Saturday, January 9, 2010

Motivation

Sinabi ko sa sarili ko na regular na akong mag bla-blog. Kaya pinangangatawanan ko ito.

Dahil maraming nanlalait sa pagiging mataba ko. Napag desisyunan kong iangat ng one step higher ang level ng pag da-diet ko and ini-internalize kong mabuti 'yung panlalait ng mga Miron sakin (Mga Powthangena nyo!)

Eto nga pala ang mga Sample ng panlalait sakin.

Sample#1
Glentot: Pekpek Happy New Year
Jepoy: Happy New Year din sayo sana tumalon ka mamyang madaling araw sabayan mo ng pag inom ng cherifer para tumangkad ka pa...
Glentot: Ikaw naman kagat ka na sa Mansanas!

Sample#2: Christmas Party Meeting
OfficeMate: Kelangan natin ng Maskot
Jepoy: Edi mag hanap
OfficeMate: Ikaw nalang kaya
Jepoy:Putang Ina mo hindi ako kasing laki ng Maskot. FUck it!

Sample#3: Conversation with Manang Dunkin Donut sa MRT
DunkinPota: Kuya alam mo ang Pogi mo kaso Ang Taba mo. Papayat ka pa ng konti. Konti lang naman kasi hindi bagay sayo ang super payat.
Jepoy: Whoa! Close ba tayo ate para sabahin mo ko nyan? I didn't see that coming.
DunkinPOta: Kuya ang cute mo pag medyo asar kana sumisingkit ka, tapos ang Red ng lips mo. Wag ka na magalit please. Eto na change mo.
Jepoy: Umayos ka bukas ate ha! Papayat na ko Mamya kala mo. Hmp! Good Bye

Sample#4 Isang eksena sa comment box ng blog ko
Kablogie: Balita ko may Foot and Mouth decease ka daw LOL
Jepoy: *Cursing* Sabay hagis ng laptop sa Bed

Sample#5 Eksena sa Elevator
*sound ng elevator pag puno na* Ding Dong
Passenger1: Ang taba kasi ng Isa eh
Jepoy: Ako ba pinariringgan mo bansot?!
Passenger1: Ovious ba, ikaw lang naman Chubby dito.
Jepoy: Kung ikaw kaya ang lumbas kasi ang rule dito last in first out (LIFO) pag over over na ng tao.
Passenger1: Hindi naman to mag over kung wala ka dito
Jepoy: Kung Overin ka kaya ng facility Manager dito, na ngunguna ka pa sa Empleyado, Mamya ka na mag linis ng CR fookiness ka!
Passenger1: SOrry Sir sige ingats!

So pag katapos ko i-internalize ang mga panlalait ng miron, na mo-motivate akong mag diet at mag ehersisyo lalo. Dahil nga Nang-gagaliiti ako na konti dahil sa pang aalipusta nila sa pagkatao ko. Kaya mas madaling gawin ang diet at ehersisyo

Bawat desisyun natin may kaakibat ito na sacrifice. Para sa isang tabachoy na katulad ko ang isa sa pinaka masarap gawin bukod sa magkamot ng betlog ay kumain ng bonggang bongga. Lalu na ng kaning bahaw na may partner na pulang hotdog ng Mekeni na may konting tocino at Coke light. Ang sarap kasi. So matinding motivation and concentration ang kailangan sa pag diet. Naisip ko lang na magaling talaga si Papa Jesus, kasi meron laging balance of Nature ika nga. Kasi kung hindi ako Chubby edi wala na akong kapintasan. Kamusta naman diba?!

Pero dahil kelangan clean living ngayong 2010 eh, diet na muna. Kanina ay nasa day five na ako. Meron akong na diskubre. Nakakawala ng gutum ang toothpaste at water. So pag na gugutum ako nag totoothbrush ako tapos iinom ako ng 2 glasses of water. Aylabet!

Dapat lagi akong may toothpaste sa bulsa. Para pag napadaan ako sa jalibi. Isusubo ko lang ang toothpaste wala na akong ganang kumain bigla. hihihihii


23 comments:

  1. Alam ko kung bakit ka nawawalan ng gana kumain after magtoothbrush, kasi iniisip ng utak mo tapos ka na kumain tama ba?

    At hindi kita nilait or tinawag na mataba, never! Naghahallucinate ka lang kasi puro gravy ang kinain mo kanina!

    Alam mo may madaling pampapayat...

    Amoebiasis. Try mo.

    ReplyDelete
  2. @Glentot Nag karoon ako nyan dati masakit kaya sa tyan, Sobra!

    ReplyDelete
  3. Ako din lagi akong niloloko na mataba. Hindi naman eh, stocky lang. Ang macho ko kaya. LOL

    Kelangan ko na din mag-diet. Kaso kakaluto ko lang ng isang kilong pork adobo para sa mga susunod na araw. Ako lahat ang kakain.

