Tuesday, February 16, 2010

2010 Celebrity Blogger et. al.

Bago ang lahat! Maraming maraming salamat sa baboy na trophy na ipinag kaloob sa akin ni Paps. Isa na pong celebrity blogger awardee ang Pluma ni Jepoy. Look how nice naman my trophy oh. Tenchu!


Dalawa sa pinaka favorite subjects ko 'nung General Engineering ay ang Saykalagi tsaka Sasyalagi (ganyan daw dapat i-pronounce sabi ng Prof ko, dapat daw medyo naka smile ka while saying the word. Try mo bilis)

Baket?

Dyan ko kasi na realize na masarap palang mag obserba ng tao at ng environment na ginagalawan nila. Dito ako nag simulang maging observer. Sa totoo lang, sa profile ko sa mga social networking sites lagi kong nilalagay sa filled ng interests ay "Observing People". My facination ako sa tao at sa kanilang reaction at pananaw sa mga bagay bagay. Mas gusto kong makinig kesa sa mag salita lalo na pag bago ko silang kakilala tapos inaassess ko sila at kina-classify ayon sa category na meron ako about people.

Marami at iba't ibang uri ng tao ang aking nakasalumuha na sa mga nakalipas na taon may aso, kabayo, turtle,mice at Ostritch, joke! Sabi nila people person daw kasi ako. Madalas ay pleaser din. Ayoko ng merong masasabi sa'kin na hindi maganda kaya kahit nahihirapan ako ay parang automatic na nag aadjust ang aking system para ma please sila. Alam kong hindi maganda ang ganitong pag uugali pero ganun talaga eh, still work in progress pag dating sa ganyang aspeto.

So ang ishare ko sa inyo ay ang classifications ko sa mga taong na encounter ko sa aking life. Ang mga bagay na mababasa nyo ay hindi dumaan sa mataas at masusing pag aaral meaning imbento ko lang ang classifications na ito kaya wag nyong dibdibin. Sa akin lang sya nag originate base sa personal experiences ko. Tinatamad kasi akong mag kwentong ng mga shit kaya ito nalang ang i shi-share ko.

1. Epal na Froglet

Itong mga tao na ito ang madalas na hindi kinakaya ng kapangyarihan ko. Sila 'yung mga putanginang tali-talinuhan sa lahat ng bagay pero puro ka shitan naman talaga ang sinasabi. 'Yung laging may masasabi na feeling nila intellectual sila but it's not, demet! Pero kung tatanungin mo ang majority (kasama ako dun) ang masasabi lang nila ay isang malaking, "DUHHHHHHHHHHHR!!!! " meaning walang dating. Para lang silang latang nag iingay na masakit sa tenga.Madalas ang mga taong ganito rin ang Eps at napaka lakas ng personality in a very irritating way. Sila 'yung mga taong hindi ko iniinvite sa mga outing. Dahil 100% masisira lang ang araw ko. Madalas yung mga taong ganito rin yung papalapit palang gusto mo nang suntukin. Tsaka wala namang ginagawa sayo pero ang init init ng ulo mo sa kanya.

2. Feeling

Itong mga tao naman na ito ay pinanganak na assuming. Feeling nila ang axis ng mundo ay umiikot lang sa kanila. Sila na ang matalino. Sila na ang makinis. Sila na maganda't pogi. Sila na ang phurfect! Lech! (May galit?!) Hindi nalalayo ang mga froglets na feeling sa mga epal. Mas higher lang ang irritational capability ng Epal na frogs kesa sa mga "feeling". Dapat po ay mag ingat tayo sa mga feeling dahil ang mga taong itong ay hindi magandang impluwensya pag naging close mo baka mahawa ka pa. Sila rin yung mga taong salita ng salita pero hindi handang makinig.

