Monday, January 25, 2010

Weekend Report ko Sa Inyo!

Maaga akong bumangon ng Saburdey dahil hektik ang schedule, you know naman kaming mga artistas, always busy to death and all. Jowk!

Meron kasi kameng team dinner at Bidyokehan kasama ang aking mga kaopisina, syempre 'pag usaping Bidyokehan walang makakaagaw ng mic kay Jepoy, aktuli meron na akong listahan ng mga songs bago pa man ako pumunta doon, anu pa nga ba't pag hahanap nalang ng numbers ang effort ko, ewan lang kung may makasingit pa . Matagal tagal na kasi itong na popostponed, dapat 'nung araw ng Ondoy pa sya pero ngayon lang natuloy, naging 3 months in the making tuloy. Kasabay ng araw na iyon meron din akong lakad kasama ang ilan sa Filipino Writer na nag invite sa isang mamam session. Kaalin sabay nito ay kinita ko rin ang dati kong mga Officemates para sa isang gimik. Pukang Ama diba level up talaga, harabas sa lakad!

Kinabukasan Linggo ay gumising ako ng maaga kahit masakit ang ulo bunga ng hang ovah para mag punta ng Charch at maalis ang mga bagay na gumugulo sa isipan tulad ng tocino, longganisa, sinigang at carrot cake. Biro lang iyon, syempre kelangan ko talaga ng taimtim na panalangin at gusto kong mag praise and worship, na mimiss ko na talaga.

After noon ay nag pa carwash muna ako ng sandali, nakakawa naman ang Bebe ko hindi na nga sya nagagamit parati hindi pa nalilinisan, Kaya tumambay muna sa Petron para malinisan sya tapos fly high na agad sa MOA (ang comfort mall ko).

Sa MOA.

Pukang Ama! Ang daming madlang tao parang palengke lang. Nahihilo ako pag sobrang daming tao. Ayoko ng masikip ayoko ng maputik. Kaya dumiretso ako sa isang kainan na hindi masyadong mataong matao at kumain mag isa. Ito 'yung kinain ko
Tapos pag dating nga ng order na yan na realize ko nag diet-dietan nga pala ako. FOOKILOO! 'di ko naman pwedeng isoli ang order kaya inendyoy ko nalang ng beri beri nice ang food. Hindi ko naman inubos ung kanin at ung bilog bilog na something dyan pati ung salad na may bluecheese (defensive kagad!)

Matapos kumain at i-take out ang natirang food. Ay dumiretso ako sa Power books ang favorite spot ko sa Mall. Nag lakad lakad doon at nag spot ng book na pwedeng basahin.Sa aking pag titingin tingin ng aklat nasilayan ko ang book ni Eros Atalia minsan ko ng nakita ito sa blog ni mulong, na ikwento nya na nabili na nya ito. Palanca awardee itong si Eros. Since manipis lang ito kinuha ko sya at sumalampak sa gilid at nag simulang mag basa. Naisip kong mamya nalang ako manonood ng sine at wala akong pakialam kahit muka akong pathetic, pogi naman.

Mga around 4:00PM ako siguro nag simulang mag basa. Sa Simula palang pukang Ama tawa ako ng tawa. 'Yung tawa na parang bahay ko lang ang bookstore. Nag titinginan ang mga tao sakin at nag tatas ng kilay, pero kebs lang noh may pambili ako ng book mga buset! Ang isang pahina ay na sundan at nasundan pa, ang dami kong tawa at pag lingon ko ang mga bwakang ina, iyon na rin ang binabasa at humahagikgik din sila ng beri beri nice. Halos maduling at sumakit ang batok ko sa kakabasa. And Yes! Natapos ko ang book! Nakatipid ako ng 200.


Nanlalabo na ang aking mata ng lumabas ako ng Power books. At sawakas wala narin pila sa bayaran ng movie ticket at hindi na masyadong matao. Bumili ako ng isang ticket para sa pelikulang "Legion"

Tinext ko si Glentot kung may ginagawa ba sya. Pero sabi nya meron daw syang ka sex at mag lilinis sya ng kanyang tubo kaya hindi na ako nang istorbo pa. Inshort, na nood ako ng sine mag isa. Walang pakialamanan ng trip.

Ang panget ng mubi pero ok lang at least meron akong ginawa buong araw ng linggo at hindi ako nag mukmuk dahil hindi ako naaalala ng taong na aalala ko parati (Chumiziness bigla!)

'Yun lang naman. As if may paki kayo sa where abouts ko pero somehow sana na aliw kayo.

God Bless at Salamat sa pag babasa parati ng blog ko. Lab you all!


42 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. parang gusto ko na rin tuloy bilhin yang book na yan. sobrang funny ba?

    buti ka pa may weekend. :c spinlit off ako ng bossing ko. first time in history na nagyari sakin to. thursday monday off. nung sunday, ako lang tao sa opisina. huhu

    ReplyDelete
  3. Sinira ang diet? lol. mahanap nga yang book n yan jijiji...ikaw ang sisisihin ko pag d ako natawa kasi nagpauto ako sau lol...

    ingat!

