Wednesday, February 24, 2010

Tips ni Jepoy

Hindi ko ine-expect na darating sa point na gusto kong mag blog pero wala akong masulat as in wala, dahil siguro iyon sa kapangyarihan ng sinigang ni Aling Loydita. Pag hinihigop ko kasi ang sabaw ng sinigang nya ay napapapikit ako ng slightly bongga at napapasabi ng, "Aray! pota ineeet!"

Malay ko bang mainit ang sinigang nya kung alas-singko na ng hapon?

Marahil maitatanong nyo baket alas-singko ako nag lunch. Ang masasabi ko "Anung paki nyo sa life ko?!" Chos! Kasi nga po sobrang inet sa kwarto ko. Tsaka si haring araw ay ayaw paawat na sikatan ang muka ko. Kahit ang makapal kong Green Curtain ay hindi ito kinakaya. Kaya early to rise ako. Isa na siguro ito sa effect ng El Ninyo Phenomenon (hindi ako marunung gumawa ng enye kaya ganyan nalang spelling)

Sinubukan kong mag basa basa ng articles about El Ninyo pero nag nose bleed lang ako. Ganun siguro pag pabobo ka na ng pabobo lumalapot na ang utak, joke! Ayon sa facts at pag kakaintindi ko sa nabasa kong article ang El Ninyo daw ay isang abnormalidad na nagaganap sa karagatang Pasipiko sa my area ng ating equator na kung saan normally ang hangin ay umiihip from East to West since mas colder sa East end ang Colder Water doon ay na didistribute papuntang West end pero sa case na 'to nag iiba ang ihip ng hangin or nag kakaroon ng issue sa pag punta ng tubig sa west kung kaya puro hot water lang nandun na nag cacause ng mataas na temperature tapos nag cause ng tag tuyot at di pag ulan.

Pero sa tingin ko na gagalit na satin si Motha Neycha kasi nga abuso tayo sa kanya. So sa ganitong panahon paano ba tayo makaka tulong in our own little way?

Heto ang ilan sa mga suggestion ko. Kung ayaw nyo gawin kebs!

1. Since nag kukulang tayo sa tubig dapat mag tipid. Kung tatae wag ng gumamit ng flush kasi mas marami iyong nakukunsumong tubig. Pag iihi wag din. Kung natatae ka tanuningin mo ang kasama mo sa bahay kung na tatae din sya. Tapos mauna ka na tumae pero wag kang mag flush. Tawagin mo ang next tapos sya naman ang tatae susunod, ngayon kung wala ng tatae saka mo na buhusan ito.

2. Since mainit given na dapat tayong maligo araw araw, ewan ko nalang sa inyo kung di kayo araw araw na liligo, kamusta ang skid mark sa brip nyo. Pag maliligo sahurin ang tubig at i-imbak ito sa isang malinis na lalagyan kasi pwede nyo itong gamiting pang tutbrash tsaka pang buhos ng tae nyo at ihi.

3. Wag ka ng mag electric fan pag matutulog ka lalong lalo na ang Aircon kasi malakas mag consume ng Kurente. Mag nude ka nalang pag matutulog ka at gumamit ng abaniko. Sige na nga, kung sobrang init mag electric fan ka pero dapat 1 hour lang i timer mo sya. Kung walang timer ang electric fan mo wag ka ng mag electric fan.

4. Mag imbak ng maraming plato at baso at kutsara. Pag tapos kumain itambak lang lalabo ang kinainan hugasan ang lahat ng kubyertos na ginamit tuwing sabado lang. Para tipid sa tubig. Mag Spray nalang ng baygon para walang ipis sa paligid.

5. Gumamit ng side A at side B sa Brip, Boxers at Panty para tipid sa sabon at tubig

6. Gamitin ang baterya ng kotse para manood ng tv. Gumamit ng di-uling na plantsa sa pag pla-plantsa ng damit.

7. Itapon ang DVD, Play Station, Wii at kung anu anu pang shit na mag kokonsumo ng kuryente

8. Wag kang mag tikol everyday dapat MWF lang (di ko alam baket kasali to)

9. Kung gagamit kang CR para maligo wag ka nang mag sindi ng ilaw. Kabisado mo naman kung nasaan ang kilikili, singit, betlog at face mo malilinisan mo rin sila ng maayos. Nakatipid ka pa.

10. Patayin ang Main fuse pag aalis ka. Hayaan mo ang katulong nyong gumawa ng paraan paano lilipas ang mag hapon nya. (joke lang ang last wala na kasi akong maisip)

Sana po ay nakatulong ang mga tips ni Jepoy! See you Monday po at happy weekend sa inyong lahat!

Monday, February 22, 2010

Photo Shoot Chronicles

Medyo madami akong naging activity last weekend at ngayon lang ako nag karoon ng time para mag kwento. At syempre sa Opis ko pa ito na isipang isingit gawin, LOL. Well any who (any who talaga?!) Saburdey ng umaga after our shift, niyaya ako ng Opis mate ko kung interested daw ba 'kong sumama sa isang Photo shoot kasi gumagawa sya ng Portfolio nya. Medyo kinakarir nya ito talaga ng slightly bongga. And so, I decided to join them since gusto ko rin bumili ng DSLR, hindi dahil sa "In" ang photography sa mga panahon ngayon kundi dahil sa gusto ko talaga ang mag picture-picture na good quality naman. Sa totoo lang photojournalist ako noong high school at nakipag tungali pa ako sa DSSPC and Photo Environment Contest pero pareho akong talo doon, Nyeta! ako ang weakest link!!! (Nakuha ko pa talagang ikwento! Shit)

Ako ang naging best supporting actor noong Saburdey. Kasi sumama ako sa event ng wala naman talaga akong gagawin. Wala rin akong dalang camera, ayoko naman dalhin yung digicam kong di-baterya baka tampalin ako ng models habang nakikipag sabayan ako sa mala heganteng DSLR ng mga kasama ko, kawawa naman me. Friendship lang talaga at katawan ko ang na-offer ko sa kanila. Pero actually tumulong naman akong uminom ng Orange Juice at Kumain ng Mixed nuts. Tsaka nag setup din pala ako ng laptop at pinahawak sakin ni Stibi yung camera nya at nag shoot din ako. Aylabet! Ang ganda ng kuha ko!

Bali si Stibi (Opis mate ko) tsaka si Mel (Opismate ko rin) sila ang mga talented na photographer next to me obcors, LOL. Tapos Dalawa din sa Opis mate ko ang models si Ambot tsaka si Peaches. Alam kong gusto nyo ng makita ang Sample shots kaya eto na nga ishare ko na hindi na ko mag papatumpit-tumpit pa...

Presenting Ambot...






Presenting Peaches








Presenting Steph







Oh Guys wag masyadong mag wet ang betlogs ha! Magagalit si Papa Jesus... hihihihi Syempre dahil kasali ako hindi ko isasali ang mga pictures na kasali ako nakakasulasok iyon pero alam nyo ba kung ano ang totoong reaction ko habang nakikita ko ang mga models??? Ito ang itchura ko...


At ang putang si Glentot may pag nanasa talaga sa akin dahil ni nakaw nya ang picture ko nyan at nilagay sa blog site nya, ginawa nyang latest entry. I hatechit!

At ito ang picture naming mag kaka oopis mates. From left to right Stibi, Mel,Peaches,Jepoy and Ambot


Onga pala hindi po photoblog ang nakikita nyo. Na excite lang akong ilagay ang picture. First time ko kasing naka attend ng pictorial. Sa probinsya kasi namen pag graduation lang may pictorial, yung la-lagyan ka ng ribbon tapos pag nag lalakad ka habang kinukuha ang fake na certificate na naka rolyo merong photographer na bigotilyo ang mag pi-picture sayo tapos mag babayad ka ng 100 tapos di mo naman ma kukuha yung picture. BUset!

Saturday, February 20, 2010

Istoryang Camera

Dahil sa kating kati na si Glentot bumili ng Canon 500D DSLR nya at scared syang pumunta sa Quiapo, Hidalgo (Tahanan ng bentahan ng mura murang high-end cam with matching snatchers and killers) mag isa eh, nag makaawa ang dwende sa'kin na samahan ko nga daw sya pumunta doon. Kelangan daw nya ng bouncer na mag pro-protekta sa mahina nyang katawan at sa na-i-withdraw nyang perang tag 100 pesos. My Gawd! 'di nalang nahiyang mag bayad ng tag iisang daan ang Photangena! Pero kung sabagay pera din naman 'yun. Kaso nga lang binalot nya ng dyaryo yung pera. WTF!!!!

Dahil malinis naman ang puso kong walang halong pag iimbot sa isang tunay na katropa ay pumayag naman ako na samahan sya kasi gusto ko rin bumili ng cam hihihihi, gusto ko ng Nikon D90. So eto na nga istorya salakad namin.

Puta ka excited ka masyado! Chill ka lang inom ka muna ng coke na may ice. Go!

