Thursday, December 30, 2010

Blogger's EB (Roanne and Bulakbul in the House)

Iiklian ko lang post promise.

Alam nyo naman na isa sa pinaka na-appreciate ko sa blogging eh 'yung you'll get to know the people face-to-face na nakikipagkulitan sayo parati through comments at hindi ang mga award-award shits, hindi kasi ako nanalo (bitter?!). At dahil nga doon, marami-rami narin akong nakilala ng personal, which I think is positive kasi dumadami ang aking fans. Jowk! Syempre friends at free food bwahihihihi.

So this time I was priviledged na ma-invite sa isang simpleng kita-kita, nothing special, pero naging special ang gabing iyon. Umuwi ng Pinas si Architect Roanne at si Engineer Bulakbulero.sg at naimbitahan ang inyong lingkod para makakiskisang siko sila. Eto picture ng ating OFW blogger visitors. Sila na makinis! Kung makaakbay si Dyowel parang wala ng bukas. hahahaa


So nagkita-kita kame kasama ng ibang local blogger friends dito sa pinas. Syempre pag OFW given na yung manlilibre sila, strong bones nalang ang hindi nanlilibre, Susme! LOL

Syempre kasama sa EB ang pekchur-pekchurs. Syempre pacute ang lahat lalo na si Wicked mouth na ayaw pa awat sa pag tilt ng leeg para mag pa cute, level up...


tapos after kumain, nag paramdam naman ng yaman si Engineer Bulakbulero sa pamamagitan ng San Mig Lights. Tapos umeskapo kagad. May booking. LOL

At syempre hindi pwedeng matapos ang gabi ng wala kameng picture nang aking schoolmate na si Ro Anne, VIVA MAPUA!!!! Nakaka Starstruck ang kagandahan nya! at busilak na puso. Pasensya na sa doublechin ko ang tanga-tanga kasi ni Andy mag take ng picture ahahahha

at syempre meron din group pekchurs... Punyeta! saka ko lang na-realize na kulang pala ng "the" yung in the house ko. Ako na tanga sa grammar.

Okay, yan lang yung pictures na nagawan ko ng captions. Abangan nyo nalang yung iba sa blog ng mga sumama, tamad much?!

Maraming salamat kay Ro Anne sa Christmas Gifts pati narin kay Ahmer na nag paulan ng paraffle na toothpaste, sabon, chocolates, toothbrush at kung ano-ano pang pangkabuhayan showcase. At sa mga sumama it was nice seeing you. Finish!

At to you my all dear readers May the good Lord bless you with more Prosperity on the coming new year! Happy Happy New Year to you All! Alab ya! *Smack*

Sana makita ko kayong lahat bago ako maging ganap na OFW!

GOd Bless powz!

Thursday, December 23, 2010

Jepoy's Christmas Video Greeting

Short Post lang to.

Dahil mag papasko na gumawa ako ng walang ka kwenta-kwentang Video para batiin kayong lahat ngayon birthday ni Papa Jesus, balak ko sana mamyang madaling araw nalang ipost kaso lang na excite ako kaya post ko na rin.

Silip na sa nag sasalitang Siopao, a Seasons Greeting from Pluma ni Jepoy para sa tatlong masugid na nag babasa ng blog ko. LOL

Video Greeting from jbla on Vimeo.

Kahit na walang kwenta ang mga pinag sususulat ko maraming salamat sa pag babasa at pakikupagkulitan. Sana ay makadaupang palad ko kayong lahat, libre nyo me.

Paki hug nalang ako sa inyong tropa, pamilya at mahal sa buhay! Have a blessed and meaningful Christmas blogger friends!!!


*Smack*


Tuesday, December 21, 2010

Si Jepoy at Si Kuya Manong

Sa mga panahon na ganito nakakairitang lumabas para gumimik or mag shopping or even makipag siksikan sa rush hour papuntang office. Bukod sa fact na wala akong pang shopping which by the way is most frustrating of all, eh, sasabayan pa ng potanginang bigat ng trapiko sa metro at mga strong bones na taxi drivers na more-more hingi ng dagdag, at hindi lang basta bente-bente ang hinihingi nila. Anak baka! Strong bones?! Hindi lang 'yon, nakukuha pang mamili ng pasahero (Choosy much?!) kahit na isang tornilyo nalang ang umaagapay sa sasakyan nila para hindi ito tuluyang mapunta sa junk shop. Hindi ko naman ni lalahat pero ang dami nila these days, mga mapag samantala, palibhasa maraming pasahero.

