Saturday, October 9, 2010

Reklamo

Hindi lahat ng pangyayari sa buhay ni Jepoy ay nakakatuwa, madalas ay meron din nakakalungkot. Tinitiis ko lang na 'wag mag bigay ng negatibong impression sa blog ko. Kasi nga, mahirap na nga ang life dahil sa pighati at hapdi ng puso ko bunga ng pag hihirap ng bansang pilipinas tapos mag eemo fuck pa ako sa blog?! Sus!

Pero ngayon pwede bang pag bigyan nyo muna ako na mag-rant or mag reklamo? Promise, Minsan lang naman ito...

Ganito kasi 'yun upo ka sa chair at kumuha ng pop corn and coke *sinehan?!* Wala pa kasing nag papadala ng picture greeting eh malapit na malapit na ang burthday ko eh ang dali-dali lang naman ng mechanics, kuha ka lang ng cocomban tapos sulat mo happy birthday jepoy tapos kunin mo 'yung Nokia 3210 mo, tapos picturan mo sarili mo, tapos send mo sa iamalivingsaint@gmail.com. Ang dali lang diba?! Sus! Kaya 'yun na-sad me. Chos!

Eto na totoo na talaga 'to.

Gusto kong hampasin ng cpu at isang rack ng server 'yung bossing kong echuserong shrimp! Putangina!!!!! Kebs kahit mabasa nya 'tong blog ko. Like i don't give a fucking care!!!!!

Baket?!

Dahil sya ang dahilan kung baket ako magiging purita mirasol sa mga susunod na buwan. Fuck!!! Nag streamline ng process ang putakels at dahil doon mawawala ang quarterly kaban ng cash sa ATM ko. That means, no more travel abroad. No more Gastos. No more pogi points sa date. At no more intrega kay mudrakels.

Every quarter kasi meron kameng tinatawag na dedicated night shift incentive bilang kabayaran sa pag tra-trabaho ko ng gabi which means every quarter meron akong nakukuha na 90% ng basic pay ko sa kabuuang kaban ng cash on top pa ito sa net pay ko sa cut-off ng buwan na 'yun kung saan ibibigay ang incentive. 'Yang incentive na yan ang pinang sasampal ko sa immigration sa NAIA pag hinaharang ako. Joke! Yang, incentive na yan ang ginagwa kong savings para sa future family ko, syempre di naman tayo bumabata you know, kelangan ng pambili ng centrum complete at sustagen prime pag kelangan na and don't forget the viagra.

So to cut the long story short. from now on moving forward, mawawala na ito. Puta lang diba! at ang masaklap dito walang heads up. Mano man lang mag email ng:

"Hoy mga Hampas lupa I have this wonderful plan in placed, Guess what?! from now on you don't have quarterly night shift incentive pathetic peons.. "

kesa naman mababalitan mo lang sa tabi-tabi. Kung di pa ako nag email hindi ko pa ma co-confirm. Anak baka talaga!!! [insert printing of resignation letter here]

Dahil dyan, gusto ko ng sumugal at mag hanap ng trabaho sa Singapore [insert nag hahanap ng murang flight booking sa pinaka cheap na airlines]. Pag hindi ako nakahanap ng work doon within two months. Uuwi akong pinas ng luhaan at mag didildil ng asin for sometime. Pag ako naman nakahanap ng work edi bongga. But, should I take the risk?

I play my life safe. I am not an inborn risk taker. lahat ng moves ko swabe. Hindi ako kumikilos kung ang probability ng tagumpay at maliit. Dito sa pinas after graduation hindi ako nabakante kahit panay singko ang transcript ko. Pag ayaw ko na sa trabaho ko I make sure na may Job offer muna ako at mas mataas dapat. Pupunitin ko ang JO pag mababa sa harap ng HR. JOOOOOOOOOKE!!!!

Haist Life is hard...FML! I heyyyyyyyyyyyyyyrettttttttttttttttt!

promise ngayon lang to. Wala kasi akong makausap eh! So sinulat ko nalang! Mamya okay na ko...