3. Steady Frog

-Ito ang mga taong ka wavelength ko. kung baga pareho ng frequency signal ang tinatakbuhan namin. Ito ang mga taong steady lang. Hindi maangas. May sense of humor. Alam kung kelan babanat ng punch line. Sila yung kayang pag tawanan ang mga maliit na bagay na walang sense sa mundo na madalas hindi maintindihan ng mga siryoso sa life. Mapanlait pero hindi naririnig ng nilalait for the sake of may mapag tawanan lang. Sila yung magkatitigan lang alam na ang ibig sabihin at pwede ng tumawa ng beri beri nice. Sila rin ay mga taong hindi bobo at hindi matalino pero smart. Hindi sila mag mumukang tanga sa isang awkward situation. Pwedeng kumain ng fishballs sa kanto pwede rin kumain sa five star hotel. May mabuting puso in a very special way. Sensitive sa nararamdaman ng iba. No dull moment. Sila yung masarap kasama sa mga overnight gathering. Masarap ka kwentuhan 24/7.

4. Nerdie Frog

-Ito ang mga taong bookish, yung mga matatalino sa skul pero bokya ang social life (hindi naman lahat, almost lang). Sila 'yung kalimitang nag e-excel sa skul tapos maganda work kasi nga matatalino. Meron din Nerdie akong na meet sa mga pinag trabahuhan ko. Ayokong dumikit sa kanila kasi ang weird. I mean, fine matatalino sila given, sila na ang imbentor ng bagong technology, and developer ng dekalidad na firmware! I don't give a damn! Pwedeng mababango ang ilan sa kanila pero may something na hindi ko ma define about them. Basta ok lang naman sila basta dun lang sila sa mundo nila wag na nila akong i invite pa na makijamin. Don't get me wrong hindi ako choosy sa mga sinasamahan ko, medyo lang. Pero ang mga nerdie iba lang ang trip nila tipong mag sodoku or mag solve ng math problems or mag program at paganahin ang robotics project sa office.

5. Sosyal na frog

-Ito ang mga sosyal na tao. Mahilig sa shopping at kung anu anung gastusin at ka shitan. Pwedeng mayaman sila pwede rin nag mamayaman lang (tulad ko) basta ang point mahilig sila sa mga expensive things. Tipong LV bags and wallets. Channel bags. Lacoste shirts at kung ano ano pang shit. Ginagawang karindirya ang sofitel at Circles. I mean hindi naman ako against sa mga gantong tao. Sarap nga sumama eh, ganyan lang talaga ang life style nila period. At hindi ako nabibilang sa mga ganyan, meron lang akong mga nakasalamuhang Sosyal na frog pero mababait naman sila at hindi maangas. Kaya steady narin.

6. Problematic Frog

-Ito yung mga taong problematic. Bread winner. May sakit si Nanay tatay si bunso at kung sino sino pa. Pinag aaral ang kapatid.Kulang ang sweldo. I mean lahat naman tayo may problem pero itong mga taong nag fa-fall sa ganitong category ay extream talaga. Masarap silang kasama kasi ma eencourage ka sa kanila. Specially on how they are able to superceed this state (Superceed talaga?! makapag english lang) Itong mga tao na ito mahirap biruin ng mga walang kwentang joke kasi masyado na silang seryoso sa buhay. Bunga narin siguro ng mga challenges sa buhay nila. Pero pag nadikit ka sa mga taong ganito 100% may mapupulut kang lesson.

7. Church People

-Sila yung mga taong malapit kay Papa Jesus. Nag fe-fellowship parati. Nag pray all the time. Hindi Judgemental. Sila ang mga favorite kong kasama pag nalulungkot ako. Nakakakuha ako ng good advice from them. Masarap din silang kasama sa kantahan ng mga hillsong at kung ano-ano pang praise and worship song. Masarap silang kasama magaan sa puso.


