu nga ba ang nakaka tats dito. 'Yun ang abangan nyo. Na teary eyed nga ako ng beri beri nice kasi ang galing 'nung gumanap na higanteng majubis na negro. Feeling ko kasi nakaka-relate ako sa mga ganitong tipo ng movie. 'Yung inaapi at walang nag mamahal because hindi nakikita ang tunay na kabutihan at pag kakaroon ng pure hearts ng isang tao.

Pinakita dito kung paano na change ang buhay ng Pamilya ni Sandra Bullock (w/c by the way ang galing galing nya dito) nang amputin nila si majubis na black man na napaka pure ng heart katulad ni Jepoy. 'Di ko na sya ikwe-kwento kasi baka hindi nyo na panoorin. Hindi ako nag sisi na nag directors cut kame kahit nag kamali lang 'yung Pukang Amang ate sa pag punch ng ticket.

Panoorin nyo maganda rin movie reviews nito.

God Bless!


Wednesday, January 27, 2010

Nang Nakasinghot ng LPG si Jepoy

"Kelangan ba talagang araw araw mag post?"

"Hindi. Baket ba nangengelam ka ng trip? Besides, hindi rin naman mag tatagal ito. Pasasaan ba't mananawa din ako sa ginagawa kong ito, like the usual."

"Eh baket ka ba kasi nag vlo-vlog?"

"Kebs mo ba! Gusto ko eh,Blog mo ba to?"

"Oo blog ko rin to. Dahil ako ay ikaw. Ikaw ay ako."

"Huh? Pukang Ama ka. Pwede ba 'yun?! Ano ka Omni Presence?!"

"Shungaloo! Ako kaya ang subconcious mind mo."

"So meaning kinakausap ko lang rin ang sarili ko?"

"Nakuha mo Pogi!"

"Oh My effin' Gosh!!!!! Delirious na ba ko? or I'm some kind of a crazy shit?"

"Wag kang umarte! You always needed me. Ako ang nakakaintindi sa emo mo. Ako ang catalyst ng emosyon mo."

"Catalyst talaga?! Chemistry?! Ok fine whutever-major-loser. So anung pag uusapan natin ngayon?"

"Uhhhmm...So kamusta naman ang puso mo?"

"Ok naman tumitibok pa naman kahit may konting Cholesterol sa veins. Putang question!"

"Tangena!! May pagkatanga ka talaga kahit kelan. I know you exactly know what I am talking about. Stupid Ass!"

"And I know you exactly know the answer to your fuckiness question too. Fucker!"

"Fine. I-ibahin ko nalang ang question ko. Do you think you deserve to give your self a break and stop thinking hard about someone about life and stuff."

"I think so, yes. Maiksi lang ang buhay and I don't wanna waste my time from being messed up all the time. "

"See. So kamusta ang puso mo?"

"Pukang Ama naman oh! Ang cheesy ng question... Ayokong sagutin fuck it! Change topic."

"Sige. What is love?"

"Fookiloo! Ano to slum book?! Nyeta"!

"Bilis na. What is Love."

"Fine! Love is like a rosary that is full of mystery. Although I don't pray the rosary because I'm not a Catholic. And I love mystery books tulad ng Sookie Stackhouse"

"Eh baket 'yun ang kinowt mo? Parang tanga lang."

"Kebs mo ba?! Ayusin mo naman ang questions mo kasi. 'Yung nakaka challenge naman ng pagiging smart naten."

"Fine... Next question. Pag sinundot mo ba ang lalamunan mo tapos sumuka ka, kaya mo ulet kainin ang suka mo?"

"Shit! Kadire ka Ampf! ang sagot ay depende sa kulay ng isusuka ko tsaka dapat isang putahe lang hindi 'yung halo halo."

"Yuck!"

"Ngayon ya-yuck-yuck ka!"

"Another question. Anu ang integral ng hyperbolic cosec teyta over tangent teyta"

"POTAAAAAAAA! nangaasar ka ba?"

"Ok Seriously. Nag blog hop ka ba?"

"Syempre naman. Ang sipag ko kayang mag comment sa mgagaling na entry. Tsaka ang dami kong natutunan sa mga nababasa ko. At syempre tumatawa ako ng malakas parati sabi ko hihihihii"

"Sinung favorite mo?"

"Many to mention. Pero ultimate si badoodles"

"So kamusta ka naman?"

"Humihinga pa naman..."

"May iniiwasan ka ba?"

"Sort of.."

"I knew it!"

"Knew what?"

"Na merong kurot sa puso mo"

"Kurot ampota! Siguro nga. Three bottles lang solve na'yan! Kampey!"

"Gusto mo ng Gummy Bears tsaka Gummy worms na maasim"

"Oo"

"Punta ka MOA mamya bili ka sama mo narin ang jelly beans ha"

---END--

For Kat

This post is dedicated to my office mate and a friend Kat.

Si Kat ay isa sa mga close friends ko sa office. Bibihira ka lang makakita ng mga totoong tao kahit saang lupalop ng daigdig ka ibayubay ng tadhana 'yung iba kasi hindi lang muka ang hayup pati pag uugali. Na co-consider ko na lucky ako na once upon a time ay naging officemate and friend ko itong si Kat. Anyway highway, nag decide na kasi sya na mag resign sa aming kumpanya at kakabilang bakod na sya. (Buti pa sya)

Ipinangako kong gagawa ako ng na tatanging lathalain para sa kanya subalit, datapwat, ngunit, pero hindi ko nagawa iyon. Kaya naman bumabawi ako today baka sakaling maka libre ng dinner sa last day nya, jowk lang po. Si kat ay isa sa echuserang froglet na nakikibasa ng Pluma ni Jepoy at humaharabas ng pang iintriga sa akin sa Opis pero wala parin tatalo kay Steve.


Kung hindi nyo na itatanong si Kat ay isa sa mahusay na Graphic Artist ng aming kumpanya. Ikaw ba naman maging Cum Laude ng kursong Fine Arts 'di na iyon na kapag tataka pa. Nga pala, sya rin ang gumawa ng simple pero eleganteng header ng sikat na blog na may pinamagatang "Pluma ni Jepoy" ehem e-ekskyusmi pow!

Si Kat ay isang opismate/friend na napaka sweet. Ang tawag nya sakin ay Papa Bear. Lagi nya kong ineembrace pag dumadaan ako sa cube nya kaya nga dapat lagi akong mabango kasi baka maamoy nya ang singit ko. Nagluto rin sya ng peyborit kong chinese delicacy na "Hot and Sour Soup". Ang sarap! Galing kasi sya sa angkan ng mga Chekwa kaya ganun. Ako rin ang tirador ng mga natitira nyang baon sa lunch na niluluto nya. Nakakuha din ako minsan ng Cereals na ibat iba ang colors galing sa kanya, minsan binibigyan nya ko ng starbucks cofee. Meron din syang binigay na magnet na frogy para hindi mahulog ang post it ko sa cube ko. Sweet no?

Isa syang ulirang single Mom, ang cute ng baby nya ang pangalan Dash na super kulets. Imagine mong nagpaka stage Mom sya nung christmas para sa Christmas tree contest sa school ni Dash. Well kinulit lang naman nya kame ng bonggang bongga na mag ipon ng soda cans. Halos masuka suka na ako sa coke para mag contribute ng soda cans sa kanya. Gumawa sya ng isang napakagandang Christmas tree na gawa sa cans, at take note ito ang nag champion sa school nila Dash. Galeeeng! Sayang wala akong picture 'nung tree para makita nyo.


Nalalapit na ang last day at birthday ni Kat. Eh, hindi naman ako mabokang tao kaya dadaanin ko nalang sa pag susulat ang parting words ko, mas magaling kasi ako dito kesa boka boka. Mas malaya kasi ako sa paraan ng pag susulat. Gusto ko lang mag pasalamat sa mga nakalipas na taon ng pag yoyosi at pag tatawanan natin pati ang mga madramang usapin ng love life at bitterness sa office. Maiksi kung tutuusin at wala naman akong halos na impart sa kanya. Pero in someways, I have learned a lot sa kanyang experiences. Kung sakaling mababasa mo ito kaibigang Kat, gusto kong sabihin na Gudluck bitch! LOL at you know you deserve someone better, right?! Chill ka lang. We are one text away.

Blogger friends can you say Good luck to my friend Kat for me?! I will appreciate that! Lab you Kat bisitahin mo kame ha at 'yung Euro at Chocolates ko ha. Toblerone white and Gummy bears for Jepoy.

See you when I see you! GOd Bless!

Monday, January 25, 2010

Weekend Report ko Sa Inyo!

Maaga akong bumangon ng Saburdey dahil hektik ang schedule, you know naman kaming mga artistas, always busy to death and all. Jowk!

Meron kasi kameng team dinner at Bidyokehan kasama ang aking mga kaopisina, syempre 'pag usaping Bidyokehan walang makakaagaw ng mic kay Jepoy, aktuli meron na akong listahan ng mga songs bago pa man ako pumunta doon, anu pa nga ba't pag hahanap nalang ng numbers ang effort ko, ewan lang kung may makasingit pa . Matagal tagal na kasi itong na popostponed, dapat 'nung araw ng Ondoy pa sya pero ngayon lang natuloy, naging 3 months in the making tuloy. Kasabay ng araw na iyon meron din akong lakad kasama ang ilan sa Filipino Writer na nag invite sa isang mamam session. Kaalin sabay nito ay kinita ko rin ang dati kong mga Officemates para sa isang gimik. Pukang Ama diba level up talaga, harabas sa lakad!

Kinabukasan Linggo ay gumising ako ng maaga kahit masakit ang ulo bunga ng hang ovah para mag punta ng Charch at maalis ang mga bagay na gumugulo sa isipan tulad ng tocino, longganisa, sinigang at carrot cake. Biro lang iyon, syempre kelangan ko talaga ng taimtim na panalangin at gusto kong mag praise and worship, na mimiss ko na talaga.

After noon ay nag pa carwash muna ako ng sandali, nakakawa naman ang Bebe ko hindi na nga sya nagagamit parati hindi pa nalilinisan, Kaya tumambay muna sa Petron para malinisan sya tapos fly high na agad sa MOA (ang comfort mall ko).

Sa MOA.

Pukang Ama! Ang daming madlang tao parang palengke lang. Nahihilo ako pag sobrang daming tao. Ayoko ng masikip ayoko ng maputik. Kaya dumiretso ako sa isang kainan na hindi masyadong mataong matao at kumain mag isa. Ito 'yung kinain ko
Tapos pag dating nga ng order na yan na realize ko nag diet-dietan nga pala ako. FOOKILOO! 'di ko naman pwedeng isoli ang order kaya inendyoy ko nalang ng beri beri nice ang food. Hindi ko naman inubos ung kanin at ung bilog bilog na something dyan pati ung salad na may bluecheese (defensive kagad!)

Matapos kumain at i-take out ang natirang food. Ay dumiretso ako sa Power books ang favorite spot ko sa Mall. Nag lakad lakad doon at nag spot ng book na pwedeng basahin.Sa aking pag titingin tingin ng aklat nasilayan ko ang book ni Eros Atalia minsan ko ng nakita ito sa blog ni mulong, na ikwento nya na nabili na nya ito. Palanca awardee itong si Eros. Since manipis lang ito kinuha ko sya at sumalampak sa gilid at nag simulang mag basa. Naisip kong mamya nalang ako manonood ng sine at wala akong pakialam kahit muka akong pathetic, pogi naman.

Mga around 4:00PM ako siguro nag simulang mag basa. Sa Simula palang pukang Ama tawa ako ng tawa. 'Yung tawa na parang bahay ko lang ang bookstore. Nag titinginan ang mga tao sakin at nag tatas ng kilay, pero kebs lang noh may pambili ako ng book mga buset! Ang isang pahina ay na sundan at nasundan pa, ang dami kong tawa at pag lingon ko ang mga bwakang ina, iyon na rin ang binabasa at humahagikgik din sila ng beri beri nice. Halos maduling at sumakit ang batok ko sa kakabasa. And Yes! Natapos ko ang book! Nakatipid ako ng 200.


Nanlalabo na ang aking mata ng lumabas ako ng Power books. At sawakas wala narin pila sa bayaran ng movie ticket at hindi na masyadong matao. Bumili ako ng isang ticket para sa pelikulang "Legion"

Tinext ko si Glentot kung may ginagawa ba sya. Pero sabi nya meron daw syang ka sex at mag lilinis sya ng kanyang tubo kaya hindi na ako nang istorbo pa. Inshort, na nood ako ng sine mag isa. Walang pakialamanan ng trip.

Ang panget ng mubi pero ok lang at least meron akong ginawa buong araw ng linggo at hindi ako nag mukmuk dahil hindi ako naaalala ng taong na aalala ko parati (Chumiziness bigla!)

'Yun lang naman. As if may paki kayo sa where abouts ko pero somehow sana na aliw kayo.

God Bless at Salamat sa pag babasa parati ng blog ko. Lab you all!


Sunday, January 24, 2010

Tae

****BABALA: Ang sumusunod na sulatin ay ibang level na sa walang ka-kwentahan. Maraming salamat sa The Bar na pinainom ng isang kaiibigan mula sa Filipino Writers inuman session dahil eto ang naging bunga nya isang Masterpiece para sa'kin. Wag mo ng basahin ok****

Tae.

Napaka powerful ng salitang ito.Bukod kasi sa merong iba't ibang form ito tulad ng: 1.)Medyo watery na may konting laman or commonly called Buris, minsan may halo silang munggo at mais, petchay, okra buto ng bayabas at kamatis na buong-buo pa pag labas 2).Pwede rin syang maging ubod ng tigas or commonly called Tubol, ito yung torture talaga pag lumalabas 'yung tipong maitutulak mo ang pader habang nag lu-lumalabas sya ng beri beri slow tapos pinag papawisan ka ng super lamig at buti butil, minsan naman habang lumalabas sya napapasigaw ka ng Awwwww! *Suprano Voice* na mahinang mahina sabay naka kulot ang fez kasi baka may makarining sa'yo mula sa labas ng kubeta at Oo masakit sya sa tumbong. 3.)Pwed rin syang swabe lang, tipong hindi matigas or hindi naman super lambot, ito 'yung ideal one. Bukod sa forms meron din silang colors, pwedeng maging kulay green, black or Orange/Brown. 'Yung black pag hindi ka tumae ng two years okaya Dinuguan at pusit ang ulam mo ng tatlong araw. 'Yung green pag sobra ka sa soft drinks ('Di mo alam to noh?!) yung Orange naman steady lang ang kinakain mo. Ang sabi nga nila sa pamamagitan ng color ng tae mo malalaman kung healthy ka o hindi. Kung 'di mo makita ang color ng saiyo damputin mo sa inidoro at itaas mo sa ilaw para makita mong mabuti ang color nya basta wag kang hihinga.

Baket ko nasabi na powerful ang salitang tae?

Ganto nga kasi 'yun. C'mon listen up you guys, lapit ka at kunin ang boy bawang o kaya butong pakwan habang nag babasa ka para mas ma-enjoy mo. Bukod sa mga na-mention kong physical appearances ng tae ang salitang tae ay super powerful hindi lang smell as we all know. Because you can use it sa daily conversation mo with anyone.

