Thursday, December 3, 2009

Christmas Wish List

Halos lahat ng tao ay may kanya kanyang wish list pag mag kri-krismas na, 'nung bata nga ako sumusulat pa 'ko kay santa klaws eh sabi ko, "Dear Santa Klaws sana po ay bigyan nyo ako ng bagong shoes" tapos nag kakaroon nga ako, hangsaya noh?! Pero na laman kong hindi pala totoo si Santa Klaws kaya mula noon hindi ko na sinusulat ang wish list ko.

Pero 'nung nauso ang blog ay muli akong susulat pero this time para sa inyo na ito. Hihihii

Sana nababasa ng mga kaibigan.Katropa.Ka-fezbuk.Ka-twitter ko itong entry for the day nang sa ganun ay hipuin ni Papa Jesus ang matitigas nilang mga puso't atay para naman mering meri ang krismas ni Jepoy.

Eto na ang list.

1. Gusto ko talaga nito, pero hindi ako makabili dahil sa tight budget at hindi ko naman sya masyadong priority. Gusto ko kasing picturan ang sarili ko LOL para naman mapalitan ko na ang profile ko sa fez buk at sa blogger pic. Alam kong usong-usong ang photography ngayon pero sa totoo lang highschool palang ako hilig ko na talaga ang mag picture-picture specially 'nung naka kita ako ng play boy magazine, joke! Photojornalist ako 'nung highschool namin, naalala ko naki pag compete pa nga ako ng photojornalism noon, kaso lang talo ako. Sana may mag regalo sa'kin neto. Gudluck!!!!!!


2. Ang second sa list ay storage device para sa aking mga porn collection picture archive and movies and tv series. Pwede na sakin ang Western Digital 1 Tera external HDD tulad ng picture dito. 80 Gig lang kasi
ang capacity ng internal hard drive ko at nag hihingalo na sya so far. Sana ay may makuha ako ganito.


3. Ang ikatlo naman sa aking christmas wish list ay... (drum rolls please) charan! Gym Membership for 1 year. Oo tama ka. Para naman lumaki ang maskels ko at lumiit ang aking
tummy ng bonggang bongga para lumabas ang nag tatago kong six pack abs! (GOOOOOOODLUUUUUCK!!!!!!) Wag ka ng mag react lalo na sa comment box, I hatechu! Naisip ko lang na ilang taon ko ng pinaplanong mag Gym pero lagi akong bigo, sana naman ngayong Pasko after kumain ng madami ay makapag Gym na ako hihihihihi

4. ang ika apat ay ang Black berry phone pero dahil tight budget nga at dukha lang ay na lipat ito sa E71 at nakuha ko na ito kaya. tsek for wish list number 4, Yay!

5. At ang number five naman sa aking wishlist ay ang huling installmanet ng "The Immortal Instrument" book na pinamagatang "City of Glass" Sana merong mag bigay sakin neto. Murang mura lang sa suking tindahan.


Ngayon naman mag lilista din ako ng limang gift na ayokong mareceive ngayon krismas lalo na sa
mga Kriskringgle, Monito Monita at kung anu anu pang exchange gift pakulo sa office at kung saan saang lupalop ng Motha Neycha :-D Hindi ako choosy pero mabuti nang alam nyo kasi diba mag bibigay narin lang edi yung makapag bibigay na ng lubos na kaligayahan sa pag bibigyan, right?

So eto ang ayaw na ayaw kong ma receive tuwing pasko.

1. Photo Album/Picture Frame. Sobrang dami ko na pong photo album mula pa 'nung
gradeschool. Hindi ko pa nga po nagagamit ang iba kaya kung pwede lang wag na po ito.

2. Figurines. Wala po akong balak mag kulek ng baboy.kambing.ibon.Angels.prutas na figurines, at na ka-ka-kuha din po kasi ako ng figurines sa mga kasalan, debut, binyag, at burtdey kaya sana po ay wag na pong figurines.

3.Bimpo. Ang dami ko na pong labakara kuleksyon mula pa noong elementary exchange gift merong kulay red, green, blue stars over you mama said papa said i love you... kaya wag na po ito, mas ok pa ang lufa at mas mura pa ito (suggestion lang)

4.Tasa/plato/platito/baso- Please po marami na po si Mama neto, kung gusto nyo ako regaluhan nito sa Krismas hintayin nyo nalang ang wedding ko, doon nyo nalang ibigay. Salamats!

