Monday, October 4, 2010

Singapore Trip Day 1

Alam kong maraming nag aabang ng aking blog tungkol sa Singapore trip ko *assuming?!*

Alam nyo ba napatumbling ako ng kalahati 'nung nalaman kong nag babasa pala ng blog ko ang aking mga kaibigan sa Singapore, I was like Dang! isang malalaking kahihiyan. Nasabi ko lang pero wala itong kinalaman sa post ko today..

Day 1: Naharang ako sa immigration sa NAIA. Nahold ako at na interrogate ng mga punyetang imigration officer sa Pilipinas palang. Kahit isampal ko ang US visa ko upang patunay na babalik ako ng Pilipinas eh Kebs lang ang mga hitad, more more bintang na hindi na ako uuwi ng Pinas. Natakot tuloy me. Pinag pawisan ako ng malamig at buti-butil hindi ko alam kung matatae ba ako or mauutot ng benggang-bengga. Tinanong ako kung ano daw gagawin ko dun. Baket daw ako pupunta doon. Maagkano daw ba dala ko, baket daw hindi ako naka book ng hotel, nasaan daw ang F1 ticket ko, nasaan daw ang invitation letter ng kaibigan ko,At kung ano ano pang fucking stupid questions. I heyerrrrrrrrrrrrret!

Nakabayad na nga ako ng punyetang travellers Tax na nag kakahalagang 1, 650 PhP at 750 Php na airport fee eh, tapos haharangin nila ako?! Hindi mura ang aking flight 3 years ko yung inipon puta sila!!!!! Hindi pa nga ako nakakaalis ng Pilipinas may gastos na akong mahigit sa dalawang libo! Parang Putangina lang!!! I hate Felipins...

Na stress me talaga. 15 minutes bago lumipad ang plane pinakawalan din ako, subalit hindi doon nag tatapos ang putang immigration officer, sa Gate 7 kung saan ako papasok eh meron nanaman de potang imigration officer kung saan hinarang akong muli! PUTAKELS!!!!! This is not happening!!! I'm so stressed!

Ginamit ko ang charm ko sa immigration officer para palusutin nila ako. Sinampal ko sila ng Sigapore Dollars hanggang mamula ang pisngi ng mga hitad. JOKE!

Syempre kinausap ko sila ng maayos at hindi ako umattitude kahit pigil na pigil na ako at gusto ko talagang ingudngud ang Putangina, paano ba naman 3 immigration officer ang haharang sayo samantalang ang purpose mo lang naman eh mamasyal at mag relaks??!!! WTF!

around 2:00 PM Sept 25 nasa Singapore na me. Wuppiii! The real Day One started here...

Uwi muna sa appartment at nag pahinga ng konti. Tapos nag karoon ng orientation sa MRT system nila para hindi ako maligaw. Dito ko nasimulang malanghap ang iba't-ibang uri ng simoy ng hangin sa MRT ng Singapore. May amoy Kili-kili na kinalog sa bote tapos pinasinghot sayo for 3 days, may amoy panis na laway na namugad sa unan, may amoy kiamoy at lata ng sardinas na naiwang bukas for one week.

Pag tapos 'nun tinawagan ko si Gasul at Si Bulakbulero para sa confirmation ng dinner namin kasi si Bulakbulero aalis papuntang Korea na may Segway ng trip sa Japan. Oo, mayaman much sya!

Binigyan ako ng kaibigan ko na umampon sa'kin sa Singapore ng Singtel Sim na nakalinya kaya meron akong pantawag at pangtxt doon dahil ang putang globe line ko hindi activated ang roaming! Hindi ko tuloy na txt sila Mama sa bahay na okey naman ang trip ko.

So 'yun nga, tinatawagan ko kaagad si Gasul sunod kong tinatawagan si Bulakbulero gaya ng instruction sa akin ni Gasul kasi nga dapat mag adjust kame sa kanya kasi lilipad pa sya kinabukasan para sa Work. Pag tawag ko, sabi nya "Oh baket?!" galit pa yata?! at ang depota tinatamad atang lumabas, galing yata sa popoy kagabi bwahahahhaa!

