Thursday, September 29, 2011

Tour de Eiffel

Noong monday night naisipan kong mag punta ng Eiffel Tower ng gabi kasi nalolongkot me. Hindi ko kasi mapagkasya yung gamit ko sa luggage ko. Like sinusuka ng luggage ang gamit ko. Ayaw sumara ng zipper. I truly, madly, deeply heychet!

On my way papuntang Eiffel ang daming tao sa MRT as in 555 Sardines mode. Nakakatatlong stations palang ako hindi na maganda ang pakiramdam ko.

Guess what?!

Natatae me. This is so not happening. Ayokong mag iwan ng trace ng kahihiyan sa Pransya! Oo, ganyan talaga ang digestive system ko madalas hindi nakikisama alam yan ng mga close friends ko.

taeng-tae na me...

Nag co-contemplate ako kung uuwi ba ko or diretso na sa Eiffel para mag emo, kaso naman ang hirap namang mag emo habang natatae. Multitasking ba itwu?! At isa pa hindi ko rin alam saang lupalop ang mga toilets here.

Trocadero.

MRT station papuntang Eiffel. Dahan-dahan akong naglakad dahil pag may sumundot sa tagiliran ko lalabas ang tae ng walang humpay kaya dahan-dahan lang. Kung uuwi ako mafo-forfeit yung ticket ko paakyat ng Eiffel sayang naman.

Na aalala ko bigla 'yung indian film na 3 idiots, ginaya ko sila. Kalma lang sabay sabi ng, "Al Iz well, AL iz well"

Effective.

Lalo akong natae. Heychet! Alam mo yung lalabas na tapos may kilig/chill factor na. Ganun na ang feeling. Okay, hindi ko na kaya! Nagtanong na ako sa mga tao sa paligid kung saan ang toillet hindi nila ko maintindihan. Husay!! Na didisappoint na ko ng tunay at wagas. Nag hahalo na yung disappointment tsaka 'yung feeling na natatae.

dahil brainy me may na-isip akong paraan. Sa kabilang kanto may Hotel. Pumunta ko 'dun dirediretso lang ako sa loob kahit hindi naman ako na check-in. Alam kong impossible walang kubeta there.

Syempre meron nga.

Alam na.

So bilang closing ng kwentong itwu. (Halatang bang malalate na ko kaya tatapusin na?!) Natuloy ang pag-emo ko sa taas ng Eiffel tower. Sobrang ganda ng view seeing Paris, this is my favorite spot. Let me share it.



ang bilang pangwakas. Salamat sa nag send ng picture greeting. Hindi na ko hihingi last na yung mga post ko. Nakakapagod na. pagod na pagod na me.

Arte lang.

kthanxbye.


7 comments:

  1. ayos sa tanawin ang picture..... buti na lang naging maparaan ka sa oras ng pangangailangan. eheheh :D

    mukang babalik ka na ng SG, congratumalations :D

    ReplyDelete
  2. LOL! Natawa ako! Hoy natanggap mo ba picgreet ko?

    ReplyDelete
  3. honggondoh ng view!

    at kahit kelan, hindi nawawala ang kwentong 'sh*ts' mo. hahaha!

    andami kong tawa dun sa "Dahan-dahan akong naglakad dahil pag may sumundot sa tagiliran ko lalabas ang tae ng walang humpay".

    ingat ka dyan. bye!

    ReplyDelete
  4. ang ganda ng view.. kaya lang di maalis sa isip ko yung pakiramdam mo na butil butil ang pawis mo dahil natatae ka... i should know kasi naranasan ko na yan.. ehehehehe this week na yung picture bati ha... pasensya na at medyo busy.. hehehehe.. ingat jan jepoy..

    ReplyDelete
  5. parang uso ngayon ang sumasakit ang tyan sa mrt. hehehe

    ang ganda nga ng fave spot mo. breathtaking.

    ReplyDelete
  6. Hahah! Panalo. Hehe. :D At least nakaginhawa ka bago magkanda leche leche ang lahat! hehe. Eiffel! I miss! :D

    ReplyDelete