Thursday, January 14, 2010

Ang alamat ng Keso

Hindi ko alam kung tungkol saan ang isusulat ko ngayon. Pero gusto kong mag sulat, parte na to ng pagiging taong Java ko. Ayoko ko nga sana ng Cheesy pero anung magagawa ko kung cheesy ang idinudura ng utak ko. Blog ko naman to kaya kebs!

Tama si Glentot isa akong cheese na nag katawang tao. Hindi lang halata kasi masayahin ako at cute at chubby and bubbly at matalino (Again walang kokontra blog ko to!)

Dahil dyan May nag txt??! Joke lang...

Mag lilista nalang ako ng dahilan baket madalas ay ayokong mag sulat ng cheesy dito sa blog ko (like you care, right?!) At kung baket mas pinipili kong mag sulat ng mga walang kwentang bagay at pangyayari sa mundo ko tulad ng pag kakamot ng betlog sa umaga at pag kain ng toothpaste pag na gugutom ako para lang wag akong kumain ng mga masusustansyang pagkain tulad ng burger, pizza, fettuchenes, baked mac at Pansit na mag papadagdag sa timbang ko.

So ito na nga ang mga naisip kong dahilan:

1. Nagbabasa ang ilan sa mga officemates ko ng blog ko na ito for some reason. At hindi ko kinakaya ang kanchaw na inaabot ko galing sa mga impaktong ito. Madalas mali ang interpretasyon nila sa entry ko. Baka mapaaga ang pag re-resign ko bigla. I am not comfortable to someone asking me or teasing me about my personal life, unless I opened up ng kusa. Don't get me wrong mahal ko ang mga officemates ko na nag babasa ng blog ko (Biglang Kambyo! Mabuhay ka Istibi, Go green Archers LOL)

2. Lumalabas ang ibang level ng kakornihan sa katawan ko pag nag susulat ako ng makekeso at emo. Baka ma bore kayo bigla at hindi na balikan ang blog ko.

3. Madalas na naiiwan lang sa draft ko ang mga cheesy things, like poems at emo emohan entry. At nakaka drain talaga mag sulat ng emo chessy stuff kasi madalas ibinubuhos ko ang powers ko sa pag susulat minsan nga teary eyed pa ko while writing. LOL

4. Pag nagsusulat ako ng emo usually ay meron akong problem or bigla kong naalala ang isang nakalipas na hinuhunt parin ako, or umaarte lang ako ng bongga.

5. Dahil hindi ako marunung mag sulat ng cheesy at seryosong post. Puro kabulastugan lang ang alam kong isulat.

Pero humanda at Kumapit ka sa pwede mong kapitan pero wag dyan sa dede ng girlpren mo manyak! dahil sa Darating na bwan ng Pebrero bwan ng mga kapuso ay i-uunleash ko ang cheesy post ko. Buong month na makekeso ang lalamanin ng Pluma ni Jepoy. Mag baon ka ng minatamis kasi baka masuya ka.

I know, right?! Excited ka na... Umarte ka pang ayaw mo ng cheesy eh mas excited ka pa sakin. Letch! LOL


36 comments:

  1. will make abang to your cheesy post kase im new and havent read anything cheesy from your blog. ang nabasa ko lang yung isa na bawal pang magcomment. haha

    ReplyDelete
  2. @ Douglas Aba aba! Nandito ka kagad ah... Will make abang talaga?! Susyal naman, taga states ka ba?

    ReplyDelete
  3. Buti nang Cheese keysa Cholesterol.

    Ma-delete nga itong blog na ito sa aking blogroll pagdating ng February.

    ReplyDelete
  4. @Glentot Edi idelete mo, i dont give a damn! LOL siguraduhin mo lang wag kang sisilip silip pag di mo napigilan ang sarili mo. ahahah

    ReplyDelete
  5. yes taga states ako. state of emergency. :D

    ReplyDelete
  6. Aysus!Taong java ka pala?! kala ko PekingMan, yung bang kala mo man, di pala! lolzz

    Di bale, hintay ko na lang ung mga entries mong makeso, tingnan natin kung talagang Java Man ka nga :D

    ReplyDelete
  7. @Douglas I see, is this the part na tatawa na ako? LOL State of emergency ka dyan. Gusto mong i state of emergency ko ang betlog mo?! joke lang

    @LordCM Wag mo ng hintayin kasi joke iyon. LOL

    ReplyDelete
  8. Isa ako sa magiging masungit na taga-subaybay hehehe! este masugid pala. Abangan natin yan.

    Maraming honey dito sa Jeddah kaya kahit anong asim niyang ka-emohan mo bubudburan ko lang ng honey ay ayos na yan.