Syempre dahil hindi sila makakatangi sa akin nagpakita ang dalawang kumag ng may ngiti sa labi kahit pupungas pungas pa si Bulakbulero dahil lasing daw sya last night at walang tulog. Dahilan much?! Napilitan lang pala ang kaibigan natin na sumama pero kung maka pose sa picture parang hindi naman ahahaha


Kumain kame ng mga pagkain na hindi ko pa natitikman sa pinas or wala talaga sa pinas. Pinakain ako ni Gasul ng Satay, yung parang barbecue version ng Singpore tsaka nakalimutan ko na ung mga putang pangalan ng food na isa na nagustuhan. Ung Satay isasawsaw mo sa Sauce na may peanut at curry. Hindi ako kumakain ng Curry Sorry naman pero sinawsaw ko parin ito dahil baka mag tampo si Gasul ahahahaha. Si bulakbulero bumili ng isang pag kaing may sabaw na kulay black hindi ko alam pangalan. Kumuha sya ng pagkain lang nya. Ahahahha. Tinikman ko 'yung inorder nya lasang sebo na mainit.

ito ung Satay. 'yung mga kaibigan ko ito ang recommended nila sa akin. Ang masasabi ko naman. Next question please...


ito naman ung isa, ito ung sinasabi kong nagustuhan ko. inulit kong kumain nito ng 3 times.


Sina Gasul at Bulakbulero ay di hamak na mas magandang lalake sa personal kesa sa pictures walang halong joke.. Nag kwentuhan kame ng mga 1 hour or mahigit tapos na nood kame ng F1 sandali. Tapos si Bulakbulero namimilit ng umuwi. Nag mamadale much talaga?! Syempre hindi ako pumayag sabi ko mamya na ahahhaha. Pero dahil nag mamadali na at na psycho ko na nag mumura na sya sa isip nya eh sabi ko sige uwi na sya. Ahahaha, pero mga gabi narin 'yun mga around 7 or 8 ganun. Tapos 'nun, nag lakad kame nila Gasul kasama 'yung kaibigan ko umikot ko, na appreciate ko naman 'yung lugar kaso ang inet-inet puta! Tapos nag starbucks kame para mag kwentuhan ng walang humpay. Natapos kame ng 11:30 or 12:00 midnight at natapos lang kame kasi may Oras ang MRT sa singpore at pag hindi namin nahabol 'yun gudlak sa taxi fair, plus 50% yata ng running meter bill mo ang ibabayad mo. 'Yung appartment na tinutuluyan guess what kung saan? Sa dulo, isang tumbling nalang Malaysia na. Kaya nag siuwian na kame.

Yan ang Day 1 ko :-D

My Damage for Day 1:

5 pcs Yum burger w/ cheese: 250 PhP --- 7.81 SGD
NAIA travellers Tax and Airport Fee: 2400 Php-- 75 .00 SGD <-----WTF!!!!
1 mineral Water: 2. 60 SGD
Cab: Changi Airport to Chao Chu kang St 62: 25.00 SGD
EZlink MRT Load: 30.00 SGD (tumagal ng 5 days)
2 Coke Can Regular: 5 .00SGD
Starbucks 2 caffe late, iced caramel Machiatto 21.00 SGD
----------------------------------------------------------------------------------------
Total: 166.41 SGD


45 comments:

  1. Wait lang, medyo masagwa lang tingnan yung huling pagkain na nasa picture. Ahihihi.

    ReplyDelete
  2. Natawa naman ako dun sa parang napipilitan pero kung makapose sa pic ay hindi hehehe...PEACE!!! Ang yaman talaga ni Jepoy ikaw n ang bakasyonista hehehe...Like Vajarl nasasagwaan din ako sa nagustuhan mong food ahihihi...Pero sana lang makatikim ako ng treat sayo dis Sunday ahahaha...Joke lang parekoy!
    Ingat!

    ReplyDelete
  3. ang yaman naman, dami pera!

    tama si Vajarl, masagwang tignan yung huling pagkain... at sinasabi mong nagustuhan mo at paulit ulit mong kinain. haha

    ReplyDelete
  4. ang sarap basahin ng post mo.. naaliw naman ako much... wahahaha!!! abangan ko ang day 2 mo... =D

    ReplyDelete
  5. ang sarap naman ng bakasyon mo sir jepoy
    mayaman!

