Saturday, December 19, 2009

Reklamo ko ngayong Pasko

Ang mga susunod na babasahin ay hindi kaaya-aya. Nag lalaman ito ng poot na nag mumula sa puso ng may akda.

Powthangenang Shiyeeeeeeet!!!!!

Baket?

Nadukutan lang naman ako ng wallet ngayong araw na ito. Ok, given, hindi malaki ang lamang pera- apat na daang piso lang ito. Kakaramput kumpara sa mga bigtime nating kaibigan dyan, pero para sa akin malaking bagay na ito. Pwede ko na itong impambili ng katol, peanutbutter, medjas, isang boxer brief,mani, at maraming knorr cubes pero hindi naman pera ang ikinauusok ng tumbong ko. Ang kinaiinisan ko ay ang iba pang laman ng wallet ko. Ang lahat ng kailangan ko para mabuhay sa Maynila tulad ng ATM Card, Credit Cards, SSS ID, Drivers Lincense, Health Card, Detal Card, Discount Card, TIN Card, at kung anu anu pang card pati ung ATM ko sa Amerika ay nandun sa wallet kong Guess (Sinabi ko lang 'yung tatak hihihihi) I know wala naman akong dollar account pero naman Remembering 'yun. I mean remembrance ko 'yun. Oo sentimental akong tao kahit gamit na na condom tinitreassure ko, jowk lang wag maniwala! So 'yun nga wala talaga. Utimong pambayad sa tricycle wala. Nagalit nga 'yung manong sakin eh nag papalusut daw ako.

so ganito ang nangyari. Kwento ko.

mga bandang 6:00 ng umaga ay nakikipag landian pa 'ko sa mga officemates ko, tapos mga bandang 7:30 ay nag kayayaan na ng umuwi. So dahil hindi na ako nag dadala ng auto papapasok ng office mega bus ako sa Edsa, doon sa may Shaw ang sinasakyan ko ang MIA. Dahil choosy ako nag hintay ako ng bus na maganda at malakas ang Aircon.

Pag upo ko sa bus, tinapat ko ang dalawang bunganga ng aircon sa fez ko para winter wonderland ito. Maya maya nag simula ng mag trapik .Napansin kong may umupo sa tabi ko, isa itong Manong na mga sampung piraso lang ang bukok. So ako deadma buti sana kung Chicks sya baka i offer ko pa ang sneakers chocolate bar sa bag ko, kaso hindi. So habang umaander ang bus ang bumubuga ng aircon ay sya namang hele sa akin ng lamig.

So sa madaling salita nakatulog ako ng beri beri nice (galing ka glentot ang salitang yan) mga around 7 minutes siguro akong nakatulog. Mag mulat na pag mulat ng mapupungay kong mata bigla akong nagising sa ulirat dahil Evangelista na meaning malapit na ako sa may Pasay Rotonda kung saan ako dapat bumababa. Syempre punas muna ng laway na tumulo, chineck ang tshirt kung may patak ng laway, nakakahiya naman 'yun diba. So bumaba na ako ng bus like my usuall morning routine nag lakad ng mabilis dahil na iirita sa rush hour at madaming tao na papasakay ng MRT.

Pag sakay ko sa tricycle napansin ko na naka bukas na ang aking messenger bag. Bukas ang harap at loob nito. Kinabahan ako at narining ko ang tunong ng heart ko bigla. Alam mo ung parang huminto ang lahat tapos puso mo lang ang naririnig mo. Ganto 'yung sounds nya

"Tugs..tugss. tugss. tugtugtugs.."

Anyhow carabao, sa sobra kaba ko na pa kanta ako ng "Boom Boom Pow" chineck ko kagay ang cell fon ko. safe sya! sabi ko, "Thank you po Papa Jesas..." Hinanap ko ang wallet ko wala na sya. fuck it! wala na talaga. may kumupit na. Siguro kras ako nung snatcher andun kasi 'yung graduation picture ko.

So yun wala na talaga sya.

Eto ang catch. Hindi ako makapag withdraw dahil wala na nga akong ID. Eh pasko na next week, right?! Maniniwala ba ang mga inaanak ko pag sinabi kong pass muna grand children dahil si Gandalf ay na dukutan last week.

Isang malaking GudLak! Fookiloo talaga! Taee!

So kayo mga katoto mag ingat kayo ha. Tandaan mas mahalaga ang buhay kessa Material na bagay at ingatan din ang Pera nyong pampasko maraming gipit ngayon at i know hindi lang ako ang last victim nya sana lang tumigil na sya sa pag ka klepto nya dahil pag nakita ko sya sa susunod ay matitikman nya ang bagsik ng kapangyarihan ni Jepoy.

Ingats kayong lahat. Meyhal khow keyong lehet!!!