So ito na nga. Ang usapan namin ay mag kikita kame ng Buendia Station ng LRT, sabi ko sa kanya hindi na ako mag dadala ng Cell fon dahil nga baka ma snatchan ako ulit, kasi noong college ako na dukatan na ko doon habang na mimili me ng kutchinta tsaka suman, Nawala tuloy yung Alcatel kong hugis sabon ng safeguard na kulay black. Anyweis tuloy ang story telling. Nag email muna ako sa nag papatibok ng puso ko (May ganung segwey?!) tapos nag shower na at nag shorts na ko, hindi na ko nag brip tinatamad me. At syempre night shift nga trabaho ko kaya wala akong tulog masamahan lang ang dwende, just imagine how good friend Jepoy is.

Sa LRT...

Oh My effin' GAssss! Mas madami palang humans pag umaga sa LRT kesa sa MRT, fuck it! Puro studyante ang nag aabang ng Tren sa EdsaTaft Station. Nakipag siksikan me. May isang babae akong nakatabi may dala syang drawing board at T-Square. Ewan baket hindi ba dun sa Taga CEU me napatabi. Pag dating sa Libertad Station. Nag break ng bongga ang LRT at dahil hawak ni ate ang t-square at drawing board ay hindi sya na kakapit kaagad. Nakawit nya ng bongga ang betlog ko, Sanamabits! Ang sakit. Nyeta! La pa naman me underwear. Nung nakita ni Ate na parang hindi ako nakahinga ng 5 seconds nag sorry sya. Ok lang naman sakin kahit medyo masakit. Na scrambled nya ng bongga.

Gilpuyat Station.

Hindi ko alam na ang Gilpuyat Station pala ay ang Buendia Station din. Sorry naman tanga lang. Buti nalang na over heard ko ang mag jowa na nag sabing, "Oi dito na tayo Buendia na" . Biglang may lumabas na bumbilya sa ulo ko tapos umilaw. Kaya bumaba na rin me. Only to find out na ang Fukiloong Bansot wala pa! Ang tibay ng bones! Very Strong talaga! Fuck! Ano kaya ang gatas nya Siguro Nido kasi ang Strong ng Bones nya. Haist!

Infairness. Dumating din naman sya kagad after 3 minutes and one hour, joke! So sumakay kame ng LRT ulet papunta ng Carriedo. Pag baba namin, agad naman namin na tuntun ang precious location ng Camera world ng Pilipinas- Ang Quiapo Hidalgo. Ang sabi ng chismosong froglets na kaibigan ko smuggled daw ang mga camera dito kaya walang tax kaya medyo mura. Again, may lumabas na bumbilya at umilaw ito sa may taas ng ulo ko. Kaya go! basta mura go lang ng go. Kitang kita ko sa pag mumuka ni Glentot na excited na sya meron syang slightly bongga na ngiti sa labi. Kaya hindi ko na sya nilait naawa naman me.

First store. Henry's. My Gawd! Sarado ito. Nanlumo ang face ni Glentot pero chineer up ko sya sabi ko check pa natin sa kabilang kanto. At hindi nga ako nag kamali ng suggestion dahil madami nga doon. Inisa-isa namin ang ang stores.. Nakipag tawaran me ganyan ganyan. Ginamit ko ang talent na namana ko sa Mudrax ko.

"Kuya may Canon D500 kayo?"

"Meron. kukunin nyo na ba?"

"Mag kano po ba?"

"47K"

"Last price na ba yan kuya? Pwede bang 20K nalang"

"Uhmmm.. ito oh point and shoot nalang bilhin mo wag na DSLR kulang pera mo Ambitious!"

*Bongga ang pambabara ni Manong hindi ko kinaya! Muntik ko na syang sampalin ng Chequeue*

Given na soplak ako ni kuya sa ginawa kong pag tawad. Nalungkot si Glentot. Pero hindi parin kame nawalan ng hope. Ang sabi nya meron pa daw Myers na store na mura din ang bentahe. Pero hindi namin ito makita. Nag decide na akong mag tanong kay ate na nag titinda ng ginataang mani.

"Ate San yung Myers Cam Store?" sabay turo nya ng tindahan na sarado pa. Sabi ni Glentot hindi daw ate yung tinanungan ko isa daw syang lalake. FUck! Nahiya me kay kuya. So nag walkaton kame ulit at finaly nakahanap ng store.

Sa loob ng store.

Nilabas ni Glentot ang Calculator nyang kasing laki ng typewriter at nag computan sila ni kuya chekwa sa interest kasi babayaran nya yung kalahati yung kalahati naman kas kas ng card. So habang nag cocomputan ang dalawa. Nag yosi muna me sa labas. Gutum na kasi ako at si Glentot hindi nag papahiwatig ng breakfast treat, shit! Ang strong ng bones talaga! nag ask na ng favor wala pang panchibog. My Gawd!

Pag pasok ko sa loob nakita ko ang Cannon 500D ni Glentot. Puta! Naingit me. Parang gusto ko narin bilhin ang Nikon D90 na Cam, Demet! Nanginginig na ang buong kalamnan ko, pati ang malasado kong betlog nag sweat na rin ang init init kasi, shit!

Nag isip isip muna ako sandali. Iniabot na ni Glentot ang HSBC card nya at kinaskas ni Kuya sa machine. Voila! ang Maximum Credit limit nya ay PISO lang daw! Nalungkot si Glentot at na teary-eyed pero nandun naman ako sa tabi nya para i cheer sya. Sabi ko sa kanya, "Puthangena uwi na nga tayo, na antok na 'ko". Pero hindi parin sya nag give up. Pinahiram ni kuya Chekwa ang phone nya tumawag sila sa HSBC Call Center. After ng pakikipag talastasan ni Glentot sa HSBC na patunayan na may problema ang card machine ng chekwa, smuggled din ata. Pero after i trabulshoot eh, gumana naman ulit.

Tinatamad na 'ko mag kwento kaya tatapusin ko na.

Nabili ni Glentot ang Canon EOS 500D ang catch hindi nya alam gamitin. Tanga talaga ampota! Buti pa me alam ko ng konti :-D Hindi kasi sya nakinig sa small lecture 'nung majubis na kuya na nag CAM 101 lesson samin. Ako lang ang attentive si Glentot parang tuliro na ewan. Tinanong ko sya nung pauwi na kame sabi nya na kukunsensya daw sya. Gumanon pa talaga! Sabi ko, "Putangena mo!"

Happy Weekend Mga mahal kong kaibigan. Ingat kayo!


Thursday, February 18, 2010

Randoms

Dahil blog ko naman to eh, mag susulat ako kung kelan ko gusto at walang makaka pigil sakin. Go!

Aktuli, ang totoong reason kaya napasulat ako ng wala sa oras kasi ang putangenang IT namin ay binlock ang Youtube at kung ano ano pang streaming sites sa office. hindi tuloy me maka panood ng American Idol at ng Grey's Anatomy at nakaka buraot na si Glentot Bansot ka chat dahil wala ng ibang bukang bibig kundi ang putangenang Camera na bibilhin nya mamya. Bad trip!

Kanina meron akong na receive na bad news. 'Yung cool nanay-nanayan namin sa Church ay sumakabilang buhay na daw Eh, parang two weeks ago lang binati ko pa sya. Alam nyo ba lagi nya kaming pinag luluto at pinag pre-prepare ng merienda sa tuwing nag tuturo kame ng Daily Vacation Bible School sa mga Kids or tuwing meron kameng Youth Gathering sa Church. Lagi syang naka smile na tila bagang hindi na hahapo sa pag lilikod kay Papa Jesus, kumare din sya ni Mudrax. Napaka sudden nang pag panaw nya. Na shock me!

Na realiaze ko tuloy na...

1.Baket sa Pilipinas ang hospitalization ay pang mayaman lang? 'Yung mom ng officemate ko lately na operahan sa Gal bladder at ang hospital bill nila ay higit sa isang daang libong piso. Ang sinagot ng health card namin ay trentaysingko mahigit lang. Paano naman ang ibang kababayan natin na kumikita lang ng sapat para may pangkain lang sa araw araw tulad ko. Paano na? Ang daming namamatay sa'tin ng hindi manlang naipapakita sa specialista o nakakatikim ng hospitalization. 'yung professional fee's ng Doctor sobrang mahal daw. Naisip ko lang kung sa Mudrax ko kaya nangtyari 'yun (wag naman po sana) baka mag iiiyak nalang ako sa PCSO para bigyan ako ng extra money pambayad ng bills sa hospital. Lalo tuloy umigting ang hangarin kong maging OFW dahil sa mga possibilites na wala akong control na maaaring mangyari.

2.Sadyang napakaiksi lamang ng buhay. Minsan nga ang feeling ko I wasted the past years doing nothing. Alam kong ang dami daming reasons para maging malungkot ang isang tao. Subalit gayun paman marami rin namang reason para maging masaya. Live life to the fullest ika nga. Make friends and be happy. Grab every opportunity to grow and to learn. to love and be loved. Tumawa ng malakas. Pumasyal sa lugar na hindi pa napapasyalan. Learn discover and create.