Meron akong na experience, last week lang, kumurap lang ako ng isang mili-second nadag-dagan na ng 2o petot yung metro. Inisip ko kung Airport Taxi ba ung nasakyan ko at medyo maatim ko yung mabilisang dagdag ng metro, but NOOOOOOOOOOOOOO, K-I-A Pride ito na pupugas-pugas ang Aircon. 'Yung tipong mas malamig pa sa labas ng taxi kesa sa loob. Feeling ko nga chicharong bulaklak na ko pag labas ko. Yung super crunchy or minsan iniisip ko kung nasa loob nga ba talaga ako ng taxi or nasa compartment ako, ang inet kaya.

Okay, dahil sa spirit ng Christmas pinag bigyan ko si Kuya Manong. Maya-maya pa, tinanong ko baket kame dumaan sa mga eskinita na hindi familiar sa akin, natakot me ng slight baka salvage 'to. Sabi nya short-cut daw para iwas traffic. Sabi ko naman, kahit saan ma-traffic, dadag-dagan ko nalang 'yung bayad ko.

Ampotah shet!

Si Kuya Manong nag marunong-marunung pa sa pasaherong araw-araw the same ang route. Naipit kame sa traffic lalo tuloy, by this time gusto ko nang ingud-ngud ang pag mumuka nya hindi sa manubela kundi 'dun sa ilalim ng paa nya, dun sa tapakan ng gas para maamoy nya yung paa nya, buset! kaso naisip ko ang hirap naman ata 'nun effort on my part kasi nasa likod ako nakaupo (Naiimagine mo ba ang effort na gagawin ko?!) Kaya sa manubela na nga lang. Pero, dahil nga mag papasko, hinayaan ko nalang si Kuya Manong at nag txt nalang ako sa Boss ko na i'll be comming in late because something came up. Gasgas na gasgas na ang something came up na dahilan ko, 'di ko sure tuloy kung may kapangyarihan pa iyon, Puta!

Para hindi ako masyadong ma-bore nag sit ups muna me para sa aking six pack abs. Juk! Natulog muna ako ng 8 hrs, chos! Mga 20 minutes lang. Pag gising ko... Sa kabutihangng palad, hindi parin kame umaandar. Putanginaaaaaa! nasa 120 na ang metro. Lampas na sa budget ko.

Okay lang sana kung malamig ang taxi like yung mga bagong Vios na nagkalat kaso hindi eh. Nakita ni Kuya Manong na hindi na ako kumpurtable Ate Charo kaya para gumaan ang loob ko bigla nyang kinabig ang manubela at nag U-turn papuntang Edsa. Nampota kung kanina pa kame dumaan dun eh nasa office na ako at nakapag update na nang blog. Sucks to be me!

Total ng metro ay 160 petot, binigyan ko sya ng 200 petot, sabi ko sa kanya na yung 40 petot na sukli muka kasing 3 months na syang hindi nakakakain. Imbes na mag pasalamat humirit pa ang punyeta na dagdagan ko daw ng 10 pesos para 50 na. WTF!!!!!! Pag hahanapin mo pa ako ng Barya Kuya Manong?! Seriously?!

Dahil mabuti ang puso ko (walang kokontra blog ko 'to, mag blog ka rin at doon mo sabihin mabuti ka) nag hanap talaga ako ng barya sa bag ko. Puta sya! kung di lang mag papasko sinungal-ngal ko na 'tong si Kuya Manong ate charo.

Pag baba ko naman may lumapit sa akin na 3 street children, sabi ko sa kanila, "Dude! I can only do so much" Arte lang.

Binigyan ko sila ng baon kong Gummy Worms.

Pinish!

Saturday, December 18, 2010

Like a G6, Like a G6

Sobra akong na LSS sa kantang to..To the point na gumawa ako ng video ko kasama yung pinsan kong adik pero syempre di ko ishare nakakashy kaya hohohohoho.




pagnaririnig ko ito kahit nasa bus ako parang na papa-partey mode ako, yung tipong may hawak ka vodka shot glass tapos nag hea-head bang ka na pa cute lang tapos konting moves tapos pa lingon-lingon konti. Chill! Hindi ko actually alam kung ano ang G6 hindi ko rin alam ang slizzard na tinutukoy sa kanta pero parang ang sarap lalo uminom sa may Resorts World, Republiq habang tumutugtug to tapos sinasabayan mo ng lip sync, "Im feeling so fly like a G6, like a G6, like a G6" So Conyo, ya knaaaaaaw! LOL

Okay fine, wala akong maisulat pero gusto kong mag blog kaya yung kamay ko automatic nalang na nag type. Sorry naman!!!

