Nakalimutan kong meron nga pala akong blog site. Masyado akong nalibang sa kakabasa ng blog ng may blog. Busy din sa Pag hahanap ng love life, nakakapagod. Jowk!
Nangisda lang ako ng mga chismosang bangus at malanding shrimp habang nag mumuni-muni tapos hindi ko naramdamang ilang bwan na pala ang nakalipas at hindi pa ko nakakapag update. Like, Thiz ez not happening!Really!
Para sa impormasyon na tatlong masugid na nagbabasa ng aking misadventures at kwento sa blog na 'to eh, malugod ko kayong ina-update na okay pa naman me. Nakakakain parin namang ng dalawang beses isang araw at nakakabili parin naman ng deodorant at sabon pampaligo.
Sa totoo lang hindi ko alam kung saan at paano ako mag sisimula sa mga bagay na gusto kong ikwento. Ang dami ko kasing kwento, hindi ko na ektwele alam pa'no ba simulan ang lahat ng hapdi at hagupit ng buhay na naranasan ko Ate Chro. Artiii lang.
Simulan ko ang kwento nung birthday ko. Sasamahan ko sana ng mga pictures pero nag mamadali ako kasi natatae ako eh! Ang effort mag hanap ng pictures sa picture folder ng computer ko. So tiis nalang muna sa mga kwento ko. Tsaka sino naman mag kaka interest sa mga pictures ko?! Duhr! So 'nung birthday ko umuwi ako sa Pinas. Yay! Maikling vacation lang naman kasi. Highlights ng uwi ko ay maipasyal at mapagshopping ang Mudrax at Pudrax ko at Utol ko tapos kinita ko rin 'yung available blogger friends nung time na nasa manila me. I'd like to grab this opportunity to thank them for comming and thank Madz for the Bday Cake. I'm so touched. So much. Landee??!!
Akala ko hindi ko na miss ang family ko kasi masaya naman ako sa Singapore at marami akong activities but noooooooooooooooo pag baba ko ng Airport nakita ko si Mudrax tapos niyakap nya ko, tapos umiyak sya. Hindi kinaya ng makolesterol kung puso, Nag breakdown ako. Naiyak me!!! Sabi kasi nya pumayat daw ako ng kaunti. Sabi ko sa isip ko one year akong nag jogging tapos kaunti lang ang nabawas???!!! I hatechit!!!!! Prepared pa naman akong sabi hin nyang kaunti nalang Coco Martin na ang anak ko. LOL
All in all my vacation was sulit but super biten. Like always naman eh. Haist!
Next update, 'Yung ate na nag titinda ng Sandwich sakin lilipat na ng office. I'm like, WHHHAAAATTT???!!! Na lungkot me ng 45%. Binigyan na ko ng last Sandwich nung isang araw tapos lumakad na sya ng papalayo hanggang sa hindi ko na ma aninag. Hanggang sa malayong-malayo na sya. Kasi sumakay na sya ng elevator. Lahat nalang ng importanteng tao sa buhay ko iniiwan ako?! Pare-pareho silang lahat! Bullshit! Artii lang ulet.
Last Update, Nag renew ako ng Employment Pass ko dahil mag eexpire na sya next year. No big deal. Hindi ako nag eexpect na ma reject sya dahil okay naman ang company, sweldo at experience ko. Plus wala naman akong ginawang krimen sa Singapore. Tapos pag Check ko
BOOM! COCO Crunch! Rejected sya.
Konting information about SG. Hindi pwede mag trabaho pag walang valid Work Pass. Nangagaling ito sa Ministry of Man Power nila. Parang tunong Harry Potter lang ano? Ministry of Magic. Nag hihigpit din sila sa foreigners kaya medyo pahirapan.
So dahil rejected ang pass ko hindi ko alam kung bukas makalawa kakain na ako ng bato at buhangin at kakailanganin kong bumalik sa dati kong trabahong pag giling sa entabladong may poste. Charot! Hindi ko alam ang future ko ngayon. Hindi ko alam kung dito parin ako sa SG or Hindi. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin. Pero isa lang ang certain.
My God is the same yesterday, today and tomorrow. His faithfulness is unlimited.
Alam na alam kong hindi ako magugutom pati si Mudrax and Pudrax saan man ako dalhin ni Papa Jesus. SG or Pinas, it's gonna be rock en roll!!!
So yan na muna taeng-tae na ko. May tae na yata brip ko kakapigil. Next time na ulet update. Feeling artista?!
Kthankzbye!
Welcome back Sir Jepoy! Bonggang bongga ang pag tumbling ng pagbabalik mo ah.
ReplyDeletePakiramdam ko may relasyn kayo 'nun tindera ng Sandwich. May kurot sa puso mo nun umalis siya. Ang sandwich na iyon ay tanda ng walang hanggang pagmamahal niya sa iyo. Choz.
Itae mo na yan sir Jepoy! :D
Hoy Anthony longtime no kulets! Na miss ko blog mo. Chismoso kang palaka ka! ahahhaha
DeleteEto matagal nawala eh, naligaw sa ibang planeta, nalunod sa kandungan ng iba... lol. Balik kulitan at emohan na uli sa blogosphere. Maraming salamat sa pag-add sakin sa Twitter parekoy!
DeleteHangtagal mo ngang nawala...inaasam asam ko nga na ipa-follow mo din ako kaya lang wala talaga yun pala hibernate mode ka..hehehe.. welcome back to blogging parekoy!
ReplyDeleteFinollow na kita. Pressure ka naman! ahahhaa Nag hibernate lang ng konti kasi maraming interviews and tapings. Charot! Thanks paps!