    ReplyDelete
  4. kuya jepoy, ngddiet kb talaga? o jok jok lang. ahihi. parang ayos yung buk ah. sasabihin ko sa friends ko yung buk na yan tapos ipapabili ko sa kanila tapos hihiramin ko na lng pgkatapos. hehe.

    ReplyDelete
  5. naaliw naman akoh sau.. pero don't wori nde akoh magkokomentz nang bongga... i'll give u a break from my essay koment... ganda bah nang book?.. too bad 'lah d2 nyan... so yeah.. laterz.. Godbless! -di

    ReplyDelete
  6. nakakaaliw basahin mga entries mo, yaan mo isa na ako sa libo-libong fans (naks!) mo..

    ReplyDelete
  7. in short.. toma.. lafang... sine.. at nakibasa ng book sa NBS ang ginawa mo buong weekend!!!

    tsk!

    ReplyDelete
  8. NAku naku nakikita ko pagkain... sayang ang focus sa diet nyan... jejejejejej

    ReplyDelete
  9. @Citybuoy baket mo dinelete ang nauna mong comment ha? ahaha

    Yes Maganda ang book. Ay wawa ka naman split off ka, dibali mayaman ka naman ok lang yun. And Yes, nakakatawa yung book. Prequel daw itong book na ito ng naunang nyang book. Peksman Mamatay ka man. For me, super funny yung book. Galeng ng Author, idol ko na sya from now on.

    @Jag I know, effective akong edorser pre, di ko nga malaman baket hindi pa akong kinukuhang endorser ni Vickie Belo

    @Keso Oo nag diet dietan ako. Hmp! Minsan jok jok jok lang...LOL

    ReplyDelete
  10. @Dhi AY ganun namiss ko tuloy ang iyong essay comment ahahaha. God Bless!

    @Sly Pre Maraming salamat sa pag patronize ng walang ka kwenta kwenta kong blog. Sana parati kitang makita dito. Ingats ka!

    @Azel Oo parang ganun nga ate. Pero isama mo narin ang pag punta ko sa CHarch!

    ReplyDelete
  11. @Xprosaic Sinabi mo pa!!!!! Awwwwwww!!!

    ReplyDelete
  12. pag gusto kong tumawa, nakikipag kita ako kay Glenntot hahahaha

    ReplyDelete
  13. @YJ nakuha mo! Masarap kasing kasama si Glentot sa laitan... Nag kakasundo kameng manlait ahahhaha

    ReplyDelete
  14. waaaaah?
    talent yan manong!
    mamasyal.
    manood ng sine.
    kumain.
    mag-date mag-isa!
    waaaaha

    sabagay dobol size ka naman daw sabi ni Glentot..kaya parang dalawa na rin kayo ng sarili mo.
    **peace**

    Eros atalia?
    tungkol saan naman yung kwento? bakit ka naman natawa? hehe

    KOSA

    ReplyDelete
  15. @Anonymous kosa Hindi ako doble wag kang mag papaniwala kay Glentot dahil 4'2'' lang ang taas nya (Peace Glentot)

    Baket ko sasabihin ang istorya?! Anu ko critique?! E google mo ung title ng book marami kang makikita mas worth reading reviews ahahaha

    Ingats!

    ReplyDelete
  16. Jeff mukhang masarap yang kinain mo, Friday's ba yan...mushroom chicken mushroom??

    malupit, palapit ng palapit na ang pebrero...eto ang aabangan ko.

    "hindi ako nag mukmuk dahil hindi ako naaalala ng taong na aalala ko parati"

    wahaha! peace tae!

    ReplyDelete
  17. @Steven Alam na alam mo ah! 'Yan ang ang aking kinain LOL

    Tae ka! Sa Feb iblock ko ang IP mo! buset! May I quote ka pa talaga...

    ReplyDelete
  18. >Natawa ako sa part sa power books.. :) "May pambili ako ng books!" hehehe

    ReplyDelete
  19. @Dhon Salamat sa walang sawang pag basa Dhon. Joke lang 'yun ang totoo wala akong pambili hahahha

    God Bless you!

    ReplyDelete
  20. Magsyota na kasi para di mang istorbo ng nagsesex at hindi magdate mag isa lolzz

    ReplyDelete
  21. Hay naku iba na talaga ang sikat na celebrity like me dumarami ang detractors like you! TANGA HINDI KAMI NAGSEX.

    Jogging ka nang jogging kain ka naman ng kain. Sama ako next time. Sama natin si YJ para may pagtawanan naman tayo.

    ReplyDelete
  22. grabe, i whole plate.... sarap!!!! and BTW this is a funny post!!!

