Sunday, December 27, 2009

New Year's Resolution

Hindi totoo ang title ng post ko kunyari lang 'yun.

This will be my very last entry for this year. And to wrap it up bibigay ko ang year end review ko for 2009

Year end review:

Ang taong 2009 ay hindi naging mapait sa akin, hindi rin naman ito naging ganun kaganda. Kung baga, steady year lang. Nothing special kumpara sa 2008 na napakadaming saya at lungkot. Naging mediocre ako ng taon na ito. Ang pinaka exciting lang sigurong part para sa akin ay naging active ako sa online world, dito nga sa mundo ng pag blog-blog ay marami akong naging kaibigan. Many thanks sa mga panulat nyo, dahil at some point hinayaan nyong maibahagi sa akin ang parte ng pag katao nyo. Na appreciate ko ito. Meron akong mga naging close friends/tropa sa mundong ito at iyon ang isa sa pinakamagandang blessing sa akin ng 2009. Maaring alter ego nyo lang ang blog nyo pero masaya parin ako na naipapabahagi nyo ito sa akin. Sa maniwala ka't hindi marami akong na tututunan sa inyong panulat.

Again Salamat sa inyo at nais kong batiin kayong lahat ng isang Masaganang Bagong taon!!!!!

Hello 2010...

Share ko lang ang ilan sa mga plans ko this coming year para may babalikan narin ako dito to remind my self about this plan. Sana lang eh, magawa ko nga sya. But I guess, an attempt would be ok na din kung hindi ko man magawang i-put into action ang mga checklist ko.

For 2010...

1. Stop Smoking- Hindi na ako bumabata. Kelangan ko ng tigilan ang paninigarilyo dahil bad ito sa aking kalusugan. Hindi ako chain smoker at hindi rin ako sin lakas manigarilyo ng katulad ng mga yosi boys sa kanto pero sana lang ay maialis ko na ito sa sistema ko. Ok fine, bawasan muna natin ang five sticks a day into 3 sticks a day then on and on until ma alis na sa system (sounds manageable, right?!)

2. Gym Membership- Ok mag papa-member na talaga ako sa Flirtness Fitness First come January para makapag Cardio ng bonggang bongga at makapag buhat in preparation for my six pack abs target. Fine! joke lang ang six pack abs target. Napansin ko kasing no effect sa akin ang diet lang, at isa pa na motivate ako 'nung nilait ako ni Drake ng bonggang bongga last time. Fine! sya na ang pang starstruck hindi ako lalaban.

Sabi nga ng ka officemate kong health buff eh, mas mabilis daw ang pag kuha ko sa target ko kung sasabayan ko ng exercise. So mag papa member ako at i-lock ko ito ng one year program. I pag pray nyo ko kay Papa Jesas ha. Pero kidding aside, seryoso ako dito sa program ko, 'yung Starbucks Organizer ko nga ay ginagawa ko ng diet journal, sinusulat ko lahat ng nilalafang ko sa Organizer na hindi mura at dapat meron akong jogging everyday mula sa tinitirahan ko pa ikot ng MOA tapos sinusulat ko sa Journal. Yez, MOA talaga kasi malapit nga lang ako doon. Isang malaking gudluck dito!

3.Diet- Related sa number 2 ito. Hindi na ako magiging matakaw, promise! pag Sunday nalang pala, kasi naman Movie weekend 'yun diba alanganamang hindi ako kumain ng masarap. Fine! hindi na ako magiging matakaw, at pag nataong may date ako ng sunday mag tititigan nalang kame, hindi kame kakain kasi diet ako... seryoso ako dito!

4.Dagdag Sweldo- Kelangan matuwa ako sa increase ko this year. Kung hindi ako matutuwa sana makahanap ako ng Work kaagad sa ibang bansa. Sana lang maging handa ako dito both mental and emotional at sumabay ang pag ulan ng opportunity ng job opening at skill match demand ko sa trabaho. Sana makabalik ako sa Esteyts at doon na mag work, pero dahil mahirap ang buhay sana bago matapos ang taon 2010 ay meron ng maliwanag na path para sa aking work abroad target. At least a Job Offer manlang...

5. Savings-Mag se-save ako ng exact amount at hindi 'yung kung mag kano lang ang matira sa sweldo ko. Kelangan ko ng mag save! Pupukpukin ko ang sarili ko dito (Isang malaking Gudlak ulet)

6.Social life- Last Year kinulong ko ang sarili ko sa trabaho at bahay at pag babasa ng libro. Ngayon taon na ito ay kikitain ko lahat ng blogger friend ko na pwedeng i meet. Itataas ko ang antas ng social life ko gaya ng social life ko noong college. Magiging active ako sa EB ng filipinowriter kung merong invite at kung gusto nila ako isali sa EB go lang ng go. Hindi lang yan, hindi na ako mag tatago sa mag iinvite sakin ng gimmick pag weekend.