    ReplyDelete
  6. D ka pwede sumama sakin...Curry ako kung curry e! hahahaha! :P Pero aww ansaya niyoooo ! Food trip galore! me want satay!!! made of what ung nagustuhan mong food?

    ReplyDelete
  7. Bakit ba diyan sa immigration mahilig silang magharang ng tao.
    tapos last minute papayagan ka rin. baka naghihintay lang ng peso support.

    ReplyDelete
  8. Tulad ni Vajarl, iba naiisip ko sa huling pektyur! Fakshet! hahahahaha! Ba't di moko hinintay. Gusto kong makapunta ng Senggapor! Oh ples!

    ReplyDelete
  9. Ang pinakaiintay naming post...sana lang sa dulo nito meron nung--"at nakilala ko sya habang..."

    hahahah!


    Bitin!

    ReplyDelete
  10. Yeap, ganun talaga sa airport. Lahat sila crap, lahat sila bull... nagkalat ang maraming tae sa airport... which reminds me walang magandang CR sa NAIA!!!!!!!!!!

    Aba jepoy ang yaman much nakikita tuloy dito hehe

    ReplyDelete
  11. Ang importanteng tanong tungkol sa byahe mo sa singapore eh, nasaan yung pasalubong namin?

    ReplyDelete
  12. Kuya! Hongkong Macau naman,,,or Indonesia tapos Bali tayo,,,,dali!!! Hahaha!

    I remember I saw you the day before your flight and sa airport,,,Good to know that you had fun on your trip!

    ReplyDelete
  13. grabe.. ang yaman mo talaga idol! naku, gusto rin kitang makita sa personal idol! para na rin akong nakakakita ng artista nun! hehe. hayaan mo na hyung mga gurads sa airport, baka nastarstruck lang yun sa iyo.

    ReplyDelete
  14. @Vajarl

    Baket masagwa?! Ah iniisip mo parang etits LOL. Well gulay ung loob nya na may magandang pambalot heheheh.

    @Jag

    Ang dudumi ng isip nyo, muka lang etits yan pero hindi. Gulay yan na may wrapper na gawa sa itlog at harina na may cinammon. Sus! Kaw mag pakain noh!

    @Super balentong

    HIndi ako mayaman. Sisimulan ko na ang pag didildil ng asin dahil naubos na ang aking kayamanan. Isa ka pa dumi ng isip mo ahaha so dapat pala yung hugis pek pek ang kakainin ko sa susunod LOL

    @Mervin

    Salamat naman po sa pakikibasa. Ingats!

    ReplyDelete
  15. @Pong

    Ang sarap nga mag bakasyon pero tunay na nakakapagod at nakakaubos ng pera.

    @TEveliztera

    Weh, kumakain ka ng curry?! Di ako naniniwala! Pero kung sasamahan mo sige kakain narin me hihihi

    @Diamond R

    Nanghaharang kasi naghihinala sila na mag aapply ako doon, slight true naman sila ahahaha

    @Madame k

    Saang hinintay sana kita para nalibre mo me. LOL

    ReplyDelete
  16. @Ayie

    LOL, may emo sa dulo bwahihihi

    @Kumagcow

    anong yaman ang nakikita? SOWS! nakakalungkot nga ang pilipinas haist, naiintindihan ko naman kung baket ginagawa ng immigration yun pero they could have handled it nicely hindi yung parang ikaw ang may utang ng loob sa kanila.

    @Gillboard

    Keychain gusto mo? Hindi ka pa nga nag bibigay ng pekchur greeting tapos pasalubong ka pa dyan, Hmp!

    @Yna

    Tara bilis! Go! Kelan?! ayoko mag cebupac ha JOKE!!!!

    @Mr. Night Crawler

    hala hindi kaya!!! Na starstruck talaga? ahahhaha

    ReplyDelete
  17. ikaw na ang bakasyonista!!

    Humihiling pa na bitin ang wala!!

    Pano naman kaming mga alipin?

    ** sana may pasalubong kami.

    ReplyDelete
  18. gusto ko ding makita ang Leon na umiihi sa bibig!

    gandang pabday sa sarili yan Jepoy..layas galore!

    saan ang sunod??sama na ako ha!

    ReplyDelete
  19. kaasar naman ang immigration, harang to the max. at di lang once ka hinarang.

    Mukang sobrang yummy ng satay.

