Wednesday, February 24, 2010

Tips ni Jepoy

Hindi ko ine-expect na darating sa point na gusto kong mag blog pero wala akong masulat as in wala, dahil siguro iyon sa kapangyarihan ng sinigang ni Aling Loydita. Pag hinihigop ko kasi ang sabaw ng sinigang nya ay napapapikit ako ng slightly bongga at napapasabi ng, "Aray! pota ineeet!"

Malay ko bang mainit ang sinigang nya kung alas-singko na ng hapon?

Marahil maitatanong nyo baket alas-singko ako nag lunch. Ang masasabi ko "Anung paki nyo sa life ko?!" Chos! Kasi nga po sobrang inet sa kwarto ko. Tsaka si haring araw ay ayaw paawat na sikatan ang muka ko. Kahit ang makapal kong Green Curtain ay hindi ito kinakaya. Kaya early to rise ako. Isa na siguro ito sa effect ng El Ninyo Phenomenon (hindi ako marunung gumawa ng enye kaya ganyan nalang spelling)

Sinubukan kong mag basa basa ng articles about El Ninyo pero nag nose bleed lang ako. Ganun siguro pag pabobo ka na ng pabobo lumalapot na ang utak, joke! Ayon sa facts at pag kakaintindi ko sa nabasa kong article ang El Ninyo daw ay isang abnormalidad na nagaganap sa karagatang Pasipiko sa my area ng ating equator na kung saan normally ang hangin ay umiihip from East to West since mas colder sa East end ang Colder Water doon ay na didistribute papuntang West end pero sa case na 'to nag iiba ang ihip ng hangin or nag kakaroon ng issue sa pag punta ng tubig sa west kung kaya puro hot water lang nandun na nag cacause ng mataas na temperature tapos nag cause ng tag tuyot at di pag ulan.

Pero sa tingin ko na gagalit na satin si Motha Neycha kasi nga abuso tayo sa kanya. So sa ganitong panahon paano ba tayo makaka tulong in our own little way?

Heto ang ilan sa mga suggestion ko. Kung ayaw nyo gawin kebs!

1. Since nag kukulang tayo sa tubig dapat mag tipid. Kung tatae wag ng gumamit ng flush kasi mas marami iyong nakukunsumong tubig. Pag iihi wag din. Kung natatae ka tanuningin mo ang kasama mo sa bahay kung na tatae din sya. Tapos mauna ka na tumae pero wag kang mag flush. Tawagin mo ang next tapos sya naman ang tatae susunod, ngayon kung wala ng tatae saka mo na buhusan ito.

2. Since mainit given na dapat tayong maligo araw araw, ewan ko nalang sa inyo kung di kayo araw araw na liligo, kamusta ang skid mark sa brip nyo. Pag maliligo sahurin ang tubig at i-imbak ito sa isang malinis na lalagyan kasi pwede nyo itong gamiting pang tutbrash tsaka pang buhos ng tae nyo at ihi.

3. Wag ka ng mag electric fan pag matutulog ka lalong lalo na ang Aircon kasi malakas mag consume ng Kurente. Mag nude ka nalang pag matutulog ka at gumamit ng abaniko. Sige na nga, kung sobrang init mag electric fan ka pero dapat 1 hour lang i timer mo sya. Kung walang timer ang electric fan mo wag ka ng mag electric fan.

4. Mag imbak ng maraming plato at baso at kutsara. Pag tapos kumain itambak lang lalabo ang kinainan hugasan ang lahat ng kubyertos na ginamit tuwing sabado lang. Para tipid sa tubig. Mag Spray nalang ng baygon para walang ipis sa paligid.

5. Gumamit ng side A at side B sa Brip, Boxers at Panty para tipid sa sabon at tubig

6. Gamitin ang baterya ng kotse para manood ng tv. Gumamit ng di-uling na plantsa sa pag pla-plantsa ng damit.

7. Itapon ang DVD, Play Station, Wii at kung anu anu pang shit na mag kokonsumo ng kuryente

8. Wag kang mag tikol everyday dapat MWF lang (di ko alam baket kasali to)

9. Kung gagamit kang CR para maligo wag ka nang mag sindi ng ilaw. Kabisado mo naman kung nasaan ang kilikili, singit, betlog at face mo malilinisan mo rin sila ng maayos. Nakatipid ka pa.

10. Patayin ang Main fuse pag aalis ka. Hayaan mo ang katulong nyong gumawa ng paraan paano lilipas ang mag hapon nya. (joke lang ang last wala na kasi akong maisip)

Sana po ay nakatulong ang mga tips ni Jepoy! See you Monday po at happy weekend sa inyong lahat!

34 comments:

  1. Nahilo ako sa definition ng El Ninyo. LOL

    Ano naman ang kinalaman ng pagtitikol dito? Unless OC ka at kailangan mong maligo lagi pagkatapos. Eh pwede namang punasan ng tissue o kaya sa damit. ;)

    ReplyDelete
  2. @Gasul

    TSE! Ang hirap mag explain e...

    'Di talaga kasali ang tikol nilagay ko lang para sweet ahahaha Nyeta ka gasdude! LOL

    ReplyDelete
  3. hindi ko kayang itapon ang aking PC at kung ano ano pang shit na nakapagpapasaya hehe ok ang #8!

    ReplyDelete
  4. @Anthony

    Pwes dahail dyan sapok ang aabutin mo sa Mudrax mo!

