Wednesday, September 22, 2010

Realization...

May nabasa akong article online tungkol sa isang YP about my age na namatay dahil sa stress sa trabaho earlier today. Sumakit lang daw yung tyan nya then boom..Next thing happened was nasa morgue na ang katawang lupa nya at kinakarne.

Nagulat lang ako na nakamamatay pala ang stress just like that! Buti nalang petiks me sa work... Sabi sa article isa daw syang Consultant sa isang kumpanya na itago nalang natin sa pangalang HP. tapos, ilang days na daw syang may back pain at parang sumasakit ang tummy. tapos yun nga. Deadmeat dahil sa work stress.

Pasalamat ako dahil sa totoo lang HINDI ako na stress MASYADO sa trabaho...minsan lang (binigyang diin ang hindi masyadong na stress).

Kanina dumating 'yung isang close friend ko na galing ng bakasyon sa Oz, nag lamierda sya doon ng bongga. Bali Originally sa Singapore sya nag tra-traho sa isang sikat na TelCo doon, sabi nga nya resigned na daw sya at nag bakasyon muna sya ng one month. Based on her story, hindi ko kaya ang demands ng work nya. As in On call kung On Call sya potashet! Pag may server downtime or problem sa main distribution frame at hindi mo na-sagot or na return call ang tawag ng kasamahan mo within 2 hours tapos' ang career mo! more more pulot ka ng snails and turtle sa kangkungan para isigang upang mabuhay. Putakels lang! Kaya nga daw mababaw ang tulog nya parati. At sa isang vibrate lang ng cell phone eh parang ni ne-nerbyos sya at nagigising kaagad. Ganown ang effect! Parati daw mababaw ang tulog nya.Napagod na daw sya kaya nag desisyon na mag resign at mag pahinga muna ng isang buwan. Mayaman much?! Maraming budget?!

Naitanong ko tuloy sa sarili ko, handa na ba ako na mag trabaho ng hindi nag re-refresh ng facebook sa isang araw sa opisina? Handa na ba ako mag trabaho na hindi nakikipag landian/Chismisan sa YM? Handa na ba ako na mag trabaho na bawal mag blog at mag bloghop? at higit sa lahat handa na ba akong mag trabaho ng walang youtube?! I'm like can not be borrow one from one. Corny! Basta, parang hindi ko pa yata kaya iyon sabi ko sa friend ko.

tinanong nya ko pabalik, Eh kelan pa Jepoy?!

Ewan! Hidni ko alam! Na iistress akong mag isip! nakaka pressure! nakakakain pa naman ako ng tatlong beses isang araw eh yun nga lang dildil ng asin much.

Para sa akin lang hindi man kalakihan ang sweldo ko at napaka impakto ng boss ko at nakakaburaot man ang trabho ko eh, sakabilang banda dapat parin akong mag pasalamat dahil pwede akong mag youtube. JOke! I mean, dapat parin akong maging positive at maging thankful. pero pag inalis nila ang youtube! Hello Singapore! LOL

Kung rant at rant lang naman eh baka mapuno ko ang entry na ito ng bitterness pero i choose not to. Maikli lang ang buhay. Hindi natin alam kung kelan tayo ma de-deadmeat kaya dapat ienjoy at icelebrate ang life. Point is, wag masyadong mag pa stress sa kahit na anong aspeto ng buhay natin. Paminsan-minsan eh dapat i treat natin ang sarili natin. Go out. Travel. mag pa-spa. have fun. Sing. tumawa ng halos matae ka sa tuwa. Eat. Pray. Love (Promotion?!) Posive vibes parati dapat.

At dahil dyan... Penge ng picture greeting puta ka! (KUNEKSYON?!)

Ako'y mawawala muna pansamantala dahil may promo tour me around the globe para ipromote ang pluma ni Jepoy. Arte lang. Mag babakasyon lang muna me kelangan ko na kasi talaga ito naks! Hindi ko dadalhin ang aking laptop. Hindi ako mag iinternet. Promise! Mag rerelak muna si Jepoy ng one week. Kaya sana mag send na kayo ng picture greetings dahil malapit na ang birthday ko. Sa Oct 19 na. Oo excited me. Salamat nga pala sa lahat ng send ng picture greeting lalong lalo na sa mga readers na wala naman blog tapos nag send ng picture greeting. Natats me. Tenchu po talaga.

