Sa bawat company na pinag trabahuhan ko marami akong naging kaibigan. Konti palang naman ang napag trabahuhan ko, anim palang sila since matapos ako ng College. Pero alam nyo bang napaka memorable ng first job ko dahil sa napaka kukulit na naging tropa ko. Tinatawag namin ang group namin na "Bitter-bitteran Team" , kung baket ganyan ang pangalan ay ibang story na.
Anyhow inihaw, naging pinaka malapit sa akin dito ay itago nalang nating sa pangalang Enn. Well, wala naman akong masamang kwento tungkol sa kanya kasi nga super close kame at puro happy moments ang buong pag sasama namin sa Opis pero ikubli nalang natin ang name nya, naisip ko lang syang ikwento ng beri beri slight kasi naka chat ko sya a couple of days tapos na mention nya na natagpuan nya ang blog ko at sabi nya mag kwento daw ako tungkol sa amin.
Parati kameng mag kasabay ni Enn ng lunch at sabay umuwi for two years araw araw. Itong si Enn nakikita nya palang ako tawa na sya ng tawa, feeling nya siguro Clown ako. Marahil bunga narin iyon ng panlalait ko sa sarili ko bago pa man ako laitin ng iba, defense mechanism kung baga. Hindi naman kasi ako ka-gwapuhan konti lang at higit sa lahat hindi ako macho kumpara sa mga call center yuppies na ka opisina ko, kaya bago ako ma libak ng iba eh, nilalait ko na ang sarili ko para may license na akong manlait ng bongga. Pero 'di nila alam sa totoo lang sensitive ako at madaling masaktan.
Favorite ni Enn at ng buong tropa 'pag tinatawag kong L.A. Lopez ang bossing namin,lalo pa pag kinakanta ko ang "Eh kasi Bata.." pag paparating na ang Bossing namin, halos malaglag sila sa upuan sa kaka tawa pag ginagaya ko ang pag beau-beautiful eyes ng boss namin. Madalas din ay nag ma-makaawa ang Boss namin sa akin na umayos ako. Pasimuno kasi ako sa pag o-aux ng telepono para makipag daldalan sa katabi. Numero uno din akong reklamador sa lahat. Hindi naman ako mapagalitan kasi may point ang aking mga reklamo at hindi nya kayang depensahan ang management sa mga hinihingi nila sa mga lowly agents. At dahil doon lagi akong favorite ng mga ka team ko sa pakikipag debate sa Team Lead namin. Hindi kasi ako basta basta natatalo sa diskusyunan. Sa Chatroom namin ako rin ay kilala sa pangaaway sa pinaka epal na NOC sa US. Epal kasi ito kaya hindi ko pinapalampas na mabara at mapahiya sya sa buong site namin. Kaya lagi akong na ki-kick sa chatroom namin. Si Enn ang number one fan ko.
Sa isang call center kame nag tra-trabaho ni Enn sa Makati noon. Nasa Early morning shift kame mga 2:AM or 3:00AM, panalo diba?!. Nasa isang team kame na kinakatakukan ng mga boss kasi magagaling kameng tek chuport at bitter na reklamador pa. Mag lu-lunch kame kung kelan namin gusto. Kebs sa call queue. Minsan over lunch pa kame. Sa araw araw na ginawa ni Papa Jesus lagi kameng sabay ni Enn sa lunch at sa paguwi, pareho kasi kame ng way home. Tapos sabay din kame ng paguwi sa Pampanga kasi taga doon din sya. Pag wala pang sweldo nag she-share kame sa isang mani at mais na tinitinda sa Bus. Tapos share din kame sa mineral water or Iced tea. Sweet sweetan kame ni Enn. Alam ko ang problema nya sa buhay pamilya dahil lagi nya itong kinukwento. Marami kameng pangarap para sa aming mga Pamilya na parati naming pinag e-emohan. Pag nag a-apply kame sa ibang kumpanya for a greener pasture sabay kame parati. Pati sa job interview sabay din kame. Ako rin ang parati nyang kasama pag tinataguan nya ang mga nanliligaw sa kanya. Parati rin kameng nag lalamierda sa Glorietta kahit wala namang kaming pera. 'Nung lowest point ng buhay ko dahil nag hahanap ako ng trabaho si Enn ang unang unang nakipag kita saakin para maki dalamhati sa aking kalungkutan. Nilibre nya ko sa Jabi.
One time Pumasok si Enn ng napakadumi ng dress at umiiyak sa may workforce station. 'yun pala ang lola nyo meron snatcher na nakasakay sa motor tapos hinablot ang bag nya. Ang catch, hindi nakuha ang bag nya pero na drag sya ng isang kilometro ng beri beri nice pero take note, hindi nya binitiwan ang bag nya hanggang sa yung snatcher na ang nag give up. Feeling nya sya si Darna. Ayun sugat sugat sya. Hindi ako makalapit kasi 100 calls on queue sa Broadband Machintosh noong time na iyon, Puta! Kaya after 'nun kumain nalang kami sa Jabi ng bongga,
Makalipas ang time namin sa Kumpanyang iyon ay every once in a while parati parin kameng nag kikita lumalabas at na nonood ng movie. Minsan kasama din namin ang bitter team. Napanatili namin ang aming communication althrough out those years at hindi lang natapos ang aming pag kakaibigan sa career namin. Kung meron akong isang pinag papasalamat sa industriya ng call center ay ang pag kakaroon ko ng oportunidad na maka trabaho ang mga kaedad ko, walang matatanders na kasama at nag karoon ako ng mga tunay na tunay na friendsters. Eto nga pala pics namen last time 'nung nag karoon sila ng Family day sa Enchanted Kingdom sa Opis nila.
