Apparently my love for blogging is getting lesser and lesser these days, maybe because I don't have anything to blog at all. I knowwww! That sounds crazy because there will always be something to write about but really, I dunno why anymore *Sigh*
Arte lang 'yung english part.
A couple of weekends ago, habang naka pila kame to buy lunch after ng Church service I met someone who read my blog. She noticed me. I died. Gusto kong kainin ako ng lupa sa hiya. I am not totally freferd. lols. Nahiya me ng 10%! Nahiya ako kasi madalas ang content ng blog na ito ay hindi sychronized sa faith ko and of all people, church mate ko pa! Ahahhaa nakaka-aliw!
Anyways, It's October and in three weeks time I'm gonna be celebrating my birthday. Crap! Tatanda nanaman me ng isang guhit! Parang sibuyas lang. This time of the year hindi na ko humingi ng Picture greetings from my blogger readers and friends nahiya na kasi ako dahil madalas hindi ako nakaka pag blog hop kaya I didn't ask nalang rin baka mamya wala pang magbigay ma depress pa ko sa birthday ko. Wala na ngang love life, depress pa, mataba pa. Susme! Wala ng natira kundi hotness nalang. ahaha
I scheduled my Pinas vacation on my birthday week. I'm really looking forward to see my family and friends, kalahating taon akong hindi umuwi nag tiis sa kakatrabaho para sa future namin at para matubus ang mga kalabaw ni Pudrax at pambili ng feeds na kakainin namin araw-araw. Baboy?! Tsaka magastos kasi umuwi ng Pinas pero the fact that I am coming home I just don't give a damn, na-miss ko na si Mudrax and Pudrax ko. Pagkakasyahin ko nalang kung ano meron. LoLz
Sandaling panahon lang ako sa pinas but I look forward to this vacation, I wanna set up a short bloggers EB kaso baka walang dumating. I wanna meet sana the bloggers I haven't meet na nakakakulitan ko for like long time. Para manlait narin ganyan. Si Wickedmouth na bahala dun. Kung gusto mo ko maka kiskisang siko sama ka! Mag dala kalang ng alcohol baka kasi mag ka rushes me. Juk!
Dahil mag birthday ako mimigay ako ng IPAD basta ibalance nyo lang ang equation na ito sa harap ko:
2C8H18 (l) + 25O2 (g) ----> 16CO2 (g) + 18H2O (g)
Joke! Syempre Joke din ang IPAD. LOLz
Nag punta pala ako sa Phuket, Thailand last time kasama ang mga kaibigan. The trip was almost perfect. Good for relaxation and bumming around and partying and getting laid. Charot lang 'yung getting laid. Ang pinaka highlights ng trip na ito ang pag sakay ko ng speed boat.
Baket?
It was 40 minutes ride going to the white beach kung saan kinuha ang movie ni Leonardo Di Caprio na "The Beach" ang daming tao pero ang kwento ko talaga ay ganito. Malakas ang alon, as in 'yung tipong kapit na kapait ako sa bakal. Imagine my position naka side ako habang humahampas ang malanding alon basang-basa ako pati ang beach bag ko. Hindi ko pala na kwento na mahihiluhin ako. I took the med before kame umalis. Malay ko bang dapat one hour before iniinom na yung Punyetang gamot eh, wala pang 30 minutes pumalaot na kame. Hinang hina ako. Kulang nalang humiga ako sa gitna ng speedboat. Pero tiniis ko ate Charo. Kapit na kapit ako sa bakal. After 40 minutes saktong pag dating namin sa white beach at pababa na ang mga tao. Hindi ko na kaya. Sumuka me! Dyahe Pre! Dugyot na kung Dugyot. Nasa gitna ang trash bin pumunta ako para sumuka ng wagas. Mga 6 na bugahan ito. Nakatingin sakin ang mga tourista. Pota! Suka me ng Suka at hinang-hina me.
Tapos na food poison kame. Nasa eroplano palang pauwi spell suka at pag tatae ng tubig ang nangyari. Buti nalang sa last day sya nangyari at na enjoy ko parin ang trip kahit papaano. Kinabukasan naka sick leave ako ng dalawang araw dahil kulang nalang tumira ako sa kubeta para tumae ng wagas. Halos mapakalmot ako sa tiles at sumigaw ng stop et!
