Wednesday, January 27, 2010

For Kat

This post is dedicated to my office mate and a friend Kat.

Si Kat ay isa sa mga close friends ko sa office. Bibihira ka lang makakita ng mga totoong tao kahit saang lupalop ng daigdig ka ibayubay ng tadhana 'yung iba kasi hindi lang muka ang hayup pati pag uugali. Na co-consider ko na lucky ako na once upon a time ay naging officemate and friend ko itong si Kat. Anyway highway, nag decide na kasi sya na mag resign sa aming kumpanya at kakabilang bakod na sya. (Buti pa sya)

Ipinangako kong gagawa ako ng na tatanging lathalain para sa kanya subalit, datapwat, ngunit, pero hindi ko nagawa iyon. Kaya naman bumabawi ako today baka sakaling maka libre ng dinner sa last day nya, jowk lang po. Si kat ay isa sa echuserang froglet na nakikibasa ng Pluma ni Jepoy at humaharabas ng pang iintriga sa akin sa Opis pero wala parin tatalo kay Steve.


Kung hindi nyo na itatanong si Kat ay isa sa mahusay na Graphic Artist ng aming kumpanya. Ikaw ba naman maging Cum Laude ng kursong Fine Arts 'di na iyon na kapag tataka pa. Nga pala, sya rin ang gumawa ng simple pero eleganteng header ng sikat na blog na may pinamagatang "Pluma ni Jepoy" ehem e-ekskyusmi pow!

Si Kat ay isang opismate/friend na napaka sweet. Ang tawag nya sakin ay Papa Bear. Lagi nya kong ineembrace pag dumadaan ako sa cube nya kaya nga dapat lagi akong mabango kasi baka maamoy nya ang singit ko. Nagluto rin sya ng peyborit kong chinese delicacy na "Hot and Sour Soup". Ang sarap! Galing kasi sya sa angkan ng mga Chekwa kaya ganun. Ako rin ang tirador ng mga natitira nyang baon sa lunch na niluluto nya. Nakakuha din ako minsan ng Cereals na ibat iba ang colors galing sa kanya, minsan binibigyan nya ko ng starbucks cofee. Meron din syang binigay na magnet na frogy para hindi mahulog ang post it ko sa cube ko. Sweet no?

Isa syang ulirang single Mom, ang cute ng baby nya ang pangalan Dash na super kulets. Imagine mong nagpaka stage Mom sya nung christmas para sa Christmas tree contest sa school ni Dash. Well kinulit lang naman nya kame ng bonggang bongga na mag ipon ng soda cans. Halos masuka suka na ako sa coke para mag contribute ng soda cans sa kanya. Gumawa sya ng isang napakagandang Christmas tree na gawa sa cans, at take note ito ang nag champion sa school nila Dash. Galeeeng! Sayang wala akong picture 'nung tree para makita nyo.


Nalalapit na ang last day at birthday ni Kat. Eh, hindi naman ako mabokang tao kaya dadaanin ko nalang sa pag susulat ang parting words ko, mas magaling kasi ako dito kesa boka boka. Mas malaya kasi ako sa paraan ng pag susulat. Gusto ko lang mag pasalamat sa mga nakalipas na taon ng pag yoyosi at pag tatawanan natin pati ang mga madramang usapin ng love life at bitterness sa office. Maiksi kung tutuusin at wala naman akong halos na impart sa kanya. Pero in someways, I have learned a lot sa kanyang experiences. Kung sakaling mababasa mo ito kaibigang Kat, gusto kong sabihin na Gudluck bitch! LOL at you know you deserve someone better, right?! Chill ka lang. We are one text away.

Blogger friends can you say Good luck to my friend Kat for me?! I will appreciate that! Lab you Kat bisitahin mo kame ha at 'yung Euro at Chocolates ko ha. Toblerone white and Gummy bears for Jepoy.

See you when I see you! GOd Bless!

28 comments:

  1. una sa lahat dahil "tribute" ito para kay Katrina Lu Chang, congrats Kat! Goodluck sa new work mong bonggang bongga...wag mo kami kalimutan, kahit abutan mo lang kmi tig eur100 pag dumalaw ka at pakainin mo kami sa Circles sa SHang e ayos na ayos na...kung medyo galante ka pa e gawin mo nang tig eur300 at saka bilhan mo na din kami ng kotse, tv, laruan, camera.

    Goodluck din sa love life, im sure meron dyan naka destino sa yo sa tabi tabi, mga nagsisimula sa letter A,E,I,O,U as in Orakel for example.

    @Jepoy - talagang special mention ang pangalan ko. FYI, hindi ako echuserong frog, isa lang ako sa mga loyal fans ng blog mo.

    Sana ipagpatuloy mo ang pagsusulat mo dahil nagbibigay ka ng kakatawanan at inaaliw mo ang mga isip namin lalo na't nag tatrabaho tyo ng NALA shift. Kumabig? hahaha!

    e si Diane kamusta na?

    ReplyDelete
  2. @Steven Echusero kang froglet ka! Nagugutom na ko, what's for lunch asshole? ahahaha

    ReplyDelete
  3. Sana lahat ng friends mo ay maging tulad ni Kat -

    - iiwan ka rin.