8. Back Packers

-Ito ang mahilig gumala. Masarap sumama dito. Parang free ka! Ang sarap kayang dumayo sa lugar na hindi mo pa napupuntahan. 'Yun nga lang medyo magastos. Usually yung mahihilig gumala masaya kasama kasi cool sila at sanay makisalamuha sa tao. Sanay makipag biruan sa kahit na anong klaseng tao.

9. Panget ang Ugali

-Marami neto. kahit saan meron nito. Back stabber. Chismoso't Chismosa. Crab.Ingittero't ingittera. Maninirang puri. Maitim ang budhi. Panget na nga muka panget pa ugali. Meron din naman maganda itsura nuknukan naman ng panget ang ugali.

10. Orocan at Taperware

-Ito ang pinaka mahirap na mahuli. Sila ang mga taong akala mo mabuti pero hindi. Akala mo may maputing puso pero ang totoo dark green pala. Baket hindi black? Gusto ko lang green paki mo. Mag ingat sa mga taong ganito ang pag uugali, napa ka dangerous.

Napapagod na ko! Ilan lang yan sa mga categories ko pag sinipag lalagay ko 'yung iba. Baka pag nilista ko lahat wala ng mag basa kasi magiging novel na.

Salamat sa pag tyatyagang mag basa ng walang kwentang entry. God Bless!

42 comments:

  1. Hahaha...
    Nakakatuwa!
    Eh yung dalawang itlog pareng jeps. Saan sila klaseng froglets nabibilang(glentot at drake)? Hehe

    congrats pala sa baboy tropi!!

    ReplyDelete
  2. Ang cute ng trophy mo, hehe!

    Ako yung mahilig gumala na blogger. Sama kita minsan! Ü

    ReplyDelete
  3. @Kosa

    Salamat sa pag congrats sa baboy trophy ko.

    So Glentot walang doubt na ka frequency ko yang dwendeng yan.

    God Bless!

    @Chyng

    Walang halong doubt na ikaw nga ay mahilig gumala! Promise yan sama ko minsan!

    ReplyDelete
  4. Wow congrats! Malupit ka na palang mag blog Jepoy...halatang wala kang ginagawa sa opis, puro pag susulat ng blog at mag blog hop (napaghahalata)..baka mabigyan ka ng BigMac..joke..keep it up.

    Dapat Church Frogs, Back Packer frogs, Pangit na ugaling froglets at Orocan frogs.

    ReplyDelete
  5. @Steven

    Ang dami mong suhistyon! Kaw na kaya mag blog!! I hate chu!

    Excuse me wala akong pending as you can see sulit parin ang bayad ng company sakin! Kung ayaw nila akong mag blog iblock nila ang lahat pati ang forum ng mga kotse na hinaharabas mo everyday!

    ReplyDelete
  6. nice sa tropy congrats..dami kong kilalang ganyan,,,hehhehehe.

    ReplyDelete
  7. @Bosyo

    Kilalang ano?! Nag skip read ka noh LOL

    Salamat sa walang sawang pakikibasa at pag kokoment Pareng Bosyo!

    God Bless sa'yo!

    ReplyDelete
  8. Hay naku nakalimutan mo idagdag yung category na:

    11.) Mga Taong Perfect With A Pure Heart That Can Break The Spell - Sila yung mga taong sobrang bait at sobrang gwapo at sobrang perfect na talaga at unang tingin mo pa lang sa kanila ay mapapaisip ka na, "Hmm reminds me of Glentot."

    At bakit walang idiots?

    ReplyDelete
  9. @Glentot

    Walang idiots kasi that is kinda mean hindi natin dapat nilalathala iyon and besides puki ka ang haba na ng entry ko magiging Novel na ito. Buti sana kung may saysay eh, wala naman..

    Please note that wala kang pure heart that can break the spell. Imagine you got what for valentine's day? Uhmm Belgian chocolates and what did you give in return? Kumikislap na cloud 9! Nyeta ka maitim ang budhi mo! Percy na!!!! EKSYTED NA TALAGA AKO!!!!