32 comments:

  1. Oh my siomai talaga! Mahilig pa naman din akong matulog sa byahe. Tsktsk.

    Madugo ang pagkuha ulit ng mga IDs na yan. BACk to zero. Goodluckness! Ü

    ReplyDelete
  2. naranasan koh na yan... sobrang asar to d' max akoh.. ilang araw or weeks atah akong depress-depressan... nemen... nde naman kc akoh naasar don sa nawalang cash.... puwede kong kitain uletz yon... ang kinaasar koh ren kc yung mga stuffs na nandon sa wallet koh... mga butinting... and yeah mga sentinmental values den... so ngaun... halos nde akoh nagwawallet lumabas.. ni ID nga minsan wala akoh eh... wehe... noong nawalan akoh minsan... iniisa isa koh yung basurahan d2 sa downtown namen... oh my gulay kc baka tinapon yung wallet and cash lang kelangan... pero yeah.. wala.. umaasa na one day eh may magpadala saken nang fedex na andon wallet koh.. haha... okz lang yan... nde kah nag-iisa sa mundo... nd nde lang once nangyari saken.. so many times.. ano kaya tawag don?!... ahehe... ingatz parekoy... you'll get through it... maybe ma mas magandang wallet sau si Lord... =) Godbless! -di

    ReplyDelete
  3. Wahahaha..bagsik ng kapangyarihan ni Jepoy! Ano kaya iyon? Abangan ang kapana-panabik na eksesa sa pelikula ni Jepoy na pinamagatang.."Pass mo muna ako mga inaanak kasi nadukutan si nongni!"

    Well, gaya nga sinabi ni Jebs este Jeps, konting ingat lang po ngaun magpapasko kasi un mga alagad kong klepto nagkalat na naman...lols!

    ReplyDelete
  4. Oh my! Kalamay! Di lang masakit sa bulsa yan pati sa ulo, dami mong gagawin lalo sa credit card mo, dapat ay nai-report mo agad iyon dahil baka di lang yung 400 ang mawala sa'yo - pati yung susunod mong sahod.

    Kahit naman siguro sino ang manakawan ay talagang mawawala sa ulirat eh.

    Yan lang talaga ang star for all season - mga mandurukot. Kaya ako pag nasa Pinas, laging nakakapa sa aking behind for my wallet or nilalagay ko sa front pocket.

    Ang sagot sa ganito ay dapat always BE BERI BERI KERFUL!

    Hope you still have a merry christmas!

    ReplyDelete
  5. Ahihihihihi malas naman... di naman ako nadukutan pero minsan may nagattempt pero nahuli ko wahahahahahhaha... lagot siya... jijijiji pero nasubukan ko nang nawalan ng gamit sa wallet (so malamang may kumuha nun sumwer) at ang kinuha eh yung mga foreign currencies (so obvious na yun ang trip niya) kaya sabi ko noon... lahat ng mga remembrance iiwan na lang sa loob ng aparador... jijijijiji...

    ReplyDelete
  6. @Chyng I know, Kill me now. Fuck it!

    @Dhianz Haist, salamat sa encouragement and Merry Christmas to you too.

    @Kablogie Sabi na nga ba mga alagad mo 'yun. I hate you big time.

    ReplyDelete
  7. @Noel True enough, dapat beri beri kerpul tayo. Merry Sayo Pare koy

    @Glentot Fuck it. Fookiloo ka!

    @Xprosaic Buti ka pa hindi na dudukutan, mag ingat ka wag mo ng naiisin pa!

    ReplyDelete
  8. ok lang yan jepoy..buti nga nadukutan ka lang ng very very nice. swerte ka pa nun.

    buti at safe ka. :D

    ReplyDelete
  9. ang sad! tskk. naku kuya, tara kulamin nten yung dumukot sau! tskk.. walang puso un! grr

    ReplyDelete
  10. 4h isang bucket na nang sml un or Redhrse at isang order nang sisig at fries... sayang

    ReplyDelete
  11. magwithdraw ka na lag over-the-counter pwede naman un... habang pinoprocess ang ATM mo.

    magpagawa ka agad ng police report kase kailangan mo un sa pagkuha ng panibagong SSS, TIN, at credit cards.

    sa susunod... kahit ulingin pa yang katabi mo, makipagkwentuhan ka na lang! wag mong dedmahin! lolz!

    merry christmas!

    ReplyDelete
  12. malamang doon ka na nadukutan sa pagbaba mo ng Rotonda...hindi sa loob ng bus. Napakaraming mandurukot dyan sa rotonda...garapalan...napanood ko yan dati sa XXX (news and current affairs program yan sa channel 2, hindi yan bold). siguro bumalik ulit ang masasamang loob.

    ReplyDelete
  13. hampanget naman ng pasko mo brod..

    hirap nga magpaliwanag sa inaanak nyan!

    after xmas mo na lang isipin yna parekoy! enjoy ur holidays muna!

    meri xmas!

