Thursday, January 7, 2010

Seryoso Muna Ok...

Minsan lang akong mag sulat tungkol sa Work ko. Lagi kasing sablay ang mga entries ko pag tungkol sa trabaho ko na ang pinag uusapan. Alam nyo ba na last week ay sumapit na ang ika dalawang taong annibersaryo ko sa kumpanyang pinag tra-trabahuhan ko.

For the Record, ito na ang pinaka matagal kong pag stay sa isang kumpanya because nandito parin ako at wala pang balak mag resign, nag ste-stay ako hindi lang dahil meron akong bond bunga ng pag papadala nila sa akin sa Amerika kundi dahil gusto ko talaga ang Kumpanya as a whole at ilan sa mga ka trabaho ko dito. 'Yung work assignment ko at mga Boss sa Amerika at dito sa Pinas (Yes dalawa ang Boss ko) ay another story to tell.

Uhhm, Nalulungkot kasi ako and as you all know, ito ang favorite outlet ko sa buhay ang, pag susulat. So just hear me out kahit hindi ka naman nakakarelate, buset ka!

Ok, sa group namen isa ako sa may pinaka mababang job grade level, kung paano ko nalaman ay sakin nalang 'yun basta talent na ng isang pagiging echuserong frog 'yun. Anyway highway, 'nung taong 2009 nag resign ang napaka cool na boss ko para sa pag lipad nya sa Australia, doon na kasi sya mag we-Work kasama ang family nya, pero bago sya umalis ay na gawa pa nyang ma-i-promote ang mga ka group ko na nag celebrate ng 2 years nila (Yes Nila 4 sila). Imagine kahit kasagsagan ng effect ng recession samin nagawan nya ng paraan na ma-justify ang promotion nila.
So come this year kame naman ang nag two years at may replacement na ang dati kong boss, external Hire 'yung kapalit. Dahil nga two years na kame, 'yung officemate kong ampalaya like me ay nag email sa bagong boss ko para mag tanong ng pasakalye about promotion (Meron kameng annual increase pero mas bigtime kasi ang promotion, bongalore ang dagdag sa basic) at nalaman namin na malabo pa sa lugaw na may liver at balun-balunan at egg na may magaganap na promotion. Hindi naman ako expecting, Duhr! hindi naman ako model employee at kapromote-promote pero ang sakit lang ba sa lungs at iba pang internal organs kasi nga at the end of the day "Pera" parin 'yun at kung susumahin comparatively eh nagawa naman namin 'yung nagawa ng mga kasamahan namin na na-promote last year (Ok Subjective to, I know). Ang masakit pa sa betlog dito, hindi ako makapag question, Oo likas akong reklamador at nag re-raise talaga ako ng questions kahit lahat ng kinauukulan at kataas-tasan ay nasa meeting room, kahit mag nosebleed ako ng bongga. Pero magagawa ko lang 'yun kung alam kong wala akong flaws sa trabaho. Eh ang kaso, ang dami! Fuck it. Kaya shut up ang cuteness ko sa cube ko. Mega blog nalang ang kinalabasan.

Alam kong mahirap ang buhay ngayon, mahirap mag hanap ng work na tataasan ng 50% ang current renumeration ko. Napapagod narin akong mag start ulet, kasi parang every two years nalang nag reresign ako. Ang nag papasaya nalang talaga sakin sa office ay ang internet na walang filtering, blog all you can, YM, nood mubi all you can pero lately sobrang daming trabaho at 'yung bossing ko sa Amerika isa syang dyosa na may pag ka dragona, dahil lagi syang tama ako ang parating mali. Na try ko nang makipag palitan ng mga maiinit na email at ang end result ay talo ako plus mag kakaroon pa sya ng perception na kamote ako, syempre wala akong laban English kasi eh. Kung Tagalog 'yun humanda sya. Pero ganun talaga I have to deal with it, kasi ito ang bumubuhay sa akin at ito ang nag babayad sa pag kaskas ko ng credit card. LOL

Should I start looking for another job? abroad perhaps? Tumatanda na kasi ako at habang tumatanda ako nakikita ko na hindi parin ito ang buhay na pinapangarap ko. Hindi naman sa muka akong pera or something kasi more than enough naman ang kinikita ko. Pero Ewan ko ba. Ang gulo ko. Siguro nga gusto ko ng bagong Environment. Or siguro hindi lang ako sanay na mediocre ang performance ko sa work, subejective ito. Or siguro hindi ko pa nakikita ang dream job ko. Siguro hindi ako papor sa pausong style ng bago kong boss. hindi ko rin alam talaga.

Sensya na, Episode lang 'to ng katok ko! hinidi kasi ako naka singhot ng katol kanina.

36 comments:

  1. Try mo maging porn star sa tingin ko dun ka nababagay talaga...

    ReplyDelete
  2. oh kaya food critique?

    ReplyDelete
  3. @gLENtot Ayoko!

    @Stibi baket naman food critique e hindi naman ako mahilig sa food...