3. Matutung mag sabi ng thank you..I love you..I miss you..I appreciate what you are doing... dahil kung bigla kang masagasaan ng trak sa edsa paano mo pa masasabi yan. Dapat lagi nating i treat na blessing ang kada araw na nabubuhay tayo ng healthy and strong.

4.Dapat matutu tayong kumawala sa comfort zone natin. Learn to take a risk para walang regrets na hindi mo nagawa o nasabi ang mga bagay na gusto mong gawin at sabihin. Ok lang ang failure and frustration. Part naman yan ng buhay at least we tried, right?

5. Forgive and forget para magaan sa puso. Wag masyadong kumain ng ampalaya at uminom ng charantiya!

Akalain mong si Jepoy medyo nagtino ng entry?! Nahipan ng masamang hangin.

Wednesday, February 17, 2010

Short and Sweet kwento na Merong Moral Lesson

Sobrang inaantok ako ngayon. kulang ako sa tulog everyday, I'm dying (Arte lang)...Nagigising kasi ako sa kalagitnaan ng tulog ko kaya twitter dito, blog hop doon, facebook sa side, chat on the other side, McChicken on front. Haist life!

Shit talaga kapag pre occupied ang isip. Fuck it!

May mga bagay na bumabagabag sa isipan ko and I hatechit! Kanina nakipag diskusyunan ako sa Manong Guard ng parking namin sa bahay. Nagalit ako ng slightly bongga. Ayaw nya kasi akong papasukin eh, Pukang Ama pala sya halos tinik ng tuyo na nga lang at balat ng hotdog ang kinakain ko para lang may pambayad ako ng parking tapos hindi nya ko papapasukin?! Puki nya! Edi kung ano ano striking-shitty-things ang na throw ko sa pag mumuka nyang humanoid. Montik na kameng mag sapakan lalo pa't kulang ako sa tulog buti nalang huminto na 'ko kasi baka mawala sya sa ulirat mag ka black eye pa me.

Lesson learned. Kapag nagagalit tayo hindi dapat tayo nag sasalita ng kung ano anong shit kasi human instinct natin ang mag salita ng masasakit bunga ng bugso ng damdamin tulad ng patay gutom, stupid idiots, Orc! at kung ano ano pa. Mahirap mag sisi sa mga salitang nabitawan na kasi nasabi mo na 'yun eh. Kumintal na yun sa puso ng nakarinig. Na hurt na sya ng slightly bongga unless wala kang kunsensya, GO! at sa kabilang banda naman, wag mahiyang mag sabi ng maganda sa ibang people para naman ma uplift ang kanilang morale SUBALIT, maging cautious sa mga may pag-laki-ng- ulo-tendency kasi hindi mo sila kakayanin in the near future.

Dahil na kunsensya ako binili ko ng jabi longganisa meal si Manong Guard happy naman sya! Tapos sabi ko pag pasensyana nya na 'ko at hindi ko sinasadya. 'yun bati na kame.

Pag akyat ko ng Unit. Tumae lang me sandali. Nag Gargal ng Baktidol para fresh breath. Nag Hilamos. Nag alis ng boxers. Tapos na tulog na me.

After 4 hours Potangena talaga! Gising nanaman me! Umaasang may mag eemail or mag ooffline message :-( Stupid Stupid ko talaga!!!! I hatechit!

Tuesday, February 16, 2010

2010 Celebrity Blogger et. al.

Bago ang lahat! Maraming maraming salamat sa baboy na trophy na ipinag kaloob sa akin ni Paps. Isa na pong celebrity blogger awardee ang Pluma ni Jepoy. Look how nice naman my trophy oh. Tenchu!


Dalawa sa pinaka favorite subjects ko 'nung General Engineering ay ang Saykalagi tsaka Sasyalagi (ganyan daw dapat i-pronounce sabi ng Prof ko, dapat daw medyo naka smile ka while saying the word. Try mo bilis)

Baket?

Dyan ko kasi na realize na masarap palang mag obserba ng tao at ng environment na ginagalawan nila. Dito ako nag simulang maging observer. Sa totoo lang, sa profile ko sa mga social networking sites lagi kong nilalagay sa filled ng interests ay "Observing People". My facination ako sa tao at sa kanilang reaction at pananaw sa mga bagay bagay. Mas gusto kong makinig kesa sa mag salita lalo na pag bago ko silang kakilala tapos inaassess ko sila at kina-classify ayon sa category na meron ako about people.

Marami at iba't ibang uri ng tao ang aking nakasalumuha na sa mga nakalipas na taon may aso, kabayo, turtle,mice at Ostritch, joke! Sabi nila people person daw kasi ako. Madalas ay pleaser din. Ayoko ng merong masasabi sa'kin na hindi maganda kaya kahit nahihirapan ako ay parang automatic na nag aadjust ang aking system para ma please sila. Alam kong hindi maganda ang ganitong pag uugali pero ganun talaga eh, still work in progress pag dating sa ganyang aspeto.

So ang ishare ko sa inyo ay ang classifications ko sa mga taong na encounter ko sa aking life. Ang mga bagay na mababasa nyo ay hindi dumaan sa mataas at masusing pag aaral meaning imbento ko lang ang classifications na ito kaya wag nyong dibdibin. Sa akin lang sya nag originate base sa personal experiences ko. Tinatamad kasi akong mag kwentong ng mga shit kaya ito nalang ang i shi-share ko.

1. Epal na Froglet

Itong mga tao na ito ang madalas na hindi kinakaya ng kapangyarihan ko. Sila 'yung mga putanginang tali-talinuhan sa lahat ng bagay pero puro ka shitan naman talaga ang sinasabi. 'Yung laging may masasabi na feeling nila intellectual sila but it's not, demet! Pero kung tatanungin mo ang majority (kasama ako dun) ang masasabi lang nila ay isang malaking, "DUHHHHHHHHHHHR!!!! " meaning walang dating. Para lang silang latang nag iingay na masakit sa tenga.Madalas ang mga taong ganito rin ang Eps at napaka lakas ng personality in a very irritating way. Sila 'yung mga taong hindi ko iniinvite sa mga outing. Dahil 100% masisira lang ang araw ko. Madalas yung mga taong ganito rin yung papalapit palang gusto mo nang suntukin. Tsaka wala namang ginagawa sayo pero ang init init ng ulo mo sa kanya.

2. Feeling

Itong mga tao naman na ito ay pinanganak na assuming. Feeling nila ang axis ng mundo ay umiikot lang sa kanila. Sila na ang matalino. Sila na ang makinis. Sila na maganda't pogi. Sila na ang phurfect! Lech! (May galit?!) Hindi nalalayo ang mga froglets na feeling sa mga epal. Mas higher lang ang irritational capability ng Epal na frogs kesa sa mga "feeling". Dapat po ay mag ingat tayo sa mga feeling dahil ang mga taong itong ay hindi magandang impluwensya pag naging close mo baka mahawa ka pa. Sila rin yung mga taong salita ng salita pero hindi handang makinig.

3. Steady Frog

-Ito ang mga taong ka wavelength ko. kung baga pareho ng frequency signal ang tinatakbuhan namin. Ito ang mga taong steady lang. Hindi maangas. May sense of humor. Alam kung kelan babanat ng punch line. Sila yung kayang pag tawanan ang mga maliit na bagay na walang sense sa mundo na madalas hindi maintindihan ng mga siryoso sa life. Mapanlait pero hindi naririnig ng nilalait for the sake of may mapag tawanan lang. Sila yung magkatitigan lang alam na ang ibig sabihin at pwede ng tumawa ng beri beri nice. Sila rin ay mga taong hindi bobo at hindi matalino pero smart. Hindi sila mag mumukang tanga sa isang awkward situation. Pwedeng kumain ng fishballs sa kanto pwede rin kumain sa five star hotel. May mabuting puso in a very special way. Sensitive sa nararamdaman ng iba. No dull moment. Sila yung masarap kasama sa mga overnight gathering. Masarap ka kwentuhan 24/7.

4. Nerdie Frog

-Ito ang mga taong bookish, yung mga matatalino sa skul pero bokya ang social life (hindi naman lahat, almost lang). Sila 'yung kalimitang nag e-excel sa skul tapos maganda work kasi nga matatalino. Meron din Nerdie akong na meet sa mga pinag trabahuhan ko. Ayokong dumikit sa kanila kasi ang weird. I mean, fine matatalino sila given, sila na ang imbentor ng bagong technology, and developer ng dekalidad na firmware! I don't give a damn! Pwedeng mababango ang ilan sa kanila pero may something na hindi ko ma define about them. Basta ok lang naman sila basta dun lang sila sa mundo nila wag na nila akong i invite pa na makijamin. Don't get me wrong hindi ako choosy sa mga sinasamahan ko, medyo lang. Pero ang mga nerdie iba lang ang trip nila tipong mag sodoku or mag solve ng math problems or mag program at paganahin ang robotics project sa office.

