Showing posts with label Out of town. Show all posts
Showing posts with label Out of town. Show all posts

Friday, October 15, 2010

Singapore Trip Day 3

Ito na ang na-udlot na pangyayari sa nakalipas na bakasyon ko. Day 3 na tayo. Dahil pangarap kong makakita ng iba't ibang uri ng kahayupan naisipan naming mag punta ng ipinag mamalaking Bird Park ng Singapore. Sakto lang kasi hindi ako nakapunta ng Manila Zoo 'nung bata ako, ipang bibili nalang daw namin ng ulam instead na sumama ako sa punyetang fieldtrip sabi ni Mudrakels.

Kaya ngayon dapat mag punta sa mga gantong lugar...LOL



Syempre habang papunta kelangan umeemote effect muna sa bus. Turista baket?! Hmp! Ang kinis ng chubby cheecks ko noh? Parang siopao lang. hohohoho!


Ang Bird's Park na ito eh sobra laki, napagod ako kakalakad nampota! Pero syempre meron turista shot habang nag titingin-tingin ng mga stupid boring birds. Kelangan i ejoy kasi bayad na eh ahahaha

tapos nag papicture ako sa may ibon, ang saya kasi abot kamay mo lang ang potang birds


ito pa mga ibang pictures ng ibang mga ibon sa kagubatan ng Singapore






pag tapos naming mag ikot-ikot napagod ako at na-bwiset ng beri beri slight kasi nasira ang shoes ko tapos bigla pang umulan ng hapon, nabasa me. Tapos na gutom na ako at hindi ko na talaga kayang mag tipid kaya kumain na kame. Neto:

Sobrang nakakapagod ang mag ikot sa Park hapong-hapo ako (lalim!) pero dahil nasira ang shoes ko kelangan kong bumili ng mumurahing tsinelas na may tatak na Crocs ahahaha tapos uminom ako ng Orange juice sa starbucks at nag yosi.

Finish!

Wednesday, October 6, 2010

Singapore Trip Day 2

Masuya kayo dahil hanggang Day 9 ako sa Singapore. Kamusta naman Day 2 palang tayo?! Manawa ka parang leche flan lang...

Una sa lahat, bago ako mag patuloy sa kwento ko gusto kong sabihin na gagawin ko ang aking makakaya para paikliin ang shitty entries ko tutal puro naman kayo skip reader, Che!

Hokey let's proceed...

Wait lang.

Reminder lang sa picture greeting for may burthdey baka lang nakalimutan nyong mag padala kasi ma eexpire na ang timline na binigay ko next week. Kapag late ang picture greeting diretcho na ito sa trash bin ko nang merong puot sa puso't damdamin. Kung hindi ka naman nag send. Well fuck you! Joke... Well malamang hindi tayo close. So steady lang naman hindi titigil ang ikot ng mundo ko sa hindi mo pag send ng pict grit. Oo, may poot.

Game na Game na!

Day 2:

Wala naman nangyari. Dyan nag tatapos ang kwento, Finish!

JOke!

Maaga akong ginising ng kasama ko para hindi masayang ang araw. Naligo me. Tumae gumamit ng bidet para mag hugas ng wetpaks.Nag wax. Nag sunblock. Arte!

Okay papaikliin ko nga pala ang kwento ko. Pictures na nga lang Pota para konti lang 'yung txt.

here you go!

Una kameng nag punta sa myusiyam. mahilig kasi ako sa mga culture shit and history fuck.


ito yung harap ng Singapore Museum naka day 2 sign ako nung parang kay Chyng hhihihi


Ito naman nag feeling akong tourist, super basa ng history shit pero ang totoo nag papalamig lang ang init kaya sa labas...

More more feeling tourista kala daming pera wala naman...

Syempre dahil turista mode picture picture pati kalsada at building. Walang mag rereklamo ignorante much lang...



Tapos inabot na kame ng dilim isa lang naman napuntahan namin ng Day 2 Myusiyam lang. Potakels! Diretso na sa gimikan/dinner para kitain ang mga kaibigang nag tra-trabaho sa Singapore.