Ok, let me tell you an example. Kunwari niyaya mo ang friend mo mag punta ng mall tapos sabi nya Oo sasama sya pero isang oras bago kayo umalis nag sabi sya ng ayaw na nya kasi tinatamad sya. Pwede mong gamitin ang salitang tae sa pag reply sa text or pag tawag mo sa kanya para mas intense ang emotion. Ganto ang pag de-deliver

"Ang Tae Tae mo naman, tara na kasi nood na tayo ng Iron man 2 sa EsEm...Tae ka talaga!"

O 'diba ang husay.

Pwede rin itong gamitin sa love life. Parang nangyari ata sakin 'to. Once upon a time sinabihan ko na finally 'yung kras ko ng kras ko nga sya (So high school) Ang Reply nya.

"Tae ka Jepoy!" (Busted kagad wala pang moves)

I know, right?! Ang powerfull noh.

Pwede rin itong Pantawag sa close friend mo, para maging sound sweet in someways. Ako na swi-sweetan eh.

"Tae, bilisan mo mag bihis dyan, malalate ka nanaman. Tsaka don't forget to drink your ascorbic ha, lam mo naman uso fever ngayon...."

Kinda sweet, right?

Kaunting babala nga lang kasi merong malaking difference ang stool at tae, although, sa Kontexto pareho sila pero, hindi sila parehong pareho. Importanteng malaman ito lalo na sa mga pre-employment check checkup at annual physical checkup.

Pag sinabing stool kasi kukurot ka lang ng katiting na tae sa tinae mo sa inidoro wala akong paki kung basa iyon o matigas basta kukurot kalang ng beri beri nice, 'kaw na bahala kung anung special way mo para makuha ito. Basta konti lang dapat, ang tawag doon stool. 'Wag mong dalihin ang buong tinae mo, Please lang! Baka instead na ilagay mo ito sa stool tube na kasing liit ng lalagyan ng Mertayolet eh, ilagay mo sa lata ng sky flakes ang tae mo at iwanan sa Med Tech Stool Tray. Baka bugahan ka ng apoy 'nun. Please note na meron akong nakasabay na ganyan ang ginawa at binuksan pa ng kumag ang lata ng sky flakes sa stool tray, feeling ko yoon na ang ginawa nyang inodoro 'nung nag decide syang kumuha ng stool. Akala nya ay stool equals tae ng bongga bongga kaya doon na sya tumae para nga naman hindi na sya kumurot pa.

Galit na galit ang Medtech 'nung araw na 'yun. Sino nga ba namang hindi, right?!

Friday, January 22, 2010

Kwentong MRT

And so na buhay nanaman ang kwentong MRT series ko...

lately maaga akong nagigising masyado kasi
disturbed preoccupied ang aking brain ng mga bagay-bagay na walang kabuluhan at hindi naman makakapagpabuti ng estado ng kahit saang aspeto ng buhay ko.

Dahil nga doon, lagi akong halos muntik malate sa Opisina araw-araw dahil nakaka tulog lang ako pag malapit na ang oras para bumangon ako at maligo. Struggle ko na ito sa aking day to day regimen. Gising. ligo. kuskus singit. Sabon betlog.Apricot facial wash sa pogi at makinis kong face. Toothbrush. Bihis. Silip sa salamin. kindat ng One time sabay sabi ng Ampogi mo Jepoy pumasok ka na nga. Takbo sa MRT at kung sinuswerte minsan makakalimutan ang Company ID sa bahay at makikipag diskusyunan sa Manong Guard sa Opis na hindi ako Miron at ako ay Empleyado ng kumpanyang binapantayan nya 24/7.

Parati nalang ganyan. Walang bago. Parating boring. Nakakahugot nalang ako ng konting tuwa sa mga taong nakakasabayan ko sa MRT. Habang sila ay amoy singit na, ako naman ay fresh na fresh at poging-pogi papasok sa Opis para mag Blog. Pero madalas pag baba ko ng MRT ay looking hagard na kagad. Para lang akong binalibag ng 2o times at muka nang pang end of shift ang get-up ko.

Kanina. Pag sampa ko ng MRT, as usual sobrang daming madlang tao. Kahit na ayokong nadidikit sa balat ninoman na hindi close saakin eh, wala akong magagawa dahil hindi ko naman pag aari ang MRT. Pero my God! kung minsan gusto ko talagang bangasan ang kakiskisan ko ng balat kasi naman kaka lotion ko lang ng bath and body works (talaga may pangalan LOL) tapos didikitan ang balat ko ng maitim na manong tapos pawis na pawis sya, fuck the what diba?! Pero syempre steady lang ako kasi hindi naman nga ako ang may ari ng MRT.

Teka ang daldal ko para lang parot. Eto ang nangyari kanina. Pag pasok ko ng MRT meron akong nakasabay na apat na Nursing Students na naka school Uniform pa, 'di ko sure kung saang school sila galing or kung galing ba sila sa hospital duty. Hindi sila masyadong kagandahan pwede na sa rating 6 siguro.

Nakatayo kame sa favorite spot ko, 'yun ay sa may end ng MRT na malapit sa pinto para madaling lumabas pag baba ko ng Shaw. Tahimik lang ako habang nakikichismis sa pag uusap nila tulad ng gawain ko everyday.

Nursing Student1: Baks! Nakakapagod ang ginawa natin kanina.

Nursing Student 2: Oo Bakla buti nalang cute 'yung clinical instructor natin. Teka nag hand written ba kayo sa Diary natin.

Nursing Student 3: Baks! Ako kinopaya ko lang sa nursingjournal.com, tapos hand written lang. Bahala na silang umintindi 'dun.

Nursing Student4: Bakla ka! Winner ka talaga sa pandaraya, ako super sulat lang.

*nakikinig parin ako at nag sisimulang mag wonder baket bakla ang tawagan nila. Gusto ko tuloy silipin kung naka panty sila*

Nursing Student1: Baks! Tignan mo 'yung kuyang maputi doon oh, Panalo ang kinis ang puti at ang gwapo, nakakapanghina ng tuhod.

Nursing Student2: Bakla ka! Panalo ang sightsung mo! pero ang panget ng syota mukang matanders

Nursing Student 3: (Nakatingin dun sa maputing lalake sa kabilang tren) Kuya wag mo kong tignan ng gayan natutunaw ako at wala akong pera ngayon tsaka wag mo kong itext hindi ko matatanggap naka sun ako *Boses Nora Aunor ang pag dedeliver ng litanya nya*

Nursing Student 4: Kuya wag kang mag pa cute, wala rin akong pera. *Boses Nora Aunor din*

*Lumingon lingon ako para hanapin kung sinu ang cute na tinutukoy ng mga Students na ito. Ayun... nasa kabilang tren pala, akala ko ako (Asuming ang Negritong Jepoy?! Feeling mestiso lang?!)*

Malapit nang mag Shaw at hindi ko na makatiis kelangan kong tanungin ang isa sa kanila.

Jepoy: Excuse me, question lang.

Nursing Student 3: Ano yun Manong.

Jepoy: Manong talaga?! Jepoy nalang... Uhmm, Baket Baks ang tawagan nyo sa isa't isa bakla ba kayo.

Nursing Student 3: Ahahahhaha (Super lakas na tawa)

Tumingin sya sa mga kasama nya at sabay sabay silang nag tawanan. Feeling ko napahiya ako ng bonggalore. Malay ko bang babae sila eh kung bakla nga naman ang tawagan nila sa isa't isa ano iisipin ko diba?! Nag co-confirm lang ako, Mali ba 'yun?! Hindi ko na hinintay ang sagot nila dahil Shaw na at tatakbo pa ako papuntang One San Miguel Ave. Haist! Ang hirap mag commute. Ayoko ng masikip ayoko ng maputik<--- Drama lang.