34 comments:

  1. Take risk jepoy! You'll never know unless you try. You can apply for EPEC visa seeking employment na pwede ka magstay dun for a year pag ma-approve ng govt nila. So far wala pa ako nabalitaan na mapuan na nadeny. Lol! Yabang lang. Kailangan mo lang ng friendlyfriends na pwede magpatuloy sayo hanggang makahanap ka ng work. Life is short to end up with regrets :) goodluck!

    ReplyDelete
  2. Dear Roaane,

    I needed this kid of push, kanina pa nga ko nakatitig sa EPEC kung mag fill out ako or not. LOL.

    Haist! hirap ng tumatanda, seryosong decesion again... Baket ba kasi ang hirap hirap ng pinas?!

    Haist!

    ReplyDelete
  3. Dear Jepoy,

    From now on...you can start packing your things up.

    See you in hell.

    Love,

    HR


    wahahhahahaa..need a beer?

    PS: Maya send ko pic ko.sensya im so busy like megastar.

    ReplyDelete
  4. @Maldito

    gagu ka talaga! Hmp! matapos mong idecline ang facebook invitation ko sayo gaganyan-ganyan ka pa. And to top it all gumawa ka pa ng dummy account mo at doon mo ko ininvite! Che!

    Bilisan mo ang pag gawa ng pict grit..

    Natakot ako sa letter ng HR ahahaha

    ReplyDelete
  5. Dear jepoy,

    Walang mangyayari kung tititigan mo lang ako. Hindi kita mapapalipad dito sa SG kung hindi mo ako subukang sagutan at iclick ang submit button. Dali bilis! Tagal lang! Boooo!

    Nagmamahal,
    EPEC

    ReplyDelete
  6. Gaya nga ng latest post ko' it's never too late! Hehe
    Tara Sabay tayo : D

    ReplyDelete
  7. eh kasi naman di ba..dun moko inaad sa wrong account...at hindi kaya yun dummy account...its an account specially for the bloggers..che! at nyaun ayaw mo na kong i-approve...hmmp!

    ReplyDelete
  8. Dear Jepoy,

    May naghihintay na trabaho para sa 'yo dito. Kailangan namin ng clown.

    Nagmamamahal,
    McDonalds Singapore

    ReplyDelete
  9. awts, minsan ang incentives ang life saver sa buhay ng mga employees. Unfair naman ang nangyari.

    Sana makakuha ka ng Job sa Singapore.

    :D

    ReplyDelete
  10. @Gas dude

    Ah ganoooon!!! Sige mag comute ka papuntang alabang pag uwi mo dito! CHe!

    @Roanne

    Dear EPEC, DOne! ahahaha

    @John

    Tara!

    @Maldito

    Hindi ako makamove on sa pag decline specially mutual friend ko doon si gasdude. Palakasan?! Fine! LOL

    ReplyDelete
  11. take the risk jepoy! no guts no glory eh...:D

    you will never know na sa Singapore pala ang magandang future mo at future wife perhaps..hehe

    ReplyDelete
  12. Jepoy, there's no harm in trying. You might as well risk what you have right now than regretting it in the future. Good luck sa job hunting! =)

    ReplyDelete
  13. Jowk lang. Ikaw naman sobrang matampuhin. LOL! At sino naman may sabi sa 'yong uuwi ako?

    Haha basahin mo 'yung entry dati ni Maldito tungkol sa mga nag-aadd sa kanya sa Facebook.

    ReplyDelete
  14. Dear Kuya Ko,

    Go for it! Habang bata,,,pero make sure na may savings ka muna,,,something you can use for the rainy day! Take a chance, you got nothing to lose and everything to gain,,,

    God bless on your job hunting,,,Pray for it!

    ReplyDelete
  15. pwede ba ko mag pic grit kahit d tau close? hehehe! baka ispam mo lang me.. ipapakulam kita! chos lang! :)

    kbd

    ReplyDelete
  16. Dear Jepoy,

    May nag hihintay na trabaho para sa iyo dito. Kelangan namin ng tao.

    Truly yours,
    Allan K.
    Manager
    Clownz Araneta

    ReplyDelete
  17. wag ka nang malungkot idol, nagbigay na ako ng picture greeting, ok? smile na. hehe. seriously, i think you should take a risk. i mean, life is a gamble right? you only win if you take a risk...