Ma mimiss ko kayo! God Bless!

40 comments:

  1. ikaw na ang STRESS FREE!!

    Goodluck sa job hunting mo sa....este vacation mo..pero wag mo kalimutan ang aming pasalubong. Iphone 4G for me...kung hindi pwede t-shirt nalang na Ferrari or cap ng Ferrari.

    ReplyDelete
  2. @Stibi

    Kelangan na kitang ma feature sa blog ko. Dapat may comment kaagaadddd????!!! Not working so much????!!! Keeps on refreshing my blogsite??!!!


    Tama na sayo ang keychain...

    ReplyDelete
  3. Hindi, nagkakataon lang pag bisita ko e may update...FYI sobrang busy kaya ako unlike you pa youtube youtube lang listening to Charice...sa yo na ang keychain mo madami na ako nyan from.....pwede ba sabihin ang pupuntahan mong bansa? Ok India.

    ReplyDelete
  4. @Stibi

    Dyan lang ako sa cubao mag babakasyon. Charice?! wala pa kayang Glee mamya palang...Sige, ikaw na choosy sa sa pasalubong...India ampota!!! LOLz

    Petiks much?!

    ReplyDelete
  5. Sige Jepoy, malamang on call sa ATM yun at either Cisco sya o IBM hehe (yung babaeng tinutukoy mo tama?!)

    anyway, bakasyon ka pero hindi pwedeng hindi magupdate ng blog. parte na to ng buhay mo at pag hindi ka nag blog wala ka nang gagawin sa opis... alam mu yan hahah

    tara balik na tayo sa youtube regular programming... hehe

    ReplyDelete
  6. Ayown oh bakasyon bakasyon na lang...hingi mo ko kay parekoy na pasalubong pag nagkita kayo ha..hehe

    have a safe trip..ingat!

    ReplyDelete
  7. pasalubong..hahaha!tama,make time for urself hnd puro trbho.nkakabaog dn ang sobrang stress.hahaha!enjoy ur vacation...

    ReplyDelete
  8. Aww. Hahabol ako sa picture greeting. Hintayin mo lang. Haha. Ta-ma! Wala sa pataasan ng sweldo ang buhay, o padamihan ng meron ka, be optimistic and have Bro by your side. Game na yan! Magiging masaya ka. God Bless Sir sa pagtravel. Heyfie Berday. :)

    ReplyDelete
  9. grabe ung kwento na nadeds sa stress.

    mag-unwind ka muna at mag enjoy sa gagawing bakasyon. :D

    ReplyDelete
  10. Hala, wala ka pa sa SG may mga realizations ka na, brace yourself, madadagdagan pa yan! Hahhahaa spell quarter life crisis =)

    ReplyDelete
  11. 'Wag mo kakalimutan 'yung limang kilo kong Pampanga's Bst Hamonado Longanisa ha! LOL

    ReplyDelete
  12. woi. pablock mo kaya lahat ng website dyan para di ka makapaginternet. palagay ko e kahit nanginginig na ang mga kamay mo mag net e, di mo magagawa. hehe.

    ReplyDelete
  13. Oi pasalubong! hahaha. at kumuha ka ng maraming piktyur!
    at pwede din bang ilista mo lahat ng expenses mo para kung sakaling mapaginteresan naming pumunta dun e alam na namin kung magkano ang iipunin, hehe.

    ReplyDelete
  14. picture greeting ka dyan eh ung video ko??! one year overdue ka na yata! tse!

    ReplyDelete
  15. enjoy ng bonggang bongga sa vacay..
    take a lot of photos.. at post it here.. para kunyari kasama mo na rin kami ng vacay...

    tutyalin...

    u-universal! hahahaha

    ingaters jepoy!

    ReplyDelete
  16. ur going to SG ryt? TUTYALENZ! Hindi n ako mangihingi ng pasalubong baka singilin mo n nmn ako ng gummybear lolz! Enjoy sa bakasyon parekoy!