Tapos mag inom at iikot si Jepoy ng mga kabigan. My SG friends treated me for a dinner, Chili Crab, Chicken Rice, Gulay, Roasted Chicken Chinese way, fish, pusit lemonade, coke, binusog nila ako dahil sagot ko ang patawa hihihihi. Walang pahintulot ang pictures na ito at hindi rin nila alam na may blog ako. Kaya Sheesh lang muna hokey! Sila ang nag time para kitain ako sa Day 2 trip ko. Hindi naman sila nabigo dahil pinaligaya ko sila hihihihi.



natapos ang aking day 2 around 11 pm. pag uwi ko ang sakit ng paako dahil sa mag hapong kakalakad. Haggard much!!!
HIndi ko na picturan ang tatlong salonpass sa hita ko.Matanda much?!

Gastos for day 2

Breakfast: Libre
MRT Card: Mayload na
Museum: Libre
Secured Entrance sa Museum na kelangan ng ticket: 10 SGD
Bottled Water: 2.60 SGD
Mirienda: Walang Merienda tipid mode
Dinner: 200 SGD (libre)
----------------------------------------------------
Total: 12 SGD

Monday, October 4, 2010

Singapore Trip Day 1

Alam kong maraming nag aabang ng aking blog tungkol sa Singapore trip ko *assuming?!*

Alam nyo ba napatumbling ako ng kalahati 'nung nalaman kong nag babasa pala ng blog ko ang aking mga kaibigan sa Singapore, I was like Dang! isang malalaking kahihiyan. Nasabi ko lang pero wala itong kinalaman sa post ko today..

Day 1: Naharang ako sa immigration sa NAIA. Nahold ako at na interrogate ng mga punyetang imigration officer sa Pilipinas palang. Kahit isampal ko ang US visa ko upang patunay na babalik ako ng Pilipinas eh Kebs lang ang mga hitad, more more bintang na hindi na ako uuwi ng Pinas. Natakot tuloy me. Pinag pawisan ako ng malamig at buti-butil hindi ko alam kung matatae ba ako or mauutot ng benggang-bengga. Tinanong ako kung ano daw gagawin ko dun. Baket daw ako pupunta doon. Maagkano daw ba dala ko, baket daw hindi ako naka book ng hotel, nasaan daw ang F1 ticket ko, nasaan daw ang invitation letter ng kaibigan ko,At kung ano ano pang fucking stupid questions. I heyerrrrrrrrrrrrret!

Nakabayad na nga ako ng punyetang travellers Tax na nag kakahalagang 1, 650 PhP at 750 Php na airport fee eh, tapos haharangin nila ako?! Hindi mura ang aking flight 3 years ko yung inipon puta sila!!!!! Hindi pa nga ako nakakaalis ng Pilipinas may gastos na akong mahigit sa dalawang libo! Parang Putangina lang!!! I hate Felipins...

Na stress me talaga. 15 minutes bago lumipad ang plane pinakawalan din ako, subalit hindi doon nag tatapos ang putang immigration officer, sa Gate 7 kung saan ako papasok eh meron nanaman de potang imigration officer kung saan hinarang akong muli! PUTAKELS!!!!! This is not happening!!! I'm so stressed!

Ginamit ko ang charm ko sa immigration officer para palusutin nila ako. Sinampal ko sila ng Sigapore Dollars hanggang mamula ang pisngi ng mga hitad. JOKE!

Syempre kinausap ko sila ng maayos at hindi ako umattitude kahit pigil na pigil na ako at gusto ko talagang ingudngud ang Putangina, paano ba naman 3 immigration officer ang haharang sayo samantalang ang purpose mo lang naman eh mamasyal at mag relaks??!!! WTF!

around 2:00 PM Sept 25 nasa Singapore na me. Wuppiii! The real Day One started here...

Uwi muna sa appartment at nag pahinga ng konti. Tapos nag karoon ng orientation sa MRT system nila para hindi ako maligaw. Dito ko nasimulang malanghap ang iba't-ibang uri ng simoy ng hangin sa MRT ng Singapore. May amoy Kili-kili na kinalog sa bote tapos pinasinghot sayo for 3 days, may amoy panis na laway na namugad sa unan, may amoy kiamoy at lata ng sardinas na naiwang bukas for one week.