    ReplyDelete
  18. sabi nga nila "never make a decision" when you're mad". at ayan na lang din ang simple at "matalinong" payo na mabibigay ko sayo ngaun.

    hinde naman masama mag take ka ng risk pero kung magti-take ka na lang din ng risk e suguruhin mo na, na hinde 50-50 ang laban.

    ReplyDelete
  19. yun pala ang dahilan ng iyong status sa ym,

    di ko alam ang sasabihin eh, kasi alam mo na

    basta kaya yan my brader, sisikat din ang araw at lulubog ito panigurado yun este umiikot lang pa la ang earth.

    be blessed po!

    ReplyDelete
  20. Magreresign na yan!Magreresign na yan!Hahaha...Harot pala e. Kung saan ka mas matagal mabubuhay don ka.Malaki nga sweldo mo mmmtay ka naman sa stress...hehehe!

    ReplyDelete
  21. If ever you decide not to to go for it, make sure you could live the rest of your life with that big "what if" hanging over your head!whatever your decision would be, i'll just be here.you know where.naks.hehe.

    ReplyDelete
  22. pansin ko lang madami tao kapag ganitong panahon ang nabuburaot sa trabaho. what's with the season?

    ReplyDelete
  23. Okay ka na? Seryoso? Totoo? weeeh

    Happy Birthday, jepoy!
    (insert pic here)

    Okay ka na? Seryoso? Totoo? Yeyy!!!

    ReplyDelete
  24. as my blog title says.."set lang" wag padalos dalos jeps

    ReplyDelete
  25. papaano mo malalaman na malalim ang dagat kung di mo susubukan!! Go na kahit di ka marunong lumangoy!! ahahaha

    ReplyDelete
  26. Alam mo Jepoy kung ndi ka na masaya sa work mo at feeling mo inuutakan ka na ng boss mo, aba eh magandang time na nga yan to move on and look for better opportunities. Yung mga friends ko na ok na ngayon sa SG, nakipagsapalaran (wow lalim) lang sila nung una. Eh dahil muka ka naman madiskarte eh makakayanan mo yan. Go lang ng go. :)

    ReplyDelete
  27. Pighati ng puso sa paghihirap ng bansa! Panalo! Haha.

    Wait, quarterly kaban ng cash? Akala ko nung una every quarter lang sahod nyo. Yung night shift differential pala. Nagulat me much. Haha.

    Naimagine kita magunit ng JO. Slow motion. Ayos, pedeng commercial. Haha.

    ReplyDelete
  28. Jepoy, kung magulo isipan mo ngayon, sumama ka saken sa November 13-20 adventure cruise ko sa different islands in Visayas.. sakay tayo sa yate namin at malay mo, magustuhan mo palang tumira na lang sa isla. oh di ba?

    mag-enroll na din tayo sa diving course dahil baka sa ilalim ng dagat natin makukuha ang solusyon sa ating mga problema sa trabaho. wag lang tayo lulunukin ng whale shark at mga pating, dahil tapos ang ating magandang career!

    hihihihi.. ^^,

    ReplyDelete
  29. It's a huge risk Jepoy, kasi most of the employers in SG are looking for Singaporeans or permanent residents. You can find a job there if you could stay longer. Pero usually pag tourist maximum is 2-3 months only, if you're unlucky even just a month.

    Pero if you have friends there na pwede kang ihanap ng job dun, why not?

    Good luck! Happy birthday! : )

    ReplyDelete
  30. Lasunin ang boss heheh XD

    suggestion lang naman heheh

    bat kaya gusto ng mga nagcomment na maging clown ka.... hindi bagay hehe

    Dapat IKAW ANG BOSS! hehe XD

    ReplyDelete
  31. ang kuleeeeet ng post!
    makukulit din ang mga comments..lols

    ReplyDelete
  32. Jepoy, take a risk, take a chance, make a change and breakaway.... (music)

    ReplyDelete
  33. pang ilan na akong nag-comment so siguro ok ka na by now.

    ReplyDelete
  34. E di ipak na din yan. Haha. Parang yung sa opportunity lang na mapublish bilang isang writer. Magtry ka nga maghanap ng trabaho. Malay mo ang bright future pala eh nandun nga sa SG. Tapos pag mayaman ka na, padalan mo me ng pera. Mukha akong pera. OO.

    ReplyDelete