Happy Weekend sana next week marami na kong ma blog! Salamat sa pagtangkilik kiss ko kayo *Smack*

Wednesday, December 15, 2010

Good News

Nakuha ko na ang ultimate Christmas wish ko. Wuuuuupi! God is sooooo good and He is indeed faithful. Isang step nalang para tuluyan na akong maging isang OFW sa Singapore, yung approval ng Ministry of Man Power nila, may ganun-ganung shit pa kasi sa kanila dahil foreigner ako.

Kaninang umaga may tumawag sa akin, "no number sya". Kinabahan ang betlog ko kaya na cancel ko ang call. Pota!

Ilang minuto ang naka lipas naka titig lang ako sa cellfon ko (parang tanga lang), may tumawag ulet. Kinabahan ulet ang betlog ko at liver and lungs. Sinagot ko ang tawag ng buong kagalakan with a very modulated DJ voice.

"Hi, this is Jepoy from Pasay Cirrrrrrrry!!!!" (joke)

"Hello Jepoy, this is Jessie do you remember me?!"

"Yes, Jessie how are you?! I hope you have a good news for me because if it's a bad news imma drop this call now. Kidding"

"I'm good, Jepoy. I got a very good news for you. I just talked to [insert company name] HR director and he informed me that He will be extending the job offer to you. Congratulations you got the Job! I will be emailing you the contract this thursday. Sign it and email it back to me.."

"Wow, thank you so much Jessie (teary eye). This is really a good news for me, an early Chirstmas gift for me. How about my work pass? how will I get one?"

"[insert company name] HR or me will be processing the pass for you. We'll be giving you details about it on thursday."

"Okay, thank you so much."

"Allright, Jepoy talk to you soon"

Saka ko na realize na mag start na daw ako ng first week ng January. Tapos lilipad ako ng Paris para sa aking training. Makikita ko na ang Eiffel Tower. OMFGGGGGawwwwwwd! Pero hindi ko pinahalata na excited ako at yun lang ang habol ko.

Sa sobrang excited ko, nag tingin-tingin at nag tanong-tanong narin ako ng ti-tirahan kong bahay at nanlumo ako dahil ang mahal-mahal. Nampota! Parang gusto kong humingi ng rellocation fee sa kanila kaso baka sampalin ako ng back and forth at bawiin ang offer. Sa ilalim nalang siguro ako ng MRT titira hanggang sa makuha ko ang first pay check ko.

At naiisip ko rin paano ko kaya lulusutan ang immigration officer sa Pilipinas?! hindi ko pwedeng sabihing may trabaho na ako na nag hihintay doon kasi nga wala pa naman akong work pass. Punyeta much! Drama mode turn on nanaman ako sa immigration.

Mag kagayun pa man, nag papasalamat ako kay Papa Jesus sa pag kakaloob sa akin ng trabahong gusto ko. Sana lang pwede akong mag facebook at mag blog sa bagong work ko. Sana din lang eh ma approve na ang work pass ko para tuluyan na akong makapag resign dahil ipapakain ko sa Boss ko ang resignation letter ko. Puta sya! Chos!

Monday, December 13, 2010

Unforgettable Weekend (Silip na)

Saturday.

Pagkagaling sa trabaho diretso naming tinahak ang Rizal para sa isang Out reach program na inorganize ng kaopisina ko at ng tropa nya. Pangalawang taon na nila itong ginagawa. Medyo hesitant akong sumama hindi dahil sa ayaw ko pero hindi kasi ako gaanong kumpurtable sa mga elders. Oo, nag punta kame sa isang tahanan para sa mga Matatandang wala nang mag aaruga na pamilya.

Hindi ko inakala na magiging makahulugan sa akin ang araw na ito. Wala akong masyadong contribution sa programang ito 'liban sa sarili ko at oras na pwede kong ibahagi. Mataas ang respeto ko sa isang mag tro-tropa na nag organisa nito. Gusto kong maniwala na marami paring pilipino ang may malasakit sa kapwa. Syempre kasama ako doon, ang buti-buti ko kaya. Chos!