    ReplyDelete
  20. Ikaw na ang mayaman kami na ang hampaslupa yan lang naman ang gusto mong marinig!!! *patak ang luha pero matutuyo rin agad*

    potah ka pa-birthday ka na!!!

    ReplyDelete
  21. Shocks! Ang kulit ng ichura ng nagustuhan mong food. Para syang.. ahermmm.. hahahahah! Buti naman at nag enjoy ka! More picsssssss! Langya, 1 week ko pinag ka antay antay ang singapore post mo tapos onti lang ang pics na pinost mo? Unfairrrrr! PICS! PICS! PICS!

    ReplyDelete
  22. ang pangit naman ng picture ng food..bakit ganun.ahahhahaa...

    moyomon ang potah! ahahhahaa...

    baka modus lang nila yun jepoy kasi mukha kang mayaman at kinilkilan ka lang..u know....maraming potah sa lipunan.

    ReplyDelete
  23. Amp...Nakakainggit ang paglilibot.hahaha!Parang magastos makipagkita sau sir Jeps.hahaha!Joke..Advance Hepi bday

    ReplyDelete
  24. Ampf! Ampanget ko sa picturrr. LOL

    Popiah ang tawag dun sa parang etits na lumpia, tapos Bak Kuh Teh 'yung inorder ni Bulakbol. Sinigang Singaporean-style na lasang pinakuluang medyas.

    ReplyDelete
  25. Popoy Inosentes10/5/10, 9:44 AM

    i think, merong Satay sa may MakanSutra sa may Manila Ocean Park. not sure.

    ang saya. gusto ko din pumunta ng SG kaso natakot ako sa immigration officer. baka pagkamalan nila akong terorista. :|

    ReplyDelete
  26. Ang saya naman! makapunta nga rin dyan. :D

    ReplyDelete
  27. ikaw ng sosyal! pasalubong namin!<3

    diday:)

    ReplyDelete
  28. akala ko ako lang nakapansin dun sa favorite mong food wahahaha...

    yaman mo naman sir pavacation vacation nalang!!! sosyal! hihihi

    hintayin namin ang iba pang kwento about your SG adventure sir!

    ReplyDelete
  29. Makiki comment lng po..medyo nakarelate kse ako sa immigration achuchu mo e..kase parehong pareho ang nangyari stin nung unang magpunta ako d2 sa Abudhabi..and lately ko na lng nlman kya pla super interview sila kse modus operendi nila yung mag bigay ka ng pabalot (meaning padulas) sa mga bwisit na immigration officer na yan pra lng makalusot ka, at malas mo kung ikaw ay isang tatanga-tngang mag aabroad maiisahan ka talga..at buti nmn pinagsasampal-sampal mo sila ng dolyares mo..kse ako dinadaan ko sila sa mga balik tanong ko ukol sa violation na meron ako bakit di ako pwedeng makaalis..at dahil sa walang katapusan kong balik tanong sa kanila na wala din silang maisagot ayun..pinakawalan na rin ako..buti na lng di ako naiwan ng flight ko dat tym...mga bwisit tlga yang mga taga immigration satin..

    ReplyDelete
  30. Waaah, inggit! Aabangan ko itong mga post mo at magiipon ako para marating ko din yang narating mo, hehe.

    ReplyDelete
  31. parang ambastos ng itsura ng morcon look-alike na image na kinain mo.

    ReplyDelete
  32. i think mahal na kita! hahahaha! sinusubaybayan ko blogs mo.. nag back read nga ko ng over2, dyosko, nakaka aliw.. sarap mo cgurong kasama sir jepoy.. hihihihi! thanks sa pag share! tc gbu!

    kbd

    ReplyDelete
  33. grabe...sobrang natawa ako dun sa mga amoy sa MRT? kadiri much? hahaha.....true nakaka stress talaga ang naging experience mo sa immigration, sana wag na maulit un. pero sana maulit ang trip mo sa SG!yes! tapos may segue dito hahaha....

    ReplyDelete
  34. moyomon ka talaga jepoy. XD pero parang ang sagwa nung itsura ng paborito mong pagkain na kinain mo ng 3 times,hehe, biro lang - inggit lang ako. sana sa mga susunod na buwan eh makagala din ako sa labas ng bansa.