    ReplyDelete
  5. Naks may tips ka pang nalalaman dyan! Uminom ka na lang ng sabaw ng sinigang!

    Langya nahuli ako sa ofis na nagYYM potah kayo!hahhaa

    Papalamig muna ako!hehhe

    ReplyDelete
  6. wahhh. mukhang hndi ko kakayanin yan. ahehe. siguro maghahanap na lang ako ng other way para makatpid ng tubig

    siguro.

    makikisabay na lang ako maligo sa kapitbahay naming mgnda. para basang basa kming dalawa/ haha.

    ReplyDelete
  7. @Drake

    Wag ka nang mag explain tinataguan mo ko! Papalit palit ka pa dyan kala mo di ko mahuhuli! TSE

    Hihigop nalang ako ng sabaw ng sinigang talaga! Buset!

    @Kikilabots

    Ang bastos mo po! Sige pag tapos nyo kinabukas ako naman sasabay hihihihi

    ReplyDelete
  8. parang kadiri ang ilan dito pero infernes..mukhang magiging epektiv to..hehehe

    ReplyDelete
  9. Ang pinangmumog mo ay ibalik sa baso para magamit ng ibang magsisipilyo!

    Dagdag lang! :)

    grabe dito yata napupunta lahat ng tubig na hinihigop ni haring araw, nagugulat nalang ako basa ang sahig namin! Kainis ang humid!

    ReplyDelete
  10. @Superjaid

    Hhihihihi kadiri ba?!

    @Roanne

    Ay napaganda ng iyong suhistyon... Shower lang ng shower pag humid :-D

    ReplyDelete
  11. kaya kung gawin lahat ng tips mo, wag lang yung number 8,,buwahahahaha

    ReplyDelete
  12. @Bosyo

    Baket mo ayaw yung number 8 3 times a day ba ang pag titikol mo? LOL

    ReplyDelete
  13. napatawa ako konting konti.
    hehe

    at dahil sa mga tips na ito,
    lalago ang ekonomiya ng Pilipinas at maaahon na sya sa pagiging pangatlong daigdig lang.
    astig ang #8!
    Tama yan! bukas makalawa may
    pro state kangkangser ka na.hehe

    ReplyDelete
  14. @Kosa

    Baket ka na patawa ng konti eh hindi naman ako nag papatawa. Serious kaya ako! Nyeta ka!

    Wha't up with number eight???!!!! LOL

    ReplyDelete
  15. lupet ng tips mo tsong! haha

    in fairness, grabe nga yung init. saktong 12 nagigising ako parati kasi hindi ko kinakaya ang init.

    ReplyDelete
  16. @Citybuoy

    Oo sobra talagang init as in! Nagigising din ako at hindi na nakakatulog ang laki na ng eye-bags ko :-(

    ReplyDelete
  17. Mainit ba talaga? eh bakit dito hindi?! :D

    Pero okey yung tip no.1 mo ah! mas okey nga kung punuin muna ung inidoro ng tae bago buhusan eh :D

    ReplyDelete
  18. Sana pagdating mo sa Boracay tuyo na ang tubig!

    ReplyDelete
  19. Haha! Nice one glentot! Haha

    ReplyDelete
  20. "if it's yellow, let it mellow... if it's brown flush it down!"--- meet the fuckers!

    kami sa bahay, ung pinaghugasan ng pinggan pang-flush sa CR... :)

    ReplyDelete
  21. @LordCM

    Kadiri naman! Eiw

    @GLentot

    Buset ka! Sana hindi matuloy ang panambengga okaya naman malimutan mo ang camera mo sa public toilet. Buset!

    @Roanne

    Hmp!

    ReplyDelete
  22. @Chingoy

    Mas maganda yung pinag hugasan ng bigas gamitin mo pang toothbrush hihihihi

    ReplyDelete
  23. natawa ako.
    haha.
    dahil mejo masama ang ugali ko, ayaw kong makatulong at ayaw kong magtipid.
    saka ko na gagawin ang mga suhestyon mo 'pag tuyo na talaga ang Pilipinas.=D

    ReplyDelete
  24. @D-Younker

    Hi Sweetie you're here. Nahiya naman me *blushing*

    ReplyDelete
  25. the best ang number 10.

    bahu mo talaga parekoy. bwisit ang number 1

    ReplyDelete
  26. @paps

    ang bango ko kaya! Umayos ka!

    ReplyDelete
  27. Tama yang number 7, ang laki ng binabayaran ko sa kuryente : D

    ReplyDelete
  28. @aHMER

    Itapon mo sakin please...hihihihi

    ReplyDelete
  29. naks.
    mahiyain na sya.
    nagbibinata !
    ;)
    hehe.

    ReplyDelete
  30. astig ang mga tips. haha. natawa po ako ng bonggang bongga, pero, may point naman po kayo dyan. por syur epektib yan! :)

    ReplyDelete
  31. bongga yung 10, medyo kinawawa nga lng yung kasambahay. hhaha. bad.

    hyaan mo every other day n lng ako maliligo paara tipid.:))

    ReplyDelete
  32. pano yan.. pano pagbblog? nakaka consume din ng kuryente. haha!

    ReplyDelete
  33. tenk you sa tips...

    .at sa tawa. hehe


    ...at as in wala ka pang maisulat! wow! lol

    ReplyDelete