    ReplyDelete
  4. hahaha! yun kasi unang pumasok sa ulo ko at saka mahilig ka kasi kumain.

    ReplyDelete
  5. Heto seryoso din ang comment ko. Hehe. :)

    Para ma-promote ang isang empleyado, kailangan ma-exceed ang expectations ng management based on certain key result areas (e.g. quantity of work, quality of work, personality, attendance, etc.). Kung sa tingin mo deserving ka para sa isang promotion, pwede mo namang hingiin 'yun sa boss mo. Kailangan mo lang ng konting guts at kapal ng mukha para i-bring up 'yun sa kanya.

    I-highlight mo din sa kanya 'yung mga naging accomplishments mo for the past two years.

    Try mo lang.

    ReplyDelete
  6. @Gasdude Pwedeng wag isali ang attendance?! LOL

    Pero honestly, Feeling ko naman pwede pero ayoko kasi manggaling sakin yung tanong, baka sabihin sabik ako. Feeling ko rin kasi trabaho ng Manager na makita 'yun at gawin ang part nya para ma push through ang mga gantong klaseng opportunity. Normally kasi dito sa company namin pag di ka na promote ng one grade higher after two years mo sa kumpanya eh isa kang malaking kamote.

    ReplyDelete
  7. Gayahin mo na lang si Bob Ong pre, tutal masaya ka naman sa pagsusulat :D

    ReplyDelete
  8. hahaha.
    bahagi lang ng trabaho ang pagkakaroon ng mga reklamo at pagiging bitter.

    pero ito lang ang masasabi ko,
    Kung gusto mo ng maraming pera, sige abroad ka!
    pero since sinabi mo na hindi---pag-isipan mo ng mabuti kase iba ang buhay abroad..lols

    magbago ka kaya ng career?
    o di kaya dagdagan mo ang career na tinatahak mo! hehehe

    ReplyDelete
  9. @LordCM Gustuhin ko mang gayahin si Bob Ong eh, hindi kaya ng powers ko ang pag ka talented ni Bob Ong. Marami pa kong kakaining ispageti (Oo Spegeti para susyal) bago ko maabot si Bob Ong.

    @Kosa Sige na nga gusto ko ng mga marmaing Pera. Hanapan mo ko ng fiancee dyan na pwedeng idivorce after kong makalapag ng Vancouver hihihihi

    ReplyDelete
  10. well jepoy tama yung sinabi ni gasoline dude, promotions are based on your achievements and (yun nga kung exceeded expectations ka mostly sa lahat ng projects mo or work scope) hindi lang basta tumagal ka ng 2years as an employee pero I agree dun sa sinabi mo na trabaho ng manager mo na ipush ang promotion mo kase awkward naman na ikaw ang magpush nun...malas mo lang na natapat ka sa manager na toinkz, hehehe

    bat di mo subukang mag-artista? ahahahaha...para may karibal na sina John Lloyd at Dingdong Dantes,nakanaman!

    ReplyDelete
  11. @Deth Aktuli ang dami ngang offer ng ABS ang GMA eh, tinatanggihan ko lang baka mawalan ng Career si DIng Dong ahahahhaha feel na feel eh noh.

    Well Salamat sa mga sinabi nyo. Nakatulong ng malaki lalo na ang pag aartista ko ahahahha

    ReplyDelete
  12. nakarelate ako.. magtu-two years narin ako sa kompanya next week at parang medyo naiinip na ako. siguro kasi 4 months palang ako nung napromote kaya ngayong lagpas isang taon na akong walang movement, medyo nakakalungkot.

    tama ka, at the end of the day pera parin naman ang nakakaapekto satin eh. aminin na natin, some people work because gusto nila iexpress sarili nila o di kaya eh gusto nila yung mga kaopisina nila. pero at the end of the day, pera parin. it's the reason why we work in the first place. kaya justifiable naman ang pagkababa ng iyong morale.

    i hope u feel better soon. :D malay mo bonggang bonggang VL lang kailangan mo.

    ReplyDelete
  13. @Citybuoy I agree bonggang bonggang VL lang to ahahah. Ganun nga talaga siguro, three bottles na ngalang muna lol

    ReplyDelete
  14. tagay! haha manlibre ka naman.

    ReplyDelete
  15. @Citybuoy Ikaw nga dyan ENglishing eh, ibig sabihin mayaman... Pa three bottles ka naman :-D

    ReplyDelete
  16. Dun sa previous call center job ko, you apply for the promotion. You don't wait for management to offer you the promotion. It's a great opportunity, especially if you know that you most deserve it. On the down side, people who are NOT supposed to be promoted can still get promoted because of this.

    Kaya mo yan, Jepoy. You just have to work harder for it and make sure that the bosses are looking, para naman di sayang ang bonggang effort. Ü

    ReplyDelete
  17. Makisawsaw nga. Magsulat ka kaya ng kacompetensya ng Harry Potter. LOL. Igagawan nila yan ng movie na may episode 1, tapos 2 hanggang you know 20. Yung Shake Rattle and Roll nga eh umabot ng ng 11.

