Ang blogger of the month ay ang pinaka mataas na parangal na pwedeng makuha ng isang blogger dito sa pinaka mamahal nating mundo ng malawak na sapot...Ang blogosperyo.
Baket pinakamataas?!
Syempre dahil ako {si Jepoy} ang nag bigay ng parangal na may pusong 'sing linis ng tubig batis. Pak!
Sa mga bagong salta sa aking carpet, ginagawa ko ang award na ito upang magbigay-pugay-maskuman sa mga magagaling na bloggers in their own field and genre. Alam naman natin na bawat blogs ay kakaiba, gaya ng pagkakaiba ng bawat indibidwal. Ibat'ibang istorya ng buhay. Iba't ibang bitiw ng punch line para makapag pakiliti, magbigay aral, magpaiyak ng mga mambabasa. Iba't ibang structure para makapag encouragement at kung ano ano pang shit.
Sa pamamagitan ng blogger of the month award naito ay ma-ibabalik ko ang favor at ma-acknowledge ang kanilang mga likha. Hindi man ito kasing fancy ng Palangca award eh pinag iisipan ko parin naman ng marubduban kung sino ang ifea-feature ko. Syempre dapat worth reading at nakakaaliw.
Ang napili kong blogger of the month ay isang halimbawa ng kakaibang indibidwal na magaling maglaro ng mga salita sa kwento upang mahuli ang kiliti ng mga mambabasa habang nag kwe-kwento ng kwento ng byahe ng buhay. Maayos ang structure ng mga kwento nya. Siguro isa syang experienced writer na nag papangap lang na simpleng blogger.
Bilang isang pag pupugay sa mga kwentong nag bibigay kiliti sa maraming mambabasa sa mundo ng mga sapot, I hereby give you our Blogger of the Month for December...
[insert please don't stop the music song here]
Baklang Maton at ang kwentong ng buhay squater nya!!!!
Sinubukan kong hanapin ang konting impormasyon tungkol sa ating bida ngayon pero wala akong nakita. So wala akong masyadong masasabi, konti lang ang alam ko.
Si Baklang Maton or kilala sa tawag na BM at nakatira sa Pink na bahay somewhere in the middle of Tondo Squatter (hula ko lang yan). Finish!
Wala rin akong nakitang profile information sa blog nya pero ito lamang ang munting paanyaya sa mga readers na gustong mag basa ng lika nya.
"Mga bektas! eto ang prologue ng buhay ko... Ang chapter one... Ang prelude... Ang preface... ang Welcome remarks... Ang Lupang Hinirang at Doxology... Ang Simula...
Sana makasama ko kayo hanggang sa dulo... hmmm sige na nga kahit hanggang sa Closing Remarks at Victory Party na lang.....
Gumulong kayo sa kakabasa dahil dinugo rin ako kakasulat... Pasok na sa Banga!!!"
So kung kayo ay nalulungkot at nais ninyong mapatawa eh mag madali at sumalok ng tubig sa balon at mag shower na tapos punta na sa blog ni BM at mag back read at nang makita ang kakaibang talento ng isang tunay na may dugong manunulat, kakaiba, magaling nakakaaliw... At para makita nyo narin ang blue eyes habang nakatakip ng black bandana feeling virgin mary..hihihi
congratulations sa blogger of the month! :D
ReplyDelete@bino
ReplyDeleteSkip read again?! LOL
congrats ng marami.. weeee
ReplyDelete@Kikomaxxx
ReplyDeleteSkip read din?! LOL
di pa ako nakakadaan sa bahay nya..madaanan nga!!
ReplyDeletecongrats baklang maton!!!
Ayaw mo paawat talaga sa paggamit ng salitang structure! Congratz kay Baklang Maton deserved nya ang prestihiyosong award na ito!!!
ReplyDeleteKung may kaakibat lang sanang cash, may pakinabang ka sana.
hindi kaya kapitbahay ko si baklang maton? dito sa tondo slums? hehehe
ReplyDeleteJepoy, paano kung maraming Pink na bahay somewhere in the middle of Tondo Squatter? Hehehe umepal lang.
ReplyDeleteCongrats kay BM! Makapunta nga doon sa pahina niya.
Isang pagbati sayo Baklang Maton.. Mabuhay.. weeeeeeeeeeeeee
ReplyDeleteGays are generally gays.
ReplyDeleteMga masayahing nilalang.
2002 college ako (me history part ito) me tinatambayan akong table sa canteen na malapit sa kiosk ng mga mahiwagang nilalang.
Nererecord ko conversations nila until maubos ko ang order ko na halata naman pinapabagal ko ang pagkain para mas maraming marecord.
Pag uwi ko, lap trip!
Naghanap ako sa limewire, frostwire at barbed wire(oo corny nga), pero wala talaga akong makitang compilation of jokes nila maliban sa pork chop duo.
Congrats bm napasaya mo si jepoy at kaming mga alagad nya.
HYEEEEEEEEEEEEEEES naman!
ReplyDeleteCONGRATS BAKLANG MATON! :D
Congrats kay BM.!!!
ReplyDeletepanalo talaga mga kwento nia. kailangan mong matutong magbasa ng salitang bakla para magetsungan ang mga pinagwewentuhan nia. Buti may tv kaya nakaka-follow din agad sa mga terms nia. :D
kudos!
kala koh akoh na 'ung blogger of d' month... nyahahah... kafal... Jepoy!!! namiss kitah...parang tunay eh noh... oh yeah congratz kay baklang maton... dalawin koh ren page nyah laterz... sige.. ingatz lagi lab lab kong Jepoy... Godbless!
ReplyDeleteCongratulations po Ms Baklang Maton, naway ang prestihyosong award na ito ay magsilbing inspirasyon upang ipagpatuloy nyong pasayahin ang buhay ng ibang tao.
ReplyDeleteBow!
KUMAGCOW
Sobrang funny nga ni BM kahit di ko na minsan magets sa sobrang tuloy tuloy na gay lingo. Haha. Kailangan ko pa basahin ng isa pang beses. Pero mapaemo na yung post, funny pa din. Haha. Ang galing nga niya, umiistructure! Haha. Congratulations BM.
ReplyDeletemabrook, congrats,
ReplyDeleteikaw na ang pinaka-mataas na award giving blogger...hehahaha
ReplyDeleteCongrats to Baklang Maton...
Subukan ko nga mabisita yan at sa description mo pa lang naengganyo ako sa mga post nya...
saan ang link ng page nya teh? hehehe. congrats to him/her and to your award giving body. More powers! :]
ReplyDeletejepoy!
ReplyDeletehindi ko alam kung saan ka pwedeng makontak
kaya dito ko na lang sasabihin na kailangan ko ng suporta mo sa pba
i need you to vote!
http://www.philippineblogawards.com.ph/2010/12/02/voting-for-the-2010-bloggers-choice-award-is-now-open/
aasahan kita!
salamat
:D
.xienahgirl
Wohoo congrats sa blogger of the month mo na si baklang maton! hehehehhehe
ReplyDeletecongrats BM! panalo! :)
ReplyDeleteBakla na maton pa? Hehe.
ReplyDeleteFollow ko nga yan.
Sana sa may, ako na ma-feature.haha. Sakto sa bday at graduation ko.hehe.