kung mapapadaan kayo sa blog ng nuno sa punso na may header na merong bungo na may saksakan ng plancha at may buto ng deformed na unicorn at king of spades at may naka lagay na wickedmouth on a bold Arial text eh wag kayong masyadong maniniwala ha, marami kasing nag da-doubt sa kalinisan ng puso ko.
Anyhow Inihaw...
Kanina habang nakahiga ako sa aking malambot at mabangong king size water bed eh, naramdaman kong nangangati ang katawang lupa ko habang nag titikol me gamit ang Vanilla Chocolate lotion ng bath and body works para mabango. Napahinto ako, bigla kong naisip na mag wa-one year na pala akong hindi nagpapalit ng bed sheet. wadapak! Syempre exag lang ang one year at pag titikol. Mga two weeks na akong hindi nag papalit ng bed sheet.
Kabilin-bilinan sa akin ni Mudrakels na dapat daw every week akong mag papalit ng bed sheet dahil daw maraming dead skin cells ang napupunta sa bed sheet kaya dapat daw palitan. Oweno nomon kung me-dead skin cells sa bed sheet ko? Nakakatamad kayang mag palit nang mag palit ng bedsheet, haggard!
Pero dahil masunurin akong baby agad akong nag palit ng bedsheet dahil nangungutim na nga pala talaga ang aking higaan. Sinama ko naring inalis ang mga punda ng aking mga unan. Pag tanggal ko ng punda ng unan nagulat me. Ang daming mapa ng unan ko. Parang mapa ng europe and africa lang. Wadapak! Saan galing ang mga mapa?! Baket may nag mamapa-mapa?! Inamoy ko ang unan na may mapa...Uhhhm ang bango amoy bear brand full cream powder melk. hihihihi
Nag isip ako saan galing ang mapa.
1. Laway?
2. Coke?
3. Fresh milk?
4. Natunaw na yema sa bunganga ko?
Agad kong nilagyan ng punda ang mga unan ko na syang dahilan nang aking masarap na tulog at malakas na snore. Jowk! Baka makita pa ng putang pinsan ko iannounce pa nya sa grand reunion namin mapahiya pa me (labasan ng baho?!). Hello! Mas madami kayang mapa 'ung unan nya. Hmp!
Anyhow lugaw, alam kong lahat nang nilalang ni Papa Jesas may kanya-kanya unique style pag na tutulog. 'yung pinsan ko sinusuut nya yung paa nya sa loob ng unan para makatulog. Yes hanggang ngayon. Kahit nasa Canada na ganun parin. 'Yung utol ko kelangan may unan sya sa paa pag na tutulog at ang unan na ito eh mula pa 'nung bata kame, kadire love na love nya 'yun. 'Yung isang pinsan ko naman kelangan may hawak syang sigay pag natutulog, wadapak! Ako naman pag natutulog kelangan may kulambo sa paa ko kahit na anong texture ng net sa paa. hihihi 'Nung nag punta ako ng US I swear may baon akong kulambo na gulay green para sa aking paa para makatulog ng banayad. Pasensya probinsyano...
Kung umabot ka sa punto ng kwento ko dito. Well malakas ako sa'yo dahil wala namang sense ang kwento ko ngayon. Ikaw wala ka bang kakaibang something? Share mo! Para happy tayo..
Happy Weekend...ay false alarm, huwebes palang pala. Tenchow!!!
Kthanksbye...
so kadiri...ahahahaa....aminin mo na...nagtikol ka talaga...tapos nag squirt yung mga dead sperm cells sa unan....ang lakas maka squirt...
ReplyDeleteahahahhaa...ang ganda ng name na squirty no? so from now on...squirty na ang pangalan mo..wahahhaahaha...
kakachange ko lang din ng bed shit ko....hintay pa ako sa sweldo para palabahan...kaya ngayun sa ibang kama ako natutulog..ayeee..ahahaha...
naniniwala ako sa sinabi ni glentot...promise.
at oo...binasa ko lahat..wala pa atang post na sinulat mo na skinip read ko no. ganyan ako kung magrespect.....
sa mga budha.
nakakaaliw naman ung nagsusuot ng unan sa paa.
