Wednesday, February 10, 2010

Balik tanaw sa kabataan ni Jepoy

Musmus palang ako nakikita ko na ang pag kakaroon ng double standard ng human race sa mga katulad ko na hindi masyadong kaputian. Okay fine sa mga maiitim na katulad ko.

Pag nag pupunta kame sa ESEM 'nung bata pa ako kasama ang aking mga pinsan na mestiso't mestisa ay nag mumuka lalo akong laking gubat dahil muka akong taga harvest ng kamote sa farmville sa aming Probinsya sa sobra kong kaitiman. Kaya pag nag sa-summer vacation ay mas gusto ko nalang sumipsip ng nectar ng bulaklak ng Santan ng kapitbahay namin o 'di naman kaya mag nakaw ng bayabas sa likod bahay namin kesa sa sumama sa ESEM para mag ice cream at mag Cindys or Tropical hut. Tunay na Matamis ang nectar ng bulaklak ng Santan basta alam mo lang ang paraan kung paano ito kukunin. Minsan habang nag ko-collect kame ng Santan flowers para sipsipin ang nectar sa silungan ng bahay namin ay nahuli ako ni Mama dahil tanghaling tapat noon at umeskapo lang ako sa pag papatulog nya, dumaan lang ako ng kusina para bumache. Yari!

"Hoy ikaw bata ka! Tanghaling tapat ke init init nasa labasan ka.. Hali ka nga dito at matulog ka na!"

"Ma' sandali nalang po.."

"Ay hindi! halika dito at matulog ka na!"

"Nandyan na po.."

Mabilis kong sinipsip ang nectar ng isang bulto ng matatabang Santan flowers para hindi ako malamangan ng mga kalaro ko, aba naghirap kameng kumuha at mamili nito, hindi pwedeng sila lang ang makikinabang. Pero ang dami palang langgam na kulay fusha red sa kalooblooban ng hiyas ng bulaklak ng Santan. Hindi me na pansin na marami palang namamahay na humongous Ants sa Putanginang santan na iyon! wtf! Nag party ang mga langgam sa musmus na red kissable lips ko. Namaga talaga ito ng bongga. Tapos pinalo pa me ni Mudrax. Mula noon ay tinigilan ko na ang pag sipsip ng Nectar ng Santan. At doon natapos ang Santan escapades ko.

Every time na niyayaya ako ng mga hampas lupa kong kalaro na sumipsip ng Nectar ng Santan ay hindi na me sumasama. Unti unti ko ng nilayo ang loob ko sa kanila kahit masakit, it really hart. Di'bale Meron na akong bagong toys ito ay ang... pag gawa ng bubbles using Gumamela flowers plus Mr. Clean at ang kapangyarihan ng tangkay ng papaya para sa pagpapalobo ng tiny bubbles shining in the sun at ang best friend kong Tirador at baril barilan na gawa sa drumsticks na may balang goma!

Lagi akong naninirador ng kalapati ni Aling Natasha Supladita. Araw araw ay namamatayan sya ng isang kalapati hihihihi. Minsan tinirador ko 'din ang window ng kapitbahay namin at doon talaga ako nahuli at kamontikan ng magulpi ni Fudrax. Nanggagaliiti talaga sya ng bongga. Buti nalang brainy ang little Jepoy.Pinairal ko lang ang pagiging artista ko, nag astma-astmahan ako 'nung nakita ko ang mataba nyang sinturon getting ready to spank me. Fuck it!

Yung baril barilan ko naman na gawa sa drumsticks na may balang mga ibat ibang colors ng goma ay ang aking sandata para sa itik at pabo na nanghahabol sakin pag inuutusan akong bumili ng mantika ni Mudrax kila aling Tabud. Ang mga Putangenang itik at Pabo ay tunay na tunay na favorite akong habulin subalit hindi sila uubra sakin dahil meron akong drumstick gun. Pero ang kinatatakutan ko talaga ng bonnga ay ang ang malaking Gangsa (Geese) ni Aling Lina. Kapag binukas nya ang pak pak nyang halos mag iisang metro ang haba at ang leeg nya ay naka pormang attack mode. Dahan dahan ko ng ilalagay ang aking tsinelas sa mag kabilang siko ko at ready narin akong kumaripas ng takbo dahil walang patawad ang Putanginang Mother Geese sa pag habol at pag tuka sakin. Takot na takot talaga me. Malakas ang pag pulpitate ng puso ko. Sa sobrang takot ko nalimutan ko ang mantika na pinabibili ni Mudrax kaya ayon napalo nanaman me.