5. Sosyal na frog

-Ito ang mga sosyal na tao. Mahilig sa shopping at kung anu anung gastusin at ka shitan. Pwedeng mayaman sila pwede rin nag mamayaman lang (tulad ko) basta ang point mahilig sila sa mga expensive things. Tipong LV bags and wallets. Channel bags. Lacoste shirts at kung ano ano pang shit. Ginagawang karindirya ang sofitel at Circles. I mean hindi naman ako against sa mga gantong tao. Sarap nga sumama eh, ganyan lang talaga ang life style nila period. At hindi ako nabibilang sa mga ganyan, meron lang akong mga nakasalamuhang Sosyal na frog pero mababait naman sila at hindi maangas. Kaya steady narin.

6. Problematic Frog

-Ito yung mga taong problematic. Bread winner. May sakit si Nanay tatay si bunso at kung sino sino pa. Pinag aaral ang kapatid.Kulang ang sweldo. I mean lahat naman tayo may problem pero itong mga taong nag fa-fall sa ganitong category ay extream talaga. Masarap silang kasama kasi ma eencourage ka sa kanila. Specially on how they are able to superceed this state (Superceed talaga?! makapag english lang) Itong mga tao na ito mahirap biruin ng mga walang kwentang joke kasi masyado na silang seryoso sa buhay. Bunga narin siguro ng mga challenges sa buhay nila. Pero pag nadikit ka sa mga taong ganito 100% may mapupulut kang lesson.

7. Church People

-Sila yung mga taong malapit kay Papa Jesus. Nag fe-fellowship parati. Nag pray all the time. Hindi Judgemental. Sila ang mga favorite kong kasama pag nalulungkot ako. Nakakakuha ako ng good advice from them. Masarap din silang kasama sa kantahan ng mga hillsong at kung ano-ano pang praise and worship song. Masarap silang kasama magaan sa puso.


8. Back Packers

-Ito ang mahilig gumala. Masarap sumama dito. Parang free ka! Ang sarap kayang dumayo sa lugar na hindi mo pa napupuntahan. 'Yun nga lang medyo magastos. Usually yung mahihilig gumala masaya kasama kasi cool sila at sanay makisalamuha sa tao. Sanay makipag biruan sa kahit na anong klaseng tao.

9. Panget ang Ugali

-Marami neto. kahit saan meron nito. Back stabber. Chismoso't Chismosa. Crab.Ingittero't ingittera. Maninirang puri. Maitim ang budhi. Panget na nga muka panget pa ugali. Meron din naman maganda itsura nuknukan naman ng panget ang ugali.

10. Orocan at Taperware

-Ito ang pinaka mahirap na mahuli. Sila ang mga taong akala mo mabuti pero hindi. Akala mo may maputing puso pero ang totoo dark green pala. Baket hindi black? Gusto ko lang green paki mo. Mag ingat sa mga taong ganito ang pag uugali, napa ka dangerous.

Napapagod na ko! Ilan lang yan sa mga categories ko pag sinipag lalagay ko 'yung iba. Baka pag nilista ko lahat wala ng mag basa kasi magiging novel na.

Salamat sa pag tyatyagang mag basa ng walang kwentang entry. God Bless!

Sunday, February 14, 2010

Balentyms Na!!!! Say Cheese!

Siguro naman ay may license akong mag paka-cheeseballs kasi valentines day ngayon? Pagbigyan nyo muna si Jepoy please lang. Korni na kung korni, kebs! Ang lahat naman ng tao'y may kakornihan sa katawan ayaw lang ilabas. At least ako isang araw lang naman 'to. Go!

Hindi naman ako makata para gumawa ng magagandang tula tulad ni Glentot, although, I tried to write some shit pero wala talagang sense parang ako lang talaga ang pwedeng makaintindi. Sadyang tago ang meaning ng bawat taludtud ng obra ko. Lumalabas ang totoong kulay ng dugong torpe. Pusong nilimot.Pusong nasaktan.Pusong umaasa.

Yep, magaling akong makipag debate, marami akong impressive logical point about life and stuff na kapag shinishare ko ito marami ang nakikinig. Good conversationalist ako. Kapag meeting naman sa office marami akong bright ideas. Kapag na ngangailangan ng feedback madali akong nakakapag compose nito. Sa kwentuhan madali akong maging bangkero at kayang kaya kong i-manipulate ang grupo na makinig sa mga kwentong barbero ko. Magaling akong story teller sa mga kiddies sa Charch namin. Napapapaniwala ko si Mama na kaya ako nag ka-kabagsag noong college ay dahil sa pagiging incompetent ng professor ko at uber hirap ng course na kinukuha that only special people can finish it.

Pero pag dating sa pag tatapat ng feelings. Kamote. Nadah. Bokya.Zero. Palpak ako parati. Or natatameme at na ibabaling ang usapan sa ibang bagay. Naikukubli ang tunay na motibo.

dahil balentyms susulat nalang ako ng ma cheeseballs na sulat para sa isang taong sumisilip sa blog ko. You know who you are this is for you.

Hi,

Happy Valentine's day to you.

The thought of me touching you again feels so good. It feels so right even it's wrong. I just wanna look into your eyes again. Like the first night that we spent together. I wanna watch you sleep. I wanna watch you eat. I wanna watch you laugh. I wanna watch you crack stupid jokes. And that makes me happy! You make me happy!

I don't know what and who makes you happy now. I know it's not me. I wish I am but it's not.

Today I'm gonna have to go with someone just to give it a shot and I am not being fair to myself. Because I still have the thought of you. I think this is the right thing to do though.

I hope that this time of the day you think of me just for one freakin' second that means a lot, you know. I hope you'll say happy hearts day too. I hope you look forward seeing me too. I hope one day just one day we'll be together to be so free and happy.

Though you hurt me and you are unaware of that as always. I will be the one to blame because I chose this.

Happy Hearts day to You!

Love,
Jepoy

This Song is for you




Friday, February 12, 2010

Tuli

Isa sa pinaka exciting sa buhay ng isang batang lalaki ay ang pangyayari sa isang unforgettable summer na magpapabago ng kanilang buhay foever. At ito rin ay ang magpapatunay ng kanilang kisig at tapang upang harapin ang isang challenge na madalas ay kinatatakutan ng maraming batang lalaki. Ito rin ang senyales ng marami pang pag babago ng kanilang katawang panlupa. Mag sisimula ng mas exciting at mas masarap na pangyayari na magaganap sa kanila.

Tuli.

Ang kwentong ito ay ang blow by blow experience ng Batang Jepoy sa kanyang journey sa experience na ito.

*Chi-ngi-ni-ngi-ning* (sound effects yan Shungaloo! para felt na felt natin ang kwento)

Sa dakong paroon. Bunga ng malikot na pag iisip. halaw sa isang daigdig ng Kababalaghan.'Di Kayang Ipaliwanag, Ngunit alam mong magaganap. Oo magaganap pala na kakanchawan ako ng putanginang klasmeyt ko nang minsan nag kasabay kaming umihi sa gilid ng sampaloc.

"Uy supot!"

"Hindi noh!"

"E ano tawag dyan?! Waaa supot!"

Nagdilim ang paningin ko at dinukduk ko ang kanyang fez sa puno. Dumugo ang ulo at nose nya. Muntik tuloy me ma-kick-out. Sa kabilang banda meron syang point pero mali ang pag de-deliver nya ng lines, so I thought he deserve that. Kaya naman noong bakasyon ng grade five sakto naman merong mga US Army na nag outreach sa aming lugar. Nag tayo sila ng mga Medical Tent sa football field na malapit sa school namin. Marami silang out reach program tulad ng libre operasyon ng bukol, bunot ngipin at pasta, tuli, eye checkup, libreng paanak, at kung anu anu pa. Namigay din sila samin ng Sneakers, toblerone, gummy worms and gummy bears. Ang saya saya namin. Meron pang mga komiks at kung ano anong imported goods. Wala pang Visiting Forces Agreement noon.

Niyaya ko ang kaibigan ko na pumila sa small tent habang abala naman ang mga iba kong klasmeyt sa pag hingi ng chocolates sa mga Puti, palibhasa mga PG! So ayun pumila kame. bali lima kameng dumagdag sa pila sa tent na may na nakasulat na.

"Circumcision (Tuli) Tent"

Aba! Hindi lang pala kame ang nakapila. Remember yung klasmeyt ko na dinukduk ko 'yung ulo. Naandun din ang putangina! Nakayuko lang sya hindi sya makatingin sakin, wtf! Hidi pa pala tuli ang kumag. Pero hindi ko na inalintana iyon dahil nakapila na kame at my number na.Kinabahan me 'nung nakita ko na ang mga heganteng puti na naka scrub suit na papasok ng Tent. Tatlo sila. Tandang tanda ko ang names nila hindi ko makakalimutaan hanggang libingan. 'Yung unang pumasok ay yung Nars, Bridget ang name nya, 'yung Doctor ay si Bob at 'yung Anesthesiologist ay si Rickey. Panglima ako sa Pila.