Deletesad ako sa balita regarding sa work pass. ang higpit na sa SG shet! Pero bright side naman ung if ever eh kapiling mo family mo. and of course, di talaga kayo pababayaan ni Lord. Nice meeting u din :)
ReplyDeleteNice to meet you Sir. tahimik ka pala sa personal! hehehe Next time ulet.
DeleteRegarding my work pass tignan natin ang susunod na mga mangyayari di ko pa alam eh, si papa Jesus na bahala :-D
shet nalungkot ako sa kwento mo about kay ate sandwich. nafifeel ko yan pag iniiwan ako ng mga taong connected sa good food.
ReplyDeletenamiss ko ang mga posts mo!
Na miss ko rin ang comments mo kala ko hindi ka na nag babasa magpapakamatay na sana ko. Chars lang! ahahhaha
Deleteyun nga ang naririnig ko ngayon jan sa sg. mahigpit na daw. tingin ko naman di ka naman mahihirapang maghanap ng work kahit saan ka mapadpad. good luck parekoy!
ReplyDeleteoy kung balak mong mamasyal dito sa us, bukas pa rin ang apartment ko. haha!
Thanks for believing in me Paps! May pag asa pa naman my appeal process pa at lugi sila pag hindi nila ako nilaban ang galing ko kayang gumiling sa poste ahahhaha
DeletePapasyal talaga ako dyan kaya ihanda mo ang hihigaan ko ukies!
Mahigpit sila sa talented foreign workers
ReplyDeleteeh may talent ka subra song and dance diba
kain ka na lang ng chicken rice....
Nag skip read kaka naman! LOL talented akong gumiling sa stage habang kumakanta ng alone at lumuluha sa left eye. Juk! Just incase na kelanganin ko ng work kung sakaling uuwi ako dyan pwede mo na kong maging personal driver.
Deleteantagal mong nawala ah. tapos pagbalik mo pasabog pa na ala ka ng work next year. haist. cge lang hanap ulet. punta ka jan sa katabing bansa sa malaysia baka swertehin ka dun. :)
ReplyDeleteMay work pa naman sir, medyo higpit lang sa work visa. Masusulusyunan din yan! Hindi pa ko tapos sa Singapore ahahhaa
Deletenaku.. sa tingin ko ay makakakuha ka uli ng pass sa singapore.. parang bagay na nasa singapore ka.. tiyaga lang jepoy.. always prays and stay cool!! yihee!!!
ReplyDeleteSalamat Paps! Nananampalataya ako kay Papa Jesus na ma aaprove naman ang aking work pass. Stay cool lang tayo papi and stay being pretty chubby boi ahahah Idol pumapayat ka na iba talaga nagagawa ng Tokyo Girls! I kamusta mo nalang me kay Maria Ozawa ahahha
DeleteNakakainis ka! Masyado kang pamiss. Hahaha! Magblog ka pa. Lahat nang nasa draft mo ipublish mo na. PANS NYO PO AKO KUYA JEPOY!!! Hakhak!
ReplyDeleteAt heto lang ah, minsan ka na nga lang mag-update, nagpapaawa effect pa you. I hate you. Pero don't ya wori, hindi ka pababayan ni papa Jesus. Lakas mo sa kanya eh. Hakhak!
Nahihiya me publish yung nasa draft me ang emo kasi. Nag papaawa effect me para magka love life na ko. Tuyot na tuyot na ko! ahahhaha Eloiski nakita ko na ang picture mo sa fb gusto mo ifeature kita sa blog ko?! LOL Appear!
Deletehayup you! parang natakot ako na ifefeature mo ako sa blog mo kasi parang nilalait mo mga blogger of the month mo. buburahin ko na pictures ko! hmp! HAHAHAHA! pero ano hakhak! nikilig me much! it's an honor. charot! landi mu! payapak este payakap nga. hakhak!
Deletehahahhaha. nakaka inspire naman ito kahit gumugulong ka sa kakatawa.
ReplyDeleteSalamat paps! :-D
Deletehay naku, nagkamali lang yan kaya nareject ung permit mo. Di ka siguro agad nakilala kasi pumayat ka na daw (yun un e, hahahaha!)
ReplyDeleteKadami mong comments! Baka nga, umagree talaga?! LOLz
Deletehay naku, nagkamali lang yan kaya nareject ung permit mo. Di ka siguro agad nakilala kasi pumayat ka na daw (yun un e, hahahaha!)
ReplyDeletehay naku, nagkamali lang yan kaya nareject ung permit mo. Di ka siguro agad nakilala kasi pumayat ka na daw (yun un e, hahahaha!)
ReplyDeleteEP ba yung pass mo? if yes, pwede naman madali maaapprove downgrade nga lang to SPass.. and im sure konti nmn SP holder sa inyo so pwede ka pa makapasok. if i-appeal naman ang EP mo it would take a while. anyway, kaya yan.. goodluck! :)
ReplyDeleteEP po. Kahit madowngrade ok na sakin, Salamats and cheers! Maapprove yan! hihihi
DeleteWala ka bang bagong post? Sulat na.. We're waiting. :)
DeleteMatagal na kong nag anntay ng blog posts mo kuya! Subrang lungkot me hindi kita nakikita sa dashboard ko. Welcome back! <3
ReplyDeleteNa tats naman ako sa pag aantay mo ng blog post. Parang gusto ko tuloy mag post ng sampu. Charot!
Deletehahaha i still admire your posts.. maligayang pagbabalik sir jepoy!
ReplyDeleteWow nakakatats hanggang betlogs! ahahhaa Salamats!
Delete"trabahong pag giling sa entabladong may poste." -- Sure ka? Ang alam ko eh nakatuhog ka dun sa poste tapos paikot-ikot ka sa ibabaw ng mga baga habang pinapahiran ka ng sarsa LOL
ReplyDeleteUmuwi ka na lang sa Pinas hindot ka.