    ReplyDelete
  18. @Angel Yeah, I'll try to keep that in mind. Thanks Angel

    @Glampinoy Salamat sa comment, di ko lang masyadong makita ng connection ng suggestion mo sa post ko..hehehehe jowk lang po

    ReplyDelete
  19. Abroad.... Malaki ang future!


    New Year New job! Haha!


    Happy New Year!

    ReplyDelete
  20. @Mangyan Adventurer Sige refer mo ko dyan brad LOL

    Happy New Year din sayo!

    ReplyDelete
  21. hangseryoso.. jepoy? kaw ba yan?... wehe... uhm... hmmm... u don't have to stay naman sa job kung dehinz ka na masaya... go out there.. find a new job.. somethin' nah you'll love... somewhere you'll have fun... i guess sometimes... u juz get tired of doin' d' same time.. or bein' in same place.. or workin' w/ d' same people... u wanna try somethin' new.. so go ahead... pero may point... moneywise nga nemen... parang yan den ang naghohold back saken lately... i want a new job... yeah i do... pero i don't do nothin' 'bout it.. haha... hanggaling koh mag-advice noh... pero i'll take some action soon... i wanna do somethin' new... pero yung soon later yon... haha... oh medyo siguro sooner than later... or earlier than later.. yonz.. ahaha.. hanglabo koh... well kaw na bahala.. itz up to you... you run 'ur own life... do whatever u think gonna makes yah happy... take care and have a blessed new year.. Godbless! -di

    ReplyDelete
  22. @Dhianz Ikaw din Online noh?! Yeah, thanks sa advice I guess ganun na nga ang patutunguhan ko soon ahaha

    ReplyDelete
  23. nope dehinz akoh online.. kala moh lang 'un...ahehe.. ingatz Jepoy!... hwag ganong seryoso... nde bagay sau... haha.. biro lang... gusto koh tumawa sa entry moh pero seryoso nga tlgah.. haha... ingatz! =)

    ReplyDelete
  24. I know how you feel... HAHA! yun nga lang, naffeel ko yan not because tumira ako ng katol . XD

    Kung trip mong mag-abroad, then go. Kung para sa personal growth mo naman diba? Try mo din hanap ng ibang company. It doesn't mean lilipat ka pero para may options ka.

    ReplyDelete
  25. @Dhi Sige tawa lang

    @Rich I'll consider pondering your suggestion (Naks napapa english ako) Salamat sa pag comment Rich. Happy New year sayo!

    ReplyDelete
  26. try mo sumali sa talentadong pinoy jepoy? ano sa tingin mo? hahaha

    ReplyDelete
  27. siguro nga..feeling ko lang..kelangan mo nga ng new work environment dahil hindi pa nga siguro yan ang gusto mong gawin pang habang buhay.. kasi ung iba kahit hindi malaki ang sweldo sobrang contented na sila kasi un ang gusto nilang gawin. at kakayanin nilang mabuhay na un ang ginagawa nila.

    u need an intervention. haha!

    ReplyDelete
  28. @Popoy Oo kakain ako ng blade at sasayaw sa alambre. Aylovet!

    @Chikletz Onga feeling ko kelangan ko ng New Environment. Pwede ba kong pumasok na labendero nyo?

    ReplyDelete
  29. ay common na yan, try mo baliktarin? kakain ng alambre habang tumatawid sa blade? o astig yun hehehe

    ReplyDelete
  30. duhr? australian ang banat hehe. pairalin mo pride mo sige tignan natin. balitaan mo kami ng last post mo kasi wala ka nang pambayad sa net connection at tuluyan mo nang isasangla ang mga ari-arian mo. Or baka palarin kang makahanap ng good job just in time. Hmmm... nanggugulo lang.

    ReplyDelete
  31. @Popoy Salamat sa encouragement I hatechu!

    @Random Students hindi na nga nag pride eh, nag blog na nga lang. Ayoko mawalan ng pambayad ng bills. Hmp!

    ReplyDelete
  32. Subukan mo mag singer tutal laos na si April Boy Regino eh! lols..

    ReplyDelete
  33. @Kablogie Mas bagay sakin ang artista para hindi naman lagi si Ding Dong Dantes ang partner ni Marriane :-D

    ReplyDelete
  34. shucks, feel na feel ko ang rage mo girl, gogogo!
    hehe.
    pero badtrip nga yan. try mo sumundot ng proposal. pag nabasted, edi stick to the cubicle muna. at the same time, hanap2 na ng kabit, este greener pastures na option para pag puro bullcrap parin sila, e isampal mo ang resignation letter mo ng todo. (make sure na mas ok yung lilipatan mo.)

    o kaya, inuman na lang tayo xD

    ReplyDelete
  35. @Reigun Inuman nalang siguro ahahaha

    ReplyDelete
  36. talk about delayed na yung reply ko. haha

    three bottles ba kamo? kailangan ba may laman? may sari sari store malapit dito. hiram ako.

    wv: throsid (ang mabiliiiiis na pamathay fungi sa balath ng thao) haha

    ReplyDelete