    ReplyDelete
  17. haha.. idol! natakot ka siguro sa nabasa mo no kaya ka magpapahinga... haaayy.... have a great vacation idol :P

    ReplyDelete
  18. nga pala, dun sa last post mo... bagay kayo nung churchmate mo. yiheee... lumalablayp ka na ah? hehe.

    ReplyDelete
  19. oi natapos ko na ang eat.pray.love! at have a safe trip there! saka pagbalik mo yun pagpapa-spa karirin na natin. saka natakot ako sa backpacking sa india, hanap pa ako ng mas safe.

    natakot tuloy ako sa post mo, baka mamya bumula na lang bibig ko dito, haha.

    ReplyDelete
  20. worng sfelling yung TRAVE(L)

    pakiayos!

    ReplyDelete
  21. Pasalubong ha! Uwe mo yung MERLION for me? Hehehe! Bongga! Pero totoo ung post mo, kung sa stress lang, madame talaga makakapag pa stress saten. It's all a matter of outlook. Dapat positive lang lage kase maiksi lang ang buhay. At dahil dyan, dont forget to get me something from your trip ok? Short lang ang life so dapat maging generous at mabaet lalo na sa mga friends. LOL. Enjoy!

    ReplyDelete
  22. Kaya magreresign na rin ako comes next year... gusto ko pa humaba ang buhay ko...lol... di ba halatang mabilis ang pangangayayat...lol

    ReplyDelete
  23. ako nasstress sa pagpplano ng picture greeting na isesend sayo...shet nakakapressure kung pano ko lalandian ang pose!!

    enjoy!

    ReplyDelete
  24. ako nasstress sa pagpplano ng picture greeting na isesend sayo...shet nakakapressure kung pano ko lalandian ang pose!!

    enjoy!

    ReplyDelete
  25. Tama , kahit di malaki ang sahod basta di naman pressure at happy ka sa buhay mo. Aanhin mo ang madaming pera kung wala ka namang kabuhay- buhay

    ReplyDelete
  26. hi jeff, napaisip naman ako bigla sa post na to, hehe. btw, ingat ka sa paggala mo at mag-enjoy to the max! you deserve it!God bless you!

    ReplyDelete
  27. jepoy jepoy jepoy. mag lalaboy ka? sarap naman.

    Sabi sa article isa daw syang Consultant sa isang kumpanya na itago nalang natin sa pangalang HP.

    HP - name nung company o nung consultant?

    ReplyDelete
  28. magingat ka at magenjoy. recollection ba yan? ahaha

    dumaan :)

    ReplyDelete
  29. dito naman a supervisor kills himslef. due to BOREDOM!

    anyway, suggestion dear. why not may prize sa best picture greeting?!

    pasalubong from BKK ba yan o SG? dali na! sali ako sa contest!

    ReplyDelete
  30. kaya pala maligalig ang ym mo kanina
    patay sindi
    nagmessage naman ako ng Merry Christmas kasi parang christmas lights lang, hihihi
    sorry naman madami din akong stress sa work, as madmaing madami,
    many to mention.
    enjoy mo bakasyon mo sir,

    sa THAILAND ba yan?
    hihihi

    be blessed po!

    ReplyDelete
  31. Penge akong pasalubong ayokong keychain ha. FOod na lang. Dali na tutal maganda naman ang structure ng post na ito.

    Reklamador ka pa eh ang laki laki ng sweldo mo proportion lang sa appetite mo!

    ReplyDelete
  32. @kumagcow

    Tamah!

    Bakasyon lang muna hokey kasi hindi me makapag blog im shure of et.. Balik muna tayo sa youtube bwahihihi

    @heartleschiq

    Thanks... hayaan mo sige sasabihin ko ang bilin mo sa kanya. I chat mo nalang para shure.. hehehe

    @2ngawzki

    pasalubong ko sayo kiss nalang para cute hihihi. Thanks bakasyon mode muna sandali ahahha

    @YOw

    Puro ka habol, sa tatlong post ko na yata sabi mo hahabol ka hanggang ngayon wala parin. SUs!

    Salamat pow God bless!

