Tuesday, January 19, 2010

Small Kwento lang

Sa tuwing umuuwi ako ng probinsya namen lagi 'kong binibigyan ng oras ang pakikipag kwentuhan ko sa aking mga magulang, alam nyo naman pag tumatanda nagiging medyo sensitive, kaya I make sure that I always spend quality time sa kanila kahit sa konting araw lang na malalagi ako sa bahay.

Si Papa ay isang retired Phil Air Force, si Mama naman ay active parin sa Phil Air Force, pumapasok parin sya sa Opisina, bali Supply Officer si Mama ng Philippine Aircraft at Aircraft Bomb inventory sa isang base kung saan kame nakatira. Si Utol at ako ay kumakayod sa Kamaynilaan at bihira kameng umuwi. Aktuli, twice a month ako kung umuwi para tipid sa gasolina si Utol naman eh kung kelan nya trip.

So sa tuwing umuuwi ako hindi ako masyadong nag babarkada at gumagala kung saan saan. Doon lang ako sa bahay nakikipag kwentuhan habang bumubutingting ng kotse kasama si Papa or Minsan nag luluto kasama si Mudra at pag gabi naman ay kasama ko ang aking Ma-Ke-Kesong Nobela na gaya ng binabasa ko ngayon na Hush Hush at nag e-emo sa kwarto ko O 'di naman kaya gumagawa ng blog or Maikling kwento collections ko.

Habang nag se-siesta kame ni Mudrax at Papa after ng lunch last weekend ganitong ang batuhan ng litanya...

[Insert flashback sound track here sa saliw ng Paparatzi! jowk!]

"Anak, I pasyal mo naman kame ni Papa mo sa Trimonya doon sa bagong Mall sa Maynila"

"Ma! TRINOMA po 'yun, hindi Trimonya, mamya marining kayo ng ehuserang froglet na kabitbahay natin sabihin ignorante ka sa Maynila"

"'Yun nga! Ipasyal mo naman kame ni Papa mo doon sa Trinomi"

"Trinoma nga po! [Insert naiiritang fez here] Naku! ako nga noong nag punta doon eh na hilo ako, wag na tayo dun Ma. Ang daming tao parati. Tsaka anu ba gusto nyo baket doon pa. Eh meron namang ESEM dyan sa San Fernando, diba parati naman tayo doon na mamasyal pag me-budget?!, Na nood ka pa nga ng Mano Po diba?!"

"Anak nakakasawa na doon! Tsaka matagal na akong hindi na luluwas ng Maynila, last na punta ko yata
doon eh 'nung inenroll pa kita noong college ka kasi natutu ka nang mangupit ng tuition fee mo nung second year ka"

"Ma!!! Ang tagal na 'nun tsaka for the record hindi po ako nangugngupit ng tuition fee meron lang kameng Project nun. Tsaka 'diba nag punta tayo ng MOA nila Papa bago mag Christmas?!"

Sumabat si Papa:

"Oo nga yan talaga si Mama mo sinabi ko na ngang wag na mag punta ng Traynimya kasi kaka punta lang natin sa MOA"

"Pa isa ka pa! TRINOMA NGA!... Sige sige punta tayo dun sa sweldo mag Jollibee tayo"

"Ayoko ng Jollibee ang cheap" sagot ni Mama

"Mama wag ka nang umarti at mag paka choosy diba gusto mo ng chicken joy?!"

"Fine! Bili mo narin ako ng bagong bag at Shoes"

"Wag na pala tayong pumunta ng TRIMONYA na yan, sige matutulog muna ko para makapag power nap ng sandali, Haist!..."


30 comments:

  1. hehehe... san nga ba yang trinoma na yan? d ko pa na sa sight yan pwamiz :p

    ReplyDelete
  2. @Khekz03 Ang bilis ng comment ah, wala pa atang one minute ang pag popost ko ahahah.

    basta dyan sa North Edsa lang 'yun ahahah. Salamat sa pag tangkilik Im tats!

    God Bless!

    ReplyDelete
  3. Kaya pala nagkaganyan ka addict rin sila hahaha. Ang ganda ganda kaya sa Trimonya! Dalhin mo dun parents mo para magkape at manlait ng ibang tao!

    ReplyDelete
  4. @Glentot I know, right?!!!

    ReplyDelete
  5. TIME is the greatest gift you could give to someone : )

    ReplyDelete
  6. hangkulit naman nun!!!ansarap kaya ng feeling kapag ipinapasyal mo parents mo!!!anyways, hindi pa ko nkakarating trimonya! na yan, san ba banda yan?