Wednesday, January 20, 2010

Istorya sa likod ng Lahar Flow

I'm sure minsan sa buhay mo ay naranasan mo ng sumakit ang puson mo dahil sa pagpipigil sa sobrang kalibugan, kagaya nalang 'nung nag sisimula ka palang pumuslit para manood ng porn kasama ang tropa mo pero 'di ka makapag tikol kasi nahihiya kang ilabas ang betlog mo sa madlang people. Ako hindi ko naranasan 'yan mga porn porn ganyan ganyan na ka pervohan [Insert halo on my head] I think same level lang 'yun ng pag titiis mo na 'wag makipag communicate sa taong nag pa-fall sa iyo ( Taena baket biglang napunta sa cheezyness?!)

Ok let me try to explain further, Alam mo 'yung tipong nag uumiwas ka na itext, i-call, or i email or mag message sa fezbuk ng "How are you, eat na ba u? Take care because I care.." tapos to the highest level din ang effort mo na mag continue ng life mo na parang hindi sya nakapag pakilig ng betlog mo ng very very nice.

Shit! Hindi ko ma-explain ng maayos. Oh My Gasssss! Hindi pa naman cheesy month of Feb baket ganito na ang takbo ng panulat ko ngayon?!

Hindi ito maari! H-I-N-D-E! *Abu ba kar..Chunti Chunta..Sala Malay Kum.* (Tanga chant ko yan to break the spell because only pure hearts can break it) kaya sesegway nalang muna ako sa totoong Sulatin ko today. Kapit na!

Pota wag kang excited! Eto na nga eh!

Nag mamadali?! Basa lang shit ka!

Alam nyo ba na ang dami kong pag hihirap na naranasan sa buhay. Tulad nalang ng aking experience sa long term after effect ng pag sabog ng Mt Pinatubo. Yes, Pampanga po ang aking probinsya. Alam naman nating lahat na nasalanta ng lahar ang aming probinsya for like 7 freakin' years. So kahit na elementary palang ako noong nag major galit-galitan ang puking inang shit na bulkan eh talagang pinahirapan nito ang buhay ko. Hindi ko na ikukuwento kung paano kame nag evacuate noong major erruption nito. Pero pag pinilit nyo ko ku-kwento ko rin. Habulin nyo muna ko. Gusto ko slow mo tapos may confetti na nalalaglag habang hinabahol nyo ko.

Teka na lalayo nanaman ako.

Balik tayo. So 'yun nga, pag tag-ulan talaga rumaragasa ang lahar ng bonggalore samin. Noong College ako sa Maynila ako nag aral. Wala akong ATM noon. Lingguhan ang aking uwi para kumuha ng allowance at baon kong adobong nasa garapon, limang lucky me pansit canton, tatlong baretang tide at isang Downy na pampalambot ng ROTC uniform ko.

Tandang tanda ko pa ang pangyayaring noon na tila ba kanina lang, for like 2 minutes ito nangyari.

Byernes ng Hapon. May bagyo at napaka lakas ng ulan sa kalakhan Maynila. Isang daan nalang ang pera ko at wala na akong malinis na brief. Kelangan ko na talagang umuwi sa Probinsya para kuhanin ang allowance sa susunod na linggo at another set ng damit at medjas,brief pamasok. Nag Exam kame sa asignaturang Integral Calculus. Powtangena! Wala akong na integrate sa exam. Lumong lumo ako at super lungkot ng bongga dahil dyis lang ang nakuha ko out of 100 sa exam. Fuck!

After ng Class. Dala-dala ko na ang aking bag na punong puno ng maruruming damit kasama ang 100 peso-seso-ses na last money ko na naka lagay sa United Colors of Benetton na wallet ko na kulay Khak i ay napag isipin kong dumiretso na ng uwi at wag ng dumaan pa sa Boarding house kong parang bahay ng rat. Pag labas ko ng Intramurous ay na mumulandit ang malalaking patak ng ulan sa kalakhang Central Luzon (Parang PAGASA lang kung maka forecast?!).

"Shit kelangan ko ng makasakay ng bus para makauwi" Bulong ko sa self ko ng very very quite

Nag madali akong nag lakad papuntang Avendida (Dorotheo Jose) para sumakay ng Bus na Byaheng Bataan para umuwi saamin. Alas singko na ng hapon noon. Nilakad ko lang mula intramourous hanggang Dorotheo kasi mag kukulang na ang pamasahe ko sa bus pag nag Jeep pa ako. Hindi pa ako marunung umutang noon tsaka hindi pa ko masyadong friendly 'nun kaya sinasarili ko ang aking problems in life. Pag dating ko sa Sakayan ng Bus. Putang Ina! ang haba ng Pila mula Phillipine Rabbit hanggang Odeon ito. Naloko na! Nag rereklamo na ang mga alagad ng sining sa tyan ko. Tiniis ko ang gutum ko at na satisfy nalamang ako sa pag lunok ko ng laway na may konting Plema na kulay berde at dinaan nalang sa Yosi.

Bandang 8:00PM ay nakasakay din ako. Ayos lang naman dahil may nakasakay akong Chika bebe na maputi na Taga Bataan na mukang nag aaral sa USte. Dianne ang Pangalan nya. Tama ang hinala ko Taga USTe nga. Basang basa sya ng ulan. Nakabakat pa nga ang kanyang kulay black na Bra sa puting puting Uniform nya. Hindi pa nga ako friendly 'nun gaya ng sabi ko kanina pero wala akong choice kundi kausapin sya. Syempre hinihingi ng pag kakataon, tsaka Tao lang ako na sadyang mahina.

Binigay ko ang Jacket ko dahil sobrang lakas ng Aircon at na ninigas na kame sa lamig lalong lalo na si Dianne na mukang kinakailangan ang kalinga ng bisig ko para mainitan sya ng slight. Medyo matrapik sa NLEX ginagawa palang ito noong panahong iyon. Kaya kwentuhan lang kame at nag palitan ng number. Ilang sandali pa ay nakatulog si Dianne sa Shoulders ko at maya maya pa ay tumulo na ang laway nya. Pagod siguro sya at bagong kabit lang malamang ang kanyang braces kaya ganun. Pinunasan ko ang tumutulong laway nya ng medyas ko na galing sa bag, Oo madumi ito. Alanga naman panyo ko ang gamitin ko, malay ko ba kung may halitosis sya noong time na iyon. Ilang minuto pa ay nakatulog narin ako. Sana lang hindi ko sya natuluan ng laway sa fez nya sa aking saglit na pag ka himlay sa bus.

Mag aalas Onse na ng nagising kame sa boses ng Pangit at maiitim na kunduktor.

"Pasensya na po hanggang dito nalang tayo. Malakas po ang agos ng lahar hindi kayang tumawid ng Bus sa Porak" Pag aanounce ng Pangit na kundoktor

Marami ang nagalit at na disappoint. Pero kame ni Dianne hindi masyado. Pero ako naiinis na dahil gutom na talaga ako at wala na akong perang pabalik ng Maynila, kaya balak ko ng languyin ang lahar makatawid lang. Pag baba namin ni Dianne ng bus nakita namin na mataas na nga ang lahar at rumaragasa pa ito. Napansin naming tanging mga 16 wheeler trucks nalang ang may kakayang tumawid.

Tinanong ko si Dianne kung babalik sya ng Maynila, ang sabi nya kelangan din daw nyang umuwi talaga. Nakakita ako ng truck ng Pepsi at niyaya si Dianne na sumabit Doon. Yez nakasabit kame sa track ng Pepsi habang binabaybay ang lahar. Nakakahiya talaga at nakaktakot, Pota and the rest is History ika nga. Ang istorya pag katapos ng gabing iyon ay ibang kwento na hindi na dapat pang i-share.