Maaga kaming nakarating sa lugar nila, somewhere in Rizal ito. Ang layo so provincial.Juk! Nag sink in sa akin na out reach nga pala ang sinamahan ko at hindi tour kaya hindi ako dapat mag paka conyo. Sinumulan ko ang pag tulong sa buhat ng goods. Dalawang sako ng bigas ang nilagay ko sa balikat ko para kila lolo at lola. Yan ang tinatak ko sa isip ko walang arte-arte. Sunod ang pag buhat ng mga delata. Napagod me.

After mag buhat, diretso na kame sa Chapel sa taas para sa briefing. Briefing palang, medyo na dudurog na ang puso ko. Napag alaman ko na karamihan sa mga lolo at lola ay mga inabanduna ng kanilang pamilya. Nang gagaliiti ako, dahil hindi kulturang pilipino ang pag abanduna ng magulang, lalo na kung ma tatanda na sila. Nag pray kame at nag pakilala sa mga kasama dahil iba't ibang company kame galing.

Bumababa na kame sa Service area, nandun na sila lolo at lola. May naka wheel chair, may malakas pa, may mahina na. Pinakilala kame ni Ate. Sinabi nya na may mga tao na gustong makasama sila Lolo at lola, ang mga taong ito ay mas pinili na makasama sila kesa sa mag shopping at manood ng sine. Tinablan ako. Lalo na nung nakita ko ang mga matatanda. Promise na luluha ako. Ayoko naman lumuha doon nang wala pang kame ginagawa. Artista much?! Pero totoo, naluluha na talaga ako as in isang sundot nalang sa tagiliran ko lalabas na. Ang sakit-sakit sa lalamunan mag pigil ng luha. Mabigat sa dibdib. Pota!

Isa ako sa nag emcee para sa program. Hindi kasi ako makalapit sa mga matatanda dahil hindi ako sanay. Ni hindi ko nga nayakap ang lolo ko noon bago sya mamatay. Siguro yun ang dahilan bakit ganun nalang ako naluluha. Bilib ako sa mga kasamahan ko. Totoo palang marami parin ang mabubuting tao sa mundo.

Kitang-kita ang saya sa mga mga lolo at lola, ramdam namin na sabik sila sa aruga at pag mamahal ng anak at apo. Pota na luluha ulet ako habang nag susulat. Artista much talaga?!

May inihanda kameng laro at jollibee food para sa kanila. Tuwang tuwa sila

Kitang kita ang saya sa kanila parang nawala lahat ng pagod namin kahit wala pa akong tulog gising na gising me.

Sya yung isang lola, ang saya-saya nya parati naka smile. Mahilig syang umakap at mag-kiss. Medyo kahiwag nya yung lola ko na walang inatupag kung hindi lutaan ako ng Chumpurado. At yakapin ako sa tuwing dadalaw kame sa bahay nila. Luha turn on ako ulet sa kanya.

Pero yung na assign sa akin na lolo at hindi ko na kinaya pang mag pigil ng luha.

Sya ung isang lolo na nasa gilid. Walang pumapansin sa kanya kasi nga nasa gilid sya at hindi naman nakakapag salita ng maayos. Hinatak ko ang wheel chair nya para ilapit sa mesa at pakainin ng Chicken Joy. Tawag nya sa akin apo gaya ng tawag ng lolo ko sa akin :-( Hirap syang mag salita. Tumutulo ang laway nya at hindi na naigagalaw yung isang kamay ng maayos, sa tingin palang alam ko na baldado na ang kalahati ng katawan nya. Actualy, yung dila nya medyo nakalabas talaga ng kaunti. Panay ang tulo ng laway nya, syempre kelangan kong punasan para makakain sya ng maayos. Tapos habang sinusubuan ko sya, sabi nya, "Apo salamat ha ang laki-laki mo na, buti naman dinalaw mo rin ako" Putang inaaaaaaaaaaa! Hindi ko na kinaya tumulo na talaga ang luha ko. Walk out mode muna dun sa may puno at nag yosi. Hindi ko lubos maisip paano nagawang iwanan sila ng mga anak nila. Gawd!!!!!

Sandali lang yung program pero sa sandaling panahon alam ko kahit papaano nakatulong kame. Ako konti lang kasi hindi naman ako nag organize at ayaw kong angkinin ang papuri dahil mahirap mag organize at mag execute ng outreach program lalo pa't wala naman malalaking sponsors. Bilib ako sa isang mag tro-tropa na gumawa at natuwa ako kasi naging parte ako kahit papaano.

