Tuesday, December 29, 2009

Si Jepoy Feeling Writer

Akala ko last post of the year ko na 'yung Entry ko kahapon... Mag po-post ako ulet sorry naman, adik lang mag blog.

Habang nag kakamot ako ng betlog kahapon na isip ko na parang gusto ko rin mag sulat ng Novel at gumawa ng libro ko, nakaka excite kasi 'yung part na "About the Author" ng isang book. Ang kaso wala naman akong formal training ng pagsusulat, at hindi ko alam ang technicalities ng pag susulat ni wala nga akong units ng writing sa college. So, Ibig sabihin nag mamarunung lang ako o mas magandang term ang nag fi-feeling lang.

Habang nasa pila ako ng LTO kahapon (kasi nga po nawalan ako ng wallet before christmas kaya kelangan kumuha ng lisensya ulet) na pag desisyunan kong mag sulat instead na ma bwisit ng bongga dahil nga alas dyes palang ng umaga ang number ko ay nasa 130 na at ang natatawag na number ay number 46 palang, sinasabayan pa nito ang mga echuserong frog na lapit ng lapit sa Window 4 kahit na alam naman nilang number 230-ish plus plus palang sila. kamusta naman?! kaya kinuha ko ang aking cellfon at nag simulang gumawa ng Epilogue ng Novel na balak kong gawin ( Talagang may Epilogue leveling pa!) Don't worry, madali naman akong mag sawa so most likely mawawala din sa isip ko ito. Pero ang saya medyo nakabuo ako ng Epilogue (Although hindi pa tapos pero I think ma kikita na ang gusto kong iparating) share ko lang muna senyo kasi labs ko kayo. Hihihihi

Walang laitan. Ok. Kumapit ka Ma Chizwhiz ito. Fiction lang ito ha kaya wag mong dibdibin

***************************************************************************************

Hindi ko na kinakaya...

Alam ko namang hiram lang ang sandali na nakasama kita (Parang classic Pinoy Mubi lang). At isa pa, hindi ka naman talaga nag e-exist sa mundo ko dati. Hindi ko nga maintindihan kung paano at baket ka naka penetrate eh, basta ang alam ko lang nakita ko nalang ang sarili ko na kasama na kita at nakikipag kulitan na ko sayo ng bonggang bonggang na may konting flirting.

Ok fine, nag enjoy naman talaga ako nung araw na 'yun, meron kasing something sayo na click sakin. Siguro nga uhaw lang ako sa mga pag kakataong may makakapag pa-smile sa akin sa 'twing gusto kong makahanap ng dahilan para kiligin ulet. O baka naman rebound lang kita. Ang hirap i-define ng state ko ngayon. Parang tanga lang!

Ewan ko ba, Hindi ko talaga kasi maintindihan baket may mga taong pa-fall. Alam ko, hindi mo kasalanan na magkaroon ako ng feelings na ganito (Which apparently is undefine). I know, This is no doubt way far from so called "love". Para sakin ang love ay two way at nangyayari over time not overnight. Ayoko namang maging isang malaking stalker sayo, hello! hindi yata bagay 'yun sa personalidad ko. Don't get me wrong, hindi ako naiinis sa'yo sa kadahilanang wala ka namang nalalaman sa nangyayari sa akin, kasi in the first place hindi mutual ang feeling, Pangalawa pang ibang level ka hindi 'yung tipo kong hampaslupa ang gugustuhin mo. Malamang nga sa malamang eh nag papakasaya ka lang sa mga oras na ito at oblivious na may Gagong nag kakaganito dahil sayo. Ang totoo nyan eh, naiinis ako sa sarili ko. Hindi naman kasi ako normally ganitong tao na makeso. Sa totoo lang, bato nga ang tawag sakin ng mga tropa ko, hindi lang nila alam na ma-cheddar cheese din naman akong tao minsan. Pero ngayon, hindi ko ma-explain baket sa 'twing ma i-idle ang utak ko bigla nalang eksena ng saglit na pag kakasama natin ang nag fla-flash back sa utak ko, fuck it! It's so fucking high school cheesy scene.Meron bang simple ABC's para ma control ang subconcious mind ng isang tao? Kamote talaga!