Pumasok ang first victim. After five minutes lumabas sya ulet. Nag chismisan ang mga echuserong froglets kung ano ba ang maitim na dahilan baket sya lumabas kagad. Nalaman nalang namin na hindi pa sagad ang putotoy nya para tuliin. Hindi pa daw lumalabas ang turat nya sa balat. Sumunod na ang second sa line.

"ARRRRRRRRRRRRRRRAAAAAAAAAAAAAAAYY KO POOOOO"

Yan ang narining namin mula sa outside ng Tent. Sabay sabay kameng nag lunukan ng laway at nag atrasan ang putotoy. After 3o minutes lumabas ang kumag na dahan dahan ang lakad ang at soot ang polcadats na palda ng ate nya. Yez may baon syang palda, putangina!

Tinawag na ang number 3. Nanlalammig na ang aking kamay. Parang gusto ko nalang umuwi at manood ng bioman kasi mag 10 na ng umaga. Parang gusto kong next year nalang tutal bata pa naman me. Pero syempre nakakahiyang umatras. Sa sobrang kaba ko tinawag na pala ang number 4 at ang susunod na narinig ko ay. Number 5 na pala.

"Hoy Jepoy number 5 na daw, ikaw na!"

"Natatae ako! palit muna tayo ng number please"

"Ayoko nga! natatae din ako eh, Ikaw na daw!"

Pawisan akong pumasok sa tent. Amoy alcohol ang loob. Medyo madilim. Madamo ang ilalim ng tent kasi nga nasa football field kame. Meron silang Operating bed na may sabitan ng paa. Kinakabahan na talaga me ng todo.

"Hi I'm Bridget what's your name young man?"

"Jepoy po"

"Okay I will be you assisting nurse, you can take of your pants don't be shy now"

*Lunok Laway*

Inalis ko ang salawal kong kulay green na galing sa libreng Tentay Patis, suki kasi si Mama 'nun. Umatras ang Putotoy ko. Iniisip kong sana ay hindi pa ako pwede para next year nalang. Pinahiga ako ni Bridget sa bed at tinaas ang paa ko. Meron syang pinatong sakin na kulay green na bib pero butas ito, yung betlog ko lang at putotoy ang nakalabas. Hiyang hiya na me. Umaasa parin ako na hindi pa akong pwedeng tuliin.

Pero bigo ako.

Nag suut si ate Bridget ng gloves at may pinahid sya sa aking putotoy na malamig na something. Maganda si Ate Bridget, maliit ang muka at makinis. Lipstick lang ang meron sya sa face at naka smile sya sakin habang pinapahid ang malamig na something. Habang pinapahid nya ang malamig na something nag flag raising si Patotoy. Namula me.

"Whoa! that feels good huh?"

*Hindi ko naintindihan ang sinabi nya kasi Englis at islang pa ito*

Pinahiran nya pati ang betlog ko ng malamig na something. Hinawakan nya ang aking patutuy at ibinaba ang balat para lumabas ang helmet. Masarap sa pakiramdam parang heaven. First time kong may humawak ng aking flag pole. Tinawag nya si Rickey. At putangina! may dala syang injection. Walang kaeffort effort nya tinusok yun sa helmet ng patutuy ko. Hindi ako prepared kala ko i check lang nya or may ialalagay syang gamot. Napasigaw me.

"ARAAAAAAAYYYYYYYYYYYYYYYYYYY MAMA KOOOOOOOOOOOOOOOO, ayaw ko na pooo" Sabay tulo ng luha ko

Inubos nya ang laman ng injection. Super sakit talaga. Tumayo ako pag tapos ng injection. Ayoko na gusto ko ng umuwi ng mga oras na yun. Next year nalang ako ulet.

"Me uwi na..shu shu me. going home going home"

"You're not going Anywhere kiddow, you have anesthesia down there and you signed the waiver"

"What waiver, I don't like me going bahay nood bioman" (parang taong gubat pa ko mag english noon)

"Believe me kiddo, you don't wanna do that..."

Parang ang bigat ng betlog ko noon at hindi ko sya nararamdaman pero gusto ko ng umuwi talaga. Nilapitan ako ni Bridget at pinahiran ang luha ko. Pinahiga ako ulet sa bed. Napasunod nya ko ng bongga. Ang ganda kasi nya para syang anghel. After akong mapakalma ni ate Bridget tinawag na nya si Doctor Bob. Meron sya dalang tool box pota parang kotse lang ang memekanikohin, nyeta!Natakot me lalo. Wala ng pakiramdam ang putotoy ko noon. Nakita ko nalang na duguan ang ibaba ko at ginagawa na nila ang proseso ng pag tutuli habang hawak ako ni Bridget. 'Yung proseso ng pag tutuli at hindi masakit pero weird dahil nararamdaman mong may ginugupit na parte ng katawan mo pero hindi mo ramdam. Ang huli nalang nakita ko ay ang pag lalagay ng gasa ni Bridget.

"There you go Jeps! Congratulations you made it" Sabay about ng isang plastic na gummy bears at may tatlong maliliit na snickers.

Ngiti lang ang naibalik ko sa kanya. Dahil hapong hapong ang mura kong katawan. Nag lakad me papalabas ng tent ng naka bukaka at nakatiklop ang tuhod ng kaunti dala dala ko ang brip ko at ang gummy bears. Nakatingin sakin ang mga frogles sa pila na putlang putla.

"Masakit ba?"

"Oo sobra. Uwi nakayo sobrang sakit"

Umuwi na ang mga hinayupak. Pati 'yung inuntog ko sa pader umuwi din. nakipag palit pala sya ng number 'dun sa tropa nya kanina.

pag uwi ko sa bahay para i check ang pututuy ko. Laking gulat ko nang...

Nangamatis ng bongga. hindi ko makita kung alin ang ulo at alin ang kamatis. Natakot me.

After 3 days...

Magaling na sya...

---End---------

Wednesday, February 10, 2010

Balik tanaw sa kabataan ni Jepoy

Musmus palang ako nakikita ko na ang pag kakaroon ng double standard ng human race sa mga katulad ko na hindi masyadong kaputian. Okay fine sa mga maiitim na katulad ko.

Pag nag pupunta kame sa ESEM 'nung bata pa ako kasama ang aking mga pinsan na mestiso't mestisa ay nag mumuka lalo akong laking gubat dahil muka akong taga harvest ng kamote sa farmville sa aming Probinsya sa sobra kong kaitiman. Kaya pag nag sa-summer vacation ay mas gusto ko nalang sumipsip ng nectar ng bulaklak ng Santan ng kapitbahay namin o 'di naman kaya mag nakaw ng bayabas sa likod bahay namin kesa sa sumama sa ESEM para mag ice cream at mag Cindys or Tropical hut. Tunay na Matamis ang nectar ng bulaklak ng Santan basta alam mo lang ang paraan kung paano ito kukunin. Minsan habang nag ko-collect kame ng Santan flowers para sipsipin ang nectar sa silungan ng bahay namin ay nahuli ako ni Mama dahil tanghaling tapat noon at umeskapo lang ako sa pag papatulog nya, dumaan lang ako ng kusina para bumache. Yari!

"Hoy ikaw bata ka! Tanghaling tapat ke init init nasa labasan ka.. Hali ka nga dito at matulog ka na!"

"Ma' sandali nalang po.."

"Ay hindi! halika dito at matulog ka na!"

"Nandyan na po.."

Mabilis kong sinipsip ang nectar ng isang bulto ng matatabang Santan flowers para hindi ako malamangan ng mga kalaro ko, aba naghirap kameng kumuha at mamili nito, hindi pwedeng sila lang ang makikinabang. Pero ang dami palang langgam na kulay fusha red sa kalooblooban ng hiyas ng bulaklak ng Santan. Hindi me na pansin na marami palang namamahay na humongous Ants sa Putanginang santan na iyon! wtf! Nag party ang mga langgam sa musmus na red kissable lips ko. Namaga talaga ito ng bongga. Tapos pinalo pa me ni Mudrax. Mula noon ay tinigilan ko na ang pag sipsip ng Nectar ng Santan. At doon natapos ang Santan escapades ko.

Every time na niyayaya ako ng mga hampas lupa kong kalaro na sumipsip ng Nectar ng Santan ay hindi na me sumasama. Unti unti ko ng nilayo ang loob ko sa kanila kahit masakit, it really hart. Di'bale Meron na akong bagong toys ito ay ang... pag gawa ng bubbles using Gumamela flowers plus Mr. Clean at ang kapangyarihan ng tangkay ng papaya para sa pagpapalobo ng tiny bubbles shining in the sun at ang best friend kong Tirador at baril barilan na gawa sa drumsticks na may balang goma!

Lagi akong naninirador ng kalapati ni Aling Natasha Supladita. Araw araw ay namamatayan sya ng isang kalapati hihihihi. Minsan tinirador ko 'din ang window ng kapitbahay namin at doon talaga ako nahuli at kamontikan ng magulpi ni Fudrax. Nanggagaliiti talaga sya ng bongga. Buti nalang brainy ang little Jepoy.Pinairal ko lang ang pagiging artista ko, nag astma-astmahan ako 'nung nakita ko ang mataba nyang sinturon getting ready to spank me. Fuck it!

