Saturday.
Pagkagaling sa trabaho diretso naming tinahak ang Rizal para sa isang Out reach program na inorganize ng kaopisina ko at ng tropa nya. Pangalawang taon na nila itong ginagawa. Medyo hesitant akong sumama hindi dahil sa ayaw ko pero hindi kasi ako gaanong kumpurtable sa mga elders. Oo, nag punta kame sa isang tahanan para sa mga Matatandang wala nang mag aaruga na pamilya.
Hindi ko inakala na magiging makahulugan sa akin ang araw na ito. Wala akong masyadong contribution sa programang ito 'liban sa sarili ko at oras na pwede kong ibahagi. Mataas ang respeto ko sa isang mag tro-tropa na nag organisa nito. Gusto kong maniwala na marami paring pilipino ang may malasakit sa kapwa. Syempre kasama ako doon, ang buti-buti ko kaya. Chos!
Maaga kaming nakarating sa lugar nila, somewhere in Rizal ito. Ang layo so provincial.Juk! Nag sink in sa akin na out reach nga pala ang sinamahan ko at hindi tour kaya hindi ako dapat mag paka conyo. Sinumulan ko ang pag tulong sa buhat ng goods. Dalawang sako ng bigas ang nilagay ko sa balikat ko para kila lolo at lola. Yan ang tinatak ko sa isip ko walang arte-arte. Sunod ang pag buhat ng mga delata. Napagod me.
After mag buhat, diretso na kame sa Chapel sa taas para sa briefing. Briefing palang, medyo na dudurog na ang puso ko. Napag alaman ko na karamihan sa mga lolo at lola ay mga inabanduna ng kanilang pamilya. Nang gagaliiti ako, dahil hindi kulturang pilipino ang pag abanduna ng magulang, lalo na kung ma tatanda na sila. Nag pray kame at nag pakilala sa mga kasama dahil iba't ibang company kame galing.
Bumababa na kame sa Service area, nandun na sila lolo at lola. May naka wheel chair, may malakas pa, may mahina na. Pinakilala kame ni Ate. Sinabi nya na may mga tao na gustong makasama sila Lolo at lola, ang mga taong ito ay mas pinili na makasama sila kesa sa mag shopping at manood ng sine. Tinablan ako. Lalo na nung nakita ko ang mga matatanda. Promise na luluha ako. Ayoko naman lumuha doon nang wala pang kame ginagawa. Artista much?! Pero totoo, naluluha na talaga ako as in isang sundot nalang sa tagiliran ko lalabas na. Ang sakit-sakit sa lalamunan mag pigil ng luha. Mabigat sa dibdib. Pota!
Isa ako sa nag emcee para sa program. Hindi kasi ako makalapit sa mga matatanda dahil hindi ako sanay. Ni hindi ko nga nayakap ang lolo ko noon bago sya mamatay. Siguro yun ang dahilan bakit ganun nalang ako naluluha. Bilib ako sa mga kasamahan ko. Totoo palang marami parin ang mabubuting tao sa mundo.
Kitang-kita ang saya sa mga mga lolo at lola, ramdam namin na sabik sila sa aruga at pag mamahal ng anak at apo. Pota na luluha ulet ako habang nag susulat. Artista much talaga?!
May inihanda kameng laro at jollibee food para sa kanila. Tuwang tuwa sila
Kitang kita ang saya sa kanila parang nawala lahat ng pagod namin kahit wala pa akong tulog gising na gising me.
Sya yung isang lola, ang saya-saya nya parati naka smile. Mahilig syang umakap at mag-kiss. Medyo kahiwag nya yung lola ko na walang inatupag kung hindi lutaan ako ng Chumpurado. At yakapin ako sa tuwing dadalaw kame sa bahay nila. Luha turn on ako ulet sa kanya.
Pero yung na assign sa akin na lolo at hindi ko na kinaya pang mag pigil ng luha.
