Monday, February 22, 2010

Photo Shoot Chronicles

Medyo madami akong naging activity last weekend at ngayon lang ako nag karoon ng time para mag kwento. At syempre sa Opis ko pa ito na isipang isingit gawin, LOL. Well any who (any who talaga?!) Saburdey ng umaga after our shift, niyaya ako ng Opis mate ko kung interested daw ba 'kong sumama sa isang Photo shoot kasi gumagawa sya ng Portfolio nya. Medyo kinakarir nya ito talaga ng slightly bongga. And so, I decided to join them since gusto ko rin bumili ng DSLR, hindi dahil sa "In" ang photography sa mga panahon ngayon kundi dahil sa gusto ko talaga ang mag picture-picture na good quality naman. Sa totoo lang photojournalist ako noong high school at nakipag tungali pa ako sa DSSPC and Photo Environment Contest pero pareho akong talo doon, Nyeta! ako ang weakest link!!! (Nakuha ko pa talagang ikwento! Shit)

Ako ang naging best supporting actor noong Saburdey. Kasi sumama ako sa event ng wala naman talaga akong gagawin. Wala rin akong dalang camera, ayoko naman dalhin yung digicam kong di-baterya baka tampalin ako ng models habang nakikipag sabayan ako sa mala heganteng DSLR ng mga kasama ko, kawawa naman me. Friendship lang talaga at katawan ko ang na-offer ko sa kanila. Pero actually tumulong naman akong uminom ng Orange Juice at Kumain ng Mixed nuts. Tsaka nag setup din pala ako ng laptop at pinahawak sakin ni Stibi yung camera nya at nag shoot din ako. Aylabet! Ang ganda ng kuha ko!

Bali si Stibi (Opis mate ko) tsaka si Mel (Opismate ko rin) sila ang mga talented na photographer next to me obcors, LOL. Tapos Dalawa din sa Opis mate ko ang models si Ambot tsaka si Peaches. Alam kong gusto nyo ng makita ang Sample shots kaya eto na nga ishare ko na hindi na ko mag papatumpit-tumpit pa...

Presenting Ambot...






Presenting Peaches








Presenting Steph







Oh Guys wag masyadong mag wet ang betlogs ha! Magagalit si Papa Jesus... hihihihi Syempre dahil kasali ako hindi ko isasali ang mga pictures na kasali ako nakakasulasok iyon pero alam nyo ba kung ano ang totoong reaction ko habang nakikita ko ang mga models??? Ito ang itchura ko...


At ang putang si Glentot may pag nanasa talaga sa akin dahil ni nakaw nya ang picture ko nyan at nilagay sa blog site nya, ginawa nyang latest entry. I hatechit!

At ito ang picture naming mag kaka oopis mates. From left to right Stibi, Mel,Peaches,Jepoy and Ambot


Onga pala hindi po photoblog ang nakikita nyo. Na excite lang akong ilagay ang picture. First time ko kasing naka attend ng pictorial. Sa probinsya kasi namen pag graduation lang may pictorial, yung la-lagyan ka ng ribbon tapos pag nag lalakad ka habang kinukuha ang fake na certificate na naka rolyo merong photographer na bigotilyo ang mag pi-picture sayo tapos mag babayad ka ng 100 tapos di mo naman ma kukuha yung picture. BUset!

47 comments:

  1. wait, kala ko nakabili ka na? hindi pa ba?

    ReplyDelete
  2. Chynd dipa! Si Glentot yun pero bibili na ko, meron nalang mga inaayos na konti!

    ReplyDelete
  3. Gantihan mo si Glentot...
    maglagay ka rin ng litrato nya dito sa blog mo at laitin din natin...lols
    yun ay kung kaya mo..

    hahaha

    sa mga picture pictures nyo,
    ayus na ayus!! makakatulong yan sa world peace! wahahaha

    ReplyDelete
  4. @Kosa

    World peace. Alam mo yang si Glentot kras ako nyan at ako nanaman ang pinag tripan! I hatechit!

    ReplyDelete
  5. jepoy, nakita ko sa mga mata mo na ikaw ay napaka excited sa pagbili ng camera...pwede ka na kumuha ng pics..i adjust mo lang yung natitirang i-space sa taas nung frame at sayang. haha.