    ReplyDelete
  4. @Gasdude Ang macho mo kaya! Lalo na sa picture greeting mo hihihi. Penge ako ng adobo mo! Peyborit ko yan ahahhaa

    ReplyDelete
  5. wow nakaday 5 ka na,congratz...
    dito samin pag tumataba ka mayaman ka, kase ibig sabihin, marami kang pambili ng fud...kaya ako gusto ko nang maging mahirap...hehehe, puro prutas n lng kinakain ko gaya ng persimmon at saging...

    ReplyDelete
  6. @Scofied Jr Anu ang persimmon?! Hindi pa yata ako nakaka tikim 'nun. Pang mayaman lang siguro sya. Sana pumayat pa tayo ng bongga.

    ReplyDelete
  7. Tara, sabay sabay tayong magpapayat. :D

    ReplyDelete
  8. Ahahahahahha ewan para sa akin mas okey na tinatawag akong mataba... aktwali mas malala pa dun tawag sa akin kasi mismong BABOY ang pinagduduldulan nila na pangalan ko... pero ayos lang, saya nga eh... sarap kumain!

    ReplyDelete
  9. @ jepoy - RE: persimmon, may ganyan kami nung new year, di ko type..

    parang texture ng chico, grainy or maaligasgas yet sing tamis or may aroma ng chico/mangang hinog.

    - medyo tricky ang mga projects mo this 2010. dadalasan mo na pag boblog? at mag papayat ka rin. ibig sabihin mas dadalas ang harap mo sa pc dahil sa blogging at wala kang time for physical activity. Yan ang hirap sa mga kabataan, puro pc ang kaharap, imbes na mag laro sa labas at magpatintero at sipa, taguan at kadang kadang! charing!

    ReplyDelete
  10. bwiseet yung mga miron na yun ah....ahahaha:D
    masubukan nga yang toothpaste diet:P
    kaya mo yan jepoy, go go go...

    ReplyDelete
  11. @Angel Sige sige pero sa EB natin walang diet ha hihihi

    @I am Xprosaic True super sarap kumain talaga. Haist!

    @Ollie Bigyan mo nga ko ng persimimon whatever na yan kuya, tutal fruits naman good for me. Sa office naman ako nag blog kuya multitasking lang, so it will not eat my exercise time hihihihi

    ReplyDelete
  12. @Deth Salamat sa pag Cheer! At baket ka naman mag diet sexy ka na kaya. Hihihihi

    ReplyDelete
  13. diet?? diet?? tangnang diet yan!!!

    di ka mag da diet mamaya ha at kakain tayo ng bonggang bongga!!

    sabihin mo sa mga nanlalait na hindi ka mataba..nagkataon lang na mas payat sila sayo! hihihi

    ReplyDelete
  14. Ay ako rin makiki diet na! Para naman pag nakita ko kayo ni Glentot sa December sabihin nyo sa akin...Whoa!

    Yun lang, wala ng kasunod na adjective! ahahahaah!

    Sige, sige--sali ako jan! Biggest loser tayo!

    ReplyDelete
  15. di ka kaya himatayin nyan?

    akchwa ang hirap i-lose ng holiday pounds. dumaan ako nung isang araw sa hallway tapos sabi ng trainee ko sa kasamahan nya "tumaba siya.."

    sarap bumalik with "ikaw naman pumangit. bumastos pa." kaso hindi ko na pinatulan.

    ReplyDelete
  16. wahahaha.. natawa ko sa comment ni kuya glen. =))

    hahaha.. ok lng na mataba noh. cute nga eh. o kya, kung gusto mo talaga mag papayat, mag pa lypo kn lng kuya. echos. ^^,

    ReplyDelete
  17. Hehehe :D Sabi naman sayo magsulat ka na lang eh, gayahin si Bob Ong para di ka nila pintasan dahil di ka nila nakikita lolzz

    Good Luck sa pagdadiet, pag bakasyon ko pasyal mo ako sa jolibee ah :D

    ReplyDelete
  18. @Powkie Meron akong seperate entry para sa meetup ahahaha

    @Ayie Sige sige ang saya saya nun excited na ko hihihi

    @Citybuoy Pumangit at bumastos panalo 'yun ah, one of these days magagamit ko yan. Labet!

    ReplyDelete
  19. @Kox Cute ba talaga ako? LOL Ulitin mo nga sarap sa tenga eh ahahaha

    @Lord CM haist! Sige pag bakasyon mo pasyal kita sa jabi sama mo chikiting mo hihihihi libre ko kayo chicken joy ahahahha

    ReplyDelete
  20. goodluck naman sa pagpapapayat mo :)

    ReplyDelete
  21. @Kenzo Oi salamat pre sa pag bibigay mo ng gudluck at salamat din sa pag back read...Balik ka ulet

    ReplyDelete
  22. potah, ano yang toothpaste mo, mentos? hahahaha!

    ReplyDelete