Yung baril barilan ko naman na gawa sa drumsticks na may balang mga ibat ibang colors ng goma ay ang aking sandata para sa itik at pabo na nanghahabol sakin pag inuutusan akong bumili ng mantika ni Mudrax kila aling Tabud. Ang mga Putangenang itik at Pabo ay tunay na tunay na favorite akong habulin subalit hindi sila uubra sakin dahil meron akong drumstick gun. Pero ang kinatatakutan ko talaga ng bonnga ay ang ang malaking Gangsa (Geese) ni Aling Lina. Kapag binukas nya ang pak pak nyang halos mag iisang metro ang haba at ang leeg nya ay naka pormang attack mode. Dahan dahan ko ng ilalagay ang aking tsinelas sa mag kabilang siko ko at ready narin akong kumaripas ng takbo dahil walang patawad ang Putanginang Mother Geese sa pag habol at pag tuka sakin. Takot na takot talaga me. Malakas ang pag pulpitate ng puso ko. Sa sobrang takot ko nalimutan ko ang mantika na pinabibili ni Mudrax kaya ayon napalo nanaman me.

After ng moment na iyon. Nag concentrate nalang ako sa pag papalobo ng tiny bubbles. Pero napaka boring ng game na ito, pang bading lang walang ka challenge challenge. Palobo ka lang ng palobo gamit ang Papaya trunk. Pero wala akong choice wala na akong mapag lilibangan. Kaya mag hapon kameng nag palobo ng bongga sa farmville. Pero hindi ko akalain na makati pala sa labi ang trunk ng putang Papaya. Nangati me nung gabi. Nagsugat sugat ang gilid ng labi ko dahil sa katas ng Trunk ng Papaya. Naging galis ito. Hindi me nag pa picture tuloy noong 9th birthday ko.Yes, eliminated narin ang toy na ito kinabukasan.

Matapos ang mga iyon hindi na ako masyadong nag hanap ng toys. Nakuntento nalang ako sa mga laro namin tulad ng sabayan nyo ko sa pag kanta kung alam nyo, " Langit lupa impyerno im-im-impyerno saksak puso tulo ang dugo,uno...dos..tres..ales.. "Tsaka, "Mangga Mangga hinog ka naba Oo Oo hinog na ako, kung hinog ka na ay umalis ka na" pero ang pinaka favorite ko ang Potpotjing at Doctor KwakKwak . Hindi mailaran ang happyness ko noon pag nilalaro namin iyon.

Haist! Sarap mag baliktanaw sa Mundo ng Kabataan. Life is never complicated. No responsibilities.No expectations.

Tuesday, February 9, 2010

Masaya to Promise!

Listen up you guys' Hindi ito emo shit gusto ko lang 'yung kanta kaya i share ko sa inyo, baka lang kako sakaling magustuhan nyo. Buffer nyo na puki ka. As 'en now na now na dapat! hihihihi



Alavet!

Ganda ng pagkaka awit ni ate at kuya diba? Easy listening lang, ganda ng blending tapos gitara angas! tipong chill chill lang habang nag e-emo fuck ka with San Mig Lights and Yosi sa Veranda somehwere in Tagaytay (may location talaga?!). Ay honga pala I apologize, hindi ito emo shit. Hindi na 'ko mag eemo sa blog dahil sa sakit ng puso ko dahil sayo masyado mo ng nayurakan ang pag ka tao ko (Meganowwwn!!!)

Happy thoughts..Happy thoughts..Breathe in..Breathe Out

Game. Go!

Nag papasalamat nga pala ako kay Paps at sa bumubuo ng ka-blogs-tugan dahil sa recent post nya eh, ang inyo pong lingkod (ehem ehem) ay lumebel up at nakahilera ang mga hari ng blogosperyo para sa kanyang anibersari promo shit. Akalain nyo po na nasa Poll ang Jepoy kaya kung ako sainyo go na at boto nyo na me. Salamat ng marami Papsikel!

Dahil sa ginawa ni Paps na iyon. May naisip akong pakulo. Since mahilig din naman akong mang galugad ng mga blogsite nyo eh why not create a plaque of appreciation mula sa inyong lingkod. Every month I faithfully pledge to create Best Blogger of the Month. Syempre ang judge ay ako. Naaayon dapat ito sa taste ko. Funny fuck or emo shit or photo crap will do. Basta pasok sa banga keri na! Hindi naman pagandahan ng template basta naaliw ako sa work of art nyo may special entry ka sa blog ko. Pasensya naman dahil hindi ako magaling sa mga HTML and PHP shit kaya wala akong badge badge na ma o-offer sainyo. Friendship lang at katawan ko ang ma i-o-offer ko! Jokeness.

So to start with. Tabla po ang nanalo sa Pluma ni Jepoy Blogger of the Month ngayon February. And our first winner would be (Drom rolls please) Pablong Pabling ng Ka-Blogs-Tugan. Hindi ito suhol sa kanya please lang hindi ako pulitiko para gawin ito. Konti lang naman.

Si Paps ay isang 21 year old shit na nag mula sa California, USA. Dati na akong naiingit sa template nya dahil sa baboy icon at music nya na "Gusto ko ng baboy". Minsan na akong nahuli ng boss ko na nag blog hop dahil sa putang inang music nya bigla nalang itong tumunog eh, sakto namang naka todo ang speakers ng PC ko, wtf! Pero na lusutan ko ang problemang iyon. Ang all time favorite ko sa entry nya ay ang "Whatever Ten" na nag originate kay badoodles. Nag bigay din sya sakin ng picture greeting 'nung nag birthday ako. At higit sa lahat nasa Poll ako ng bahay nya. Medyo nag emo sya doon sa Podcast shit na ginawa nya one time pero steady lang naman kahit corny (peace). Ni rerecognize ko ang talento ng bugoy na ito, kaya Best Blogger sya for the month of February!!! Congrats Paps! Palakpakan!


But wait there's more!

Dahil buwan ng mga kapusuan ay dalawa ang Best Blogger of the Month ni Jepoy. Sa totoo lang ang prestihyosong award na ito ay tunay na tunay na masyado binusisi at pinaghirapan at pinag isipan ng hurado (ehem ehem) parang palanca award lang. Kelangan more than 15 Entries nila ang nabasa or binasa ko. Kelangan ng consistency sa pag blog. Hindi pwede ang copy paste, syempre naman may Standard ako. At level up talaga ito. Without further adieu, ladies and gentle dogs ang isa pang Best Blogger for the month of February ay si [insert rolleta ng kapalaran music here] walang iba kung hindi ang Bansot na si Glentot. Palakpakan!

Si Glentot ay dating dwende na nag katawang tao. Isang 22 year old whore na nag tra-trabaho sa may RCBC Plaza, Makati. Hindi ko alam kung anong floor sya doon. Isa syang BSIT graduate ng SLU (Saint Louis University). Lumaki (pero parang hindi naman) sa Probinsya tulad ni Jepoy. Meron syang katok at magaling syang mag sulat ng mga bagay bagay sa paligid. Napapatawa nya 'ko ng beri beri nice. Minsan nga eh na pag kakamalan akong may katok sa Opis dahil tumatawa ako mag isa pag nag babasa ng likha nya. Favorite ko sa gawa nya ang ang "One day in my life", go check it out. Maitim ang budhi ni Glentot, wala syang pure heart. Dahil dyan gusto ko syang i-feature bilang isa sa best blogger sa Buwan ng Pebrero. Palak-pakan ulet!


So starting here on moving forward (napaka redundant maka pag English lang ang kamote) ay gagawa na ako ng Blogger of the Month ko. Sana ay abangan nyo ito. Malay nyo kayo na ang susunod na maging blogger of the month sa mapanuring mata ng poging poging si Jepoy. There you go! See 'Ya lata' aligata'!

Chow!

Sunday, February 7, 2010

Sabado Ko!

Sinimulan ko ang aking araw sa pag pwersa sa aking sarili na gumising ng maaga para hindi masayang ang beautiful Saburdey ko. Pawis na Pawis ang aking buong katawan 'nung nag hello sunshine ako, ang kilikili ko at singit ay wet na wet narin, feel na feel ko na talaga ang Climate Change sa Pinas, El Ninyo na talaga! And so diretso shower na para naman mabango ako pag nag punta ako ng MOA (Comfort mall ito ni Jepoy).

Maraming tumatakbo sa isip ko habang nakatapis ako ng tuwalya papuntang Takubets para mag shower tulad ng saan kaya ako kakain ng lunch? Ano kayang ma co-contribute ko para maibsan ang Climate change ng Mother Neycha? Tatae muna kaya me bago mag shower? Anu kayang i-blog ko mamya? Paano kaya puputi ang kilikili ko?Di-delete ko na kaya sya sa feyz buk ko? baket kaya hindi sya nag Y-Ym sakin? Ang dami dami talagang mga bagay na sumasagi sa isip hanggang sa nakapasok na ko sa Takubets at sinabit ang tuwalya at nag decide na Tatae muna ako.