Sya ung isang lolo na nasa gilid. Walang pumapansin sa kanya kasi nga nasa gilid sya at hindi naman nakakapag salita ng maayos. Hinatak ko ang wheel chair nya para ilapit sa mesa at pakainin ng Chicken Joy. Tawag nya sa akin apo gaya ng tawag ng lolo ko sa akin :-( Hirap syang mag salita. Tumutulo ang laway nya at hindi na naigagalaw yung isang kamay ng maayos, sa tingin palang alam ko na baldado na ang kalahati ng katawan nya. Actualy, yung dila nya medyo nakalabas talaga ng kaunti. Panay ang tulo ng laway nya, syempre kelangan kong punasan para makakain sya ng maayos. Tapos habang sinusubuan ko sya, sabi nya, "Apo salamat ha ang laki-laki mo na, buti naman dinalaw mo rin ako" Putang inaaaaaaaaaaa! Hindi ko na kinaya tumulo na talaga ang luha ko. Walk out mode muna dun sa may puno at nag yosi. Hindi ko lubos maisip paano nagawang iwanan sila ng mga anak nila. Gawd!!!!!
Sandali lang yung program pero sa sandaling panahon alam ko kahit papaano nakatulong kame. Ako konti lang kasi hindi naman ako nag organize at ayaw kong angkinin ang papuri dahil mahirap mag organize at mag execute ng outreach program lalo pa't wala naman malalaking sponsors. Bilib ako sa isang mag tro-tropa na gumawa at natuwa ako kasi naging parte ako kahit papaano.
Masasabi kong isa ito sa pinaka makabuluhang nagawa ko sa taong ito. Mas na appreciate ko ang mga magulang ko at isa lang ang masasabi ko. Kahit igive up ko ang lahat para lang alagaan ang mga magulang ko kung kinakailangan ay gagawin ko. Easier said than done, I know, but I will not turn my back on the people who raised me to become a better me.
Sunday (nothing special)
Church
Movies (Narnia, My Amnesia Girl LOL), Christmas shopping (tipid na tipid mode ON)
San Mig lights
Drunk
Linis ng Toilet
Blog and Bloghop
Finish! Ayos ba report ko?! LOL
Photo credit from Black Mercury
wow galing naman ng ka tropa mo at ikaw na din!
ReplyDeleteHindi ba kay BO Sanchez ang Anawim? Minsan na din kaming nag-outreach program ng mga barkada ko sa isang elderly home care. Kakaawa nga sila.
ReplyDeleteNaluha ako sa entry mo jepoy
ReplyDeletejowk
pero medyo nakurot lang ng onti ang itim kong budhi at bato kong puso.. i used to do this kaso lang medyo naging busy na ang buhay, iba ang feeling no? It kinda makes you complete!(Sam Milby?!)
I like the part where the Lolo mentioned you... yung ANG LAKILAKI MO NA APO... parang its so hayyy... anyway ayoko na magcomment ng mahaba kasi baka sabihin blog entry nato LOL
eto promise nagskip read ako. pictures pa lang naluluha na ko eh. naaawa ako sa mga elders na walang nagaaruga. bad trip naman tong post mo! pinaluha ako ng wala sa oras. hehehehe
ReplyDeletepromote:
http://www.damuhan.com/2010/12/si-tope-ikatlong-yugto.html
wow bongga docu!!?hahaha jusko gagawin ko rin yan nexttime
ReplyDeletehantaray ng unang picture. at grabe, namulikat ang puso ko sa kwento about kay lolo. ako man ay magnininja mode ng slight at magyoyosi sa saliw ng luha.
ReplyDeleteim proud of you :)
ReplyDeletemaawain ako sa mga lolo at lola.. isipin pa lang na sandaling buhay na lang ang natitira para sa kanila sa ibabaw ng mundo, ano't ano man ang naging buhay nila noon, ke masama man o mabuti, hindi karapatdpat na sila'y ipagwalang bahala sa kanilang pagtanda lalo na ng kanilang tunay na kadugo..
ReplyDeletekaya sayo sir... saludo ako sayo... naiyak ako dito ha..
Mukhang kawawa naman sila na inabanduna ng pamilya. Good job jepoy!
ReplyDeletesumama din ako sa isang outreach... mga bata naman sa min. :D
ikaw na ang may malinis na puso at budhi.
ReplyDeletehindi ko pa nattry na magoutreach program. pero nakakatouch ung post mo. parang kung ako ung asa shoes mo, hindi ako kasya... joke haha. kung ako ung asa shoes mo, maluluha din akong kagaya mo at magwawalkout mode din ako ng onti, hehe.
awwwts...natouch naman ako ng big time... napaluha ako ng slight dun sa sinabi ng lolo na napa assign sa'yo :(
ReplyDeleteipagpatuloy mo lang yung ganyan Jepoy, i'm sure marami ka pang mapapasaya :D
sa suplado kong 'to, hindi ko mapigilan magbigay ng munting komento.