    BWAHAHAHAHAHA akala mo inspiring no.

    ReplyDelete
  4. @Glentot AKtuli tama ka lahat sila iniwan lang ako, ang sakit sa puso at lungs. (Pukang Ama Simulan na ang Cheesyfuck)

    ReplyDelete
  5. Good luck Kat!!
    At sayo manung Jepoy,
    goodluck din!!
    Hehe
    wala lang.

    ReplyDelete
  6. @Kosa

    Ukinam nga gudlak! :-D Salamat kosa boi!

    ReplyDelete
  7. Gudlak Kat, pasalubong ko kit-kat ah...aba nag rhyme enoh lolzz

    ReplyDelete
  8. Gudlak po sa iyo ms. Kat... saludo akoh sau.. nde madaling maging single mom.... pero yeah nakayanan moh po... hwag kang mag-alala... God has a wondeful plan for 'ur life... and kahanga hanga ka ren... very creative... such an artist... Jepoy for sure is a very lucky person to have you as a friend... take care po.. Godbless! -di

    ReplyDelete
  9. good luck sa iyong friend na si kat! ^__^ at ikaw ang swerte swerte mo dahil naging friend mo siya! to kat: kip in tuch with jepoy ah!

    ReplyDelete
  10. Good luck Kat! :)

    @ Jepoy: Hindi mo ba niligawan si Kat? She must be really special kasi inalayan mo siya ng space sa blog mo. *Intrigero Mode*

    ReplyDelete
  11. @LordCM

    Papacute pa eh! Naknampucha ahahahahaha

    @Citybuoy

    Thanks! I appreciate it!

    @Deth

    THanks Deth I heart you!

    ReplyDelete
  12. @Dhi

    Thanks Dhi I really appreciate it!

    @Cynderelaz

    Thank you so much! I really appreciate your comment

    @Gasdude

    Intrigerrong froglet ka! I hatechu...

    ReplyDelete
  13. goodluck ate kat. gnda gnda m namn.

    haha. natawa ko sa comment ni pareng glentot. haha.

    pareng jepoi may naamoy ako.haha

    ReplyDelete
  14. @Kikilabots Anu naman ang naamoy mo???!!! Lemme guess.

    'yung bibig mo kasi malalapit sa ilong mo pag nag sasalita ka I'm sure yan ang naamoy mo. Mag tukbrush ka kasi! I hatechu!

    ReplyDelete
  15. goodluck po ate kat :] at kay kuya Jepoy maswerto po kayo kasi mahirap humanap ng real friends :]

    ReplyDelete
  16. Naks naman!


    Goodluck sa inyo lalong lalo na sa friend mong si Kat!

    ReplyDelete
  17. same din kami ng hinuha ni gas dude..kaya ang reaction ko na lang muna ay:
    "yiheeeeeeeeeeeeeeee!!!!"

    ...
    ok, eto na yung: GOODLUCK KAT! kawawa naman si cheeseballs papa jepoy dahil wala na siyang titirahing lunch at magha-hug sa kanyang sexiness. pero pramis, lab ka niyang tunay.

    "yiheeeeeeeeeeeeeeeee!!!"

    ReplyDelete
  18. @Renz

    Thank you, I appreciate that much. Take care

    @Mangyan Adventurer

    Thank you Sir, I appreciate it.

    @Roanne

    Thanks Roanne, I appreciate it.

    ReplyDelete
  19. @Manik Reigun

    Ahahahaa! Isa kang tunay na echuserong froglet! Natatawa ako na naiinis ahahaha

    Hmp!

    ReplyDelete
  20. @Jepoy - sabi ni Kat, sana naman daw na i-date mo sya bago sya umalis ng office. Patunayan mo na hindi ka torpe.

    Pero sama mo daw kami nila abby, vince at peaches, mel, etc sa kainan..gusto namin sa CIRCLES or SPIRALS....after nun bahala na kayo kung manunuod kayo ng date movie at magkakape.

    peace

    ReplyDelete
  21. @ Jepoy - SUPER THANK YOU!sa pagbenta mo sa akin dito sa blog mo! Dahil diyan ginawan kita ng bagong header wish ko lang ilagay mo na noh! Ano na kelan tayo mag de date? Umayos ka hectic ang sched ko.

    @ Jepoy's Friends - THANK YOU SO MUCH SA mga goodlucks! Sana palarin na ako sa paghahanap ng mapapakasalan! CHING!

    @ Steven - Hoy froglet ka! Pag ikaw naman ang nangibang bakod gagawan ka din ni jepoy ng tribute! Kapag nangyari yun gagawan ko ulit ng bagong header si Papa Bear. Automatic yun alam na kaagad ng mga tao na may umiwan na naman kay Jepoy!

    Sa iyong lahat maraming maraming salamat!!!

    ReplyDelete
  22. @Kat Chang AKA anonymous

    Walang anuman! Mhuahugs!

    ReplyDelete
  23. Kat Lu Chang... mami-miss kita... sobra... feel my sob oh? eto oh??? eto pa oh!

    ReplyDelete