May question ka? Iwan ka lang ng Koment sasagutin yan ni Jepoy :-D

See you later aligater.

Tuesday, January 19, 2010

Small Kwento lang

Sa tuwing umuuwi ako ng probinsya namen lagi 'kong binibigyan ng oras ang pakikipag kwentuhan ko sa aking mga magulang, alam nyo naman pag tumatanda nagiging medyo sensitive, kaya I make sure that I always spend quality time sa kanila kahit sa konting araw lang na malalagi ako sa bahay.

Si Papa ay isang retired Phil Air Force, si Mama naman ay active parin sa Phil Air Force, pumapasok parin sya sa Opisina, bali Supply Officer si Mama ng Philippine Aircraft at Aircraft Bomb inventory sa isang base kung saan kame nakatira. Si Utol at ako ay kumakayod sa Kamaynilaan at bihira kameng umuwi. Aktuli, twice a month ako kung umuwi para tipid sa gasolina si Utol naman eh kung kelan nya trip.

So sa tuwing umuuwi ako hindi ako masyadong nag babarkada at gumagala kung saan saan. Doon lang ako sa bahay nakikipag kwentuhan habang bumubutingting ng kotse kasama si Papa or Minsan nag luluto kasama si Mudra at pag gabi naman ay kasama ko ang aking Ma-Ke-Kesong Nobela na gaya ng binabasa ko ngayon na Hush Hush at nag e-emo sa kwarto ko O 'di naman kaya gumagawa ng blog or Maikling kwento collections ko.

Habang nag se-siesta kame ni Mudrax at Papa after ng lunch last weekend ganitong ang batuhan ng litanya...

[Insert flashback sound track here sa saliw ng Paparatzi! jowk!]

"Anak, I pasyal mo naman kame ni Papa mo sa Trimonya doon sa bagong Mall sa Maynila"

"Ma! TRINOMA po 'yun, hindi Trimonya, mamya marining kayo ng ehuserang froglet na kabitbahay natin sabihin ignorante ka sa Maynila"

"'Yun nga! Ipasyal mo naman kame ni Papa mo doon sa Trinomi"

"Trinoma nga po! [Insert naiiritang fez here] Naku! ako nga noong nag punta doon eh na hilo ako, wag na tayo dun Ma. Ang daming tao parati. Tsaka anu ba gusto nyo baket doon pa. Eh meron namang ESEM dyan sa San Fernando, diba parati naman tayo doon na mamasyal pag me-budget?!, Na nood ka pa nga ng Mano Po diba?!"

"Anak nakakasawa na doon! Tsaka matagal na akong hindi na luluwas ng Maynila, last na punta ko yata
doon eh 'nung inenroll pa kita noong college ka kasi natutu ka nang mangupit ng tuition fee mo nung second year ka"

"Ma!!! Ang tagal na 'nun tsaka for the record hindi po ako nangugngupit ng tuition fee meron lang kameng Project nun. Tsaka 'diba nag punta tayo ng MOA nila Papa bago mag Christmas?!"

Sumabat si Papa:

"Oo nga yan talaga si Mama mo sinabi ko na ngang wag na mag punta ng Traynimya kasi kaka punta lang natin sa MOA"

"Pa isa ka pa! TRINOMA NGA!... Sige sige punta tayo dun sa sweldo mag Jollibee tayo"

"Ayoko ng Jollibee ang cheap" sagot ni Mama

"Mama wag ka nang umarti at mag paka choosy diba gusto mo ng chicken joy?!"

"Fine! Bili mo narin ako ng bagong bag at Shoes"

"Wag na pala tayong pumunta ng TRIMONYA na yan, sige matutulog muna ko para makapag power nap ng sandali, Haist!..."


Saturday, January 16, 2010

Happy weekend!!!!

Gusto kong bumili ng timbangan pero na tatakot akong mag step in doon. Hindi naman sa dahil masisira 'yun, wag mo 'kong masyadong laiitin hindi pa ako lalampas sa maximum ng timbangan, Taena ka! Feeling ko lang nabawasan ang timbang ko ng beri beri slight. Kasi 'yung isang pantalon ko na dati super sikep eh lumuwag ng beri beri nice kanina. Aylavet! Pero the only way for me to find out is to see the numbers. Pero i feel na Nag e-effect na ang pag toothbrush ko pag na gugutum ako. Hindi mag tatagal ay makakapag skinny jeans na me. Joke lang! Ahahhaa

Onga pala gusto kong i dedicate ang last entry ko for the week para sa kaibigan kong si Drake, babalik na kasi sya sa Unites States of Saudi Arabia ang lugar ng mga kilikili man next to India. Lulan sya ng Cathay Pacific Business Class BOEING 747 (ZuZyal talaga!)

Si Drake ay isang mabuting tao pero pangit. LOL. Maarte sya at kung ano ano pa. Pero naging mabuti syang kuya. Madami kameng pinag debatihan sa short stint nya sa Lupang Hinirang. Nakaka enjoy din syang kasama kasi galante sya. Ganun nga siguro pag dollars ang sweldo. Ang dami nyang pasalubong samin ni Glentot like Toblerone white na favorite ni Jepoy, perfume sakin bag naman kay Glentot at Jaguar Magazine and Poster kahit na ang sabi ko Ferrari ang gusto ko (Joke lang). Hindi humihinto ang bibig nya sa ka-kwe-kwento bawal sumingit sakanya. Wala siguro syang nakakausap na 'sing brainy namin ni Glentot sa Arabia. Joke lang ulet.

Isa syang ulirang Anak at reponsableng kapatid. Pinag aral lang naman nya ang mga kapatid nya ng kolehiyo ng sabay sabay. Kung sakin mangyayari 'yun kakain na ko ng lupa at tae inshort hindi ko kaya 'yung ginawa nya. Mabuti rin syang kaibigan ang dami nyang social life for 30 days, singit lang 'yung samin ni Glentot. At Santa klaws sya sa probinsya nila pag pasko. Kung may positive dapat may negative pero gusto ko pang mabuhay kaya tama na ang positive sakin nalang 'yung negative.

O yan Drake Sikat na Sikat ka na sa pag ka artistahin mo sa blog ko. Congratulations sa PEBA video entry mo! kanina ko lang napanood na kakatats pala talaga parang bigla kong gustong yakapin ang kamaganak ko na OFW tapos iiyak ako at isasauli ko ang mga regalo nila saking relo, kwintas,PSP, tshirt at gummy worms.

Bawal kang mag comment dito ha!

Happy weekend Sa lahat See you Monday!

Thursday, January 14, 2010

Ang alamat ng Keso

Hindi ko alam kung tungkol saan ang isusulat ko ngayon. Pero gusto kong mag sulat, parte na to ng pagiging taong Java ko. Ayoko ko nga sana ng Cheesy pero anung magagawa ko kung cheesy ang idinudura ng utak ko. Blog ko naman to kaya kebs!

Tama si Glentot isa akong cheese na nag katawang tao. Hindi lang halata kasi masayahin ako at cute at chubby and bubbly at matalino (Again walang kokontra blog ko to!)

Dahil dyan May nag txt??! Joke lang...

Mag lilista nalang ako ng dahilan baket madalas ay ayokong mag sulat ng cheesy dito sa blog ko (like you care, right?!) At kung baket mas pinipili kong mag sulat ng mga walang kwentang bagay at pangyayari sa mundo ko tulad ng pag kakamot ng betlog sa umaga at pag kain ng toothpaste pag na gugutom ako para lang wag akong kumain ng mga masusustansyang pagkain tulad ng burger, pizza, fettuchenes, baked mac at Pansit na mag papadagdag sa timbang ko.