ReplyDeleteDapat lagi nating tandaan: "Ang mga taong gumagawa ng mabubuti sa nakatatanda, ay binibigyan ng magandang gantimpala."
One thing for sure, hinding hindi ito mangyayari sa mga magulang ko.
pambihira!nakaka sad naman ginawa sa kanila..demmet malambot pa naman cardiac muscle ko para sa mga geriatric peops!
ReplyDeleteSana dumami pa mga nagkakawang gawa for them like you..ayun may paganon pa talaga!good job jeps!
Naiyak naman ako. :((
ReplyDeleteWow naman! i used to be so active about this lalo na sa org nung college kaso simula nung gumraduate na nawalan na ako ng oras... tsk! tsk! dapat magawa ko na naman ang ganito....
ReplyDeleteNapasaya nio ang mga elderly people sa outreach program na ginawa nio.
ReplyDeleteNapunan nio yung empty space sa mga puso nila.
:)
napadaan lang ulit...
ReplyDeletenakaka-elibs ang mga guys na kayang ipakita ang soft side pag may mga ganyan ng eksena na. kaya ok lang yan. =) Hindi pa ko nakasama sa outreach sa mga home for the aged. Recently sa orphanage kami. Dati sa abandoned babies and rape victims. Dati ulit sa mga special child naman. Iba iba. Salamat sa pag post nito. next time sa kanila naman ako mag visit. San nga yan sa rizal?
naluha ako. sobra. tagos sa puso...
ReplyDeletecongrats sa inyong ginawa... nakakainspire,,,
ReplyDeleteNa-miss ko na tuloy mag-Outreach program. :))
ReplyDeleteAt natouch din ako ng solid. Nakakaawa yung ganyan. Natry ko pa lang sa home for the girls tsaka yung sa DSWD na puro abused and abandoned children. Nakakaiyak kasi talaga pag ganto. Haha. Artista much? Pero naramdaman ko lahat ng sinabi mo. Epektib! Naks.. Ikaw na ang blessing sa kapwa.
ReplyDeleteeto naman ung namimiss ko sa mga entries mo eh: yung mga touching stories na mula sa puso :) it reflects more of your real character...:)
ReplyDeleteSometimes hindi enough ung prayers lang ang ioffer natin para sa mga nangangailangan, maganda rin yung may ginagawang concrete action para matulungan sila.
At syempre ang quote na hindi malilimutan:
"Kahit igive up ko ang lahat para lang alagaan ang mga magulang ko kung kinakailangan ay gagawin ko."
How very touching indeed!
para akong nagbasa ng isang kwentong heavy drama o nanood ng movie na nakakaiyak. Nakakaluha naman talaga na ang isang lolo ay sasabihin yun sayo. Sa simpleng bagay ay nakagawa na ng isang makabuluhang araw sa buhay ng mga lolo at lola... sana lagi mo nang gawin yan hehehe
ReplyDeleteyoko mag comment, di nman sinasagot. joke. hahaha
ReplyDeletenaalala ko tuloy yung lolo ko. he just passed away last week.
;(
nakaka inspire. Awesome! God bless jepoy at sa nag organize
ReplyDeletenaalala ko bigla ang lola ko sa side ng tatay ko. di kasi ako ang paborito nun. masungit yun, parating sumisigaw. parating namamalo, mainit ang ulo pag walang pera. ayaw kong katabi yun sa higaan, kasi amoy salonpas. lumaki akong malayo ang loob sa kanya, kasi nga di naman nya ako paborito.
ReplyDeletenaalala ko ang lolo't lola ko sa side ng mother ko. hindi din ako ang paborito nila. medyo matagal na din sila sa US at sa bawat laman ng balikbayan boxes nakikita ko ang bias na pagtingin nila sa kanilang mga apo. sayang nga lang, sana lang naa-appreciate man lang yun ng paborito nilang apo at sana lang, sa pagtanda nila, personal silang alagaan ng paborito nilang apo.
oo, bitter ako bakit??!!
Komento ni Glentot (Silip na) haha makagaya lang.
