Tuesday, January 5, 2010

Short Update lang...

Bisperas palang ng bagong taon ay talaga namang masayang masaya na sa Probinsya namen. Ang lahat ay busy busyhan sa pag pre-prepare para sa New Year. Masaya ang bawat sambahayan, sa bahay namin mas masaya nandun kasi ako eh.

Syempre naman si Ermats nag rent na kina Mang Domeng (Domingo) ng Bidyoke. Alas-Syete palang ng umaga ay nasa garahe na namin ang mala-Higanteng Bidyoke na karaniwang makikita lang sa Raon. Syempre, hindi ako papahuli sa mga ganitong pag kakataon, pag 'tapos na pag 'tapos kong mag gargle at mag toothbrush ay agad na akong nakipag bakbakan ng kantahan, sinimulan ko ang konsyerto sa bagong bagong awiting pinamagatang, "Bawal na Gamot" (Sana maka relate ang batang 90's na naipanganak) Basta ang linya ng song ay ganto, "Bawat yungto ng sandali halos 'di ko alam....Pa-nga-rap ko'y 'di naabot dahil sa bawal na gamot". Nasundan pa ito ng mga sunod sunod na hits ko sa Videoke tulad ng Laklak,Huling Elbimbo,Apologize,Fallin, Heart of Mine, It might be you' (Pa cheesy ng pacheesy wag nyo ng pansinin) hanggang magising si Utol para maki agaw ng mikropono sa akin, eh mas likas na maganda ang boses nya kaya talo ako, sa iskor palang ng bidyoke ayaw ng pumanig sakin. Sya 98 ako 69 parati, buset!

Tumigil ako ng panandalian para tumulong kay Ermats sa pag hahanda ng makakain sa pag salubong ng New Year, syempre ako ang Chef gusto ko kasing ma tikman nila ang mga pagkain na hindi nila na titikman sa probinsya tulad ng Fetuchenes Presto Itallanis (Imbento ko lang yan) Ang fresh Pomelo salad na pinigaan ng fresh Orange Juice,shabu shabu at ang sosyal na sosyal na paborito kong Ube Cake at Marami pang iba (take note apat lang kame sa bahay). Sa mga moment na ganito walang talagang papantay sa mga ngiti ni Mama dahil masaya sya na hindi sya gumastos. Jowk! Masaya sya kasi kumpleto kame. Alam nyo ba na mula nang ipinanganak ako noong 1991 ay walang New year na hindi kame na kumpleto at nag sindi ng lusis ng sabay sabay, syempre sa bakuran 'yun hindi sa loob ng bahay. Isa yan sa pinag papasalamat ko kay Papa Jesus ang lagi kameng kumpleto. Jowk lang ang 1991 birth year ko.

So back to kwento, bumalik ako sa konsyerto para makipag tungali sa Utol ko. Mag hapon kameng nag bibiritan na sinabayan ng konting toma kasama ang aming mga piling piling mga kaibigan. Ilang sandali pa ay sumama ng beri beri nice ang pakiramdam ko at tila baga kinakailangan ko ng mahiga dahil mataas na ang aking fever. Ang nakaka lungkot pa dito ay hindi manlang ako na gising ng 12 oklak para mag sindi ng munting lusis dahil sobrang sama ng pakiramdam ko. Ang dami ko pa namang Pikolo na bili sa Bucaue.

Feeling ko 'yung Bidyoke ang may sala ng lahat.

Kaya hanggang ngayon meron parin akong dry cough at pabugsubugsung fever. Sana naman wag akong mag kasakit buung taon dahil winelcome ko ang 2010 ng pag kakasakit.

on the lighter note. Gusto kong magpa mohawk para new look. Mag mumuka kaya akong bakulaw dito? well muka na pala akong bakulaw talaga. Meron akong check up ulit Mamya pag pray nyo na magaling na ko ha at hindi AIDS ang sakit ko. Thank you po muahugs!