    ReplyDelete
  9. @Kuya Noel Nahiya naman daw po ako. Sige subay bayan mo meron akong sample cheesy post sa FW check mo bilis :-D

    ReplyDelete
  10. na miss ko pagbisita ah : )
    ...excited ako dyan sa cheesy pop mo : D

    ReplyDelete
  11. yuck cheesy ka pala jepoy. di halata. like eeewwww, cheesy? duh? hahaha.

    eh bakit di mo na simulan ngayon? sa feb pa? ganun din yun eh. gawing love month ang lahat ng buwan sa kalendaryo. ok? hahaha.

    sige post lang ng post. :P

    ReplyDelete
  12. Wala naman masama sa pagiging cheesy. Malay mo, dahil diyan eh magkaroon ka kaagad ng lablayp. Haha.

    ReplyDelete
  13. Aabangan ko talaga yan Jepoy! Hehe... I'm excited! (conyo accent)

    ReplyDelete
  14. hahaha...masaya to sa February, ang buwan ng keso!

    dahil jan my nag-text!

    :D

    ReplyDelete
  15. @Ahmer Oi ang tagal mong nawala sir ah, salamat at naisipan mong dumalaw ulet

    @Popoy Eh gusto ko feb pa eh, na ngengealam ka ahahaha! Para lang merong thrill sakyan mo nalang Pre ahahah

    @Gasul Gumaganown?!

    ReplyDelete
  16. @Avee Wala naman kwenta masyado yun ahahaha

    @Chie Oi ang tagal mong hindi dumalaw ah, maraming salamat sa pag kumento. At Oo ang bwan ng feb ay bwan ng cheese.

    Dahil dyan may nag text!!! eto sabi ng text

    Buti pa ang keso may bwan paano naman ako-Plema

    ReplyDelete
  17. sabi ko na nga ba! Kesong keso lang to na hindi nakakain.
    huh? ganun... nababasa to ng mga kaopisina mo? yowwww.. ayus lang yan!

    aha!
    taong Java? so ilang taon ka na parekoy? hehe

    ahhhh kung keso keso lang naman eh ok lang.. atleast napapanahin!

    sige go lang ng Go!


    PS
    patanggal naman ng verification word. nakakasagabal:D

    ReplyDelete
  18. @Kosa Challenge ang verification word.

    Oo na mas bata ka na sakin. I hate chu!

    ReplyDelete
  19. Mas madaing readers ang blogs na makeso. Aminin. Ü

    ReplyDelete
  20. cheesy okay lng nmn, hindi nmn yan masama. eh feeling mo din yan, kesa nmn hindi yan maklabas. wawa k nmn..

    ReplyDelete
  21. so pare kong jepoy, ilalabas mo na ba ang mystery girl?

    Oo na wala kang love life...

    Nasisiyahan naman kami pag nag babasa kmi ng blog mo e.

    ReplyDelete
  22. @Stibi Salamat naman at nasisiyahan ka basta wag mo nalang akong intrigahin ok.

    @Tim Yeah, I think ok lang mag sulat ng cheesy para ilabas ang mga damdamin. Naks!

    ingats!

    ReplyDelete
  23. "cheese na nag katawang tao."

    hmm.. ako naman pag kinakanchawan ako ng mga kaibigan ko bout sa mga pinagsusulat ko sa blog ko.. sinasabi ko lang "well I'm sorry if you can't write things like that"

    tapos ung mga nanganganchaw sayo im sure meron rin silang mga keso sa katawan hindi lang nila nilalabas kaya napapanis.

    ReplyDelete
  24. @Elay welcome back. Matagal tagal karing nag hiatus. Salamat sa pag comment ha. Tama ka may ka kasohan din ang mga froglets na 'yun... LOL

    Ingats!

    ReplyDelete
  25. helow po!nag-iwan na po ko ng koment, baka hindi na ko makabalik pag hindi ako nag iwan.haha... aabangan ko din po neks pows nyo este posts pala ...haha:D matagal na din po akong nagbabasa dito e. ansaya kasi tsaka nakakaaliw. :D

    ReplyDelete
  26. hehe sana makapagkumento ka rin sa latest kong post (naningil?) wala lang namiss ko lang ung mga taong laging bumibisita sa blog ko dati.,.

    ReplyDelete
  27. @Batanggala Ay mabuti naman at alam mo ahahaha. Samat po sa pag bisibisita at pag comment

    @Elay Sige sige

    ReplyDelete
  28. Cheesy is good. Cheesy is cool. Cheesy is in. Dali dali dali! Ü

    ReplyDelete
  29. @Angel Try try lang hihihi!

    ReplyDelete
  30. naku po. may mag kakalat sa bwan ng pebrero.

    ReplyDelete
  31. @Paps last time I check meron kang ma kesong blog site na beachboylet???! Oha!

    ReplyDelete
  32. Cheezy is good. Lasang cheez. Amoy cheez ok na rin. Sige lagi akong nakaabang sa mga cheezy wentos mo.

    ReplyDelete
  33. astig mga blog mu parekoy!! napapangiti ako!!

    ReplyDelete
  34. haha tama ka. lapit na balentayms. labasan na to ng cheesy posts.

    ReplyDelete
  35. @Ayie Cheezy is bad for our health ahahah

    @ecarg Salamat at napapangiti kita ng slight

    @Citybuoy Sana kayanin ko ahahaha

    ReplyDelete