ReplyDeleteAko gusto ko nakapatong paa sa una, parang mas relax pag medyo inclined ang paa/binti.
anu kaya ang cause ng mapa sa unan... :p
may kilala akong tulad mo, hindi makatulog kung walang kulambo sa paa. haha! at kahit pa byahe lang, as in nasa bus kailangan kinakaskas niya paa niya sa kulambo! ganon siya kalala!
ReplyDeletetulad ni maldito, binasa ko din lahat. hehe. ngayon nga lang sinipag magcomment. =)
ingat!
nice post! keep it up hahaha
ReplyDeletepinampupunas mo ata ng katas ang unan mo kaya nagmamapa eh.
yung kaklase ko ma. kailangan may kulambo sa paa. kahit nung umakyat kami sa baguio. yee. bagay sila
uhmmm binasa ko yata ng buo? hahaha
ReplyDeleteako naman kumot.. kahit mainit kelangan may kumot para makatulog ng matiwasay,,
naisip ko lang.. kasama sa choices mo ung yema.. nagsstock ka ng yema sa bibig mo bago matulog? hahaha
morning jepoy!
honggondo nga nung tribute post sayo ni glentot e.
ReplyDeleteano ung sigay?
May alam akong gamit ng kulambo mo. Gusto mo bang sumama sa amin mag VN-cambodia sa dec 4-11. Sa cambodia sure na sure na mapapakinabangan ng mga lamok ang kulambo mo! Text ka lang kung join ka. Daming chikkas sa district 1 ng saigon ipapaalala ko lang. hahahahaha
ReplyDeleteAlam mo, naniniwala ako kay Glentot. Kaya nga iwas na iwas akong makipag EB sa inyo. As ef iniimbitahan nyo ako. Hahaha!
ReplyDeleteAnyway highway (sa iyo ko din ba nabasa ang "anyway highway"?), wala akong kakaibang something sa pagtulog. May hula pala ako dun sa mapa, tamod? Oo, feeling close ang chismosang squid na ito na may black na dagta. Haha!
Alam mo, naniniwala ako kay Glentot. Kaya nga iwas na iwas akong makipag EB sa inyo. As ef iniimbitahan nyo ako. Hahaha!
ReplyDeleteAnyway highway (sa iyo ko din ba nabasa ang "anyway highway"?), wala akong kakaibang something sa pagtulog. May hula pala ako dun sa mapa, tamod? Oo, feeling close ang chismosang squid na ito na may black na dagta. Haha!
Bwahahaha. Hello Jepoy! Kagagaling ko lang sa blog ni Glentot, hanlakas ng tawa ko. At nung nabasa ko ang unang paragraph, naalala ko nanaman. Bohahaha. Putacles! PANALO! Hahahahahahaha!
ReplyDeleteSa kwento ni Glentot parang ansaya mong kasama. Nakakatakot lang dahil baka malait mo ren ako ng bonggang bongga. Mapanlait pa man din ako. Hihi.
Yung lola ko ayaw na madalas ako magpalit ng bedsheet. Sya kase naglalaba. Hoho.
Ako para makatulog, kelangan ko ng lalakeng katabe na kamukha ni Edmalabs. Wait. Ano bang pinagsasasabe ko. Haha.
Hello ulit Jepoy. :)
Tikol? anu yon? paano? hehehe joke. Graduate na ko dyan may misis na eh...
ReplyDeleteMAy kapatid ako kahit 30 years old na may kulambo pa rin sa paa kuskusan nya. hehehe
Para kang si inaanak ko... di makatulog pag walang kulambo.
ReplyDeletekelan ka ba nagkaroon ng sense?
ReplyDeletebut i like the honesty!
TSE!
Ako kinukuyakoy ang feet while in bed pampaantok chaka laging may pillow between my legs. Ü
ReplyDeletewala akong mapa sa unan...
ReplyDeletewala akong mapa sa unan!! ulit ulitin 4x..
putek pareho tayong bumubuo ng kontinente sa ating mahal na unan.. isa lang ang dahilan nun.. Nagaala-batis ang ating bunganga at nagooverflow papuntang unan... hahahaha
I have a friend who's also a kulambo freak.
