Friday, January 29, 2010

Lamesa ko at Movie Eklavush

Dahil sa kaututan ni Pareng LordCM mula sa bansa ng magagandang bitches este beaches eh, na isipan nyang picturan ang kanyang cube, in particular 'yung mesa nya sa opis tapos ininyumerate nya kung anu anomang hayop ang matatagpuan dito tulad ng surot, kuto, kuntsinta,gagamba, langgam,langaw at higit sa lahat ahas. Jowk lang. Nilagay nya kung anu makikita doon tapos tinag nya ang pinaka magandang blog in the-whole-wide-world. Ang Pluma ni Jepoy. Tapos daw mag 'tag din ako ng ibang blogger. Una sasabihin ko muna kung sino ang itatag ko. Tinatagag ko si Glentot bansot. Sige na nga pati narin si Drake. sino pa ba. Pati si Chyng. tsaka si Gasul. Sana lang gawin nila pero kung hindi naman ok lang rin. Pukang Ama nyo! LOL

So eto ang mesa ko sa Opis. Drum rolls please....

Medyo malaki kasi ang space kaya hinati hati ko nalang ito. Para makita nyo naman ang mundo ni Jepoy habang nag blog tra-trabaho sa opis. Presenting (Drum rolls ulet please...)

Front View


Sige dahil pangit ang picture kuha lang sa celfon kasi. Ito ang mga magkikita dine: Dalawang Dell 17 inch monitor. Isang Optiplex Tower (Nasa ilalim). Isang Dell Keyboard. Dalawang Dell Speakers. 2 Pandesal na may palamang giniling na porkchop. Isang Tasang Kafe. Isang Nortel Na teleponong ka-cheapan. Dan Brown Deception point foket vuk. Pay Slip (Yey Sweldo na). Pandikit na nakalagay sa parang lalagyan ng wax (di ko alam baket ako may paste dyan) sticky notes. Techpen na Kulay Green.

Left View



Eto naman matatagpuan sa left side ng mesa ko. Isang Extension Cord na puti (plug ng mga devices na sinisimulate kung kelangan. Sa ilalim nya ang IELTS result ko (7 lang *sad*) Isang keychup ng mcdo (di ko rin alam baket meron nyan) Isang Green Cross Alcohol 'di lang pang pamilya pang sports pa. Isang Pink na pantanggal ng staple wires. Sticky notes reminder (About something). Ang Nike Gray messenger bag ko kung saan matatagpuan ang kikay kit ko tulad ng Eye glasses, keys at perfume tsaka hand sanitizer, tsaka Marlboro lights at green lighter. Starvaks 2010 Planner. Picture ko at friends sa wall. At kung anik anik na papel na reminder na inaamag lang naman. Gunting, pentelpen,pang highlight, purple na techpen, lapis, black ballpen, blue ballpen, red ballpen,Gunting. Tissue paper para pag may libreng pizza ready kagad.

Right View


Dito naman sa left side Nortel Phone.2010 Calendar, scotch tape. Deception Point ni Dan Brown.Cork Board at white board na maliit. Starvucks baso. Emerson Cofee mug. Orange water tumbler.Green Cross alcohol ulet 'di lang pang pamilya pang sports pa. Wax para pogi parati. Pay Slip. Clip na heart shape nakuha ko 'nung Christmas galing sa officemate ko. at more more sticky notes at papel reminder sa wall ng cube.

Taf View

Kung may maayos na part ng cube ko ay ang taf view ng mesa ko. Ito ay mga device training manual ko tulad ng Advance Vibration, Intermediate Vibration, Oilview Analysis, Advance Tribology, Basic Vibration at kung anik anik pa. Meron din mga nokbuk at mga kalat na papel at karton. Meron din Oracle hand out at Vantive handout.

Ok Tapos nyo nang makita ang Mesa ko. I therefore conclude. Magulo din pala ang mesa ko. Aayusin ko pag mag reresign na ko.