So ito na nga ang mga naisip kong dahilan:

1. Nagbabasa ang ilan sa mga officemates ko ng blog ko na ito for some reason. At hindi ko kinakaya ang kanchaw na inaabot ko galing sa mga impaktong ito. Madalas mali ang interpretasyon nila sa entry ko. Baka mapaaga ang pag re-resign ko bigla. I am not comfortable to someone asking me or teasing me about my personal life, unless I opened up ng kusa. Don't get me wrong mahal ko ang mga officemates ko na nag babasa ng blog ko (Biglang Kambyo! Mabuhay ka Istibi, Go green Archers LOL)

2. Lumalabas ang ibang level ng kakornihan sa katawan ko pag nag susulat ako ng makekeso at emo. Baka ma bore kayo bigla at hindi na balikan ang blog ko.

3. Madalas na naiiwan lang sa draft ko ang mga cheesy things, like poems at emo emohan entry. At nakaka drain talaga mag sulat ng emo chessy stuff kasi madalas ibinubuhos ko ang powers ko sa pag susulat minsan nga teary eyed pa ko while writing. LOL

4. Pag nagsusulat ako ng emo usually ay meron akong problem or bigla kong naalala ang isang nakalipas na hinuhunt parin ako, or umaarte lang ako ng bongga.

5. Dahil hindi ako marunung mag sulat ng cheesy at seryosong post. Puro kabulastugan lang ang alam kong isulat.

Pero humanda at Kumapit ka sa pwede mong kapitan pero wag dyan sa dede ng girlpren mo manyak! dahil sa Darating na bwan ng Pebrero bwan ng mga kapuso ay i-uunleash ko ang cheesy post ko. Buong month na makekeso ang lalamanin ng Pluma ni Jepoy. Mag baon ka ng minatamis kasi baka masuya ka.

I know, right?! Excited ka na... Umarte ka pang ayaw mo ng cheesy eh mas excited ka pa sakin. Letch! LOL


Tuesday, January 12, 2010

Magulong Entry...Randoms in English

Naniniwala ba kayo na may mga bagay bagay sa buhay na mas makabubuti nalang na hindi sabihin o alamin? Tulad nalang ng mabaho ang hininga ng girl friend mo or may panis na laway na namuo ang Manager mo sa labi nya pag pasok ng isang morning, eh saktong ikaw lang nakapansin tapos mega smile pa sya sayo. Well, joke lang 'yung examples na iyon para naman maging light parin ang entry na ito. Hindi kasi ako sanay sa mga seryoso mode masyado. Wala kasi akong sense na tao talaga.

Going back.

Naniniwala ka bang May mga bagay na hindi na kelangan pang busisiin at alamin? Kumbaga kung gusto ng isang tao na maging secret ito hanggang ma deadbol sya edi be it para walang complications at kung gusto naman nyang sabihin ito dapat handa sya sa pwedeng maging consequence nito sa relationship nila, tama ba? Isang classic example nito ang pambababae ng mga kalalakihan. Kunwari si lalake may Asawa at dalawang Anak tapos may Talipandas sya na kinalantare sa Opis. Sa tingin ninyo fair na malaman 'yun ng Asawa ni lalake kung smooth sailing naman ang pamilya nila? Ang sabi nga ng dati kong katrabaho sa ganitong mga scenario ng buhay, "Pre what she doesn't know doesn't hurt her"

I don't agree nor disagree sa statement. Hindi ko kasi kayang i-justify.

Ang punto ko lang sa post na ito. Meron mga bagay na personal masyado sa atin na hindi na necessary pang sabihin pa, kung hindi rin naman sya a matter of life and death at hindi sya makakabuti, wag nalang diba? Dahil pag nag desisyon ka ng ibulalas ito finally sa taong involve, hindi mo na ma co-control ang consequences na pwedeng mangyari, dapat handa ka. It will either make or break you.

Kung sabagay kanya kanyang gravity naman ng reason why we decided not tell those secrets to any living creatures diba? Pwedeng wala lang, pwedeng you think that's better, pwedeng it will offend them kasi, pwedeng nahihiya ka lang and the list goes on and on and on.

In my case it breaks me.

Pero hindi ko na mababawi kasi nga nandun na 'yun. So what I haf' to do is to bear and deal with the consequences. Yes it hurts but that's life. Everything will come to pass anyways.

In the first place kelan ba naging mali ang pag sabi ng Mahal kita (ANG CHEEEEEZZZZY) hahahaa joke lang yan, Shunga! Pangiliti lang sayo kumagat ka naman.

***************************************

Gusto ko talaga sanang mag pa ka emo today, habang naririnig ang pag ikot ng elisi ng electric fan tapos naka leave pa ko today tapos my katol pa sa tabi ko, ayos na ayos ang pag emo.

*Ting* Alam ko na....

Gagawa nalang ako ng letter.

Dear Panget,

Alam kong nag paparty party ka ngayong oras na ito habang ako naman ay namamatay kakaisip sayo. Pero ayos lang 'yun paka saya ka lang. Sana mabulunan ka letche ka! Joke lang. Sana ay parati mong ingatan ang kalusugan mo. Kumain ka ng gulay, kamatis, okra, sitaw at cabbage. Alagaan mo ang skin mo alam mo naman na yan lang asset mo. Sana ay maging mabait ka parati katulad ng pagiging mabait ko. Sana ay parati kang maging happy kahit ako parating Sad. Wag ka na sanang mag paramdam sakin para makalimutan na kita. I delete mo narin ako sa facebook mo. At ayoko ng makita ang IP mo sa blogsite ko, Oo kabisado ko ang IP mo. Hindi ako bitter. Kelangan mo lang akong tulungan makalimot for my own good. Ingat ka parati sa trabaho wag tanga tangahan sa boss mo. Tsaka gumamit ka ng facial wash bago matulog wag masyadong tamad mag hilamos. Sige na nga pag nalulungkot ka ng sobra pwede mo kong itxt at i email, pero kung kaya mo naman na tiisin eh wag nalang. Sya nga pala may bago akong Kras hihihi. Ang landi ko noh? Pero naiisip parin kita madalas kahit may bago akong kras. Konti pa malapit ng hindi. Sige wala na akong maisip sabihin. Mag ingat ka. Lab you.

Lubos na Gumagalang,
Panget

Sunday, January 10, 2010

Jepoy Meets Powkie

Ok it's not yet time for another post, it is too soon I know Pero excited ako eh. Kung sabagay hindi naman contest ang personal blog na paramihan ng readers and commenters ng entry. Ako I just write from the heart yun lang ang motibo ko basta wag lang mabasa ni Nanay ang blog ko (Meganown?!)

Well anyway highway, this has been a very special day because umaarangkada nanaman ang social life ni Jepoy.

Not so long time earlier Jepoy Meets Powkie fresh from Europe (Sensya inuna ko na sya paalis na kasi sya ulet). Yes ang pinapangarap kong ma meet na si Powkie ay na hawakan ko na rin sawakas kasama ang dalawang sisters nya. Let me share a Pix at ilang maikling kwento.

Wag kang excited!!!

Eto na nga. Wag mo na lang pansinin 'yung isang echuserong frog na isa sa picture, parating naka buntot kasi kay Jepoy yan. (Si Glentot not following instructions, that picture should have been a stolen shot, nag pa cute pa sya ampota)

People meet Powki...


Si Powkie ay nag mula sa bansang Germany ang cute ng pakikipag sapalaran nya doon at ang mahalay na klase ng panulat nya, LOL. Basahin mo mapapa tumbling ka ng tatlo at kalahating cartwheel. Bali pinag ipunan ko ang pakikipag date ko sa kanya, mga tatlong sweldo ko na pinag sama-sama pero 'nung mag babayad na ng bill, fookiloo! Nag hihilahan kame na parang mag jowa sa Bill habang si Glentot deadma lang (Strong bones talaga) Nag hihilahan kame for like 2 mins kung sino ang mag babayad. Syempre ako ang nag invite at isa syang babae tapos tunay na gentle man si Jepoy kaya dapat si Jepoy ang mag babayad pero dahil Euro ang kita ni Ate Powkie hindi ako nanalo.