5. Alarm Clock. Ito po ang pinaka ultimate sa lahat ng gift na hindi ko gusto, kasi ni nenerbyos ako pag nakakarinig ako ng tunog ng alarm clock feeling ko Peryodikal Test na ulet at parang gusto kong mag aral kasi baka ma bokya ako dahil one seat apart ang pwesto pag peryodikal test.


34 comments:

  1. base!!!!

    teka base ba ako? hahaha
    hmmm natawa ako sa mga ayaw mong matanggap na regalo sa pasko.... buti di mo sinulat yung calendaryo sa hate list mo... hehehehe

    ReplyDelete
  2. alam mo jepoy its the thought that counts. importante may gift sayo at di ka nakalimutan hehehe. pero tip naman dun sa mga magbibigay nung mga nasa "AYAW MONG MATANGGAP NA GIFT" list eh pede naman yan gawan o lagyan ng twist. maging creative lang diba? katulad nung baso, instead of normal na baso ang ibigay bakit hindi lagyan ng mga biskwit o kaya ng mga bread sticks na nilagyan ng design, o diba mas maganda yun, may baso ka na, may pagkain ka pa :D

    ReplyDelete
  3. E napakamumura naman pala ng nasa wishlist mo! :D Kahit si santa klaws di ata kaya ibigay.. hehe... sa SLR na lang eh :D
    Nice read... made my day ;)

    ReplyDelete
  4. Ang regalo ko ay eternal friendship.

    ReplyDelete
  5. @Saul Oo pre base ka, hindi ko naman hate 'yun sana lang wag kong ma receive meron thin line sa hate tsaka ayaw kasi hihihi

    @Popoy tama ka at the end of the day its the tot dat counts hihihi tama rin ang tweak mo sa baso. LOL

    @Avee I know right? hihihihi Salamat sa pag appreciate ng entry pa kiss nga mwah!

    ReplyDelete
  6. @Glentot Letcheng eternal friendship yan. Sayo Cash nalang okey hihihi

    ReplyDelete
  7. Ahahahahha may figurine ako... angel siya... gusto mo?! jijijiji

    ReplyDelete
  8. 'pag binasa ba 'tong wish list na 'to, required mag-regalo?

    ReplyDelete
  9. jepoy, hindi ka rin pala maluho.. simple lang pala ang gusto mong mabili..he he he

    pero palagay ko kulang pa yan, dagdagan mo pa..

    idagdag mo sa wish list mo na makabili ng PAMPAPAYAT. yung instant medicine na iinumin mo in just a few minutes super sexy body ka na.. ha ha ha joke parekoy.

    ReplyDelete
  10. ayy trip ko din yung slr.
    gusto mo exchange gift tayo?
    bgyan mo ko slr bibigyan mo din dpat ako ng slr. ahihi.

    nainggit ako, gagawa din ako ng wishlist! wahahahaha

    ReplyDelete
  11. Jepoy, pwede na ba yung prayers? hehehehe!

    Sige ipagpe pray ko na regaluhan ka nga nila....ayan ha! May regalo na ako sa iyo!

    Happy New Year (buti na lang wala akong pasko--hehehe)

    ReplyDelete
  12. Tae ka Jepoy! Ubod mo ng manggagaya! ako nauna sa mga yan Tingnan mo yung Date akin Dec 2 sa iyo December 3 hahaha!

    Ayokong magkomento dito kasi pareho lang tayo ng isininulat!

    Isa pa halos lahat ng nasa christmas list mo meron na ako!LOL

    Ingat

    ReplyDelete
  13. lol... ayoko rin dti ng photo frame at photo album pti mga figurines pero ngayon kelangan ko na sila at wala nang nagreregalo non sakin... puro mga cosmetics nalang na giftpack ba... ung tipong hindi pinag-isipan... i know mahrap mag-isip ng mga regalo pro ako, aus na sakin ung kahit may personal touch. natutuwa na ako sa mga tipong letters or kht ung dti nagbgay sakin ng personalized na frame or bsta may personal touch. na alam mong para tlg syo. lol. lagyan mo nlng ng "TO:STEPH" hahahhahaha

    ReplyDelete
  14. @iamxprosaic Pwede rin, sige bigay mo saki hihihihi

    @Joanna hindi naman kasi mula sa puso ang regalo, kaya kung anu nalang nasa puso mo pakiabot nalang kay glentot ok hihihi

    @Alkapon hindi talaga ako maluho. Ikaw ang mean mean mo sakin ha! I hatechu!