Baket ba kasi ang sweet mo that time at meron ka pang na lalaman na pa kweto kwento with matching tats sa lap and arms ko. I hate it. Pa fall ka.'Di ko tuloy mapigilang ma-impress at mag ka kras sayo. Oo kras kita malandi na kung malandi, happy?! Parang high school talaga, Taena!Pero Wait lang, baka naman sadyang ganun lang ang nature mo. And I think it all boils down to my stupidity, Damn right,I knew it! I'm so tanga at isa't kalahating pathetic shit talaga. Kill me now!

Oh well, three bottles lang siguro solb na ko at mawawala din ang mga thoughts na hindi dapat i-entertain. Ang next question dito ay...Panu pag ganun parin after ng three bottles? effin' shit...

...
****************************************************************************************

HAPPY NEW YEAR SA INYONG LAHAT!!!!!!!!!!!!!!!!!

32 comments:

  1. Hindi ako naniniwalang fiction 'to. LOL

    ReplyDelete
  2. Anong state mo?Parang state of calamity..hahaha

    Pareng jepoy, kung hindi pa rin mawala ang thoughts mo after 3 bottles siguro patingin kana sa doctor, kasi nagwi-wetdreams kana..Peace!

    Seryoso, maganda ka naman talagang magsulat bro lalo na pagInspired ka at hango sa totoong storya ang isinusulat mo..btw, Sino ba yang maswerteng chicka babes na yan?

    ReplyDelete
  3. @gasul puki ka, psychologist ka ba?! I hate chu! Lol

    @Ruph United state of America yan. Isa ka pa, piction nga yan. Piction.Piction!

    ReplyDelete
  4. agree with gasoline dude. ang ganitong post ay mayroong pinaghuhugutan. malalim.


    wow naman! pwede bang tumambay dito kapag ubos na yung palaman namin sa bahay? whahaha! sooooobrang cheeezy!..na bitter. hahaha!

    ReplyDelete
  5. How so very curious! Parang hindi nga fiction! Hehe.

    Sige EB in January. Will round up the girls. Sama ko si Max? Haha!

    Happy New Year! Ü

    ReplyDelete
  6. naka naman kuya! tskk.. hala, sige. piktyon na yan (sabi mo eh)

    gudlak sa pangarap. nawa'y maabot mo ito at mag tagumpay ka! mabuhay mother earth! earth! earth! (echo..)

    ReplyDelete
  7. nakikigulo.
    napabasa.
    umusyoso.


    wahaha. epilogue pa lang yun, kabog na! anu kayang magandang background music habang binabasa ito?

    well, happy new yr kuya. nifollow na kita.. nawa'y makadaan ka dn sa blog ko. babay. ;)

    ReplyDelete
  8. @Caloy Sinabi ng fiction eh! Tambay lang pag wala ng palaman, pwede karin kumuha ng palaman sa Manila bitch maraming palamang cheese dun...Uy, nag blush! LOL

    @Angel Happy New Year, Yep sama mo si Max, excited na 'ko and Yes fiction talaga yan :-P

    @Kox salamat salamat at Oo Piksyon nga ang kulets. Hmp!

    ReplyDelete
  9. @Aneng Salamat sa pakikibasa, at Oo fiction nga iyan. Sige bibisitahin ko ang blog mo ang mag babasa rin :-D Happy New Year to you!

    ReplyDelete
  10. Ahahahahahahha... tingnan mo nga naman ang nagagawa ng mahabang paghihintay sa pila... jijijijijiji...

    Happy new year! jijijijiji

    ReplyDelete
  11. @Xprosaic Happy New Year saiyo!

    ReplyDelete
  12. hmmm... fiction talaga un? kung ganun bilib ako. kung non-fiction naman.. e parekoy... pa-fall talaga ang ibang mga babae. haha! dapat pa-fall ka din.

    ReplyDelete
  13. @Chikilets fiction nga. Thank you ahahahha

    ReplyDelete
  14. Wag ka nang mag-deny Jepoy... True to layp ito!

    Di naman kita ibu-buking eh! hahaha!

    ReplyDelete
  15. @Yannie Oh May Gas! Nag, comment na dito ang pa-fall, LOL

    ReplyDelete
  16. Haha oo, Psych ang natapos ko nung college. Kaya hindi mo ko maloloko. Nyahaha! Happy New Year! :)

    ReplyDelete
  17. @Gasul Arghhh! Basta Fiction yan period. Ahahaha

    Happy New Year Papi! Pwede bang mag update ka ng blog mo na miss ko na panulat mo, GO!