After ng moment na iyon. Nag concentrate nalang ako sa pag papalobo ng tiny bubbles. Pero napaka boring ng game na ito, pang bading lang walang ka challenge challenge. Palobo ka lang ng palobo gamit ang Papaya trunk. Pero wala akong choice wala na akong mapag lilibangan. Kaya mag hapon kameng nag palobo ng bongga sa farmville. Pero hindi ko akalain na makati pala sa labi ang trunk ng putang Papaya. Nangati me nung gabi. Nagsugat sugat ang gilid ng labi ko dahil sa katas ng Trunk ng Papaya. Naging galis ito. Hindi me nag pa picture tuloy noong 9th birthday ko.Yes, eliminated narin ang toy na ito kinabukasan.

Matapos ang mga iyon hindi na ako masyadong nag hanap ng toys. Nakuntento nalang ako sa mga laro namin tulad ng sabayan nyo ko sa pag kanta kung alam nyo, " Langit lupa impyerno im-im-impyerno saksak puso tulo ang dugo,uno...dos..tres..ales.. "Tsaka, "Mangga Mangga hinog ka naba Oo Oo hinog na ako, kung hinog ka na ay umalis ka na" pero ang pinaka favorite ko ang Potpotjing at Doctor KwakKwak . Hindi mailaran ang happyness ko noon pag nilalaro namin iyon.

Haist! Sarap mag baliktanaw sa Mundo ng Kabataan. Life is never complicated. No responsibilities.No expectations.

46 comments:

  1. Hehehe :D Di ka naglaro pre ng putbowl, saka patintero o kaya tumbang preso, o kaya ung tatching runner ba yun lolzz

    Sarap nga balikan, lalo napapalo ka ng dahil sa mga larong yan :D

    ReplyDelete
  2. @LOrdCM

    Oonga no nalimutan kong i include yan. Actually madami pa nitatamad nalang akong pahabain ang entry ko baka wala ng mag basa.

    Totoo Sarap talagang balikan, pati ang pag lalagay ko ng karton sa pwet para mabawasan ang sakit ng palo hihhihi

    God Bless!

    ReplyDelete
  3. hahaha never pa naman akong napalo dahil sa kakalaro kasi chinese garter at tupak tsinelas(di ko alam ang tagalog nito) lang ang nilalaro ko..ayy pati pala paperdolls naglaro din ako..di ako masyadong naglalaro sa labas ng bahay..maarte kasi ako nung bata ako eh..ayokong pinagpapawisan..hahaha

    sana bata na lang ulit ako..^_^

    ReplyDelete
  4. @Superjaid

    Happy Birthday Superjaid!

    At grabe ayaw mo talagang pawisan bata ka. Susyal!

    True Why do we have to grow up were complications are everywhere. *Sigh*

    ReplyDelete
  5. Kuya Jeps may nakalimutan kang laro..ung chinese garter saka piko yan ang usong uso nun bakit mukhang d nakaabot sainyo hahaha..

    ReplyDelete
  6. @Jam

    Dahil ang paglalaro ng chinese garter ay hindi laro ng mga tunay na lalake ahahhaha

    ReplyDelete
  7. tama ka parekoy, sarap maging bata uli. walang problemang iniisip at nagpapakasasa lang sa laro.

    kaya lang sa henerasyon ngayon, old school na ang mga laro natin nung kabataan.. di na yan nagagawa ng mga bata ngayon. hi-tech na sila, masaya na kahit computer lang ang kasama.. hayss nakakalungkot isipin mangilan-ngilan na lang ang naglalaro sa kalye.

