Wednesday, October 17, 2012

One Fine day

Hindi ko masyadong maintindihan baket ang hina-hina ng tyan ko ngayon sa gata. Ganun yata pag nagiging balingkinitan ka ng dahan-dahan, humihina ang sikmura.

Dati namang matindi ang sikmura ko sa mga kung ano-anong weird food.  Kahit nga ung fishballs nalalaglag na sa sahig kung wala pang 5 seconds kakainin ko pa ito at may nadikit na tae ng pusa. Charot lang! Patay gutom na kung patay gustom pero pag laki sa hirap bawal ang maging choosy.

Merong local dessert dito sa Singapore na kung tawagin ay Bubu Cha-Cha, don't ask me why the name was like that? Dahil hindi ko alam ang sagot, basta Bubu Cha-Cha ang tawag. Simple lang ang mga sangkap hindi complicated, kamoteng kahoy, gata ng nyog, dalawang kulay na sago, pula tsaka green, yello at asukal. Ilalagay muna ang mga solid ingrediets tapos yung gata tapos nakapatong ang Ice na pinong-pino ang pag kaka grind and then tsaaaraaaan!!!!! meron ng Bubu Cha-Cha. Ang sagwa lang ng pangalan parang tae ng cow.

Hindi sya masarap period. It's not that bad but comparing sa mga desserts natin, it's not that great.

Pero dahil trained na akong kumain ng mga ganitong uri ng dessert, nagustuhan ko narin sya eventually. Meron din silang local dessert dito na malapit sa halo-halo natin na kung tawagin nila ay Iced Katchang. Hindi rin sya masarap. Para lang binuhusan ng mga de-color na syrup tapos ma grinded mais sa ibabaw tapos kung ano-anong sangkap sa ilalim ng yelo and then presto! Meron ka nang Iced Katchang. Pangit din ng pangalan parang tutchang lang.

So ang kwento ko nga ganto.

Kumain ako ng Bubu Cha-Cha eh, merong gata. Alam na! After 5 minutes ng pagkain unti-unti ko nang naramdaman ang mga tae sa digestive system ko na nag kakarambola sa bandang pwitan ko. Gusto na nilang lumabas. Ang prublema ayokong tumae sa little India station. Hindi ako racist, ayoko lang tumae dun. Pero may magagawa ka ba kung taeng-tae ka na ng dahil sa gata ng nyog?!

Bumaba ako ng Little India station dahil ito ang the best station na feeling ko aabot pa ko sa toilet dahil kapag tiniis ko at nag-umarte pa ko para mag-hintay pa ng ilang stations, mag lalawa ng tae sa loob ng MRT at hindi ko iyon gustong mangyari. Maraming beses na 'tonng nangyayari sa'kin, naiblog ko na yung experience ko dati, this one is another thing to remember. Ikakabit ko sa Pensieve ko. Dumbledore?!

Tumakbo ako ng mabilis. Mabilis na mabilis na prang may kaharutan sa kagubatan habang na huhulog ang snow ng dahan-dahan. Tumakbo ako papuntang kubeta. Pag dating kosa Toilet sarado lahat isa lang ang bukas ng cube at squat toilet ito.  Binuksan ko ang cube at nanghina ako sa nakita ko. Yung tae wala sa Toilet nandun sa apakan ng toilet. Yung tae sa tyan ko parang bumalik sa sa lalamunan ko at naging tae ulet. Dugyot!

Ipinapangako kung hindi na ko papasok sa Toilet ng little India MRT Station. Mga tatlong araw ang picture sa ulo ko. Naalala ko sya tuwing mag lunch na me.

22 comments:

  1. kakatawa naman ang experience mo... hirap nga pag ganyan... natawa naman ako sa sinabing bumalik sa lalamunan mo hehehe

    Hirap talaga pag sumama ang tiyan....

    ReplyDelete
  2. At mabuti na lang hindi mo ito pinost ng bandang lunchtime. Haha.

    At alam ko talaga iyong Bubu Chacha eh cartoons yun sa Disney Channel dati, yung batang may tuleleng sa ulo na iniimagine niyang buhay yung toy car nya.

    ReplyDelete
  3. wahahahah! ang dugyot nga!! hindi man lang nishoot sa bowl! puteeekk kaderder yun ah!!!

    ReplyDelete
  4. yan ba ang motivation mo pang diet, jepoy?

    ReplyDelete
  5. punyetaaaa! nanlambot ako ng wagas at walang pagaalinlangan! ayoko muna magCR ng mga 2 months. grrrr.

    ReplyDelete
  6. ang gross naman ng toilet sa little india mrt. sisiguraduhin ko'ng maayos ang tiyan ko pag nagpunta ko dyan lol

    ReplyDelete
  7. anhirap ng ganyang feel. Kaya maigi kung nag-iinarts ang digestive, yung may mall with clean cr na pede. tas may tissue kang dala lagi and stuff like medicine.

    ReplyDelete
  8. ewwwww!dyusko naman. naimagine ko lang itsura. nakakasuka. di bale may maganda naman epekto yun every lunch maalala mo syempre di ka makakakain so ikakapayat mo pa lalo mo yun! =D

    ReplyDelete
  9. what can you expect sa lugar na iyan. tulad mo, ayaw kong maging racist pero anong magagawa natin di ba? yun ang nangangamoy na katotohanan eh. lols! ilang beses din akong namasyal dati jan sa little india. tulad mo, hindi ko rin binalak na bumisita sa mga banyo nila. ayaw!

    ReplyDelete
  10. ewwwwww hahahaha ang sama naman kahit siguro ako uurong ang ebs ko sa view yuckeshhh ever!!!

    ReplyDelete
  11. woah. sobrang sacred ng experience! i feel you bro sa mga jebs moments mo, prone ako sa amebiasis kaya andami ko na ring experience na ganyan.

    ReplyDelete
  12. ay ako din...hindi ako racist..pero nahihirapan akong mag washroom dito sa opis...kasi ung washroom namin amoy curry na! sa ibang floor naman hindi! siguro kasi maraming pana dito sa floor namin :(

    ReplyDelete
  13. One word: eww! nakakatawa tong post nato. Sobra

    ReplyDelete
  14. So funny! (Your christian fan)

    ReplyDelete
  15. "Ganun yata pag nagiging balingkinitan ka ng dahan-dahan" Hahahahaha. Hinay-hinay lang pala pagiging balingkinitan. LOL. Sa pangalan pa nga lang parang hindi na masarap. And nasuya na naman ako sa post na to. TMI! Nahilo ako kasi bawat basa ko nung description naiimagine ko. Huhuhuhu. Kainis ka Jeps!

    ReplyDelete
  16. Yak yung tae sa apakan! nyeta! hehe

    ReplyDelete
  17. ayos sir jep! habang binabasa ko ito eh kumakain ako! nice timing ahaha :DDD

    ReplyDelete
  18. Yuuuuuuuuuuuuuuuuuck ang taeng iyon it's a blog post waiting to happen. yuck. puta ka.

    ReplyDelete
  19. ahahaha ayokong maexperience yan, pero nangyare na rin sken once...haha

    ReplyDelete
  20. Yuckiii. Wala lang inuulit-ulit ko lang.

    ReplyDelete
  21. nasan ka na jepoy? tagal mo nang wlang post :( miss ka na namin :)

    ReplyDelete
  22. Bubu Cha cha - inspired from the series Akasuki Chacha? Hahaha. Ako naman mahilig sa gata... ginataang tilapia etc etc. Bicolano kasi, that's why.

    Next time, magbaon ng Diatabs. Ayan, libreng promotion pa. HAHAHA.

    ReplyDelete