    ReplyDelete
  23. waw, buti pa kayo, eksayting ang wikend... ako tulog lang...haha... naalala ko yung bidyoke, nag bidyoke din kami...ayy sila lang pala, hindi ako kasali... ayaw akong pakantahin, baka daw pumunta si ondoy dito kapag kumanta ko.hahaha

    ReplyDelete
  24. pareho tayo on a diet

    but well

    im still matakaw

    sobrang fat na ba ako? :(

    btw if you wanna help the Haitians in rebuilding their community you can check here http://lovenashyboy.blogspot.com/2010/01/download-to-donate-haiti-pinoys-its.html, you can download the music for free and you can donate any amount of money after :) let's help cheers!

    ReplyDelete
  25. @Lord CM finifilter ko pa ang mga naka pila, di ko pa kasi nakikita resume nila. Ayoko kasi ng mga babaeng katawan lang nila habol ko, you know what I'm saying. hihihihihi

    @Chyng Fridays yan eh. Tara Italianis tayo! Set na yan! Go!

    @Glentot Fine! Nag jackstone lang kayo at nag jackenpoy! ng buong gabi

    Tara go!

    ReplyDelete
  26. @Ailee Thank you for droppin' by and leaving a comment. God Bless

    @Batanggala Hayaan mo as you grow older magiging exciting din ang weekend mo, sure ako dyan....

    @Nash C'mon let's help...

    God Bless you!

    ReplyDelete
  27. naaliw nanaman ako... ako din eh pag may bidyukehan may dala na kong listahan ng songs.. mahirap ung magbbrowse ka pa sayang oras hahaha

    ReplyDelete
  28. @Elay Salamat naman at naaliw ka.Yan ang mithiin ni Jepoy mapasiya ang mga malulungkot na katulad ko. Chos!

    ReplyDelete
  29. Galing naman. Minsan masarap mag-isa. Mag-indulge sa mga bagay na minsan mo lang magawa at walang limits sa iyong time. I've tried this before, mahirap makasanayan hehehe!

    Minsan din masarap na may kasama. Pero kung di mo feel mang-libre or walang gustong mang-libre. Mag-isa ka na lang lumakad hehe.

    ReplyDelete
  30. @Noel Totoo kuya pero alam mo nag eenjoy din ako pag mag isa kaso nga lang kasi nahihiya ako minsan kasi parang ang loser pero in reality gusto ko mag isa parang napaka free at pwede mong gawin at puntahan ang gusto mo w/out thinking kung ok lang ba ito sa kasama mo.

    God Bless!

    ReplyDelete
  31. di pa ko nakaka-comment dun sa tae mong post mey bago na ulet...hehehe...

    at salad pa talaga ang di mo inubos, sana yung fries na lang...macholesterol yun eh:P 9ang tanong naniniwala ba kong nagtira ka nga?) jowk.pish jepoy:P

    ReplyDelete
  32. gusto ko expression mo hah..nakakatawa FOOKILOO at Pukang ama LOL..

    ReplyDelete
  33. So bale no bigay mo na lang cellphone number mo at nang maplano na ang bonggang bonggang lakad natin! PM mo ko sa FB. Gusto ko rin mabasa yang book na yan!

    ReplyDelete
  34. parang naiimagine ko pa ang sabado nights mo..parang artistahin lang..ahaha!

    nasaan ang gravy?? asan ang toothpaste?? tangna yun ang hinahanap ko sa pekpektyur ng food mo!!! yuck sa bluecheese!! hihihi

    jepoy papasko mo na lang sa akin yang book na yan,ahahaha!

    ReplyDelete
  35. @Deth Maniwala ka hindi ko naubos hihihi. Anu na pag isipan mo na ba ang dinner for two?! LOL

    @Angel will PM you :-D

    @Renz hihihihi

    ReplyDelete
  36. @Pokie Basta umuwi ka ng Pasko ng 2010 papasko ko sayo yung book. Kaw pa malakas ka sakin!!!! Ang sarap kaya ng bluecheese! Yum Yum

    @Livij Salamats naman at naaliw ka ng vongga!

    God Bless!

    ReplyDelete
  37. jepoy. tama na kain. tama na rin diet.

    ReplyDelete
  38. @Paps Tama na kain at diet? Anu gagawin ko mamatay ako nun. Umayos ka!

    ReplyDelete
  39. anak ka ng uuuuumphf jepoy! kaya siguro nagmumukhang luma ang mga libro sa powerbooks, yan ang trabaho mo engortz ka!

    sabagay, trabaho yan ng may mga pabili kuno hehehe

    invite ko kayo ni glentot sa bday ko, wag kokontra! :)

    ReplyDelete
  40. ayan yung nakuwento mo sa 'kin na tawa ka ng tawa habang binabasa yung libro.
    nacurious din tuloy yung mga tao sa paligid mo.
    congratz, nakalibre ka !
    hehe.
    =D

    ReplyDelete