    ReplyDelete
  8. @Sly

    I agree. Hindi ko ipag papalit ang karanasan ko sa kalye compare sa hightech gadgets ngayon. Ang pinaka hi-tech gadget ko lang noon ay NIntendo Family computer na meron super mario game. Bigay ng Tito kong galing sa Saudi na pag umuwi naka leather jacket maong pants rubber shoes at golden alahas everywhere. Pero pwede lang namin laruin ang family computer everyweekend.

    Haist Masarap maging bata. Cheese Karls lang masaya na. No complication and what not...

    *Sigh*

    ReplyDelete
  9. haaysss.
    iniisip ko tuloy parang ikaw yung kababata kong anak mayaman na mukang mahirap at asal hampaslupe...

    hehehehe;jokeness

    ang sarap talagang balikan ang kakulitan ng ating kabataan.. kaya naman kapag nagkaanak ka parekoy, asahan mong masmakulit ng times1000 kesa sayo.

    ReplyDelete
  10. me ganun? at isa ka rin pala sa iilang mga bata na sumisipsip ng nektar ng santan sa paniniwala na magkakaroon sya ng kapangyarihan! hehe isa rin akong taga sipsip nun bata ako, try mo din pindutin yung doorbell ng kapitbahay nyo tapos biglang tatakbuhan hehe!

    ReplyDelete
  11. ginagawa mo din bang bracelet yung santan after ng sipsipan galore? hehe, sumisipsip din ako ng nektar ng santan nung bata pa ko, ngtataka lng ako bkit yung iba kong kalaro snsbi nila na matamis daw, matamis. e wla nmang lasa lols.


    at muka din akong palaboy nung bata, palaging nadadapa kaya umitim ang tuhod ko hahaha.

    ReplyDelete
  12. pareho lang tayo ng naging kapalaran about sa kulay jepoy,ahahaha...asar na asar akong pumapasok ng mall non kasi kitang kita ang kaitiman ko! sa ilaw lang ba yun o talagang sobrang baluga ko?

    gawain ko din yan..sumipsip ng santan...tsaka yung magkulot ng buhok gamit ang tangkay ng balinghoy! ahahaha

    sarap balikan noong time na hindi pa ako marunong tsumupa! hays!

    ReplyDelete
  13. So ito pala yung pinagmamalaki mong bagong post mo!

    Okay naman nakakatuwa pero meron din akong ganitong post yung BATA BATUTA!

    Hindi ba kasali dyang yung GELENG GELENG ISTATWA....sasara ang bulaklak....

    Ingat tae!

    ReplyDelete
  14. @Kosa

    Una sa lahat hindi ako anak mayaman at asal hampas lupa!

    Totoong masarap talagang balikan ang mga kainosentehan natin noon.

    @Anthony

    Gustuhin ko mang pindutin ang doorbell ng kapitbahay naman pero walang mga doorbell sa probinsya namin. Mahihirap lang kasi ang mga tao samin.

    God Bless!

    @Keso

    Ang tamis kaya. Hindi ko ginagawang kwintas ang santan, wtf! LOL At syempre maitim din ang tuhod ko at puro sugat ahahaha

    ReplyDelete
  15. @Ate Powkie

    Natawa ako sa pangkulot mo, hindi ko alam yung balinghoy pota! baka iba lang ang tawag sa probinsya namin LOL. At oo pareho tayo ng kapalaran sadyang maitim tayo ahahaha

    @Drakula

    Payn! Ikaw na ang meron post ng kahit na anung genre! Puta ka! Anu ung geleng geleng istatwa?! Shit di ko alam 'yun ah. Ayun ba yung shake shake shampoo conditioner?! ahahaha

    ReplyDelete
  16. Lol sa mangga na game. D ko naabutan un a! Hahaha. Langit lupa lang !!! lol

    aynako... d ko talaga gusto lasa ng santan nectar. hahaha
    wawa ka naman at nilanggam lng lips mo hahaha

    ReplyDelete
  17. @Steph

    Your back gorgaz :-D Himishu!