    ReplyDelete
  33. @Khantotantra

    Onga eh nakakatakot much... Unwind unwind muna ikaw tapos ka na diba? Kaka thailand mo lang hihihi

    @Roanne

    Onga eh kelangan talaga may realizations ahaha. Go for quarter life crisis. demet! ahahaha

    @Gasdude

    Pota ung bagahe ko puro nalang bilin na tocino longanisa para na akong tindiero!!!! LOL

    @Bulakbolero

    Woi ka rin, baket hindi ka nag oonline sa YM punyeta! may tanong kame ni gasul puta ka!

    ReplyDelete
  34. @Oliver

    pasalubong? Friendship nalang pasalubong ko. Puta ka nung nag Coron ka nga wala akong pasalubong, sus! Sige i'll try to give the expenses pero pag sobrang mahal pm nalang kita alam mo naman nakakahiya dito sa blog baka sabihin ng iba show off eh wala naman akong i show off bwahahaha...

    @Chikletz

    Oi meron akong ginawang video kaya tanong mo pa kay glentot, hindi nya kasi sinesend sakin. Oo na send ko na. Bilis na picture greeting mo na birthday ko naman eh *insert puppy eye here*

    @Yanah

    Thanks po mam.

    Hindi po totyalin medyo naka save lang ng konti.. hihihi sige po i'll try to post a little pictures...

    @Jag

    Hoy hindi pa ako nakaka move on sa gummy bears na hindi mo binigay nung nanggaling ka ng japan. Hmp!

    ReplyDelete
  35. @Mr night crawler

    Salamat po, i will. Thanks much!

    @Anna

    natapos ka na? ako hindi parin...tamad me much haist! Sige mag search ka pa tapos planuhin na natin yan...

    @indecent mind

    Ayan inayos ko na Mr. Spell checker! Hmp!

    @K

    I will. Sure theng, ill give you something for my trip like key chain ahahaha

    ReplyDelete
  36. @Xprosaic

    oo na ang arte-arte mo ayaw mo pang sabihin kung saan ka nag work. Hmp!

    @Greta

    Ang tagal-tagal ng picture greeting mo susme! Gusto ko ung basang basa sa batis like ur picture greeting bwahihihi

    @Diamond R

    I agree much! Kampay tayo sir!

    @Weng

    thanks bebe ko hihihi Mwuah!

    ReplyDelete
  37. @Super Balentong

    Laboy lang ng konti dyan sa tabi-tabi sir...

    HP ung name ng company, dont worry sa SG ito nangyari hindi sa pinas ahahha...

    @B

    maraming salamat sa pag daan, na appreciate ko ang pag daan mo sana sa uulitin ahaha medyo recollection na hindi

    @Chyn..

    Wala kasi akong pampremyo kaya wala nang premyo tsaka hayaan ko nalang kung sinong may mabuting puso na tatablan ng picture greeting...

    @Pong

    Sorry Sir hindi ko na change ung proxy kaya patay sindi. Maraming salamat po sir. Hindi ito sa THAILAND? Issue much??!

    God Bless to you to Brother...

    @Glentot

    Sige mag dadalahan ako ng buhangin ng singapore para sa'yo hihihi...

    Ang liit liit lang kaya ng appetite ko hihihi

    ReplyDelete
  38. enjoy your vacation jepoy! alam ko hindi pa tayo close, at sa fb at dito palang tayo friends, kaya hindi muna ako hihingi ng pasalubong sayo. sasusunod na trip mo nalang, ahihi. XD ingat pare.

    ReplyDelete
  39. @Raffy

    Thanks a lot dude! appreciate it.

    ReplyDelete
  40. Arte much! Hahahaha! Joke lang... Sorry naman hindi ka naman MASYADONG STRESSED niyan. Pro un nga... grabe rin ung ganong demand pero kung bibo ka naman (at bibo ka nga naman), kaya mo yan! d naman mawawala youtube. hehe! goodluck sa career a!!! SIGE, IKAMPANYA MO YANG BLOG MO at MANG-HARASS KA NG MGA TAO RON NA BIGYAN KA PICTURE GREETING! HAHAHHAA!

    ngapala... may award ka from me. nasa latest entry ko. :) congrats! PASALUBONG!

    ReplyDelete