Bali lumafang kame ng eat all you can filipino food saan pa ba kundi sa MOA, sa Cabalen kame kumain kasi kapampangan ako (Not true blooded). Medyo na hiya ako kay Powkie kasi bonggang bongga ang Order ko kasi nga akala ko ako mag babayad. Maiba lang ako ng konti, looking at the picture diba pumayat ako ng beri beri slight dahil sa day 5 na nga ako ng diet ko? (Umagree ka Nyeta!)

Kasama ni Powkie ang dalawang Sisters nya, Kras ko yung isa, 'yung maputi na Medyo chubby. Ang landi ko noh?! Kras lang naman eh, ang masama eh kung kay Glentot ako mag ka kras, nakaka sulasok iyon.

Bali hindi na tuloy ang pinapangarap kong halayin si Powkie kagabi kasi ang dami naming kwento kasama ang echuserong frog na si Glentot, kung kaya hanggang akbay nalang ako sa pictures tsaka wala ng time para dumiretso ng Shhhhhhhhhhhhhhhh, hindi namin naramdaman na close na pala ang Mall. Galing pa kasi kame ni Glentot ng Trinoma para mag padala ng tootsie roll papuntang Dubai. Sa Trinoma nahilo ako ng bongga dahil sa karamihan ng Tao at hindi ako talaga marunong duun na di-disorient ako sa lugar, gusto ko ngang sumuka sa Cicle eh at muntik na akong mag passout kasi nga Gravy at toothpaste lang ang kinain ko the whole day dahil sa aking diet. Pero 'nung nag eat-all-you-can kame, Powtangena! Talo talo na ito, naka tatlong plato ako (Dont get me wrong hindi plato ang kinain ko, 'yung laman ng plato).

Syetttttttttttttttt na kaka- kunsensya ang mabusog ng bongga. Kaya tatlong araw akong hindi kakain starting today. Wish me luck! LOL

I just realized how powerful blog is, I mean you only read your co-bloggers writings, some use it to show their alter ego, some write about everything about them, their thoughts and emotions and experiences but in my case it's like, the more I read about their writing the more personal I get to know them tapos pag finally mag kikita na, it's like you have known them for the rest of your existence sa Motha Neycha at tropa kayo kagad. It's so Amazing!

I may be neophyte to this stuff kasi this has been happening for years to others but what the hell I don't care I am enjoying it. Teka na papa English ako. Wala na kasi akong masabi.

Sa iyo Ate Powkie salamat sa isang kahang Marlboro lights. Wala man lang akong nabigay sayo hindi manlang tayo nag kiskisan ng Pisngi kasi sobrang late na ahahaha. Ingat ka sa pagbalik sa bansa ng mga supot at see you sa blog mo.

Ingats!

Saturday, January 9, 2010

Motivation

Sinabi ko sa sarili ko na regular na akong mag bla-blog. Kaya pinangangatawanan ko ito.

Dahil maraming nanlalait sa pagiging mataba ko. Napag desisyunan kong iangat ng one step higher ang level ng pag da-diet ko and ini-internalize kong mabuti 'yung panlalait ng mga Miron sakin (Mga Powthangena nyo!)

Eto nga pala ang mga Sample ng panlalait sakin.

Sample#1
Glentot: Pekpek Happy New Year
Jepoy: Happy New Year din sayo sana tumalon ka mamyang madaling araw sabayan mo ng pag inom ng cherifer para tumangkad ka pa...
Glentot: Ikaw naman kagat ka na sa Mansanas!

Sample#2: Christmas Party Meeting
OfficeMate: Kelangan natin ng Maskot
Jepoy: Edi mag hanap
OfficeMate: Ikaw nalang kaya
Jepoy:Putang Ina mo hindi ako kasing laki ng Maskot. FUck it!

Sample#3: Conversation with Manang Dunkin Donut sa MRT
DunkinPota: Kuya alam mo ang Pogi mo kaso Ang Taba mo. Papayat ka pa ng konti. Konti lang naman kasi hindi bagay sayo ang super payat.
Jepoy: Whoa! Close ba tayo ate para sabahin mo ko nyan? I didn't see that coming.
DunkinPOta: Kuya ang cute mo pag medyo asar kana sumisingkit ka, tapos ang Red ng lips mo. Wag ka na magalit please. Eto na change mo.
Jepoy: Umayos ka bukas ate ha! Papayat na ko Mamya kala mo. Hmp! Good Bye

Sample#4 Isang eksena sa comment box ng blog ko
Kablogie: Balita ko may Foot and Mouth decease ka daw LOL
Jepoy: *Cursing* Sabay hagis ng laptop sa Bed

Sample#5 Eksena sa Elevator
*sound ng elevator pag puno na* Ding Dong
Passenger1: Ang taba kasi ng Isa eh
Jepoy: Ako ba pinariringgan mo bansot?!
Passenger1: Ovious ba, ikaw lang naman Chubby dito.
Jepoy: Kung ikaw kaya ang lumbas kasi ang rule dito last in first out (LIFO) pag over over na ng tao.
Passenger1: Hindi naman to mag over kung wala ka dito
Jepoy: Kung Overin ka kaya ng facility Manager dito, na ngunguna ka pa sa Empleyado, Mamya ka na mag linis ng CR fookiness ka!
Passenger1: SOrry Sir sige ingats!

So pag katapos ko i-internalize ang mga panlalait ng miron, na mo-motivate akong mag diet at mag ehersisyo lalo. Dahil nga Nang-gagaliiti ako na konti dahil sa pang aalipusta nila sa pagkatao ko. Kaya mas madaling gawin ang diet at ehersisyo

Bawat desisyun natin may kaakibat ito na sacrifice. Para sa isang tabachoy na katulad ko ang isa sa pinaka masarap gawin bukod sa magkamot ng betlog ay kumain ng bonggang bongga. Lalu na ng kaning bahaw na may partner na pulang hotdog ng Mekeni na may konting tocino at Coke light. Ang sarap kasi. So matinding motivation and concentration ang kailangan sa pag diet. Naisip ko lang na magaling talaga si Papa Jesus, kasi meron laging balance of Nature ika nga. Kasi kung hindi ako Chubby edi wala na akong kapintasan. Kamusta naman diba?!

Pero dahil kelangan clean living ngayong 2010 eh, diet na muna. Kanina ay nasa day five na ako. Meron akong na diskubre. Nakakawala ng gutum ang toothpaste at water. So pag na gugutum ako nag totoothbrush ako tapos iinom ako ng 2 glasses of water. Aylabet!

Dapat lagi akong may toothpaste sa bulsa. Para pag napadaan ako sa jalibi. Isusubo ko lang ang toothpaste wala na akong ganang kumain bigla. hihihihii


Thursday, January 7, 2010

Seryoso Muna Ok...

Minsan lang akong mag sulat tungkol sa Work ko. Lagi kasing sablay ang mga entries ko pag tungkol sa trabaho ko na ang pinag uusapan. Alam nyo ba na last week ay sumapit na ang ika dalawang taong annibersaryo ko sa kumpanyang pinag tra-trabahuhan ko.

For the Record, ito na ang pinaka matagal kong pag stay sa isang kumpanya because nandito parin ako at wala pang balak mag resign, nag ste-stay ako hindi lang dahil meron akong bond bunga ng pag papadala nila sa akin sa Amerika kundi dahil gusto ko talaga ang Kumpanya as a whole at ilan sa mga ka trabaho ko dito. 'Yung work assignment ko at mga Boss sa Amerika at dito sa Pinas (Yes dalawa ang Boss ko) ay another story to tell.