ReplyDeletealam na....hehehe. basta ung usapan natin sa "pagdantay" ha? hihi...ano ba kasi sa english ang dantay? bakit hindi ako mapakali hanggat hindi nasasagot ang tanong na to? at bakit ikaw ang gusto kong sumagot ng tanong na to? hihihi
ReplyDeleteBwahahahahha at agad may disclaimer sa pinost ni glentot eh no... ahahahahhaha... naku wala na akong kakaibang style sa pagtulog... noon lang siguro hanggang grade six na kasama ko pa sa pagtulog yung unan ko nung pagkabata... ahahahahhaha... Syaks! idol ko na si maldito kakaiba talaga kung rumespeto...lol
ReplyDeletehahaha... kakalaba ko nga lang nung bedshit ko... nyahahaha...
ReplyDeleteweeee, binasa ko din lahat.:)
ReplyDeletetga saang probinsya ka pla jepoy?probinsyana din ako. pero wala akong ka arte2x pagnatulog.hehheh.bumili ka nlng ng netbag pra yon ang dalhin mo pag ng travel ka, hindi bulky.hehhe.
lols. Actually dahil kay wickedmouth dumaan ako sa blog mo!totoo ba yung lahat?natawa naman ako sa sinulat niya eh!
ReplyDeleteBelated happy birthday nga pala!:0
lols. Pareho tayu!galing iniisip ko nga ang galing yung mga kamag anak niya may mga unqieu na ginagawa sa pagtulog, ako kulambo sa paa, den yung part na ganun ka din pala!ahahaha. Ewan ko ba, ang sarap sa paa ng kulambo nu?hay naku pinapagalitan na nga ko. pero hindi ko pa naransang magdala ng kulambo sa niyahe, sa mga hotels keri na ang kumot!:)
ilang taun na yang kulambo mu?sakin mga 8 yrs. na ta with the higlights of tahi-tahi at mga butas-butas na parte!:)
Happy blogging!:0 enjoy ako sa mga blog niyo. Very green and Pinoy!:)
Ang kulet and cool ng blog mo. Masaya basahin. Ang galing.
ReplyDeleteNice blog.
gusto kong maniwala sa sinasabi ni kuya glentot! parang totoo talaga! huhuhu! bad ka pala! laiterong echuserong frog maarte 2010! hmp! hakhak! parang ayaw ko na nga magcomment eh. makikibasa na lang sana pero wahahahaha hindi kita matiis kuya jepoy, hakhak! anyway highway, naglalakad/nagsasalita kapag tulog si ako. kahit mainit nagkukumot ako kaso ang paa hindi nakukumutan...
ReplyDeleteayun na!
payo ko sayo pag nagabroad ka uli
ReplyDeletebili ka nang sleeping Bag!!
Salamat sa post mo naalala kong ako din pla e dpat na ding mgpalit ng beddings.hahaha!!!Mabuhay ang mga probinsyano....!!!!hahaha
ReplyDeletetry natin matulog for a change LOL
ReplyDeletejeps hula ko hindi dead skin cells yun. dead sperm cells yun hahaha. hahaha.
ReplyDeleteuy ako din kaya sinusuot ko yung paa ko sa unan pag natutulog ako. para di malamig. ayaw ko kasi ng kumot. hehehe
ReplyDeleteyung mapa, pwede din sa pawis galing. ewan ko, di nagmamapa ang mga unan ko. :P
Padugyutan kada post? Pambihira. Haha.
ReplyDeleteKakaiba? Ang pinakaexotic food na nakain ko ay hipon. Exotic na yun. Sagad na. Haha.
Nakabedsheet at kulambo ka pa eh sa kural ka naman natutulog. At anong paa? Hooves! Ahihi.
ReplyDeletehahah bilib ako sa mudrakels mo, ayaw nyang ma embarrass ka kaya sinabi na lang nyang "dead cells" jusko for sure she wants to say..tangnang bata ka e puro talsik talsik na kulay dilaw yang bedsheet mo eh, pati sa ilalim ng bed mo daming tuwalya dun, alisin mo nga!
ReplyDeletebwhahahaha, pero syempre, pa sweet sya LOL
ako pag natutulog nakadapa..halata naman sa dibdib diba?napipit!
ReplyDeletenever pa naman akong nagskip read sa mga post mo kuya jepoy..pangako!anyway..ako di nakatulog ng walang yakap yakap na unan or stuffed toy..di naman masyadong weird di ba?hehehe
ReplyDelete