    ReplyDelete
  18. soooobrang makarelate ako sa post n ituh jijiji...naalala ko (6 y/o lng ako nun)nung magtangka akong tumakas (sa pagtulog sa tanghali) para mkpaglaro sa ibang bata sa kalye, nahuli ako at isinilid ako ng aming kasambahay sa sako kasi makulit daw...ang kapal niya hahaha at nagsumbong ako sa erpat ko hayun talsik agad siya kinabukasan bwahahaha...

    meron kaming game dati about santan, pinipitik at paunahan ng ubos ng petals jijiji...

    those were the days! Hayz!

    ReplyDelete
  19. taguan, cops and robbers, matayataya, tumbang preso, monkey monkey anabel..hahaha!!

    e ngayon, PSP, Xbox, Playstation, Dota.....

    sarap maging bata..at batang isip.

    ReplyDelete
  20. @Jag

    Susyal may yaya talaga! Kame nilalaro din namin yan pitikan ng petals ng santan hihihi

    Sarap talaga maging bata ulet! Haist!

    @Stibi

    Buti nalang b atang isip ako hihihihi

    ReplyDelete
  21. Hays' i never had a chance to play when i was kid ... Nerd eh... Hehe kaya ngayon ako naglalaro hahaha

    ReplyDelete
  22. @Ahmer

    Lahat naman tayo meron parin kid inside us. At masarap talagang mag laro lalo ng ng apoy hihihihi

    Ingats!

    ReplyDelete
  23. I have mastered the art of playing PIKO...lol! kumukuha din kami ng dahon na may dagta para ilagay sa tenga at gawing hikaw, viola may miss universe pageant na kami :)

    ang girly naman ng mga games mo nung bata! parang di ka mapuan nyan eh! wag ganun! haha! joke

    dami din ako post ng katanggahan at ka-kikayan nung bata... Bisitahin ang aking penpendesarapen nail it down list para malaman! :)

    ReplyDelete
  24. @Roanne

    At Girly pa pala ang Tirador at baril-barilan na gawa sa drumstick. Hmp! Ahahaha

    Sige bibisitahin ko yan now na. At uuwi ka pala ng Pilipinas ha?!

    ReplyDelete
  25. meron pa, ung pataasan ng ihi, ska palayuan ng dura, ska karera ng langaw na walang pakpak...

    ReplyDelete
  26. sabi nga sa PBB for melai:

    "sa paa mong parang magsasaka di ka kumakain ng gulay?!" haha

    btw, san sa palawan? coron, el nido or puerto prinsesa? i can help you!

    ReplyDelete
  27. @Chyng

    Kulet ng statement!!!

    Sa Puerto Prinsesa :-D

    ReplyDelete
  28. Naalala ko tuloy yung post ko (melai mode)

    Hay naku nung ginalis yung bunganga mo FMD yun sinisi mo pa yung papaya nyahahahahahahahahahahahahahaha


    Ako rin ginawa ko rin yun sa papaya pero minsan nagkamali ako nahigop ko yung sabon instead of blog kaya nandiri na ako

    At mali yang ending ng version mo ng Langit Lupa dapat ending nyan eh Patay buhay umalis ka na diyan!

    Nakakatuwa talagang balikan ang nakaraan (arvin mode)

    ReplyDelete
  29. Mas gusto ko pa din ang mga larong kalye kesa sa mga gawain ng mga bata ngayon na sa computer games nahuhumaling.

    Mas maswerte pa din tayong mga bata noon kesa sa mga bata ngayon. Pang tamad ang mga laro ngayon e, mga daliri lang naeehersisyo hindi gaya sa habulan na naglalaro ka na e naeexercise pa buong katawan.

    Rant ko lang naman yan. haha

    ReplyDelete
  30. waaaahhh. gusto ko nang maging bata ulit. hahaha. isama mo na rin ang larong langit at lupa.hahaha. favorite ko yun ng bata pa ako. haha. nakatikim din ako ng nectar ng santan.