Moving on, dito naman tayo sa Movie Review. Excited kasi akong mag share ng insights ko sa movie na ito dahil tunay na tunay na na-teary eyed ako sa pelikulang ito dahil parang medyo naka relate ako sa story ni Big Mike.

Eto ang title


Pinanood ko ito sa Directors Club sa MOA. First time ko doon. Ang sarap pala doon manood, para kang nakaupo sa lazy boy pwedeng itaas ng bongga ang paa at pwedeng mag kamot ng betlog habang na nonood walang makakita kasi maluwag ang spaces. Anyway highway, based ang movie na ito sa true to life experience ng isang pamilya na nag ampon ng isang Manong na black.

Shit. Hindi pala ako marunong mag review.

Bali. isang pamilyang puti na nag apon ng homeless black kid na eventually naging FNL super star, Angas! ganun lang ka basic ang story pero anu nga ba ang nakaka tats dito. 'Yun ang abangan nyo. Na teary eyed nga ako ng beri beri nice kasi ang galing 'nung gumanap na higanteng majubis na negro. Feeling ko kasi nakaka-relate ako sa mga ganitong tipo ng movie. 'Yung inaapi at walang nag mamahal because hindi nakikita ang tunay na kabutihan at pag kakaroon ng pure hearts ng isang tao.

Pinakita dito kung paano na change ang buhay ng Pamilya ni Sandra Bullock (w/c by the way ang galing galing nya dito) nang amputin nila si majubis na black man na napaka pure ng heart katulad ni Jepoy. 'Di ko na sya ikwe-kwento kasi baka hindi nyo na panoorin. Hindi ako nag sisi na nag directors cut kame kahit nag kamali lang 'yung Pukang Amang ate sa pag punch ng ticket.

Panoorin nyo maganda rin movie reviews nito.

God Bless!


26 comments:

  1. ang gulo ng desk grabehh!!! hahaha jowk! grabe puro dell ah.. sponsored?

    ReplyDelete
  2. @Punky

    Hello punky. Yes, partner ng kumpanya namin ang Dell kaya no choice gusto ko sana HP eh lol.

    Salamat sa koment balik po ulet :-D

    ReplyDelete
  3. Nahihiya akong i-post ang mga pictures ng workspace ko kasi sooobrang gulo! Lilinisin ko muna. LOL

    Pareho kayo ng post ni Glentot. I assume, magkasama na naman kayo. Hmmm... kayo ha... Nakakaintriga na 'yan... LOL

    Nasa Singapore pa ko. ;)

    ReplyDelete
  4. yung ilalim ng table sana kinuhanan mo din ng picture, baka merong bagay na malagkit na galing sa Ilong,,hehehhe(yuck bastos)

    ReplyDelete
  5. @Gasul Oo pareho kasi kameng night shift at malapit sa MOA. Wag kang mag alala kasi kung nandito si Drake kasama din namin sya. Wag ka nang maindriga hindi ako type ni Glentot, gusto nya mga ka height nyang 4'3'' LOL

    @Bosyo Kadire ampots! LOL

    ReplyDelete
  6. tama lang
    ang tunay na lalake, hindi nagaayos ng desk! keep it up hehe

    ReplyDelete
  7. sa kondisyon ng mesa mo maayos na yan kumpara sa 'kin, parang dinaanan ng sandstorm! nakakahiyang piktyuran at i-share sa madla LOL

    dahil maganda ang movie, papanoorin ko yan (hanap pa ko ng pirated cd dito sa saudi, baka by next year mapapanood ko na!)

    ReplyDelete
  8. bakit dalawa yung monitor eh isa lang yung keyboard\?

    pantrabaho yung isa, pang bisyo (blog) naman yung isa?
    wahehehe. astig kung ganun!

    mapanood nga yung movie na yan! parang maganda... pero never akong mati-teary eye sa isang pelikula lang... napakarupok pala ng pagkalalake mo manong Jepoy! wahaha

    ReplyDelete
  9. Putang-ina ni-tag pa ako alam mong busy ako eh tuloy isisingit ko pa ito sa aking schedule leche.