    ReplyDelete
  35. @Ate Powkie

    Sa susunod sama ka sakin ate powkie iikot kita, saya dun. Dun tayo mag habulang gahasa ha...

    @Khantotantra

    Sinabi mo pa, napaka crab talagang ng ibang pinoy minsan na kaka stress..

    Muka lang yummy ung satay pero hindi hindi hindi LOL

    @Glentot

    HIndi ako mayamaaaaaaaaaaaaaaaaaaan! isa akong hampas lupa! as ennnn!

    @K

    Sige mag lalagay pa me ng mga pics, nahihiya kasi me eh!

    ReplyDelete
  36. @Maldito

    Hindi nga me mayaman, pinag ipunan lang...

    Feeling ko madus operandi nga iyon. Ihate 'em. Arte lang.

    @2ngawski

    Baket naman magastos mag pakita, sus! mag kikita lang naman eh hindi naman mag hohotel bwahihihi

    @Gasul

    Ang arte! Hoy ung pictures hindi mo pa ko binibigyan ng copy nung dinate mo ko last friday LOL

    @Popoy inosentes

    Makansutra ampf parang kamasutra lang ahahha

    Punta ka ng SG im sure magugustuhan mo dun, maraming mukang terorista dun ahahhaa.

    Mag shave ka para hindi ka pag halataang terrorista noh.

    ReplyDelete
  37. @MarcoPaolo

    Punta na sir! masaya nga!

    @Diday

    Hindi po ako sosyal, ung pasalubong kunin m0 nalang sa sm supermarket pili ka ng gusto mo tapos bayaran mo nalang...LOL

    @Poldo

    Sige pansinin mo na ng pansinin..LOL

    Hindi po me mayaman napagipunin lang ng koniti. Sige pag hindi me tamarin tatapusin ko ang kwento.

    @Ghie

    Sige lang mam comment lang ng comment I appreciate it :-D

    Well ganun nga ata talaga sa immigration minsan. Haist!

    ReplyDelete
  38. @Oliver

    Sus di mo na kelangan mag ipon kasi mayaman na you hihihi

    @ The Philippine Guild

    Bastos kasi ang isip mo! Susumbong kita sa pastor nyo...

    @Anonymous

    Na tats naman ang mga bilbil ko dahil sa pag subaybay mo hihihi.

    Oist salamat sa pag back read na tats talaga me LOL. Masaya talaga akong kasama para kang nasa heaven bwahihihi

    @Weng

    Sana nga nga maka balik ako ng SG this time for employment na hihihi. Tapos iuuwi na kita dun. hihihii

    @Yffar

    Hind nga me mayaman!!!!!

    Hala ikaw din madumi isip mo. ikaw din makakalabas ka ng bansa ang yaman yaman mo kaya!

    ReplyDelete
  39. naks ang soxal naman kuya jepoy..kuya gasul mukang masarap ung lasang pinakuluang medyas wahahahaha

    ReplyDelete
  40. WHEW..Ayun..sana inu na ko to haha..kialal mo nga si bulakbolero...wow ..galing..sana ako rin i-meet up niya nyaha..parang major major naman ang struggles mo sa airport...sana di kami ganyanin sa airport....o ...enjoy much dyan ^^

    ReplyDelete
  41. ayun sana binasa ko to first hehe...galing....abot singapore EB hehe...tingin ko nagsasaya ka sa SG mo...grabeng pagsubok pinagdaanan mo sa airport :P nakakairita..sana pag kami na hindi kami harangin, muka pa namana kong terrorist waha. ^^enjoy much dyan

    ReplyDelete
  42. parang ang sama naman ng ugali ko sa post mo. wapax.

    ReplyDelete
  43. @Chut

    Hindi naman sosyal, nakaipon lang ng konti..

    @Sendo

    hehehe, tapos na ang trip ko late post lang ang mga ito ahahaha. Major major nga ang pag harang sa airport pero all good. May natutunan naman me

    @Bulakbulero

    Wapax! Hindi naman sus, wag ka na mag tampo mayaman ka naman eh

    ReplyDelete
  44. That's popiah, yun parang lumpiang sariwa in slices. Ü

    ReplyDelete
  45. Pangmayaman, period, as in period,,,

    Nakakainggit maglibot. Ikaw na madaming pera. Pahingi naman. Haha.

    ReplyDelete