Masasabi kong isa ito sa pinaka makabuluhang nagawa ko sa taong ito. Mas na appreciate ko ang mga magulang ko at isa lang ang masasabi ko. Kahit igive up ko ang lahat para lang alagaan ang mga magulang ko kung kinakailangan ay gagawin ko. Easier said than done, I know, but I will not turn my back on the people who raised me to become a better me.

Sunday (nothing special)

Church
Movies (Narnia, My Amnesia Girl LOL), Christmas shopping (tipid na tipid mode ON)
San Mig lights
Drunk
Linis ng Toilet
Blog and Bloghop

Finish! Ayos ba report ko?! LOL

Photo credit from Black Mercury


Friday, December 10, 2010

ChikSilog

Alam nyo naman na panahon nanaman ng Pinoy Blog Awards kaya bigla akong na pagawa ng entry kahit tinatamad akong mag blog.

Masama ang loob ko dahil walang bumoto sa akin sa Pinoy Blog Award this year, hindi katulad last year binoto ko ang sarili ko (Pathetic). Ngayon wala manlang bumoto sa akin kahit isa. Aheyt my life! Arte lang. Nga pala si Badoodles maraming beses nang nanalo dito, kaya minsan sa buhay ko nangarap din akong manalo dahil idol ko si Badoodles ngunit bigo ako (bitter) kaya nag bigay nalang ako ng sarili kong award at hindi na ko na ngarap na manalo pa sa Pinoy Blog Awards na ito. hihihi

Anyhow tae (Oo walang tugma) isa sa category sa Pinoy Blog Award ang Bloggers Choice award at nominated ang Kras kong si ChikSilog kaya may special entry ako para sa kanya dahil binigyan nya ko ng picture greeting nung birthday ko. Alavet!

So ang aking nomination for Bloggers Choice Award ay si Chiksilog, dahil:

1. Hindi ko naman kilala ang mga ibang nominated, duhr!
2. Magaling mag palit ng header si Xg pati paiba-iba at kakaiba yung arrangement ng blog nya depende sa panahon at mood nya pag may regla sya,magaling syang mag php, html at kung ano anong pang shit kahit Nurse sya. WTF?! Diba!
3. Mag kaibigan sila ni Ferbert utol ko sa blogworld pero ngayon may tampuhan sila (Issue?!)
4. Ang sexy-sexy ni Chiksilog pwedeng pagtikulan ang picture hihihihihi
5. Maraming umaaway sa kanya tapos inaaway din nya, alabet! bwahihihii Di ko lang sure kung bati na sila ni Green Pinoy, nabasa ko lang somewhere ahahahha Juk lang Xg! AlabU!

Boto nyo narin sya bilis!



Onga pala sabi ko iiklian ko lang ang post ko kaya tatapusin ko na. Again, I respectfully nominate Chiksilog!!!!! Isang kiss lang Xg masaya na'ko *Wink* Sana gawan mo rin ako ng video tapos mag thankYOu ka sakin :-D

Kung gusto nyong bumoto, click mo to.


XG ang lakas-lakas mo sakin :-D

Thursday, December 9, 2010

December Blogger of the Month

Ang blogger of the month ay ang pinaka mataas na parangal na pwedeng makuha ng isang blogger dito sa pinaka mamahal nating mundo ng malawak na sapot...Ang blogosperyo.

Baket pinakamataas?!

Syempre dahil ako {si Jepoy} ang nag bigay ng parangal na may pusong 'sing linis ng tubig batis. Pak!

Sa mga bagong salta sa aking carpet, ginagawa ko ang award na ito upang magbigay-pugay-maskuman sa mga magagaling na bloggers in their own field and genre. Alam naman natin na bawat blogs ay kakaiba, gaya ng pagkakaiba ng bawat indibidwal. Ibat'ibang istorya ng buhay. Iba't ibang bitiw ng punch line para makapag pakiliti, magbigay aral, magpaiyak ng mga mambabasa. Iba't ibang structure para makapag encouragement at kung ano ano pang shit.

Sa pamamagitan ng blogger of the month award naito ay ma-ibabalik ko ang favor at ma-acknowledge ang kanilang mga likha. Hindi man ito kasing fancy ng Palangca award eh pinag iisipan ko parin naman ng marubduban kung sino ang ifea-feature ko. Syempre dapat worth reading at nakakaaliw.