7 Personal life- Lalayo na ako sa mga pa fall. Hindi na ako mag reach out sa mga ayaw pa reach out, this time ako naman ang kelangan i reach out. Hindi na ako mag e-exert ng effort na nasasayang lang naman. lalo pa at unaccounted naman parati ang effort. (deadmahin mo nalang 'tong number 7 ako lang kasi nakakaintindi neto, gusto ko lang isulat)


27 comments:

  1. uso na naman ang new years resolution. ito din ang topic ng new post ko. Napapanahon e.haha. But gaya ng ng sinabi ko don sa latest post. Halos di man lang nanglahati ang listahan ko.peroo gagawa pa din ako.
    It is better to try and lost than never tried at all! hehe

    Heypiii new year :0

    ReplyDelete
  2. @Miss Guided Happy New Year to you too.

    "It is better to try and lost than never tried at all"... well said :-D

    ReplyDelete
  3. Naks! ayos ah... well ok naman yan at least may goal na nilolook forward to... wish you luck at happy new year na din! jijijiji

    ReplyDelete
  4. Hangad ko ang iyong tagumpay pre hehehe...

    Ganbatte ne!

    ReplyDelete
  5. @IamXprosaic Thanks and Happy New Year to you too

    @Jaq thanks Pre, Happy New Year sayo dyan.

    ReplyDelete
  6. ahhhh
    parang pare-pareho pala tayo ng sinapit sa 2009!!!

    pero sobrag daming pwedeng abangan sa 2010 ahhh!

    happy new year parekoy!

    kitakits sa 2010!!!

    ReplyDelete
  7. aylaykdis!!

    goodluck sa listahanan mo. sana at least 50% magawa mo noh. hehe.

    happy new year!

    ReplyDelete
  8. diet? exercise? powtek..ako din! huhu..para na kong marshmallow man..yung kalaban sa mga sentai dati. hahaha! cheers to that! :D happy new year!

    ReplyDelete
  9. @Chikletz Salamat ng marami Chikiletz. Sana nga magawa ko lahat yan. Haist!

    Happy New Year sa napagandang kaibigan ko (Meganownnnnnnn!)

    @Caloy kung ikaw parang marshmallow ayoko ng imaginin pa ang magiging description mo sakin. HOWMAYGAS! Turuan mo nga ko panu mo ginawa ang magical weight loss program mo?! LOL

    ReplyDelete
  10. jepoy, just want to share this to you, yeah, we all know na every new year eh naglalabasan ang mga new year's resolutions, pero naisip ba natin na di naman natin kelangan pang hintayin ang pagpalit ng taon kung gusto nitong magbago?

    wala lang. gusto lang kitang kontrahin kasi di nyo ako sinama sa EB. HAHAHA. goodluck sa 2010 nating lahat :D

    ReplyDelete
  11. Happy New Year to you and to your family. May 2010 bring you more blessings and happiness!

    ReplyDelete
  12. hapi new year kuya :D goodluck sa mga plano. hehe..

    ReplyDelete
  13. GOOD LUCK DUDE, I AM LOOKING FORWARD ON #2 & #3...HAPPY 2010 TO YOU!!!

    ReplyDelete
  14. happy new year jepoy! :) life is too short to end up in regrets! kaya siguraduhin mo na gagawin mo lahat sa list mo ha! cheers to 2010!

    ReplyDelete
  15. @Popoy Huwag kang umarte ikaw ang hindi nag reply sa txt, dibale mag eb tayo sagot ko ang icetea mo, ayos ba?!

    @Ailee Happy New Year to you and your family as well. Hope you'll have a blast this New Year! Have fun

    @Kox Salamat ng Marami Kox, happy New year din sayo.

    ReplyDelete
  16. @Scofield THank you Pre, pag pray mo ko ha LOL.... Happy New Year din sayo!

    @Roanne I'll try my best, wish me luck! Happy New Year to you and your family!

    ReplyDelete
  17. @jepoy. ang kuripot mo naman? Iced Tea lang? hahahaha. naknampucha hahaha

    ReplyDelete
  18. @Popoy Puki ka! Pag iisipan ko muna kung pwede kong dagdagan ng extra rice ahahaha. Buset ka! Happy New Year ulet

    ReplyDelete
  19. walang diet diet..pucha kanin ako mula umaga hanggang gabi mula nong nakauwi ng pinas..ahahaha..

    hapi nyu nyir!!! saan kita makokontak??

    ReplyDelete
  20. Sige, will include in my prayers na sana magawa lahat ni Jepoy ang sinulat nya sa blog post na ito para masaya ang buhay. Ü

    Parang may gusto akong ipa-date sayo Jepoy. Haha biglang ganun?

    Happy New Year! Ü

    ReplyDelete
  21. Marami akong sasabihin eh kaso nagmamadali na ako kaya ang masasabi ko lang ay isang malaking PUKIIIIII

    ReplyDelete
  22. Tama kelangan magsave agad pagkasweldo..

    Ikaw, hindi active ang social life at nakulong lang sa bahay? Come on! Ü

    ReplyDelete
  23. @Ate Powkie email mo ko sa iamalivingsaint@gmail.com, until when ka sa Pinas?

    @Angel Thank you thank you miss butipul hihihi

    @Glentot fookiloo ka!

    ReplyDelete
  24. @Chyng Promise! Ngayon sana pumapagaspas na ang aking social life

    ReplyDelete
  25. happyyyy new year jepoy!

    ReplyDelete
  26. Happy New Year Mang Jepoy!

    ReplyDelete
  27. good luck sa resolutions! happy nyunyir narin!

    ReplyDelete