    ReplyDelete
  10. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  11. puro palaka, hindi pa naman tag-ulan. haha

    "Dyan ko kasi na realize na masarap palang mag obserba ng tao at ng environment na ginagalawan nila."

    gawain ko na yan mula nung bata pa ako, at habang inoobserbahan ko sila ay katakot takot na pamimintas at lait ang pumapasok sa utak ko.madalas kasi yung mga kalait lait na tao ang mga inoobserbahan ko. bwahaha

    ReplyDelete
  12. @DonDee

    Kung ganun maitim ang budhi mo! Hindi ka nararapat na pumasok sa Circle of friends ni Jepoy, dahil ang mga may pure heart lang ang nararapat...hihihi

    DonDee Masama ang manlait! Gusto mong sumama sa EB? Go!

    ReplyDelete
  13. hindi masama ang manlait sa taong hindi nya alam na nilalait sya. haha

    nilalait ko lang naman ang mga taong kalait lait, pili lang naman sila. lol

    kelan eb at saan?

    ReplyDelete
  14. @Dondee

    Sa Saburdey or Sundey saan pa nga ba kundi sa Rockwell!!!! Joke sa MOA lang. Angal ka?! Go! iamalivingsaint@gmail.com email mo ko :-D

    ReplyDelete
  15. Ano kayang category ko diyan?

    Isama mo na din sa listahan 'yung mga galante at 'yung mga mahilig magpalibre. LOL

    ReplyDelete
  16. 1. "Para lang silang latang nag iingay na masakit sa tenga."

    ---- eto ang pinaka nakakabad trip! i shy away from these peeps...

    3. lagi namang ganun, we jion forces with our ka-wavelength ...;)

    congrats sa bebe babs trofi!

    ReplyDelete
  17. Wow! Sikat k n nga parekoy! Paotograp nmn jan! jijijij

    Leche! napaisip ako kung ano ung saykalagi at sasyalagi hahaha cnxa na mabagal lng ang processor ko jijiji...

    Napasaglit lng! Congrats uli!

    ReplyDelete
  18. naks naman..certified observer ka nga kuya..^_^ thumbs up..

    ReplyDelete
  19. pahiram naman ng baboy tropi mo, ang ganda naman...

    mahilig ako sa praises song at gumala yun lang...

    ReplyDelete
  20. ganda ng tropi mo brod.. baboy na baboy ang dating! astig!

    ReplyDelete
  21. yiee. observer din ako kuya. ayos to ayos. ilagay mo pa yung iba.
    ingat kuya,

    ReplyDelete
  22. @Gasdude

    Nakuha mo Pre! Pero kung gagawa ako ng category mo ilalagay ko title ay CHOOSY! Dahil hindi mo ko ininvite nung umuwi ka. Oo hindi parin ako moved ON. ahahhaa

    @Chingoy

    SO True about the #1 and number #3 kuya Itxt kita steady kalang re:EB hihihi

    @Jag

    Salamat sa pag saglit. At dahil na gets mo na ang saykalagi at sasyalagi pag uwi mo penge gummy worms at toblerone white. Thank you!

    ReplyDelete
  23. @Superjaid

    Uu observer talaga ako. Kamusta and debut mo? Di mo ko ininvite ha

    @IncedentMind

    Galing kay pasikel yan brad. Salamat sa pag daan at pag comment

    @Scofield

    Wow naman mahilig ka pala sa spiritual songs! Sige pahiram ko sa'yo yung tropi ko, soli mo ha?

    ReplyDelete
  24. @Keso

    Ilalagay ko sya kung totoong nag basa ka at hindi nag skip read tulad ng iba ahahaha

    ReplyDelete
  25. PANALO yung trophy mo Jepoy. bwahahahaha. no kament :P

    ReplyDelete
  26. @Popoy

    Anak baka ka popoy ang hirap mo hanapan ng schedule! I know baboy ang entry na babagay sakin, hindi ko dini-deny ang fact na iyan! Letch! ikaw na ang sexy! Ikaw na macho! Ikaw na ang artistahin! Ikaw na phurfect! Letch! LOL

    ReplyDelete
  27. wow! congrats sa award..

    ung number 9 parang may halong bitterness ang pag kakasulat hehehe. cheers!