23 comments:

  1. NAKU AIDDDDSSS YANNN!! POSITIVE hehehe. biro lang :P

    goodluck sa checkup

    ReplyDelete
  2. ang kuleeeet!

    happy new year parekoy!

    iba talaga ang dating ng bidyoke. lalo na kapag may kasamang toma!

    feeling ko parekoy, tama lang ng nainum mo yung pakiramdam na yun!
    natural ang mahilo kapag nakainom ng alak!

    hahaha.
    fever daw!?
    libog lang yan!
    haha

    ReplyDelete
  3. @Poypi AIDS ka dyan! Dahil dyan wala kanang libreng Iced Tea sakin...

    @Kosa Ay ganun ba nakakahilo pala ang alak, honga noh LOL. Libog ka dyan!!! Wala ako 'nun kahit konti. San ba nakakabili nun?! LOL

    ReplyDelete
  4. baka divine intervention yun jepoy para tumigil ka na sa pagkanta este sa pag-inom...ahahaha

    ReplyDelete
  5. Aids? Parang malayo ata sa aids yan..kasi parang kunti lang ang tsansa na magkaroon ng aids ang forma mo..alam mo na..hehe

    ReplyDelete
  6. Sad naman pareho tayo may sakit ng New Year's eve... mwuahhugz para sa iyo.. pagaling ka po.. see you soon.. BLUE

    ReplyDelete
  7. @Deth Ayos ka ah... ahahaha (May galit?!)

    @Ruph Tama ka konti lang ang tsansa na mag ka AIDS ang porma ko. And guess what, hindi nga aids ang sakit ko isa lang syang fever na pang mayaman. Ok na daw ako kuya salamat sa Prayers mo.

    ReplyDelete
  8. @ANONYMOUS BLUE Isa kang echuserang frog, see you soon ka dyan. Baka mamya nakakasalubong na kita sa MRT hindi manlang ako maka pirma sa Notebook mo para autograph ahahaha.

    Mag pakilala ka na kasi, nakakainis naman oh... Bilis add mo sa facebook now na.

    ReplyDelete
  9. naku manisi daw ba dahil sa kapabayaan ng sarili. wag ka mag pa mo hawk, lols. sige lang pa mo hawk ka.

    God bless!Hapy New yr!

    ReplyDelete
  10. Sigurado ako na di yan AIDS..heto ang primary suspect namin mga taga ARAB country..

    Swine Flue or Foot and Mouth Disease hehehehe...

    Happy New Year Jepoy!

    Ang dami nyo naman handa sana meron pang natira jan sa handa nyo. lols!

    ReplyDelete
  11. @Paps Ang yaman mo na at tumataba ka ah. Sana tumaba ka pa ahahaha

    @Kablogie FMD ka dyan! I hatechu

    ReplyDelete
  12. sinisi ang videoke? haha.. :D

    sisihin mu mga laman lupa,, baka sila may kasalanan, nabulahaw mu ata kuya. haha :D ingat ingat.

    ReplyDelete
  13. Bawal na gamot? anong song un? lol!

    ReplyDelete
  14. @Kox lamang lupa nga ang may kasalanan ahahaha

    @Jag Buset ka! I youtube mo para mapakinggan mo...LOL

    ReplyDelete
  15. wow songer haha!! HAPPY NEW YEAR JEPOY! :D

    Namiss ko tuloy si magic sing ko hehe!

    ReplyDelete
  16. @Atty Homer Happy new year sayo :-D

    ReplyDelete
  17. why not, ipauso ulit ang mohawk, tapos pakulay ka na din ng hair. bongga! Ü

    ReplyDelete
  18. @Chyng gusto ko lang gayahin ang buhok 'nung nasa Glee ung naka mohawk ahahah

    ReplyDelete
  19. Saya naman ng holidays mo! Happy New Year! May sakit ka pa? Get well soon! Ü

    ReplyDelete
  20. @Angel Ok na me Angel, papahinga nalang pero nakaka pasok na ko sa office. Happy New Year to you and to Max :-D

    ReplyDelete
  21. naks small-town boy ang emote. wag ka nang tumulad sa kin nagkasakit nga ako.

    ReplyDelete
  22. @Random Stud Anung sakit mo Sir

    ReplyDelete
  23. ubo at sipon na lingering since weekend.

    ReplyDelete