Moral lesson ng entry na ito ay... (music please) make new friends. Dahil kung wala kang friends kawawa ka naman. Ang sabi nga nila pag hindi masyadong swerte sa buhay pagibig dapat bonggalore ang support system mo, at ito ay ang iyong friends. Hindi 'yung kaibigan na sasamahan ka lang pag iinom kayo or pag maykailangan sayo or pag may mahihita sila sayo. Kundi friends na dadamayan ka hanggang sa deepest darkest days ng buhay mo. Ganyan ang true friendship. 'Yung hindi ka iiwan kahit na nakayakap ka na sa bowl sa kakasuka. Kahit wala na kayong ibang mapagusapa liban sa paulit ulit na pag alala nyo sa nangyari sa buong mag hapon. Kahit paulit ulit na 'yung kwento nyo. Stick parin.
Ang araw ng mga puso ay hindi lang sa mag jojowa para sakin para din ito sa mga tunay na mag kakaibigan. Baket meron bang friendship day? Wala naman diba?! So sa lahat ng mga kaibigan ko sa loob at labas ng blogosperyo. Kampay!!!! Happy Balentyms!
Happy Weekend!
CHEERS ka Jepoy!
ReplyDeleteFriends mo naman kami diba, libre mo naman din kami sa movie at sa dinner..
@Steven Fong
ReplyDeleteIkaw malapit na kitang i feature sa blog ko na to. Kumapit ka na sa laptop mo.
I hate chu!
Itinago mo nga sa neym na Enn, pinakita mo naman ung pix nya lolzz
ReplyDeleteOist, friends na tayo diba? pag uwi ko libre mo rin akong sa jabi :D
@LordCM
ReplyDeleteJabi lang pala Sir eh, walang problema.
Happy Puso!
Fukiiii ito ba ang iyong WRITTEN FEELINGS? Bwahahahahahahaha.
ReplyDeleteAng ganda naman ni Ate Enn buti hindi sya naiilang kapag-- oops no comment.
"bago ako ma libak ng iba eh, nilalait ko na ang sarili ko para may license na akong manlait ng bongga. Pero 'di nila alam sa totoo lang sensitive ako at madaling masaktan."
Putangina hindi bagay sayo nagsasakit-sakitan!
At merong Friendship Day kaya, every first Sunday of August.
Happy Balentayms din!
ReplyDeletetaena.. angkyut nman ng kuha nyo ni Enn. friendster na friendster.
oo naman, napakarami mong punto parekoy.. at dahil dyan kailangan mo din akong ilibre kahit sa jabi lang kapag nagkita tayo paguwi ko..haha
akala ko buong tungkol kay Enn(10%) ang Post, tungkol lang naman pala ito sayo (90%).. nilinlang mo na naman ang mga mambabasa. lolz
pero overall nakakatuwa pa rin:D
@Glentot
ReplyDeleteBuset ka! Ikaw ang pinaparinggan ko dito na user friend kilala ka lang pag nagugutum! Puta ka!
At alam mo ba na lagi akong sakit sakitan dahil masakit ang aking puso peste ka! Tsupi!
@kosa
ReplyDeleteWag kang masyadong ma excite na makipag eb sakin. Pre bilhin mo muna ang gummy bears at gummy worms ko pati ang old navy polo shirt ko.
Sige mag sawa ka sa jabi paguwi mo sama mo pa yung ka jerjer mo tag usa kayong kiddie meal #1 small fries and drink lang
Ang sweet naman nakakakilig! weeehehe! Bagay naman kau ah? malapit na Balengtayms! jijiji....
ReplyDeleteAstig ung friendship nu!
Happy Valentine's and Happy Chinese New Year na rin! Hehe.
ReplyDelete@Jag
ReplyDeleteGumaganown?! Happy Baletyms din sayo kaibigan.
God Bless!
@Angel
Happy Valentine's day and Chinese New Year to you too.
GOd Bless!
ayuuuuuuuun yun eh...
ReplyDeletemarami akong kilalang ganyan, pafriendster friendster sa una, habang tumatagal, may "error 404" na pala...
(ooops, dati rin akong bitter team member!)
pa-jabi ka naman.ktnxbye
@reigun
ReplyDeleteLOL. Error 404 ka dyan! Baket nagyon 'inde ka na ba bitter team member?
Parang dumadami ata ang nag papajabi sakin ah! Lol sige pwede na Sunday sayo!
I hate chu!
happy balentaymsss/single awareness day din jepoy. hahaha.
ReplyDeleteayieeeeee. ganda ni enn. hndi b kayo ngkadevelopan. ahihi. echosera ako.haha
@Keso
ReplyDeleteOy Keso Umayos ka nga! LOL Tara date tayo sa balentyms!
ako din ilibre mo sa JABI ha?! feeling close, wahaha
ReplyDeleteganda ni enn...hapi puso :)
@SLy
ReplyDeleteHala Dumadami na ang na ngongontrata pan Jabi ah! Sige lang go! Ahahaha
GOd Bless Sir!
ansarap talaga ng may kaibigan; sa barkada namin, iilan na kaming natira dito sa Pinas, halos lahat sila nasa ibang lupalop na ng daigdig...
ReplyDeleteeh sinong besfrend mo duon?
ReplyDelete@Chinggoy
ReplyDeleteKaya nga dapat mag make new friends ka! EB na!
@Random Students
Iisa lang ang best friend ko nasa canada sya hihihihi
my number: 3461468... sama ako sa EB
ReplyDelete@Chingoy
ReplyDeleteSana cell fon ang binigay mo hindi landline!!