Umawit ako ng kantang Alone habang lumalabas ang malambot na tae ko sabi ko "How do I get you ALONE ohhhh How do I get you ALONE...A-L-O-N-E!!!" Pag tapos ko tumae kinuha ko ang tabo at binuksan ang gripo ng konti. Aba walang tumulong fresh water. Tinodo ko ang gripo ulet this time sa maximum limit na ng gripo. POWTANGENANG SHIT! Walang tumulo. Pano na yan tumae na me. Pinag pawisan ako ng madami. Syempre meron pang natirang flush water kaya nag Pray muna ako kay Papa Jesus na ma flush ang lahat ng Jerbaks ko into the deep unknown posonegro.

Pinindot ko ang flush! SHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH WAAAAASSSSS SSSSSSSSSSSSHHHH (Tanga Sound Effects yan ng flush) Naibsan ang aking agam agam at nag pasalamat me kay Papa Jesas dahil nag flush ng malakas at walang naiwan na traces. Pero ang wetpaks ko may tachi pa. Oh my effin' Gosh! Damet! Hindi parin ako tumatayo ng trono at nag isip ako ng paraan. Napalingon ako sa gilid at nakita ko ang Karton ng sabon kong Dove! Pumikit ako at lumunok ng laway! Shit hindi ko Keri iyon. No Fucking way! Lumingon ako sa kabilang side. Nadah! walang bagay na makakatulong. Wala na talaga akong Choice kaya tumayo nalang me. Tiniis ko ang malagkit na something sa aking asshole . I know Kadir dir talaga! Lumabas ako at kinuha ang bagong bagong biling One Gallon mineral water namin at ito ang naging solusyon sa aking problem.

Pag tapos kong mag hugas at mag sabon ng wetpaks. Sumindi na ang motha-fucking-bitch faucet at natapos na ang water outage! Taena! And so kinalimutan ko nalang ang mapait na pangyayari at nag move and stay positive nalang me because it's weekend and it's time to have some fun. Nag shower ako at tinapos ang aking routine tulad ng pag titikol, sabon, hilod at shampoo habang umaawit ng "I'll never Go".

Sa MOA.

Gutom na me. Pero Yosi muna me ng isa. Pagtapos ay diretso na sa T.G.I. Fridays para kumain ng bongga. Umorder ako ng Clubhouse at Cojun Chicken Salad w/ Honey Mustard Deep at never ending Coke. Doon ako sa my smoking area sa may pinaka sulok para hindi ako mag mukang pathetic dahil mag isa nanaman ako. Makalipas ang 13 Min Dumating na ang aking inorder. Edi kain ng salad inom ng coke. Pa refill ng coke. Kain ng salad. Saw saw sa ketchup ng fries. Nang biglang may isang Chick na lumapit sa akin.

"Excuse me, Taga Mapua ka right?"

"Uhmmm, Yes. Can I help you?"

"My God Besi*** (last name ko yun sinabi nya) ka group mo ko sa Design Remember??!"

"Uhmmm not really...Sorry po"

"Sige to remind you ako ang kaisa isang babae na group natin"

"Fuck! Ikaw ba yan...Sorry naman Kamusta, after 48 years nag kita rin tayo...Parang kelan lang"

"See. Shirt and Jeans girl lang kasi ako 'nung College kaya di mo ko nakilala. Sino kasama mo Girl friend mo, wife?"

*Puta Nag tanong pa ng ganun. Fuck!*

"Uhhhmmm! Well no. I'm just alone. Dyan lang ako kasi nakatira sa kanto punta lang ako dito for lunch"

"Good! I'm alone too. Hinatid ko lang sa Airport Sister ko. Lunch lang din sana ako dito. Can I sit here?"

"Sure! Be my guest just like the old days, huh!"

"Onga nga noh. kakamiss! So may lakad ka ba after nito. Baka magalit gf mo. Ok lang ba?"

*Puta talaga ganumanown pa*

"Uhmmm ok lang noh, tsaka I'm not in..you know.."

"Okay, I get it. Good then. I remember mahilig kang mag basa ng Novel since College diba?"

"Ah Oo. Ikaw din diba! Tayo kasi 'yung hindi gumagawa ng design noon at nag babasa lang sa sulok ahahah"

"Oo nakuha mo! So baket hindi natin panoorin ang "Dear John" Have you read that book?"

"Hell Yeah! One of my favorite Nicholas Sparks"

"Good!!! I have two Citibank Receits here. Free ito. My treat"

"Nice mukang bigtime ka na ah"

"Oy hindi ah, ganun parin kaya. Ikaw nga bigtime dyan"

"Sus big lang ako walang time"

Natpos ang mag hapon sa kaka catch up namin ng kwentuhan. At na nood narin kame ng movie together. That was my Saburdey!

-THE END-

Saturday, February 6, 2010

Friends...

Sa bawat company na pinag trabahuhan ko marami akong naging kaibigan. Konti palang naman ang napag trabahuhan ko, anim palang sila since matapos ako ng College. Pero alam nyo bang napaka memorable ng first job ko dahil sa napaka kukulit na naging tropa ko. Tinatawag namin ang group namin na "Bitter-bitteran Team" , kung baket ganyan ang pangalan ay ibang story na.

Anyhow inihaw, naging pinaka malapit sa akin dito ay itago nalang nating sa pangalang Enn. Well, wala naman akong masamang kwento tungkol sa kanya kasi nga super close kame at puro happy moments ang buong pag sasama namin sa Opis pero ikubli nalang natin ang name nya, naisip ko lang syang ikwento ng beri beri slight kasi naka chat ko sya a couple of days tapos na mention nya na natagpuan nya ang blog ko at sabi nya mag kwento daw ako tungkol sa amin.

Parati kameng mag kasabay ni Enn ng lunch at sabay umuwi for two years araw araw. Itong si Enn nakikita nya palang ako tawa na sya ng tawa, feeling nya siguro Clown ako. Marahil bunga narin iyon ng panlalait ko sa sarili ko bago pa man ako laitin ng iba, defense mechanism kung baga. Hindi naman kasi ako ka-gwapuhan konti lang at higit sa lahat hindi ako macho kumpara sa mga call center yuppies na ka opisina ko, kaya bago ako ma libak ng iba eh, nilalait ko na ang sarili ko para may license na akong manlait ng bongga. Pero 'di nila alam sa totoo lang sensitive ako at madaling masaktan.

Favorite ni Enn at ng buong tropa 'pag tinatawag kong L.A. Lopez ang bossing namin,lalo pa pag kinakanta ko ang "Eh kasi Bata.." pag paparating na ang Bossing namin, halos malaglag sila sa upuan sa kaka tawa pag ginagaya ko ang pag beau-beautiful eyes ng boss namin. Madalas din ay nag ma-makaawa ang Boss namin sa akin na umayos ako. Pasimuno kasi ako sa pag o-aux ng telepono para makipag daldalan sa katabi. Numero uno din akong reklamador sa lahat. Hindi naman ako mapagalitan kasi may point ang aking mga reklamo at hindi nya kayang depensahan ang management sa mga hinihingi nila sa mga lowly agents. At dahil doon lagi akong favorite ng mga ka team ko sa pakikipag debate sa Team Lead namin. Hindi kasi ako basta basta natatalo sa diskusyunan. Sa Chatroom namin ako rin ay kilala sa pangaaway sa pinaka epal na NOC sa US. Epal kasi ito kaya hindi ko pinapalampas na mabara at mapahiya sya sa buong site namin. Kaya lagi akong na ki-kick sa chatroom namin. Si Enn ang number one fan ko.

Sa isang call center kame nag tra-trabaho ni Enn sa Makati noon. Nasa Early morning shift kame mga 2:AM or 3:00AM, panalo diba?!. Nasa isang team kame na kinakatakukan ng mga boss kasi magagaling kameng tek chuport at bitter na reklamador pa. Mag lu-lunch kame kung kelan namin gusto. Kebs sa call queue. Minsan over lunch pa kame. Sa araw araw na ginawa ni Papa Jesus lagi kameng sabay ni Enn sa lunch at sa paguwi, pareho kasi kame ng way home. Tapos sabay din kame ng paguwi sa Pampanga kasi taga doon din sya. Pag wala pang sweldo nag she-share kame sa isang mani at mais na tinitinda sa Bus. Tapos share din kame sa mineral water or Iced tea. Sweet sweetan kame ni Enn. Alam ko ang problema nya sa buhay pamilya dahil lagi nya itong kinukwento. Marami kameng pangarap para sa aming mga Pamilya na parati naming pinag e-emohan. Pag nag a-apply kame sa ibang kumpanya for a greener pasture sabay kame parati. Pati sa job interview sabay din kame. Ako rin ang parati nyang kasama pag tinataguan nya ang mga nanliligaw sa kanya. Parati rin kameng nag lalamierda sa Glorietta kahit wala namang kaming pera. 'Nung lowest point ng buhay ko dahil nag hahanap ako ng trabaho si Enn ang unang unang nakipag kita saakin para maki dalamhati sa aking kalungkutan. Nilibre nya ko sa Jabi.