Ang napili kong blogger of the month ay isang halimbawa ng kakaibang indibidwal na magaling maglaro ng mga salita sa kwento upang mahuli ang kiliti ng mga mambabasa habang nag kwe-kwento ng kwento ng byahe ng buhay. Maayos ang structure ng mga kwento nya. Siguro isa syang experienced writer na nag papangap lang na simpleng blogger.

Bilang isang pag pupugay sa mga kwentong nag bibigay kiliti sa maraming mambabasa sa mundo ng mga sapot, I hereby give you our Blogger of the Month for December...

[insert please don't stop the music song here]

Baklang Maton at ang kwentong ng buhay squater nya!!!!

Sinubukan kong hanapin ang konting impormasyon tungkol sa ating bida ngayon pero wala akong nakita. So wala akong masyadong masasabi, konti lang ang alam ko.

Si Baklang Maton or kilala sa tawag na BM at nakatira sa Pink na bahay somewhere in the middle of Tondo Squatter (hula ko lang yan). Finish!

Wala rin akong nakitang profile information sa blog nya pero ito lamang ang munting paanyaya sa mga readers na gustong mag basa ng lika nya.

"Mga bektas! eto ang prologue ng buhay ko... Ang chapter one... Ang prelude... Ang preface... ang Welcome remarks... Ang Lupang Hinirang at Doxology... Ang Simula...

Sana makasama ko kayo hanggang sa dulo... hmmm sige na nga kahit hanggang sa Closing Remarks at Victory Party na lang.....

Gumulong kayo sa kakabasa dahil dinugo rin ako kakasulat... Pasok na sa Banga!!!"

So kung kayo ay nalulungkot at nais ninyong mapatawa eh mag madali at sumalok ng tubig sa balon at mag shower na tapos punta na sa blog ni BM at mag back read at nang makita ang kakaibang talento ng isang tunay na may dugong manunulat, kakaiba, magaling nakakaaliw... At para makita nyo narin ang blue eyes habang nakatakip ng black bandana feeling virgin mary..hihihi

Monday, December 6, 2010

Counting Blessings

This is not just an ordinary post (you can skip read it if you want. I dont care)

Alam nyo naman na nag punta ako sa Singapore last week para sa isang shot na makakuha ng trabaho doon, right?! Today, I would like to testify the goodness of God about my journey there. Wala pang final result. Two to three weeks pa daw bago ko malaman kung kuha ko ang trabaho or not. But right now that is not the most important thing to reflect and think about.

Tinawagan ako ng HR recruiter from Singapore last week ng makailang beses. Sabi ko nga sa previous post ko. Na cancell ko ang call ng ilang beses din. Finally, na kausap ko rin yung recruiter. Nakita daw nila yung profile ko sa website, at match daw ito sa client nila. Nag painterview naman ako, it was short interview. Around 30 minutes lang ito. After that, nag send sya ng followup email asking for an essay about technical stuff. So sinagutan ko naman yun (maraming salamat sa tulong ni Kuya Google). Tapos kinabukasan tumawag ulet at schedule daw nya ko ng Client interview. It's a Europe based Oil and Gas company. May office daw sila sa Singapore. So, sabi ko sige gow! Kinabukasan tumawag na yung HR kasama yung dalawang Hiring manager mula sa Client. Naka conference call kame. Na interview ako ng client around 45 minutes to an hour. I did my part. Sumagot ako sa lahat ng question nila to the best answer na kaya kong iprovide.

After ilang oras.

Tumawag ulet yung recruiter sabi nya gusto daw akong ma meet ng Client, bali Hiring Manager yun. Sabi ko wala akong pamasahe tsaka short notice masyado. Sabi nung HR, kelangan ko daw talagang pumunta at very positive naman daw ang feedback nung client.

Sabi ko tawagan nya ako after 1 hour. Mag check ako ng flight kung kaya ba or hindi.

Nalilito na ko ng mga oras na ito. I say a little prayer asking God for wisdom tapos tulungan nya kong mag decide. Tumawag ang HR ulet, tinatanong kung okay daw ba akong pumunta ng SG kasi nga shortlisted ako. Sabi ko, flights are expensive these days kasi december pero hindi ko pa naman na check talaga. Sabi nung HR hindi daw nila kasi pwedeng sagutin yung pamasahe and that is the risk that I would have to take if i wish to join their company. Sabi ko sige mag book ako ng flight without even thinking kung may pang book ba 'ko. Sabi nya good, send me an email of your itenerary and I will schedule yung face to face interview with the Hiring manager ng 10 AM thursday.