Pag tapos 'nun tinawagan ko si Gasul at Si Bulakbulero para sa confirmation ng dinner namin kasi si Bulakbulero aalis papuntang Korea na may Segway ng trip sa Japan. Oo, mayaman much sya!

Binigyan ako ng kaibigan ko na umampon sa'kin sa Singapore ng Singtel Sim na nakalinya kaya meron akong pantawag at pangtxt doon dahil ang putang globe line ko hindi activated ang roaming! Hindi ko tuloy na txt sila Mama sa bahay na okey naman ang trip ko.

So 'yun nga, tinatawagan ko kaagad si Gasul sunod kong tinatawagan si Bulakbulero gaya ng instruction sa akin ni Gasul kasi nga dapat mag adjust kame sa kanya kasi lilipad pa sya kinabukasan para sa Work. Pag tawag ko, sabi nya "Oh baket?!" galit pa yata?! at ang depota tinatamad atang lumabas, galing yata sa popoy kagabi bwahahahhaa!

Syempre dahil hindi sila makakatangi sa akin nagpakita ang dalawang kumag ng may ngiti sa labi kahit pupungas pungas pa si Bulakbulero dahil lasing daw sya last night at walang tulog. Dahilan much?! Napilitan lang pala ang kaibigan natin na sumama pero kung maka pose sa picture parang hindi naman ahahaha


Kumain kame ng mga pagkain na hindi ko pa natitikman sa pinas or wala talaga sa pinas. Pinakain ako ni Gasul ng Satay, yung parang barbecue version ng Singpore tsaka nakalimutan ko na ung mga putang pangalan ng food na isa na nagustuhan. Ung Satay isasawsaw mo sa Sauce na may peanut at curry. Hindi ako kumakain ng Curry Sorry naman pero sinawsaw ko parin ito dahil baka mag tampo si Gasul ahahahaha. Si bulakbulero bumili ng isang pag kaing may sabaw na kulay black hindi ko alam pangalan. Kumuha sya ng pagkain lang nya. Ahahahha. Tinikman ko 'yung inorder nya lasang sebo na mainit.

ito ung Satay. 'yung mga kaibigan ko ito ang recommended nila sa akin. Ang masasabi ko naman. Next question please...


ito naman ung isa, ito ung sinasabi kong nagustuhan ko. inulit kong kumain nito ng 3 times.


Sina Gasul at Bulakbulero ay di hamak na mas magandang lalake sa personal kesa sa pictures walang halong joke.. Nag kwentuhan kame ng mga 1 hour or mahigit tapos na nood kame ng F1 sandali. Tapos si Bulakbulero namimilit ng umuwi. Nag mamadale much talaga?! Syempre hindi ako pumayag sabi ko mamya na ahahhaha. Pero dahil nag mamadali na at na psycho ko na nag mumura na sya sa isip nya eh sabi ko sige uwi na sya. Ahahaha, pero mga gabi narin 'yun mga around 7 or 8 ganun. Tapos 'nun, nag lakad kame nila Gasul kasama 'yung kaibigan ko umikot ko, na appreciate ko naman 'yung lugar kaso ang inet-inet puta! Tapos nag starbucks kame para mag kwentuhan ng walang humpay. Natapos kame ng 11:30 or 12:00 midnight at natapos lang kame kasi may Oras ang MRT sa singpore at pag hindi namin nahabol 'yun gudlak sa taxi fair, plus 50% yata ng running meter bill mo ang ibabayad mo. 'Yung appartment na tinutuluyan guess what kung saan? Sa dulo, isang tumbling nalang Malaysia na. Kaya nag siuwian na kame.

Yan ang Day 1 ko :-D

My Damage for Day 1:

5 pcs Yum burger w/ cheese: 250 PhP --- 7.81 SGD
NAIA travellers Tax and Airport Fee: 2400 Php-- 75 .00 SGD <-----WTF!!!!
1 mineral Water: 2. 60 SGD
Cab: Changi Airport to Chao Chu kang St 62: 25.00 SGD
EZlink MRT Load: 30.00 SGD (tumagal ng 5 days)
2 Coke Can Regular: 5 .00SGD
Starbucks 2 caffe late, iced caramel Machiatto 21.00 SGD
----------------------------------------------------------------------------------------
Total: 166.41 SGD