Kaninang umaga pag sampa ko sa timbangan parang gusto kong gibain ang bahay namin. Gusto kong basagin ang pinggan, baso, tasa, platito, aparador, at toilet bowl. Gusto kong suntukin ang walang kamuwang-muwang naming labandera/ tagalinis/masahista/chikadora na kamuka ni Moi dahil imbes na mabawasan ang timbang ko na-dagdagan pa ito ng isang guhit. *Parang karne at sibuyas lang, isang guhit* Punyeta! pero syempre hindi ko ginawa yun. Arte lang.
Huminga ako ng napakalalim para ma-relaks...
Sa aking pag hinga naamoy ko ang sinangag na rice at longganisa na ni luluto ni Mama naka move on na 'ko bigla, kaya nag breakfast na me. Baket ba kasi ang hirap-hirap-hirap-hirap-raised-to-the-positive-infinity-cosec-teyta-minus-cosine-teyta mag papayat???!!! Buset!
Baket ba kasi kelangan pa ng diet at exercise?! Sana pwede nalang itae ang taba sa katawan. Tatae ako ng 20x a day promise!
Ang hirap mag papayatttttttttttttttttttttttt! I heyreeeeeeeeeeeet!
Mag lilista ako kung ano ang mga disadvantages ng pagiging fat:
1. Nakakahiya bumili ng pantalon kelangan walang masyadong tao para ibubulong ko kay ate kung meron ba silang size 24, Chos! size 34...Fine! Size 35 and half... fine 36..Mamatay na humirit!!!!
2. Kapag umoorder ka ng kaunti ayaw maniwala nang putang serbidora na iyon lang ang order ko! Like duhr! Wala ba kong karapatang umorder ng Salad at tubig lang? Wala ba 'kong karapatang mag starbucks na non fat latte at no whip?! Tangina nila!
3. Hindi sa lahat ng toilet bowl kasya ako. Yung small ones effort mag hugas ng pwet. Putakels!
4. Na tutupi ang marupok na plastik na chairs, yung mumurahin na sing-payat lang ni Palito ang kayang i with hold. At kung swe-swertihin ka mag cra-crack ito on front of beutipul sexy gels. kahiya much!!!!!!
5. lahat nalang ng tao nag tatanong kung nahihirapan akong huminga! Lahat ba ng mataba may sakit sa puso???!!!!
6. Pag pupunta ko ng Boracay sa dulo ako ilalagay ng putang CebuPac dahil mabigat daw! more more dulo ako parati uupo kahit anong airlines papuntang Caticlan, Airport.
7. Masama ang tingin ng mga tao pag isa nalang ang kulang sa dyip. like i kill someone in the past?!! Masiksik sila kung masiksik sila! Letche!
Syempre para fair kelangan may advantages din para balance:
1. Cute lol
2. Lumulutang sa pool party kahit walang salbabida
3. Hindi basta-basta nalalasing lalo na kung beer ang labanan
4. Takot ang mga snatchers at holdapers hindi kaagad tatalab ang ice pick mag bou-bounce back muna sa taba bago ma-gripuhan sa kidney.
5. Masarap i-embrace kasi walang sharp edges parang stuff toy lang
6. wala na 'ko maisip! Gaahhhhhhh!!!wala kasing advantages talaga. Wala akong maimbento!!!!
Baket nga ba kasi ang hirap mag papayat?
1. Masarap kumain
2. Masarap kumutkut ng cheetos habang nanonood ng tv at nag kakamot ng betlogs
3. Nakakatamad mag fun run ang inet-inet! wala akong bagong rubber shoes. Hindi kasya ang sando na bigay ng MILO fun run kahit XL na ito.
4. I don't feel unloved even i'm chubby...okay fat!
5. Mas masarap ang nakahiga lang habang tirik ang mata JOOOOOOOKE!
6. Maraming nag sasabi na hindi bagay sa 'kin ang payat. Oo, nag papabola ako!!!
7. Ayokong mag ka abs!
8. Wala akong pang enroll sa Gym
9. Lasang lupa ang oatmeal. Lasang Papel ang tinapay na rich in fiber.
10. Ayoko ng coke zero at diet coke walang sustansya
Baket kelangan na akong mag papayat?
Dahil ayokong ma stroke at lumakad ng hindi pantay. Ayokong maging lawlaw ang fats ko pag tanda ko. Dahil mas healthy ang hindi masyadong mataba!
The Prayer:
Papa Jesus sana pumayat na po ako next week Please kahit 2lbs per week pede narin...AMen!
disadvantages
ReplyDelete2 nakaexperience na ako ng ganyan pero di saken sa kasama ko
ang sabi ng tindera nung magbabayad na yung kasama ko
"isang LANG po ang inorder nyo" haha
6 sersyoso to?
advantages
5 payakap nga! haha
Baket nga ba kasi ang hirap mag papayat?
1 mahirap iwasan talaga ito. hehe
Baket kelangan na akong mag papayat?
disiplina ang katapat nyan hehe
i lost 8 lbs in 2 weeks... kaya lang ayoko ishare yung secret, baka mapagbintangan akong nagpopromote ng networking... hahaha
ReplyDeletegood luck sa pagpapapayat... kung ginagawa mo man. :P
ha ha ha...goodluck nalang sayo jepoy...ahahaha....
ReplyDelete36???sure ka na ba niyan? tangena...pang blanket ko na yun..ahahaha
sesriously,,,mabuti ngqng may ganito ka..atleast may plan kang magpapapayat...or hanggang dito nalang ba ang plano?aahhaha
Jepoy tama na... pati ako naaapektuhan eh hahahaha
ReplyDeleteGusto mo pumayat?! gawin mo trabaho ko... ahahahahhahaha.... jowk! naku ikaw na ang may pera pambili ng pagkain... hehehehhehehe
ReplyDeleteHindi basta-basta nalalasing lalo na kung beer ang labanan--- Check!!
ReplyDeleteMasarap i-embrace kasi walang sharp edges parang stuff toy lang-- Check ulit!
Nawa ay pumayat ang mga taong gustong pumayat...
same prayers.... :D
na-conscious naman ako bigla sa mga sinabi mo.... pero ok lang yan jepoy.... mataba ka man o payat.... marami pa ring nagmamahal sayo. :D
ReplyDeletekung gusto mo naman pumayat.... discipline is the best policy. Hehehe!
dagdag ko sa adbantage ng pagiging chubakels o fatikels.
ReplyDelete- hinde ka magiging habulin ng aso. baket? kasi ang gusto lang ng mga aso e yung mga buto. kaya pag tinignan nila tayo hinde sila mati-turn on sa ma choleng naten na pangangatawan. =))
at kurik! lasang lupa ang oatmeal at ang gaspang nyang kainin.
hindi kaw ang may dprensya.yung mga tao sa plgid judgmental lang tlga.aun o!hahahaha! Kahit ano pa shape at timbang mo mahal ka namin idol...ayee!hahaha
ReplyDeleteAmpf. Hindi din bagay ata sa 'kin ang payat. Kaya itutuloy ko ang pagkain ng Cheetos.
ReplyDeletemay recommendation po ako. use the kim chiu diet. MWF ka lang po kakain :))
ReplyDeletedisiplina lang siguro papa jeps.(nasalita ang hindi mataba)
ReplyDeletePwedeng itae ang fats. Yun ang ginagawa ng gamot na Xenical. May friend akong kasing taba mo.. okay chubby! naging payat dahil sa gamot na yan. Ang mahal nga lang, para ka din nag-enroll sa gym.
ReplyDeletesana sumali u sa "The Biggest Loser" nag ABS-CBN... mapu-pwersa ka magpa-payat, kikita ka pa... hehehe!!!
ReplyDeletewag na malungkot kuya jepoy, cute ka naman eh. basta cute! at saka mas masarap naman humiga sa kutson kesa sa papag.
ReplyDeleteno comment na lang :D
ReplyDeleteNagpaplano ren ako magpapayat. Yun nga lang, nasa planning stage palang ako. Di ko pa talaga tinutuloy ng bonggang bongga dahil hanggang ngayon di ko pa nabibili ang workout DVD na pinaplano kong bilin. Kase nga nasa planning stage pa ko. Saka palusot stage.
ReplyDeleteNapipikon lang ako sa serbidora pag umorder ako ng konte tapos mapang asar na tingin sabay sabe "Ano pa po sir? Ahihihi".
Ako hindi ako basta basta nalalasing! Yey! At mahilig ako sa Cheetos kahit mahal!
Tara gym tayo! Haha. Plano ko mag enroll sa gym, kaso.. kaso.. nahihiya ako lumapit sa counter ng Fitness First!
haaay, nakakareleyt talaga ko ng bonggang bonggang bongga dito. bat ba kasi ang hirap magpapayat? mahirap din magbihis ng maayos, lalo na kung umuumbok ang tyan sa harap. haaay! anyway, goodluck po sa pagpapayat, sana matupad ang 2lbs loss per week.
ReplyDeletepogi naman tayong matataba, ok na un. hahahaha
ReplyDeletewala din akong pangenroll sa gym.
at kahit anong diet ang gawin, kung hindi mo sasabayan ng exercise, walang mangyayari.
Eh kong saan ka masaya wlang kokontra.bakit ba?
ReplyDeletenakakaasar nga yan. naaalala ko dati,pg nakita ako ng mga kaklase ko na wala akong rice, ssbihin nila "Wehhhhhhh d nga?!" tpos pg kumaen naman ako ng gusto ko "kaya ka tumataba e!" hahaha kaasar!
ReplyDeletepero huggable naman kaya masaya! hehehe! binebaby. kaasar. pero... masaya.
pero eto fave ko:
4. Takot ang mga snatchers at holdapers hindi kaagad tatalab ang ice pick mag bou-bounce back muna sa taba bago ma-gripuhan sa kidney.
5. Masarap i-embrace kasi walang sharp edges parang stuff toy lang
dude--panaloooo. naisip ko rin yan dati e. haha!
aynko kaya mo yan... pero lm mo... d bagay syo payat
nakakaubos ako ng cheetos isang araw. akin na lhat ng cheetos nio. gusto ko jalapeno
ReplyDeletenaku, judgemental lang talaga ang mga tao sa paligid, ignore lang...sarap kaya kumain! XD
ReplyDeletehaha... basta ako chubby lang, hehehe. XD
pero tama - magpapayat ka (errr... o sige na nga, "tayo") para sa mas mahabang buhay. suportahan kita dito.
Hahaha wag ka po mag-alala dahil di ka nag-iisa. Parang kantang gusto kong bumait pero pinalitan ng pumayat... Gusto kong pumayat pero di ko magawa nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa... break it down!
ReplyDeletecute kaya ng matata..err, sagana sa adipose tissue sa katawan!masarap ihug talaga!nakakatakot lang magpa-hug back, sakalan ang datingan eh!
ReplyDeletejepoy hnd tinignan sira ang timbangan .. saka nakasapatos ka pa. hahahahaha.
ReplyDeletei'll help you pray! :))) hahaha.. go kuya jepoy! next time pag sa jeep, titigan mo ng masama ung barker! haha
ReplyDelete" Takot ang mga snatchers at holdapers hindi kaagad tatalab ang ice pick mag bou-bounce back muna sa taba bago ma-gripuhan sa kidney." --natawa naman ako ng bonga dito hihihi thank you kuya gumaan pakiramdam ko dahil dito =))
ReplyDeletepahug nga kuya..pwede?may namimiss kasi akong chubby din eh hihihi
kaya mo yan..disiplina lang ang kailangan..
jeff, san ka manlilibre sa bday mo?? kain lang ng kain! masarap kumain! pag di ka kumain, magugutom ka.
ReplyDeleteSince nakakain ka na sa circles, next is Spirals naman!
e paano ka papayat nyan, pagdating sa kainan bida ka. nililibre mo pa ang sambayanan.
ReplyDeletenasan ang lesofat? nasan ang xenical? kinalimutan mo sila.
aba at may apela ka pa kay papa jesus! subukan mo naman kay papa santa, magpapasko na. haha
dami mong alam..nag-skip read ako lol
ReplyDeletehmp hayaan mo silang mga payat! ahahaha bitter din ako sa payat!
ReplyDeletewala naman sa katawan yun eh...nasa (burat yun) pag uugali ng tao yun!
hahaha ang dami kong tawa. . dito sxempre lahat naman tyo nangangarap nang magandang pangangatawan . . lahat naman nang bagay mahirap i achieve eh hahahah
ReplyDeleteTotoong mas masarap ka-embrace ang chubby na tao. (O ayan, sabe ko chubby ndi fat ah. hehe). Kaya Jepoy, mag akapan much muna tayo bago ka magpapayat! Hahahaha!
ReplyDelete"9. Lasang lupa ang oatmeal. Lasang Papel ang tinapay na rich in fiber."
ReplyDeleteoh my gosh! napatawa moko dito. siguro kasi nakailang diet narin ako and i know ang sagwa ng healthy stuff.
mas mahirap pa ngayon dahil sa pesteng twister fries na yan!
tawa ako ng tawa sa post na ito. parang ang cool lang. haha. jepoy, pa-add ha? follow na din kita. :D
ReplyDeletehello jepoy,
ReplyDeletenakuha ko yong url mo sa blog ni maldito. wahhhhhhhhh, grabe ang tawa ko dito after reading your post. at 1;31 am na ngbabasa pa rin ako ng blog mo.nakakatuwa ka.i will add you later sa blog ko. tulog muna ako.
ok lng na chubby bsta huwag na masyado pra di ma stroke.hehehe
mas naaatrak ako sa mga chubby..pramis
ReplyDeletenakakatawa pa rin kahit ansakit sa mata ng kulay ng font na ginamit mo, pero pumayat ka na ngayon ha (2011), congrats!
ReplyDelete