I got the 13th month pay the day before pero nag co-contemplate parin ako, kasi nga kakapunta ko lang dun para mag tour two months ago at hindi ito mura. Magastos ito. lalo na ngayon, wala akong matitirahan, ma pwe-pwersa akong mag hotel. Kung uubusin ko naman ang lahat ng 13th month pay ko, mag tititigan kame sa pasko nila Mama at Papa. At wala akong gift sa mga inaanak ko. Inshort, im gonna be damn broke and I can't afford that. Hindi ko kayang makitang nag didikdik lang si Mama ng latik ng kakanin habang ang mga kapitbahay namin ay may turkey at spugeti at maraming gifts sa ilalim ng Christmas tree. Hindi ko yun maatim.

But God is so Good. why?

1. Pag logon ko sa YM, naikwento ko sa isang kaibigan ko ang nangyari nung araw na yun. Sabi nya, okay you need a place to stay?! Go to my place. I'll pick you up at the airport. Give me your flight details.

2. May Seat Sale ang Jestar, mura ang flight kahit kinabukasan na kaagad ang alis ko.

3. Yung instant VL ko na 3 days at kinabukasan na kaagad eh akalain mong lumusot?! Kahit hindi kame in good terms ng boss ko, lusot parin kahit txt lang ako nag paalam.

4. Nakalampas ako sa immigration smoothly walang tanong-tanong. Mind you, medyo mahigpit ang immigration natin kasi alam na nila ang style ng mga pinoy na pumupunta doon to find a job ng hindi dumadaan ng POEA. Kayang tamang hinala sila. Pero this time, lusot ako. Siguro muka kasi akong mayaman. hihihihi

5. Nung nalaman ng mga kabigan ko na darating ako for interview, nag invite sya sa mga dati naming team na nag tra-trabaho narin doon to gather. May nag host ng bahay, umulan ng pagkain ang saya-saya parang instant reunion. And it was nice seeing them all. Words of encouragements are just what I needed. Mga tips and stuff. Diba, kasi sa abroad kanya-kanya ng buhay and time is really precious to them, para mag bigay sila ng time to gather not just for me but for the fact na magkitakita kame ulet was really something. And syempre gagastos sila dito dahil food and all. Blessing right?

6. The day of my interview. Muntik na kong mahimatay pag dating ko sa office nila. Naka panel ako ng 8 tao. 2 french, ung recruiter and yung iba pang singaporean. Akala ko, meet and greet lang ng client tapos yun na yun. But NOOOOOOOOOOOOOO! panel interview ito. Inabutan ako ng marker para mag discuss sa Whiteboard. Lahat sila naka laptop at may white paper na susulatan at lists ng questionaires. Tangina! Gusto ko nang matae sa kaba. It was 1 and half hour panel interview. I feel good. Hindi ako napahiya. I felt na sagot ko lahat and I feel na impress sila sa pag sasalita ko. BWahihihihi pero no exageration, I really felt good. Pero hidi pa doon nag tatapos yun. Kelangan kong pumuntang ng Tiong Bahru office to meet the HR directory. Nampota! wala na akong pang taxi!!!!! At alam nyo kung ano nangyari? Hinatid ako ng HR recruiter naawa yata sakin kasi butas ung leather shoes ko. Totoo butas talaga. tapos nag usap kame ng HR director. I felt good again. Alam mo ung pakiramdan na kuha mo na trabaho, ganun. Naniniwala kasi ako sa ganun. Ma feel mo yun. Pero syempre wala pang JO kaya wala pa. Pero point is, yung mga nangyari was series of blessings that I know GOd is in control.

7. Sunday, i was invited to go to Church by my co-org. tapos invite ako sa place nila. kasama yung mga ibang Alumni nmain. It was a blessing kasi ang dami kong na tutunan sa kanila. Tapos pinag pray pa nila ako. We had a good talk. At na libre pa ko. The whole day akong hindi gumastos ahahah. Pulubi much? Another blessing...

Sa ngayon nandito na ko sa Pinas at papasok nanaman mamya. Pero as I reflect sa nangyari last week. I see how my God lead me and bless me. Kung sakaling hindi ko makukuha yung work, hindi parin ako talo. I was able to experience the power of the Lord, although, they are small but those blessings are so important to me. Alam mo yung series ng unexpected blessings that sometimes you feel you don't deserve pero na binibigay parin sayo? Ganun na ganun. Also, naisip ko na when opportunity knocks at your door, you have to give it a shot! Kesa naman you'd ask your self in the future, ano kayang mangyayari sakin if I did take a chance?