    ReplyDelete
  6. @Stibi

    MAPANLAIT KANG PALAKA! Nahihiya kasi ako pag maraming tao kaya ganun. TUruan mo pa ko matutu din ako! I hatechu! yan nakikita ka na nila sa picture hihihihi

    ReplyDelete
  7. nakakaloka naman kabalbunan ni kuya. haha

    ang cute cute talaga ng pic mo. tignan mo yung comment ko sa blog ni glentot. haha

    ReplyDelete
  8. kulang sa projection.... smile pa... hayan sige pa!!!

    cut na direk!

    ReplyDelete
  9. Bakit ako na naman ang napagdidiskitahan mo ano bang nagawa ko sayo???

    (maang-maangan)

    ReplyDelete
  10. model status ka na pala ngayon ah.. haha!

    hawig ni steph si claudine barreto. just a thought :)

    ReplyDelete
  11. may hawig si ate steph dun sa last pic nya kay christine reyes..ayos!^_^ hehehe ang kyut mo dun sa pic mo kuya jepoy kaya pala nagpalit ka ng profile pic sa fb..^_^

    ReplyDelete
  12. pakikiss na lang ako ke steph

    ReplyDelete
  13. ang pretty ni steph (parang close hehehe) at ang cute ni JEPOY.. more! more! more!

    ReplyDelete
  14. Sana naging BULAKLAK na lang ako!hahaha!

    Medyo nasira ang tyan ko nung nakita ko yung pic mo! Nausog ata ako pre!hahahha

    Iintayin ko ang mga kuha ni Glentot Utot sa kanyang camerang presyong ginto

    ReplyDelete
  15. Ang sarap naman nyan, I mean ng feeling na kumukuha ka sa Photo shoot. Atat na rin akong magkaroon ng DSLR. Pero control lang dahil baka mapariwara ako sa laki ng babayaran hehe!

    Anyways, okay yung picture mo ah. Maganda rin yung dalawang girls. Yung Steph parang artista, combination ng ganda nila Anne Curtis at Claudine Bareta este Barreto.

    Ayos yan, kapag nakabili ka na at meron na rin ako at pag nasa Pinas ako at meron kang Photo shoot isama mo ako (sa mga kukunan mo haha) Ang daming at nun ah.

    ReplyDelete
  16. ayiee kyut kyut ni step, pareho kmi ng kilay, wahahaha. at kw nman jepoy, para kang bear. hihi.

    ReplyDelete
  17. naks.
    artistahin na.
    papictorial-pictorial na lang.
    haha.
    pa-autograph !

    ReplyDelete
  18. @Citybuoy

    Oo nakita ko at tawa ako ng tawa! Hmp!

    @Chingoy

    Playing director ka?! Umayos ka!

    @Glentot

    Dapat ako nga ang mag tatanong nyan, baket ako nanaman ang napagdiskitahan mo? alam mo naman na super duper cute ko eh LOL

    ReplyDelete
  19. Cute ni AMbot.. parang he reminds me of someone.. hehehehe

    ReplyDelete
  20. @CHikletz

    Syempre naman Chikletz, dapat merong ganung factor talaga pag pogi ka! LOL

    @Superjaid

    Yes meron nga syang hawig kay Cristine Reyes... Hihihihi

    @Pablong Pabling

    Kasi baka ma discover ako sa blog ko mawalan ng Karir si Aljur Abrenica LOL

    ReplyDelete
  21. @Khekz

    YEs pretty si Steph at CUTE si Jepoy hihihihi. Salamat sa pag comment

    @Drake

    Hindi ka pwedeng maging bulaklak. TSE! Ahahhaa

    Kaya sumakit ang tyan mo kasi nasobrahan ka ng peanut butter tsaka cofee! I hatechu

    @NOel

    Sure isasama kita sa photohoot Noel Basta bawal mag kasala ha! Ahahaha

    Yes magaganda talaga ang models!

    ReplyDelete
  22. ganda ni steph... more photos of her plsss, hehehehe

    patayo ka na ng studio parekoy, pwede na!