    ReplyDelete
  18. pekpektyon yan hindi fiction! hmp ka plastic!

    tama tatlong bote lang yan wala na...3 boteng vodka solo mo,hihihi

    hapi nu nyir!

    ReplyDelete
  19. Isang true-to-life experience na nagpapanggap na fiction, isa lang impostor!!!!!!

    Puki.

    ReplyDelete
  20. Hinugot from somewhere inside the pants. Non-fiction. True-to-life. Based on experience.

    BAWAL MAG-DENY. Kundi upload ko profile mu dito:

    http://www.denial.com

    ReplyDelete
  21. hindi ako nagblush! hahaha!

    ReplyDelete
  22. hahahaha. ikaw ba ito?

    pareng jeps a blessed new yr

    ReplyDelete
  23. aku ren jepoy psychology graduate den ako kaya ang masasabi ko lang....FRONT!!!

    ahahaha! pafiction fiction pa to...pish!

    Happy New Year Jepoy:D
    wordverification:ustslit (parang mahalay...ahahaha)

    ReplyDelete
  24. Sige dahil feeling writer ka, kukumbinsihin ko ang sarili ko na fiction lang yun. AMF!

    TSK, di ko makumbinsi sarili ko eh.

    Na-miss ko to!

    HAPPY NEW YEAR JEPOY!

    ReplyDelete
  25. Panay kamot mo s betlog mo bka maraming libag yan d kaya? lolz!hahaha

    Ui binata na si Jepoy marunong ng mainlab hehehe...

    Keep on writing man! Happy New year!

    ReplyDelete
  26. Happy You Year! Manigong "sana kumpleto pa ang mga daliri nyo" sa inyong lahat!

    ReplyDelete
  27. parang totoo..lols

    sabi nga nila,
    kadalasan, ang lumalabas sa mga taong (hindi prof writter) eh hindi imahinasyon kundi yung totoong nararamdaman at nasapuso't isip nila..lolzzz

    after 3bottles at andun pa rin,
    isa lang ibig sabihin nun..

    sapuuuuul!

    ahehehe

    happy new year

    ReplyDelete
  28. jepoy, I think you should write. Okay ang iyong naisulat, fiction sabi mo pero parang makatotohanan. I know it was based on experience. Kasi mas nailalarawan mo ang feeling.

    I am not a good writer. I have done some writing as well kung babalik-balikan ang aking mga lumang blog sa aking baul. Pwede mong basahin anytime, baka kahit papaano ay mapulot kang kahit isang word na matino hehehe!

    Na-inspire ako sa Filipino Writer when I first started writing. Try mo i-post yung work mo doon and I'm sure you'll get a real nice and honest comments lalo na kay Kuya Rom. Tuloy mo lang.

    Happy New Year pala. It seems you are starting something para sa taong 2010. Are you trying to re-invent yourself? hehehe!

    ReplyDelete
  29. ang haba naman kainis. basahin ko na lang uli mamaya pagbalik ko sa errand ko sa tita ko. sus.

    ReplyDelete
  30. @Ate POwkie Happy Newnyir! LOL Txt kita bukas ha :-D

    @Glentot Sinabing nang fiction nga eh, fukiloo ka~

    @Rei Makizuki Uy bago ka dito ah, natuwa ako sa comment, sana parati kang mag comment at wag mo kong ilagal sa dot com na yan kasi fiction nga talaga. hihihi

    @Caloy Asus!

    ReplyDelete
  31. @Paps Happy New Year ang tagal mong hindi ako dinalaw ihatechu! hihihi

    @Deth Isa ka pa LOL I hatechu! hihihi Happy New Year Deth!!!!

    @Acrylique Welcome back acrylique, na miss ka ng Pluma ni Jepskie

    @Jag Gumaganown?! Isa ka pa ahahahha

    ReplyDelete
  32. @Mga Epal Happy New Year! kumpleto pa naman

    @Kosa Hayaan mo tatanong ko kung kanung epek kung sapul o hindi ahaha Happy New year kosa pogi!

    @Noel Ablon nakakatats naman ang mga sinabi mo, nahihiya kasi akong mag post dun masyado pero siguro one of these days I'll try, happy new year sayo parekoy!

    @Radom Stud Hey tagal mong nawala Happy New Year sayo!

    ReplyDelete