Uhhm, Nalulungkot kasi ako and as you all know, ito ang favorite outlet ko sa buhay ang, pag susulat. So just hear me out kahit hindi ka naman nakakarelate, buset ka!

Ok, sa group namen isa ako sa may pinaka mababang job grade level, kung paano ko nalaman ay sakin nalang 'yun basta talent na ng isang pagiging echuserong frog 'yun. Anyway highway, 'nung taong 2009 nag resign ang napaka cool na boss ko para sa pag lipad nya sa Australia, doon na kasi sya mag we-Work kasama ang family nya, pero bago sya umalis ay na gawa pa nyang ma-i-promote ang mga ka group ko na nag celebrate ng 2 years nila (Yes Nila 4 sila). Imagine kahit kasagsagan ng effect ng recession samin nagawan nya ng paraan na ma-justify ang promotion nila.
So come this year kame naman ang nag two years at may replacement na ang dati kong boss, external Hire 'yung kapalit. Dahil nga two years na kame, 'yung officemate kong ampalaya like me ay nag email sa bagong boss ko para mag tanong ng pasakalye about promotion (Meron kameng annual increase pero mas bigtime kasi ang promotion, bongalore ang dagdag sa basic) at nalaman namin na malabo pa sa lugaw na may liver at balun-balunan at egg na may magaganap na promotion. Hindi naman ako expecting, Duhr! hindi naman ako model employee at kapromote-promote pero ang sakit lang ba sa lungs at iba pang internal organs kasi nga at the end of the day "Pera" parin 'yun at kung susumahin comparatively eh nagawa naman namin 'yung nagawa ng mga kasamahan namin na na-promote last year (Ok Subjective to, I know). Ang masakit pa sa betlog dito, hindi ako makapag question, Oo likas akong reklamador at nag re-raise talaga ako ng questions kahit lahat ng kinauukulan at kataas-tasan ay nasa meeting room, kahit mag nosebleed ako ng bongga. Pero magagawa ko lang 'yun kung alam kong wala akong flaws sa trabaho. Eh ang kaso, ang dami! Fuck it. Kaya shut up ang cuteness ko sa cube ko. Mega blog nalang ang kinalabasan.

Alam kong mahirap ang buhay ngayon, mahirap mag hanap ng work na tataasan ng 50% ang current renumeration ko. Napapagod narin akong mag start ulet, kasi parang every two years nalang nag reresign ako. Ang nag papasaya nalang talaga sakin sa office ay ang internet na walang filtering, blog all you can, YM, nood mubi all you can pero lately sobrang daming trabaho at 'yung bossing ko sa Amerika isa syang dyosa na may pag ka dragona, dahil lagi syang tama ako ang parating mali. Na try ko nang makipag palitan ng mga maiinit na email at ang end result ay talo ako plus mag kakaroon pa sya ng perception na kamote ako, syempre wala akong laban English kasi eh. Kung Tagalog 'yun humanda sya. Pero ganun talaga I have to deal with it, kasi ito ang bumubuhay sa akin at ito ang nag babayad sa pag kaskas ko ng credit card. LOL

Should I start looking for another job? abroad perhaps? Tumatanda na kasi ako at habang tumatanda ako nakikita ko na hindi parin ito ang buhay na pinapangarap ko. Hindi naman sa muka akong pera or something kasi more than enough naman ang kinikita ko. Pero Ewan ko ba. Ang gulo ko. Siguro nga gusto ko ng bagong Environment. Or siguro hindi lang ako sanay na mediocre ang performance ko sa work, subejective ito. Or siguro hindi ko pa nakikita ang dream job ko. Siguro hindi ako papor sa pausong style ng bago kong boss. hindi ko rin alam talaga.

Sensya na, Episode lang 'to ng katok ko! hinidi kasi ako naka singhot ng katol kanina.

Tuesday, January 5, 2010

Short Update lang...

Bisperas palang ng bagong taon ay talaga namang masayang masaya na sa Probinsya namen. Ang lahat ay busy busyhan sa pag pre-prepare para sa New Year. Masaya ang bawat sambahayan, sa bahay namin mas masaya nandun kasi ako eh.

Syempre naman si Ermats nag rent na kina Mang Domeng (Domingo) ng Bidyoke. Alas-Syete palang ng umaga ay nasa garahe na namin ang mala-Higanteng Bidyoke na karaniwang makikita lang sa Raon. Syempre, hindi ako papahuli sa mga ganitong pag kakataon, pag 'tapos na pag 'tapos kong mag gargle at mag toothbrush ay agad na akong nakipag bakbakan ng kantahan, sinimulan ko ang konsyerto sa bagong bagong awiting pinamagatang, "Bawal na Gamot" (Sana maka relate ang batang 90's na naipanganak) Basta ang linya ng song ay ganto, "Bawat yungto ng sandali halos 'di ko alam....Pa-nga-rap ko'y 'di naabot dahil sa bawal na gamot". Nasundan pa ito ng mga sunod sunod na hits ko sa Videoke tulad ng Laklak,Huling Elbimbo,Apologize,Fallin, Heart of Mine, It might be you' (Pa cheesy ng pacheesy wag nyo ng pansinin) hanggang magising si Utol para maki agaw ng mikropono sa akin, eh mas likas na maganda ang boses nya kaya talo ako, sa iskor palang ng bidyoke ayaw ng pumanig sakin. Sya 98 ako 69 parati, buset!

Tumigil ako ng panandalian para tumulong kay Ermats sa pag hahanda ng makakain sa pag salubong ng New Year, syempre ako ang Chef gusto ko kasing ma tikman nila ang mga pagkain na hindi nila na titikman sa probinsya tulad ng Fetuchenes Presto Itallanis (Imbento ko lang yan) Ang fresh Pomelo salad na pinigaan ng fresh Orange Juice,shabu shabu at ang sosyal na sosyal na paborito kong Ube Cake at Marami pang iba (take note apat lang kame sa bahay). Sa mga moment na ganito walang talagang papantay sa mga ngiti ni Mama dahil masaya sya na hindi sya gumastos. Jowk! Masaya sya kasi kumpleto kame. Alam nyo ba na mula nang ipinanganak ako noong 1991 ay walang New year na hindi kame na kumpleto at nag sindi ng lusis ng sabay sabay, syempre sa bakuran 'yun hindi sa loob ng bahay. Isa yan sa pinag papasalamat ko kay Papa Jesus ang lagi kameng kumpleto. Jowk lang ang 1991 birth year ko.

So back to kwento, bumalik ako sa konsyerto para makipag tungali sa Utol ko. Mag hapon kameng nag bibiritan na sinabayan ng konting toma kasama ang aming mga piling piling mga kaibigan. Ilang sandali pa ay sumama ng beri beri nice ang pakiramdam ko at tila baga kinakailangan ko ng mahiga dahil mataas na ang aking fever. Ang nakaka lungkot pa dito ay hindi manlang ako na gising ng 12 oklak para mag sindi ng munting lusis dahil sobrang sama ng pakiramdam ko. Ang dami ko pa namang Pikolo na bili sa Bucaue.

Feeling ko 'yung Bidyoke ang may sala ng lahat.

Kaya hanggang ngayon meron parin akong dry cough at pabugsubugsung fever. Sana naman wag akong mag kasakit buung taon dahil winelcome ko ang 2010 ng pag kakasakit.

on the lighter note. Gusto kong magpa mohawk para new look. Mag mumuka kaya akong bakulaw dito? well muka na pala akong bakulaw talaga. Meron akong check up ulit Mamya pag pray nyo na magaling na ko ha at hindi AIDS ang sakit ko. Thank you po muahugs!