    Nandun ka rin sa Director's Club sa MOA???

    Ikaw siguro yung naririnig kong humahagulhol kasi nakarelate ka dun sa majubis na homeless. Na obese.

    ReplyDelete
  10. @Anthony

    Nakuha mo Pre! Kampey...

    @Sly

    Panoorin mo na. Now na. Tsaka picturan mo na mesa mo at ishare sa blogosperyo. Ingats Pre!

    @Kosa

    Kung ang pag teary eye ay basehan mo ng pag kalalake well marupok nga ako.

    Ang dalawang keyboard ay parehong pang bisyo. Ingats!

    ReplyDelete
  11. wow! how nice naman your workplace parekoy!

    Dapat pinakita mo din ang upuan mo at ang paligid mo para kumpleto. haha!! dapat sinama mo na din ang picture ng mahal na mahal mong bossing.

    Nakalimutan mo yung picutre frame kung san nakalagay ang imahe ng iyong kras. joke.

    ReplyDelete
  12. @Steve

    What picture frame are you talkin' about?! Imbento ampots!

    ReplyDelete
  13. Uhmmm, bakit puro ka alcohol ang nakikita ko sa desk mo! Ibig sabihin nyan ay .....maharte ka!

    well dahil na rin sa pagsingit at pagpipilit sa akin sa tag na ito!Subukan ko itong isingit sa aking mga posts!hhehehe

    Tae!nagdate na naman kayo ni Glentot! hindi nyo na naman ako sinama!Mga tae kayo!

    ingat

    ReplyDelete
  14. @Drake Marami kasing germs sa paligid kelangan ma disinfect.

    Kapag hindi mo ginawa ang tag ko mag tatampo ako ng malupet na malupet, buset ka!

    ReplyDelete
  15. Hehehe :D Nigawa mo rin pala, salamat naman lolzz

    At pano nasama ang kuntsinta sa mga insekto?

    At may pink ka rin na gamit ah, uso ba talaga yun, 4 na kayong gumawa ng tag na to na may pink na gamit ah :D next month bili rin ako pink na mouse :D

    ReplyDelete
  16. naman ang workspace..hahaha

    sana pala the blind side na lang ang pinanuod namin instead of paano n akaya..tae!

    ReplyDelete
  17. @LordCM

    walang anuman Pre... Ingats!

    @Superjaid

    Na miss kita..Oo nga dapat the blind side nalang pinanood nyo hihihi

    God Bless!

    ReplyDelete
  18. wow hme pag pa ang pluma ni jepoy :D kelan kaya ako magkakaganyang opis? hehe puro armchair kasi inuupuan ko 5 days a week.

    ReplyDelete
  19. ang totchal naman lamesa mo..hang linis linis..salamat sa alcohol..wahahaa

    ganda ng story ng The Blind Side..may copya ako niyan..as in clear na clear copy pa..DL sa torrent..hihihihi.

    ReplyDelete
  20. alcohol cguro iniinom mo habang nagttrabaho? lol.

    ReplyDelete
  21. isa lang masasabi ko..


    gusto ko din mapanood ung movie.

    ReplyDelete
  22. i skipped the last part. haven't seen it yet eh and i really want to. :D

    ang kulit naman ng workspace mo. buti ka pa may semblance pa na tao ang gumagamit. haha u should see mine.

    ReplyDelete
  23. @Renz

    Wag kang mag madali. Mag kakaganyan karin chillax lang.

    @Jag

    Nakuha mo brad!

    @Chikletz

    Panoorin mo na samahan kita now na

    ReplyDelete
  24. @Citybuoy gawa ka narin bilis!

    ReplyDelete
  25. Andaming anik-anik. Busing-busy ang dating.

    ReplyDelete