Tuesday, January 12, 2010

Magulong Entry...Randoms in English

Naniniwala ba kayo na may mga bagay bagay sa buhay na mas makabubuti nalang na hindi sabihin o alamin? Tulad nalang ng mabaho ang hininga ng girl friend mo or may panis na laway na namuo ang Manager mo sa labi nya pag pasok ng isang morning, eh saktong ikaw lang nakapansin tapos mega smile pa sya sayo. Well, joke lang 'yung examples na iyon para naman maging light parin ang entry na ito. Hindi kasi ako sanay sa mga seryoso mode masyado. Wala kasi akong sense na tao talaga.

Going back.

Naniniwala ka bang May mga bagay na hindi na kelangan pang busisiin at alamin? Kumbaga kung gusto ng isang tao na maging secret ito hanggang ma deadbol sya edi be it para walang complications at kung gusto naman nyang sabihin ito dapat handa sya sa pwedeng maging consequence nito sa relationship nila, tama ba? Isang classic example nito ang pambababae ng mga kalalakihan. Kunwari si lalake may Asawa at dalawang Anak tapos may Talipandas sya na kinalantare sa Opis. Sa tingin ninyo fair na malaman 'yun ng Asawa ni lalake kung smooth sailing naman ang pamilya nila? Ang sabi nga ng dati kong katrabaho sa ganitong mga scenario ng buhay, "Pre what she doesn't know doesn't hurt her"

I don't agree nor disagree sa statement. Hindi ko kasi kayang i-justify.

Ang punto ko lang sa post na ito. Meron mga bagay na personal masyado sa atin na hindi na necessary pang sabihin pa, kung hindi rin naman sya a matter of life and death at hindi sya makakabuti, wag nalang diba? Dahil pag nag desisyon ka ng ibulalas ito finally sa taong involve, hindi mo na ma co-control ang consequences na pwedeng mangyari, dapat handa ka. It will either make or break you.

Kung sabagay kanya kanyang gravity naman ng reason why we decided not tell those secrets to any living creatures diba? Pwedeng wala lang, pwedeng you think that's better, pwedeng it will offend them kasi, pwedeng nahihiya ka lang and the list goes on and on and on.

In my case it breaks me.

Pero hindi ko na mababawi kasi nga nandun na 'yun. So what I haf' to do is to bear and deal with the consequences. Yes it hurts but that's life. Everything will come to pass anyways.

In the first place kelan ba naging mali ang pag sabi ng Mahal kita (ANG CHEEEEEZZZZY) hahahaa joke lang yan, Shunga! Pangiliti lang sayo kumagat ka naman.

***************************************

Gusto ko talaga sanang mag pa ka emo today, habang naririnig ang pag ikot ng elisi ng electric fan tapos naka leave pa ko today tapos my katol pa sa tabi ko, ayos na ayos ang pag emo.

*Ting* Alam ko na....

Gagawa nalang ako ng letter.

Dear Panget,

Alam kong nag paparty party ka ngayong oras na ito habang ako naman ay namamatay kakaisip sayo. Pero ayos lang 'yun paka saya ka lang. Sana mabulunan ka letche ka! Joke lang. Sana ay parati mong ingatan ang kalusugan mo. Kumain ka ng gulay, kamatis, okra, sitaw at cabbage. Alagaan mo ang skin mo alam mo naman na yan lang asset mo. Sana ay maging mabait ka parati katulad ng pagiging mabait ko. Sana ay parati kang maging happy kahit ako parating Sad. Wag ka na sanang mag paramdam sakin para makalimutan na kita. I delete mo narin ako sa facebook mo. At ayoko ng makita ang IP mo sa blogsite ko, Oo kabisado ko ang IP mo. Hindi ako bitter. Kelangan mo lang akong tulungan makalimot for my own good. Ingat ka parati sa trabaho wag tanga tangahan sa boss mo. Tsaka gumamit ka ng facial wash bago matulog wag masyadong tamad mag hilamos. Sige na nga pag nalulungkot ka ng sobra pwede mo kong itxt at i email, pero kung kaya mo naman na tiisin eh wag nalang. Sya nga pala may bago akong Kras hihihi. Ang landi ko noh? Pero naiisip parin kita madalas kahit may bago akong kras. Konti pa malapit ng hindi. Sige wala na akong maisip sabihin. Mag ingat ka. Lab you.

Lubos na Gumagalang,
Panget

No comments: