Saturday, October 30, 2010

A tribute to my college org

October 2000.

Napadaan ako sa fire exit ng West Building sa ikaapat na palapag ng School. Doon kasi ginaganap ang Physics class ko kung saan ako'y talagang na ngangamote. May nakita akong isang grupo nang mga estudyante na nag aawitan at nag dadasal. Masasaya silang tignan. Madalas kinukutya ang mga ganitong org sa kahit saang school, dahil nga maka Dyos, banal daw at madalas tinatawag silang "Alive, Alive". Araw-araw kong tinitingila at sumisemple ng silip sa bulletin nila para basahin ang mga bersikolo mula sa Bibliya na naka post. Hindi kasi ako nag babasa ng bibliya kahit kailan, puro alikabok na nga 'yung bible ko na bigay ng kaibigan ko. Nawiwirduhan ako sa kanila kasi hindi nila kinahihiya ang ginagawa nila.I know walang masama sa ginagawa nila. Pero kasi, Hindi tipong ganun ang basis ng pagiging "cool" at pagiging "in" noong time na 'yun, dahil ang uso noong time na 'yun ay mag yosi sa baba, at mag inuman. Pero sila iba. Hindi sila judgemental. Friendly sila. Merong something sa kanila na naging napakacomportable ako. Hindi ko maipaliwanag pero parang gusto kong sumali sa kanila.

Nakita ako ng isang classmate ko sa Physics na nag babasa ng bulletin nila. Tinawag nya ako at pinakilala sa grupo, kasali pala sya doon kaya pala ayaw nya kong pakopyahin. Shet! Syempre nahiya muna ako, first time eh tsaka grupo na sila na mag kakaakilala. Ang babanal kaya nila at napaka demonyito ko. Iniisip ko, baka bigla akong lumiyab pag sumali ako sa kanila. Pero mali ang mga iniisip ko. mababait sila. at normal din gaya ng simpleng studyante. Warm sila. Lahat sila interested sa akin. Nakikipag shake hands pa silang lahat. Feeling ko welcome na welcome ako talaga. Sarap ng feeling.

Maya-maya pa, nag simulang tumipa ang gitarista nila para mag jamin. Dahil mahilig ako sa musika lalo akong na enganyo. 'yun ngalang puro "Alive, Alive" 'yung mga kanta nila, hindi ako makarelate. Pero masarap pakinggan. Magaan sa puso.

Hindi ko sukat akalain na ito ang grupo na mag lalapit sa akin kay Papa Jesus. Ito ang naging instrumento para mabago ang pananaw ko sa buhay. Nagkaroon nang direksyon ang buhay ko. Naisalba ako sa masamang impluwensya ng maling barkada. Dahil halos sila ang naging kasama ko hanggang sa makatapos ako. KKB ang tawag sa school org na ito, Kristyanong Kabataan Para sa Bayan. Isang Youth Arm ng isang church na kung tawagin ay Jesus Is Lord.

Fast forward...

Ngayon nag cecelebrate sila ng 32nd Anniversay. Maaaring hindi na ako kasing buti katulad noong panahong active pa ako sa school org. pero madami akong natutunan at naitanim sa akin ang pananamplataya. Naks! Maniwala ka please... At dahil parte nang buhay ko ang pag blo-blog. Gusto kong bigyan ng espasyo ang grupo na ito na minsan ay napabilang ako. Naging daluyan ng blessings ni Papa Jesus. Naka meet ako ng mga taong tinitingala ko mag pa sa hanggang ngayon.

Happy Anniversay JIL Church! May you draw more people to know Jesus! God Bless you more!!!!






Oo, hindi ako madalas mag sulat tungkol sa pananamplataya at paniniwala ko tungkol sa Dyos. Wala akong religion na pinaniniwalaan. Isa lamang akong hamak na makasalanan na naligtas ni Hesus pag katapos nyang mapako at mabayubay sa krus ng kalbaryo. Ang lalim!

Ako ay isang proud Born Again Christian. Kahit hindi halata pero yun na yun. Kaya kung na lolongkot ka gusto mo pag pray kita at share-ran ng pagibig ni Papa Jesus for you and for me? Sabihin mo lang, kape-kape tayo minsan Seryoso yan.

Yun lang...

Happy Weekend Mga katoto. At Happy Halloween...

30 comments:

  1. Happy anniv. sa JIL.

    Wala akong nasalihang org nung nasa skul ako kaya di ko alam ang feeling na maging member ng org. :D

    ReplyDelete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. happy aniv sa JIL. (katulad ng sinabi sa taas) nag skip read ako. seryoso yan.

    ReplyDelete
  5. JIL ka pala... Happy Anniversary sa JIL...at kay Bro.Eddie Villanueva, malapit lang sa amin ang mga Villanueva, kay Mayor Jonjon din...

    ReplyDelete
  6. Naka-attend na ako minsan sa ganitong uri ng relihiyon. Ok naman...at proud ako sa kanila dahil sobrang malapit sila kay Papa Jesus.

    Happy Anniversary JIL!

    God bless, Jepoy! :)

    ReplyDelete
  7. Oi Jeps born again din ako... happy anniversary pala sa inyo...

    ReplyDelete
  8. I'm not into a religion but i believe in god.. kaya naman kahit catholic ako sumasama ako sa mga gathering ng mga born again christian dito sa lugar namin hehe..

    iba parin yung may guide at presence ni god kahit wala sa pinas god...

    god bless you sir! happy Halloween!

    ReplyDelete
  9. Actually dun sa isang past post mo, nagulat ako na religious ka kasi nga hindi halata sa style ng writing mo... Pero i'm happy na you're proud of your beliefs. :)
    Alam ko namang style lang ng humor mo toh pero deep inside, you're a very good person. :) HUGS!

    ReplyDelete
  10. hapi aniv sa JIL!!!!

    binasa ko lahat di nga lang niplay pa ang video,hihihihi

    ReplyDelete
  11. Kuya Jeps, natuwa ako sa post mo. I'd like to say that I'm very much blessed being a part of this group too and having you as my kuya. Ikaw na ang dakilang pambalanse kay manong. If people can stand for their opinions regarding liberality, how can we not stand for God right?

    Happy anniversary JIL!

    God bless kuya jeps!

    ReplyDelete
  12. Born Again ka din pala? Ako din Jips. Kaya nga lang napabayaan din ng bahagya. Haha. Happy Anniversary JIL. Mabait ka naman nga, sadyang bugok lang. Haha.

    ReplyDelete
  13. i thot nagkamali ako ng browse. pure heart post pala.

    ReplyDelete
  14. bait talaga o...kakahiya nmn sayo.hehehe!!!O well dahil mlkaz ka kay papa jesus ipagdasal mo ko...hahahaha!seryozo...nabeberat na ko.hahaha

    ReplyDelete
  15. happy anniv sa JIL!

    nibasa ko ng buo.. kaso ayaw magplay ng vid.. hehehehe

    nakakatuwang malaman ang other side na ito ni jepoy.. maaring hindi halata sa mga postings mo pero hindi naman un importante.. ang imp, buhay na buhay si Papa Jesus sa buhay at puso mo..

    have a great weekend jepoy!

    ReplyDelete
  16. @rj pure blooded mapuan sir

    ReplyDelete
  17. Wow! Akalain mo, active ka pala sa church mo. Natutuwa ako sa mga gaya mo Jepoy! Good job!

    ReplyDelete
  18. Wow, this post left me teary-eyed for reasons I'm not quite sure of. Anyway, thanks a lot; it's been a while since I've been touched by a blog post and I must say I've missed this feeling!

    I was right about you all along. :)

    ReplyDelete
  19. Naks! ikaw na ang may busilak na puso! hehehehehehe

    ReplyDelete
  20. happy anniv sa JIL. first time bumisita dito. bino po mula sa damuhan.com :D

    ReplyDelete
  21. @Khantotantra

    Salamat ng marami Sir!

    @mots

    Thanks tsong appreciate it.

    @Caloy

    Para naman tayong bago ng bago sa skipreading part. LOL

    @Mokong

    Salamat sir!!

    @MarcoPaolo

    Salamat Sir, God Bless din

    ReplyDelete
  22. @KikoMaxx

    Apir brader! Salamat at God Bless sayo!

    @Polding

    Nice nice, sama lang ng sama sir. Atleast, maayos ang grupo na nasalihan mo pag pagtuloy mo lang.. :-D

    @Traveliztera

    Naks may ganun, Tats naman ako. Thanks Steph!

    @pokw4ng

    Sana ni play mo ate powkie. Iinstallan na kita ng flash dyan lahat nalang ng video di mo ma view..

    ReplyDelete
  23. @Yna

    *hugs* Thanks Tin, na miss ko kayong lahat. Na appreciate ko yung comment mo. And I agree, we can stand for God like what we were doing on those campus envangilsm?! Remember?! Ano nangyari sa fb mo baket nawala na?

    @Yow

    Whoa!Nice to know. God Bless Sir!

    @The Philippine Guild

    Kuya Karl mag bagong buhay ka na!!!!

    @2ngawski

    Mabait talaga me. Sige pag pray kita hihihi

    ReplyDelete
  24. @Yannah

    Thanks po!

    @Avee

    Thanks Avee! Musta ka na?! Ingats and God Bless

    @Weng

    *hungs* buzz me when you can, miss you *wink*

    @Xprosaic

    Ako na talaga! Hmp!

    @Bino

    Maraming salamat sir bino. God bless at maraming salamat sa pag bisita..

    ReplyDelete
  25. Woisssssssssssst! kinilabutan ako all over, ngayon pa lang ako nakapasok ulit sa blog mo.
    Although madami na tayong beses nakapag chat about this.
    At alam natin ang faith orientation ng bawat isa. Laking campus ministry ako at alam mo ang LAMI di ba, at alam kong laki ka din sa org na yan am blessed na nakilala kita and pag-uwi ko sharing portion tayo ha plus yung C3 ko wag mong kakalimutan.
    He's proud of you as you declare boldly your faith!

    Be blessed sir!

    ReplyDelete
  26. btw, what's with Physics na kahit ako sa Physics class ako nakilala nung college! Thanks to Engr. Marie Rowena Tanquilut for sharing Jesus Christ and to the Institute of Veterinary Medicine and Zootechniques for spending with me my Christian life way back college.

    now I know what's my next post, you gave me an idea sir, because starting this month, no more personal issues me and my blog will serve the Lord. salamat sir, kinikilabutan pa din ako

    ReplyDelete
  27. @Pong

    naman you kinilabutan hindi ba u na niniwala?! JOWK! Sige sharing portion tayo basta ba wag mo kong pag tatawanan LOL

    My the Lord bless you more and more each day brader!

    ReplyDelete
  28. congrats kay powkie!!! madami tlg natatatz ng fairygod mother fame power effect ni jeppy... hehehe

    ReplyDelete
  29. yun yon kaya ko nag aadik, alive alive ka rin at viva mapuan pa yey!

    ReplyDelete