Sa ngayon magaling na me. Yun lang naman. Uwian na pala namin. Next nalang ulet ang kwento.
Ingats!
may pa meet and greet sa pinas. kaw na sikat. advance happy bday :)
ReplyDeleteanhirap kumpyutin ng equation! Like, how na ang ipad? lols.
ReplyDeletekatakot yung maalon sa bangga, parang yung bituka sa tyan gustong magtambling tapos nakakanerbyos.
Enjoy sa upcoming vacay mo here sa pinas.
advance happy birthday! naalala ko ang apat na chemistry classes (walo kasama mga lab) dahil sa equation mo. muntik na akong natuksong isolve. lols!
ReplyDeleteeh ako naman mahilig magbigay ng picture greeting dahil makapal ang mukha ko sa pamimigay. anyway, happy birthday jepoy! enjoyin ang bakasyon sa pinas :D
ReplyDeletehihihi.. aliw much sa kwento mo...
ReplyDeleteingat sa paguwi ditey sa PINAZ... enjoy!
balanced naman na yung equation! :D
ReplyDeletemasarap kaya ang tapang elefant? pambertdey! hehehe
kahit bago pa lang akong nag cocomment dito sa blog mo at kay wickedmouth, gusto ko kaung makita since matagal na akong nagbabasa ng blogs nyo:) pero it can't be since wala ako sa pinas :( advance happy birthday na lang po.
ReplyDeletelove the word synchronized. ma-ra-rapture ka kaya?
ReplyDeleteSince nagkita na tayo wag na tayo magkita ulet ganyan
ReplyDeleteLOL. natawa naman ako sa kwentong yun... advance happy kaarawan sayo... :)
ReplyDeletelesser and lesser na yang blog moh na yan ha.... ei? san ka b right now? obvious na nde na akoh active reader moh.... but hey happy birthday!!! advance... pano yan pag umuwi akoh nang pinas eh dehinz palah kitah memeet... di koh mamemeet ang famous jepoy... maybe si glentot na lang =P ...aight... namiss koh ditoh nd sige na miss ren kitah.. lol... huuggzz mr. sexy... Godbless!
ReplyDeleteandami kong tawa! aliw much!
ReplyDeleteLibre mo kami iPad sa EB mo! hahahahah!!! Happy bday na naman!? OMG parang last year lang! (malamang naman. hahahah!) Anyway... GRABE JEPOY AMBILIS LANG NG PANAHON!!!
ReplyDeleteand alam mo... LOVE KO IKAW MAG BLOG! magsama kayo ni glentot!
TMI. Haha. First of all, ang tagal na nakasangla ng kalabaw ni Pudrax mo, kailan ba mtutubos yan? And secondly, parang ang safe ng post mo na 'to. Na-conscious ka, may church mate ka kasing reader mo. Hahaha
ReplyDeletemuntik ko na kalkalin yung lumang chem book ko para sana balansehin yung equation. sayang ipad e. haha.
ReplyDeleteNakaka aliw naman ang kwento mo.. Buti magaling ka na ngayon ^_^
ReplyDeletesuka galore ka pala sa phuket trip mo kuya. tsk di bale uuwi ka naman ng pinas. =D
ReplyDeletehe he he!
ReplyDeletenagblog hopping ako at nakita ko ang blog na to.... matapos kung basahin ang sakit ng panga ko kakatawa.. mag babasa pa ako ng iba mo pang post, nakaka alis ng inis ang mga kwento mo :)
ReplyDeletena-miss ko ang blog mo.. matagal din ako nahinto sa pagbbasa.. naaliw ako.. ang dami kong tawa! hahaha
ReplyDeleteAdvance Happy birthday and enjoy ur vacation with ur Mudrax and Pudrax!.. ang iyong Tagahanga..
Nakakatawa pa rin kahit konti ang mga pasaway na words (salamat kay churchmate!). It only means wholesomeness is not boring. Hope eventually zero-pasaway words na talaga. Then youll be d first blogger who can prove that blogs can be funny and interesting even without them. Yep, christian ako, and I enjoy reading ur blogs and silently praying that soon, I wont be reading anymore pasaway words ;) You are funny and u dont need dirty words to attract readers ;)
ReplyDelete