    ReplyDelete
  28. beri beri nice! HEHEHE
    tingin ko number 3 din ako (feeling!)

    ReplyDelete
  29. @Khekz

    Oi Salamat po sa pakikibasa! Wala namang puut nag state lang ng konting facts about it ahahah

    Salamat sa pag dalaw! Dahil dyan kiss kita mwuahugs!

    ReplyDelete
  30. @Sly

    Sakto pag basa ko ng comment ni khekz pumasok ang comment mo!

    kakagising mo lang no?! Dahil number 3 ka pag uwi mo ng pinas bilhan mo ko ng gummyworms at tobleron white hihihi

    Ingat Pre!

    ReplyDelete
  31. waaaaaaaahhh. artista na sya. papunas nga ng panyo sa mukha baka sakaling swertihin ako. haha

    sa tingin ko wala ako sa nabanggit. hnd ako frog!! iguana ako hahaha. joke

    ReplyDelete
  32. waaaaaaaahhh. artista na sya. papunas nga ng panyo sa mukha baka sakaling swertihin ako. haha

    sa tingin ko wala ako sa nabanggit. hnd ako frog!! iguana ako hahaha. joke

    ReplyDelete
  33. iniisip ko kung saan ako napapalagay sa listahan na yan..

    ang sigurado lang ako, eh di ako epal tsaka feeling... hehehe

    ReplyDelete
  34. @Kikilabotz

    Kelangan dalawa ang comment entry?! Oo iguana dahil sa video mo sa youtube puta ka tawa ako ng tawa pati yung umiiyak ka!!!! Sa susunod iinom ka ng gamot at mag papacheck up sa mandaluyong ha!

    @Gillboard

    Pre feeling ko nandon ka sa sosyal na frog okaya sa number 3 :-D

    God Bless!

    ReplyDelete
  35. tama.

    wala ako sa mga nabanggit mo

    ReplyDelete
  36. paps nasa mayamang frog ka! LOL

    ReplyDelete
  37. Bumalik pra magbasa ng post ng buong buo hehehe...

    at natawa ako sa #1. Ganun n ganun ako khit walang ginawang msama ung tao s akin umiinit ulo ko sa knila dahil sa taglay nilang KAPANGYARIHAN hahaha...kaya ako n lng ang umiiwas...jijiji...

    one week n akong nandito sa pInas parekoy...akala ko makakapagbakasyon n ako trabaho p rin pla ang aatupagin ko hayz!

    ingatz!

    ReplyDelete
  38. Nasa pilipinas ka hindi ka manlang makipag EB at mag bigay ng gummyworms anu ba naman yan!

    ReplyDelete
  39. kongratsuleysyen sa award! :D ang kyut ng tropi...hihi... nakakatuwa din ang klasipikeysyen ng madlang pipol, tamang tama... at agri ako sa namber wan, at tin este ten pala, dami kasing ganyan sa skul ko,hahaha :D

    ReplyDelete
  40. @batanggala

    Tenchu sa pagdalaw! dapat ay mag iingat ka sa mga ganyang klase ng fifol ha! Kung sa kaling makikita mo ang best pren ko dyan sa burnaby paki sabi hi at wag kakalimutan ang gummyworms ko. Tenchu

    ReplyDelete
  41. Pinaka cute cutie cute cute na pig trophy! Congrats!

    Ay naku! Ako ang number 9. Panget ang ugali--I swear, hindi lang halata!

    eheheh!

    ReplyDelete
  42. Ako yung # 1, 2, 9 at 10. Sa madaling salita, iwasan mo ako. :|

    ReplyDelete