    ReplyDelete
  7. uu nga jepoy dalhin mo naman sila trinomya...ahahaha:P

    tapos tambay at upo sila dun sa rooftop garden, parang date si mama at papa mo...ahahaha,tambayan ng mga magsyota dun pag gabi eh (ahahaha,kaya ayoko dun eh, inggit lang ako!)

    ReplyDelete
  8. @Ahmer I couldn't agree more on that. Cheers!

    @Scofield Tama ka sarap sa feeling pero minsan hindi lalo na pag nag tuturo (Parang bata lang) ahahaha Malapit lang ang trimonya sa The Block

    @Deth Parati siguro kayo dun ng Ex mo.. Uy reminiscin' hihihi

    ReplyDelete
  9. hehe. sabing hnd trimonya yun! trinomi yun. hhahaha. sarap tumambay dun dmi mgagagandang chicks

    tanung ko lang bkit hnd k pumasok sa air force?

    ReplyDelete
  10. oi pagbigyan mo na ung parents mo bago tuluyang maluma ang trinoma! :) cge ka hindi na yan magiging place friendly with elders on a wheelchair...

    ReplyDelete
  11. @Kikilabots Gusto ko talagang maging pilot. Pero hindi kasi twenty twenty ang Vision ko. Sayang noh?

    @Roanne Pag bibigyan ko rin Sila, nag papapilit lang ako ng very slight. Ang layo kasi eh.. Na miss kita dito Roanne :-D

    ReplyDelete
  12. Buti ka pa meron ka pang Nanay at Tatay na mangungulit na isama mo sila sa Trimonya...

    Hmmmnnn...

    Ako rin hindi pa nakakarating sa Trimonya.

    ReplyDelete
  13. Ahhh Trimonya pala tawag dun!

    Pero mas okay na yun kaysa sa SM, medyo kahit papano yung tiles nila mukhang pang CR, yung tiles sa SM mukhang pang-lababo!

    hehhe

    Ingat parekoy!

    ReplyDelete
  14. kakaloka ang Mudra mo..
    Medjo demanding din cya.. Bags at Shoe.. oh diba...
    I am sure... nasira yung mukha mo.

    ReplyDelete
  15. ayun lng naman pala eh. ahah dalhin mo na sa trimnumonya.

    ReplyDelete
  16. hello... just dropping by... have a great week!!!

    ReplyDelete
  17. @Ayie Never failed to thank God for them...Wala na ba ikaw parents?! If so, sorry to hear that...

    @Drake Maraming Salamat po sa Kumento

    @Dhon Medyo nasira nga ahahaha. Thanks sa pag bisita ha...

    ReplyDelete
  18. @Citybuoy Ang kulet, natawa ako 'dun

    @Ailee Thank you for droppin' by, balik lang po ulet

    ReplyDelete
  19. saya saya naman ng kulitan bonding nio.nakakajinggit..hehhe

    ReplyDelete
  20. @Poging Ilocano Ayos na Ayos Brad, ganyan lang talaga kame minsan LOL

    ReplyDelete
  21. putang trinomi yan at ligaw din ako dyan,ahaha sa dalawang beses kong pagpunta eh isang level lang yata naikot ko...

    sige ipasyal mo sila mudra mo dyan..iikot mo muna ng iikot..pupusta ako at di na makakapag pabili ng bag at shus yun sa pagod,hihihi

    ReplyDelete
  22. @Ate POwkieeeeeeeeeeeeeeeeeeee Imissshu so much!!!

    ReplyDelete
  23. ako den, gusto ko rin gumala sa trimonya...hahaha... hirap talagang makipagtalo sa perens walang panama...haha...

    ReplyDelete
  24. @Batanggala Last time I check ang mga mayayaman na katulad mo sa Rockwell lang napapadpad at sa greenbelt wala ng iba. Hmp! Nag mamaang maangan ka pa, di naman halata!

    ReplyDelete
  25. ui airforce pala mga magulang mo.. gamitin niyo nlng yung jet niyo papuntang trinomo.. este trinoma hehehe!

    ReplyDelete
  26. @Punky Wala kameng Jet. Gumaganun pa! Salamat sa pag kumento ha. hihihi

    ReplyDelete
  27. ang kulet ng trimonya. hahaha

    parang si khekz03 ang kulit din di alam ang trimonya

    ReplyDelete
  28. @Paps ikaw nakapunta ka na ng Trinonya?!

    ReplyDelete
  29. May parents pa, inactive lang, nag hiatus for a while eheheh. Pero wala na silang relationship ngayon--hindi rin sila friends! Hahahah!

    Salamat sa reminder. ;P

    ReplyDelete
  30. @Ayie Ay ganun. Sige you are welcome Ayie.

    ReplyDelete