ReplyDeletePutah ka, ayokong sabihing may puso ka kasi kilala kita puro ka lang intestines pero may mga times talaga na kapag may tumawag sayo eh hindi mo alam kung bakit parang gusto mong sumama at subukan tapos kapag nandun ka na eh maiisip mo lang syet sana noon ko pa ginawa ito. This post is craaaaazzy naluha me konti tapos pumatak sa carpet naging perlas (and landi ng luha ko pakialam mo?)
Sana nagsayaw kayo ng Shembot!
hayop ka napahagulhol ako at parang pinipiga ang puso ko!!!
ReplyDeleteyun lang ang comment ko...siksik na yan!!
anubeh! matutulog na lang ako napaluha pako ng post mo (T_T)
ReplyDeletebless your good heart ^_^
good job jep...keep on inspiring others to do the same thing...
ReplyDeletekkabasa ko lang din sa libro na binili ko....dapat daw talagang i share sa iba kung anong meron ka......
galing sa librong, ang pera na hindi bitin by eduardo o. roberto Jr.
hi hihi...Godbless you.
nakakatuwa naman!
ReplyDeletemay kurot sa puso..
galing naman!
Ganyan ang mga taong Poging pogi inside and out!
sana dumami pa ang mga katulad natin kuya Jepoy!
thank you all, mamya iisa-isahin ko kayong lahat! Tenchow!
ReplyDeletedurog din puso ko sa ganyan, sinipon ako kakapigil ng luha ko..
ReplyDeleteisa pang hindi ko kaya yung batang may sakit, nanliit ako. kahti ano pa kasing laruan o pagkain ang iabot ko, hindi naman yun ang kelangan nila. maintenance na gamot o mahal na operasyon kelangan nila.. kakalungkot.
but at the same time, ang gandang awareness. feel na feel mong pasko na more then the chrstmas lights and all.
have a blessed CHRISTmas jepoy. thank you for sharing your experience. im movec, again. =)
ngayon lang ako nakapag basa dito pero naluha din ako
ReplyDeleteparang gusto kong umiyak kaso wala sa edad. hakhak, meron din kami nyan sa 26th mga bata naman samin kaso ngayon palang iniisip ko na kung makakakuha akong magandang angolo pix para pang blog. pero malamang hindi ma cacapture ang kabuuhan ng kagwapohan ko kasi sta clause nanaman ang costume ko. waaaah! hakhak. pis yow!
ReplyDeletevery good report. plus 5! :D
ReplyDeletealam mo, punta ka dito sa tundo, meron dito missionaries of charity.. magkatapat, isnag pambata, isang pangmatanda..
napuntahan ko na rin.. and yes, lalaki ako kaya pinigilan ko umiyak..
sa bahay na lang ako nag tears.. hehe
maraming salamat sa inyong mga kumento at pag babasa...
ReplyDeletePutang ina! Putang ina! Putang ina talaga! Kinilabutan ako ng sobra. Kahit hndi ako perpektong anak, hndi ko kailanman magagawa to sa mga magulang ko. Nakakaiyak hbang bnbsa ko, naaalala ko lola ko. Kapag naiisip ko na darating yung araw na mawawala na sya, hndi ko tlaga alam ang gagawin ko. Kaya gusto ko ng magktrabaho, gusto kong maitreat ang lola ko. Nakakapagtampo kasi yung ibang mga tita at tito ko na parang wlang pake sa napakabait kong lola.. :( ito ang pinakanakakahbag na post na nbsa ko sayo jepoy. :( taena nilang mga anak na mang-iiwan.mga walang utang na loob.
ReplyDeleteAng hba ng comment ko sori. :c
maganda ang realization mo pare at marahil marami sa atin ganon din ang nararamdaman para sa mga magulang natin. kaya nga maganda habang bata pa sila , iparamdam na natin ang respeto at pagmamahal sa kanila habang buhay pa sila. kahit gaano pa kaliit ang maibigay mo , pasalubong kahit hopia o siomai man lang ok na yun o di kaya saging , hehehe iyong kasi gusto ng tatay ko lagi. kaya sige bili tayo ng saging. sabihin mo na mahal mo sila o mag thank you ka o di kaya mag sorry na. ganon din naman ang gagawin mo e. papatagalin pa. di ba.
ReplyDeletesa buhay nating ito , bawasan natin ang mga regrets o what ifs sa buhay, kung may oppurtunity ka , gawin mo na. wag ng patumpik tumpik. ayun ka BOOM PANIS!!!