One time Pumasok si Enn ng napakadumi ng dress at umiiyak sa may workforce station. 'yun pala ang lola nyo meron snatcher na nakasakay sa motor tapos hinablot ang bag nya. Ang catch, hindi nakuha ang bag nya pero na drag sya ng isang kilometro ng beri beri nice pero take note, hindi nya binitiwan ang bag nya hanggang sa yung snatcher na ang nag give up. Feeling nya sya si Darna. Ayun sugat sugat sya. Hindi ako makalapit kasi 100 calls on queue sa Broadband Machintosh noong time na iyon, Puta! Kaya after 'nun kumain nalang kami sa Jabi ng bongga,

Makalipas ang time namin sa Kumpanyang iyon ay every once in a while parati parin kameng nag kikita lumalabas at na nonood ng movie. Minsan kasama din namin ang bitter team. Napanatili namin ang aming communication althrough out those years at hindi lang natapos ang aming pag kakaibigan sa career namin. Kung meron akong isang pinag papasalamat sa industriya ng call center ay ang pag kakaroon ko ng oportunidad na maka trabaho ang mga kaedad ko, walang matatanders na kasama at nag karoon ako ng mga tunay na tunay na friendsters. Eto nga pala pics namen last time 'nung nag karoon sila ng Family day sa Enchanted Kingdom sa Opis nila.








Moral lesson ng entry na ito ay... (music please) make new friends. Dahil kung wala kang friends kawawa ka naman. Ang sabi nga nila pag hindi masyadong swerte sa buhay pagibig dapat bonggalore ang support system mo, at ito ay ang iyong friends. Hindi 'yung kaibigan na sasamahan ka lang pag iinom kayo or pag maykailangan sayo or pag may mahihita sila sayo. Kundi friends na dadamayan ka hanggang sa deepest darkest days ng buhay mo. Ganyan ang true friendship. 'Yung hindi ka iiwan kahit na nakayakap ka na sa bowl sa kakasuka. Kahit wala na kayong ibang mapagusapa liban sa paulit ulit na pag alala nyo sa nangyari sa buong mag hapon. Kahit paulit ulit na 'yung kwento nyo. Stick parin.

Ang araw ng mga puso ay hindi lang sa mag jojowa para sakin para din ito sa mga tunay na mag kakaibigan. Baket meron bang friendship day? Wala naman diba?! So sa lahat ng mga kaibigan ko sa loob at labas ng blogosperyo. Kampay!!!! Happy Balentyms!

Happy Weekend!

Wednesday, February 3, 2010

Tama na Emo! Balik Kwentong Walang Kwenta

Pupungas pungas pa ang mata ko ng dinampot ko ang aking celfon habang nag a-alarm.

"Powtangena 9:00 na malalate nanaman ako..."

Dali-dali akong tumakbo sa lababo para mag toothbrush sumunod na nangyari ay ang ang talent kong pagligo na parang isang uwak sa mumunti naming Banyo. 'Yung tipo mabasa ka lang masabunan ang betlog, singit at kiliki at makapag shampoo at facial wash keri na. Ilang sandali pa ay ready to go na 'ko papasok ng Opis at katulad ng dati nag mamadali akong tumakbo papuntang MRT. Mag ca-cab sana ako pero no-luck ayaw ng cab bagbagin ang walang kupas na heavy trafic sa Edsa from Pasay to Ortigas. Choosy ang mga hinayupak! Kahit pa sabihin kong plus trenta eh, ayaw parin. So no choice. Takbo sa MRT dala dala ang kikay kit sa loob ng messanger bag ko.

The usual routine sa MRT. Siksikan. May bago ba doon? Kahit na nakaligo na 'ko and all pupungas pungas parin ang mata ko. Napapansin kong may mangilan-ngilang chicks na nag titinginan sakin. Pero kebs lang ako. Baka sabihin nila easy to get ako.

"Shaw Boulevard Station. Shaw Boulevard Station" Sabi ng voice over sa loob ng MRT

Napansin kong sumusulyap parin ang mga chikas. kebs parin ako at dumiretso na palabas. Pag tapos mag inspect ni Manong Sekyu sa bag ko napadaan ako sa "Hen Lin" at narining kong tinatawag ako ng Siopao at Kikiam.

Sabi ng Siopao "C'mon ang get me..Get me..Get me"

At dahil tao lang ako na mahina at nagugutom din, lumapit ako kay Manang Hen Lin. Dito ko na realize na hindi pala ako tinatawag ng Siopao. Tugtog pala ni Manang Hen Lin 'yung naririnig ko. Isang kanta ng MYMP na may pinamagatang "Come on and get me". Since nandoon narin ako nag decide na rin akong bumili kesehodang late kung late. Konting tumbling at kalahating cart wheel lang naman nasa opis na ko, I think kaya pa.

"Te' pabili nga ng Siopao tsaka Kikiam tsaka Siomai na Shark's fin"

"Would you like it hot or Cold Sir?"

"Ay Inglesera ang Ate ko, ano to Starbucks?! Syempre hot alanga namang malamig na Siopao ang kakainin ko"

"Masama bang mag practice ng konting English? Gutom ka kuya?"

"Hindi naman masyado? Turuan kita mag English gusto mo mura lang?!!"

" Gigierang frog prince naman 'tong si Kuya...Hulaan ko tootpaste mo, Close Up na green"

"Paano mo nalaman?!"

"Eh may toothpaste ka pa sa labi eh" Sabay tawa ng beri beri nice.

"Shit kaya pala ako pinag titinginan ng mga chikas sa MRT kanina.."

"Eto na Order mo Sir! Thank you po.."

Ang Ending. Late ako at naiwan ko ang Sauce ng Siopao at toyo mansi ng Shark's fin.

Walang Title

"Ang buhay parang cheese karls mas maraming cheese mas masarap; minsan naman kala mo cheese betchin pala nag papanggap lang na cheese.."<---Jepoy

Music trip muna tayo mga Miron...






Okay, napag hahalataan ang mga edad sa choice of song.

Introvoys kasi ang madalas na naririnig ko noon parati sa radyo, I think nauna sila sa E-Heads sumikat although, matagal na ang band nila since 1986 pa, bagong panganak palang ako noong nag start sila, amazing! Iba talaga ang effect kasi ng mga OPM songs noon sa mercado, hindi katulad ng mga Lady Gaga, Chris Brown, Kanye West, Beyonce songs na pag sumikat eh, for some months mawawala na rin kagad sa ere. Pero ang mga OPM songs noon, years ang binibilang sa pag e-ere ng mga kanta nila sa mga FM radio stations tulad ng Cool 106. LOL

Dahil dyan balik tayo sa cheddar cheese thing.

*lunok laway, pigil luha*

So baket ito ang napili ko? Wala lang. Dahil gusto ko lang ng mga accoustics at gusto kong balikan ang mga old songs. Easy listening na trip habang gumagawa ako ng letter sa sarili ko. Lalagay ko sa tabi ng bed ko para may reminder.

Jepoy,

Enough is enough. May mga tao talagang ungreatful and not deserving. You are just wasting your precious time. Don't get too affected. 100% they don't give a shit out of you, not a single zilch. So next time be very careful. Use your instincts dumb ass! Don't fall. You are on your own.Give your self a break. Always remember that it takes two to tango. Have fun and Chillax! Try to enjoy life...You will live through it eventually...

Jepoy

Artist: Bonnie Raitt
Title: I can't make you Love me


Monday, February 1, 2010

February na!

****BABALA: KESO POST SO CLOSE MO NA IF IT'S NOT YOUR THING****

So it's love month, right? Bwan na ng mga keso! Yay!...

Bilang starter sa tinaguriang love month ay nais ko kayong lahat handugan ng isang awit! (Feeling singer?!) Pasensya na at hindi ako magaling kumanta pero mapilit parin ako, blog ko to! Habang tumatae ako sa banyo dala ang aking laptop ay ginagawan ko na rin ng paraan kung papaano ako makaka pag concert.

At heto ang resulta. Dahil hindi ko pwedeng i-upload ang mp3 lang dito nilagyan ko narin ng mga konting emo pics ko.

I'm kinda pissed off today not gonna go into details. But I still choose to upload this dahil naka set na talaga ang aking utak to have this done today. Sige pakinggan nyo muna, bawal tumawa ha! :-D Marami kasi akon gagawin sa office later kaya hindi ako makakapag blog at makaka pag bloghop kaya ngayon na dapat.




My Musings:

I thought that song will make sense...

I guess not...

It doesn't matter anymore...

I just needed more reason to turn my back on you...

You don't question me. For you don't have the right to do so...

You don't tell me what to do because you just wanted to break me.

You careless. I care more

You are holding my most treasured possession and I hate it.


I can't ask for anything from you because I just won't do that.

You can't give time because you just can't.

And I get it.

I really get it.


I just wanted to write my contemplation and it doesn't mean anything.

This are sporadic feelings.

It will come to pass...


I know it will...