    ReplyDelete
  31. @Glentot

    FMD mo Betlog mo! Nyeta! Ay oo nga no ganun nga pala 'yung dulo ng langit lupa. Kalimutan me na eh.

    @Don Dee

    True Mas masaya talagang mag laro sa kalye kahit amoy araw na pag hapon iba parin ang kaligayahan.

    @Kikilaboz

    Tara na balik na tayo sa pag kabata. Ang dami palang batang nakatikim ng nectar ng santan. eh yung isang nectar natikman mo na? hihihi

    ReplyDelete
  32. @Bosyo

    Di ko alam ung karera ng langaw effort naman alis ung pakpak nun. Ung samin um tutubi puputulan na,in ng wings tapos papaliparin, tsaka sabong ng gagamba.lol

    ReplyDelete
  33. @Bosyo

    Di ko alam ung karera ng langaw effort naman alis ung pakpak nun. Ung samin um tutubi puputulan na,in ng wings tapos papaliparin, tsaka sabong ng gagamba.lol

    ReplyDelete
  34. isa lang ang peborit ko... yan ang...HABULANG GAHASA!

    ReplyDelete
  35. lol @ habulang gahasa haha

    ang sarap naman magbalik-tanaw!

    ReplyDelete
  36. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  37. Haay namiss ko rin tuloy ang kabataan ko. Hindi ko lang alam bat hindi ko mahimay?

    Hobby rin namin yang sumipsip ng nektar ng santan, gumawa ng gumamela bubbles pero dinadagdagan namin ng alugbato para mas malapot.

    Ska miss ko na rin tumambay sa taas ng puno ng alatiris.

    Hay life!

    ReplyDelete
  38. @Chingoy

    Habulang gahasa?! Hindi ko alam yun ah! Oist ikaw ba ung edsel na nag add sakin sa fezbook?!

    @Citybuoy

    Sarap talagang mag balik tanaw Haist!

    ReplyDelete
  39. sumipsip ng nektar sa bulaklak ng santan. hahaha! ginagawa ko rin yan noong ako ay bata pa. sarap magbalik-tanaw sa kabataan! :)

    ReplyDelete
  40. @Aris

    Sir first time ka dito ah! Yep tunay na tunay sarap talagang mag balik tanaw sa kabataan!

    Salamat sa pag bisita!

    ReplyDelete
  41. haha, nakakatuwa naman. nakakareleyt ako sa santan, naging hobi ko rin ang pamimitas ng santan ng lola ko,pero hindi kinukuha yung nektar, kundi kinakalat lang sa paligid, para maging kolorpul.at pinagdudugtong dugtong para makabuo ng nekleys.haha... tinatakasan ko rin sa mamanggala para makipaglaro ng tamaan bola.haha... ayst!kakamiss!haha:D

    ReplyDelete
  42. @Batanggala

    Buti hindi ka pinalo ni Mamanggala hihihi

    ReplyDelete
  43. kamoteng kahoy yun Jepoy...balinghoy sa mindoro..ahahaha

    ReplyDelete
  44. Loko-loko ka rin pala nung bata ka... HAHA! XD Yan tuloy dahil nititirador mo mga kalapati, ayan gumanti si mother goose. XD

    Di ako naadik sa santan nectar. Kasi bawal. Papagalitan kami pag nakita kami eh. XD

    Yiih, namiss ko yung langit-lupa-whatever na yan. HAHA! May time kasi na naging batang kalye din ako. Ayun, lagi din ako napapagalitan nun kaya nag-behave na lang ako. ^^

    ReplyDelete
  45. @Rich

    Langit lupa whatever talaga lolz Susyal naman :-D

    Salamat sa pag comment.

    God Bless!

    ReplyDelete
  46. nung bata pa ako marami akong kalaro. neighborhood kids. masaya pa dahil di nagkakalayo ang mga edad namin. sa probinsya ako lumaki at madalas umaakyat kami ng mga bundok at madalas din na naliligaw kami. kung mag-aaway man, hindi inaabot ng kinabukasan, bati na.
    hays! ang sarap maging bata uli!

    ReplyDelete