    ReplyDelete
  23. @KEso

    Talagang Bear! I hate chu! Sa susunod isasama kita sa photoshoot tignan natin kung pareho kayo ng kilay ni Steph LOL

    @D-Younker

    You're here!!!! OMG! *Blushing*

    @Dhon

    Talagang na remind ka ah! Uyyy! hihihii

    ReplyDelete
  24. @Sly

    HIndi ako ang kumuha ng mga yan! Miron lang ako! Yes maganda si Steph maganda rin si Peaches.

    :-D

    ReplyDelete
  25. Kakatuwa naman ang trip ninyo... Matry nga!

    ReplyDelete
  26. @Mangyan Adventurer

    Yeah, you should try it, so fun!

    ReplyDelete
  27. wow...nice ah...first time kong dumalaw sa blog and i love your post..kakatuwa nmn.....
    ang pose mo ang pinaka gusto ko...winner!....pwde pwedeng na!...lolz!

    ReplyDelete
  28. @Lady in Advance

    Thank you thanks you po! Salamat sa pag dalaw at pag kumento. Balik po ulet

    ReplyDelete
  29. nice shot . mahirap din ang maging fashion potograper. yung boss ko dati ay mahilig dyan. kahit simpling tao ay napapaganda nya sa mga angolo na mabibighani ka.

    ReplyDelete
  30. @Life MOto

    Salamat sa pag bisita sir. Oo nakita ko nga na mahirap maging fashion potograper talaga, pero nakakaenjoy...

    Sabihin mo sa box mo dati picturan nya ko hihihiih

    God Bless Sir!

    ReplyDelete
  31. jepoy, tampo na ako sayo. kay stibi ka na nagpapapicture. oo na. mas magaling na magpicture si stibi. hehehe ang drama.

    ReplyDelete
  32. IShtell

    Sa susunod sasabihan ka namin ni Stibi para mag picture picturan tayo!

    Hihihihi

    ReplyDelete
  33. parang gusto ko din bumili ng DSLR ha,,kaka inggit.

    ReplyDelete
  34. HOY JEFFREY TANGGALIN MO TONG MGA PICTURES KO PWEDE??!!! NYEMASSSSSSSSSS!!! Respeto mo nalang kay Mel -- kung wala kang repseto sa akin!! GRRRRRRRRRRRR

    ReplyDelete
  35. at sino naman si anonymous na umaapela?? ahahaha

    gusto ko yung pang 3rd na pic ni Steph...simple pero ang sexy ng dating!

    ReplyDelete
  36. Dapat kasi nagpapix ka rin eh, ung nakahubad at kita ang tyan :D

    ReplyDelete
  37. ang ganda ng subject i.e. bulaklak...bulaklak at bulaklak, joke only... maganda yung gurl at maganda ang pagkakakuha...

    kulit ng girl sa last pic...

    ReplyDelete
  38. that's what I've promise.
    and i do enjoy reading your blog.:)

    ReplyDelete
  39. astig ng picture m papa jepoy.hahaha.npaka seksi talga ni steph.

    ReplyDelete
  40. @Bosyo

    Bili na!

    @Anonymous

    Who you?!

    @POwkie

    Sexy talaga sya!

    ReplyDelete
  41. @LordCM

    Nakakasulasok iyon!

    @Scofield

    Kras mo scofield?!

    @D-younker

    Thanks, lakas ko naman sayo!

    @Kikilabotz

    Kras mo rin?! LOL

    ReplyDelete
  42. Wow! May bagong photo si Jepoy. =D Kuha mo ba mga yan? Ang galing mo ah. Congrats!


    Jules
    Soloden.Com
    The Brown Mestizo

    ReplyDelete
  43. @Jules

    Hindi ko po kuya yung mga yan. Kuha ng mga officemates kong talented

    ReplyDelete
  44. masyadong kontrobersyal ang picture mo from glentot's blog, dito sa iyong blog at sa iyong facebook hehe!

    Baka mas mauna kang ma-discover kesa kay Glentot.

    ReplyDelete
  45. @Noel

    Ganun talaga ang artistahin Noel ahahahaha

    ReplyDelete
  46. Sir, ganda naman ng Steph at Peaches nyo. Bihira akong magtagal ng tingin sa images but I had to know who they are. Maybe hanggang ngayon magaganda pa rin sila. Salamat.

    ReplyDelete