    ReplyDelete
  15. @Keso ay wag nalang, ako nalang bigyan mo hihiih

    @Ayie pwedeng pwede ang prayer hihihihi

    @Drake Wag kang mag panggap, pinalitan mo lang ang date ng entry mo.

    Inaamin ko naman kung nanggagaya ako diba? pero this time is not hihihii

    ReplyDelete
  16. @Steph ako din gusto ko personalize. Edi instead na bigyan nila ako ng tasa, basagin nalang nila ito at gawing mosaic mas mura pa diba? hihihi Kamusta ang Egypt? pasalubong ko?

    ReplyDelete
  17. ah ok..sagot ko na ang number 1...padadalhan kita ng maraming maraming petyurs ng una sa wishlist mo,hihihi

    ReplyDelete
  18. sige bibigyan kita ng bimpo kuya..hahaha ^__^ joke!

    ReplyDelete
  19. @Powkie Pwedi narin hihihi

    @Superjaid Sige bigyan mo ko ng nag mumurang mintgreen na bimpo hihihihi

    ReplyDelete
  20. Dapat regalo sayo eh Slenda.

    ReplyDelete
  21. ung mga ayaw mo matanggap na gift ang available sa factory ni santa ngaun..ahehehe

    ReplyDelete
  22. gusto ko din ng number1, ang SLR! kaso mahal na hobby yan, after ng SRL, bibili ka ng bag, tapos tripod, tapos remote, tapos extra lens. walang katapusan.. haha

    siguro jan naubos agad ang 13th monoth pay mo? ;D

    ReplyDelete
  23. Jepoy wabz na kitah kasama nang mga entries moh.. napatawa moh akoh nang bongga bongga... lalo na yung alarm clock.. nde koh alam mababaw lang kaligayahan koh or sadyang funny ka lang... Jepoy... imbitahin moh kme sa wedding moh at least alam koh na ireregalo koh sayoh... pa-*hugz* nga... parang hagncute cute moh lagn lagi magkuwento.... ingatz kah ha.... Godbless! -di

    ReplyDelete
  24. aw. ang mamahal nman nyan kuya, pero trip ko din yung external harddrive at dslr. hihihi.. sana yumaman na ko, haha. :D

    uhmm.. mejo sang ayon ako kay popoy, haha. cool eh. madami din akong ayaw, pero oks lang. atlis nibigyan nila ko :D hehe

    ReplyDelete
  25. @Aika Ay ganun hihihi

    @Chnyng I wish LOL

    @Dhianz pinatataba mo ang puso ko hihihi. Aylabet!

    ReplyDelete
  26. @kox pwedeng pwede nga hihihi

    ReplyDelete
  27. pati si santa klaws mapapmura sa sobrang mura ng wish list mo tol ah...anyway meron ako ditong mga giveaways sa remittances tiyak magugustuhan mo...hehehe
    1. picture frame
    2. wall clock/alarm clock
    3. towels
    4. figurines usually yung pusang kumakaway.
    5. stuffed toys na kasing laki ni thumbelina.
    6. baso/platito/chopsticks na stainless.
    ahhhmmm, anu pa ba... ah basta pili ka na lang diyan...hehehe

    eeettts da tot, dat kawnts naman di ba.

    HAPPY WEEKEND

    ReplyDelete
  28. shallow!!! materialistic ka masyado...

    hindi ka man lang nag wish ng world peace.....

    TSE!

    ReplyDelete
  29. @Scofied Tama ka ets da tot dat counts aylabet!

    ReplyDelete
  30. @YJ eto na I wish for World Peace hihihi

    ReplyDelete
  31. gusto ko ng unang wishlist mo, yong dslr. hay naku gusto kong magkaroon din nyan.

    ReplyDelete
  32. Ang mahal ng mga hinihingi mo ha. in fairness pero ok lang din naman ang mangarap. XD

    ReplyDelete
  33. @Sakpin Hayaan mo pag kakaroon karin nya

    @Princes nga ako Libre ang mangarap ika nga ng matatanda

    ReplyDelete
  34. haaay! pasko nanaman.. dadami nanaman ang mga mug at bimpo ko.

    ReplyDelete