The God of Abraham and the God of Moses is still the same God that we have. Faithful. Remember when David was crying out loud to Yahweh because the enemy is about to capture his Kingdom, the Lord asked David, just one question.

"I am the Lord thy GOd, Is there anything too hard for me?"

Trust in the Lord and you'll never go wrong. Believe in Jesus and you will be saved.

Okay hindi ako Pastor. Na overwhelmed lang. Sana nakapulot kayo ng konting aral.

Have a Blessed week ahead....

Saturday, December 4, 2010

Blogger of the Month-December

joke lang ang title.

Eyow Powz...

Gusto ko lang i-announce na mag sasara na ko ng blog, dahil tinatamad na me mag kwento. Kaya gagawin ko nalang picture blog ang aking blogsite.

Chos!

Nga pala, ang blogger of the month for December ay walang iba kundi ako! juk! wala pa kong napipili eh, dami kasing pwede. Next week ko nalang i aannounce pati ang premyong true friendship ko forever and ever, amen...

Anyway cornic (Oo, walang rhyme)

Dahil picture blog na nga itong blog ko, ilalagay ko ang picutres ko para ganahan kayong kumain. Dahil mansanas nalang ang kulang pwede nyo na akong tusukan na kawayan at i-ihaw sa pasko. Read between the lines.

Ang pictures ay kuha sa isang unknown location. kasama ang aking malalapit na kaibigan.










Eh ano naman pakealam nyo sa mga pictures?! Wala lang, gusto ko lang mag lalagay ng pictures ko baket blog mo ba 'to?!



Intruduction ko lang lahat ng nasa taas. Ito ang kwento ko talaga. Okay fine, nasa Singapore ako sa mga panahon na ito. Biglaan. Kailangan kasi.

Ito ang kwento.

Alam nyo naman na hindi ko na gusto ang boss ko, right?! If not please proceed to See Christmas wish post if yes pls continue reading getch ().



So ganto na nga kasi yun, syempre pag ayaw mo na sa company mo ano pa ngang dapat mong gawin kundi mag update ng resume at mag apply sa kung saan saang suking website. Syempre dahil gusto kong maging OFW nag apply ako sa monster.com.sg. Singapore ang naisip ko kasi malapit lang sa pinas, pwedeng umuwi weekly. Chos!!!! So nag upload me ng resume at picture kong super hot on a profile pix. Tapos last week, biglang nag ring ang aking chelfon at private number ang tumatawag. Edi kinancel ko puta sya.


Mayamaya pa Tumawag ulit. edi kinancel ko ulet. Duhr!


Tapos tumawag ulet. Edi sinagot ko na baka isa sa mga fans ko lang yun. Tapos nag salita si Ate, di ko sya maintindihan chinese accent kasi, eiw! Edi kinancel ko ulet. Oo ang daming pag cacancel ng call.

Tapos tumawag ulet. Edi sinagot ko na. Ayun call from HR recruiter sa Singapore, iinterviewhin daw ako. Edi nag painterview naman me. Mga 30 minutes kaming nag bonding. Tapos sabi nya schedule daw nya ko sa Client nila. Tinanong ko kung anong client nila. Sikret daw. Pota sya! Edi sabi ko fine! Schedule na yan sa banga.

tapos inischedule ang Client interview over the phone. Putanginang nag nose bleed me! As in! Ang daming tanong nampota. Explain ko daw PLC, DCS,SCADA at kung ano-ano pang planta shit. At ang malupit dito Puro Zzzzzz lang naririnig mo, kasi French itwu. Hindi magaling mag English. Eh ako ang galing ko mag English. Juk. Tagal namin nag usap puta mga 1 hour and 30 min. So after nun nawalan na ko nang pag asa sabi ko wala na. But NOOOOOOOOOOOOOOOOO. Tumawag yung HR ulet sabi pasok daw ako sa kaban ng tambyolo. kelangan ko daw lumipad ng Singapore para sa Panel and final interview. Nalito ako at nagulumihanan ng 3 seconds dahil wala akong pambook ng flight at isapa takot ako sa immigration baka harangin ako ulet.

Pero nag decide ako na wag palagpasin ang opportunity.

Tinatamad na ko mag kwento. Finish!

Go!

happy Weekend....