    ReplyDelete
  14. awww! sayang yun.sayang! hayaan na, nangyari na e, tsaka wala ka ng magagawa. ahihi.:))

    buti nga at dukot lng at walang balisong na naitusok sa tyan mo.:))

    ReplyDelete
  15. natawa ako sa comment ni keso..di pa ako nadudukutan kasi ako ay mandurukot din, hehe..joke..

    ReplyDelete
  16. arayyy...sobrang hassle pag ganyan eh. kung di ka ba naman talaga mamalasin o..

    anyway highway gudlak na lang sa mga chikitings na hahabol sayo. haha!

    upakan na natin si kupal na manong. LOL!

    ReplyDelete
  17. to echo Glentot....laki laki mo na... shungaloo ka pa.... joke leng...

    sana ngayong pasko, ay mamatay na lahat ng mandurukot.... laking tuwa ko lang....

    ReplyDelete
  18. Ang tanga naman ng wallet di nagsasabi na dinudukot n pla xa Haha nakakarelate ako. Nadukutan din ako sa mismong araw ng birthday ko noon after ng treat ko sa mga kaibigan. Buti na lang nkapagbayad na ako bago p ako madukutan hehehe...Nandun din lahat lahat ng mga mahahalagang ID's and cards ko...kaya natuto na ako...ayoko ng gumamit ng pahabang wallet hahaha...

    Tuloy pa rin ang Pasko kahit nadukutan ka hahah...

    Merry Christmas!

    ReplyDelete
  19. awts, nangyari din sa akin yan nung minsang umuwi akong lasing.. hahaha

    nakatulog ako sa jeep, ginising nung katabi para palipatin, sa gulat ko, napasigaw ako ng "NO!"..

    tapos bumaba na siya ng jeep, then yung mama sa harapan ko, sabi dinukutan daw ako nung gumising sa akin.. pag magpapasko talaga noh?

    ReplyDelete
  20. maswerte pa rin ako talaga dahil never pa akong nadukutan o nasnatchan ng gamit. (knock on wood 3 times).

    dapat kasi magingat. maging mapagmatyag. tignan mo yung katabi mo. minsan hindi masamang maging judgemental. pag mukhang adik at mukhang magnanakaw yung katabi mo eh magingat ingat ka na. oo judgementa kung judgemental na pero isipin mo rin ang sariling kapakanan. hahaha.

    yung lang ang tip ko jepoy.

    goodluck sayo.

    ReplyDelete
  21. kasi naman inuuna ang pagpapa kyut kaya ayan nadudukutan... sa susunod kasi wag nang magpunas ng laway! hehe

    ReplyDelete
  22. @Caloy Tama buti nalang at safe ako at hindi anabuso ang mura kong katawan

    @Kox les go pakulam na natin ng bonggang bongga

    @Patokplace Haist sayang nga

    ReplyDelete
  23. @Azel Maraming salamat sa iyong paalala at ingat maligayang pasko sa iyo..

    @Raffy Honga bumalik nga yata talaga ang mga masasamang loob. LOL

    @An incedent Mind Salamat Pre at Meri Krismas din LOL

    ReplyDelete
  24. @keso Kurek!!! Hayaan nalang natin yun

    @Arvin Ay ganun, hindi halata, na shock ako sa revelation mo Pre.

    @Chiklets akala ko pa ayaw mong sabihin ang salitang kupal?! LOL kaw ha ahahahha

    ReplyDelete
  25. @YJ May chinismis sakin si Glentot tungkol say LOL

    @Jag tama ka tuloy na tuloy parin ang pasko

    @Raye Natawa ako sa experience mo lol

    @POpoy salamat sa mga advice mo. Baket hindi ka nag rereply sa mga txt ko

    ReplyDelete
  26. wahaha.. palong palo po yan lalo na sa footbridge sa may pasay rotonda.. ;)

    ReplyDelete
  27. @jepoy. adik ka! ikaw ba yung nagtetext ng pede maging txmate? hahaha. hindi ka nagpakilala kaya di ako nagrereply eh adik ka kasi/ pakitxt ako ulit at pakilagyan ng pangalan hahahaha

    ReplyDelete
  28. @Aneng kurek lalo na doon at mag ingat ka dahil pwede makita ang underwear mo ng mga manyak sa ilalim ng foot bridge :-D

    @Poypi Tama ako ngayun! I hatechu di u repy lol txt kita ulet buset ka!

    ReplyDelete
  29. ay sows! pano mo na mabibili ang blackberry fone na pinangako mo Ninong jepoy ko...(nyahahaha!)

    ok lang yan jepoy, sabi nga pag may nawala ibabalik yun sau ng Lord,siksik,liglig at umaapaw! naks...parang nakakatakot yata yung umaapaw...hehehe

    ReplyDelete
  30. mahirap talagang madukutan. ako pag nasa public vehicles, ingat talaga. ang wallet ko, nakalagay sa safety pocket ng backpack ko, yung mahirap hanapin.

    ReplyDelete
  31. @Deth Gudlak nalang talaga

    @Demak True Ingat lang talaga

    ReplyDelete