Una sa lahat congratumulations sa'kin dahil ang sipag kong mag blog which only means wala akong social life at all.
Okay bago ako tirahin ng mga taong mag ju-justify na marami silang social life kahit araw-araw sila nag po-post ng entry 'edi sila na ang magaling sa time management at sila na rin ang social maniac! Angkinin na nila lahat! Ayokong makahanap ng kaaway sa internet dahil lang sa kuru-kurong pwede naman pagkasunduan at hindi rin ako magaling makipag-sagutan. Sopas lang kaya laman ng brain me.
Ang paksa ng panulat ko ngayon ay tungkol sa OFW. Obcorz OFW me. Kala nyo naman Climate change ang su-sulatin ko. Duhr!
Dahil mag one year na akong OFW papabulaanan ko at Sasangayunan ang Norms ng pagiging isang OFW.
Okay,
Ang lahat ng susunod na mababasa ay based sa sarili kong Observation and Experiences.
moving forward...Wag ka masyadong excited kuha ka muna kape tsaka biskwit. Lamay?!
1. Hindi totoong puro hirap at pag titiis at pasakit ang nararanasan ng OFW. Minsan kasi naka stereotype sa mga pag-titiis, inaapi and all that shit. Okay, may mga ganung isolated cases and they are existing hindi ko dini-disregard 'yun. Ang point ko lang, Hindi lang puro pag titiis at sacrifices sa abroad. Oo, we sacrifice a lot and we have our episodes of emoness often because we are in foreign Land.
Pero
C'mon! Again based sa sarili kong observation and experience ito... Parang hindi naman puro pasakit at pag titiis ang nakikita ko. Meron din Saya, Party-Party, shopping, travel abroad ng walang humpay, bili ng gadgets, padala ng pera kay Mudrax and Pudrax, Padala ng pang tuition fee kay bunso, pambili ng gamot kay lolo at lola with all that happiness. Masyado kasi tayong nakulong sa experience ng mga tatay natin sa Saudi na nag re-record ng voice recording sa casette tape at snail mail by means of communication noong araw. Tapos na ang ganung era. Marami ng pwedeng pagkaabalahan ngayon.
Oo mahirap at sacrifice talaga, nararanasan at patuloy ko paring dadanasin yun. Minsan nga nakakaiyak pag tumatawag ka sa Pilipinas pero sa kabilang banda nun marami rin namang saya. At kung mag coconcentrate sa Saya tatagal kang OFW kung hindi uuwi ka kagad. Unless may issue sa work or employment contract mo, that is another story.
2. Hindi porket nasa abroad marami ng Pera. Nag bubudget din kame. Nagtitipid sa pansariling kailangan para may perang pampadala sa Pinas. Kaya sana sa may mga kamag anak na OFW wag nyo silang iprepressure ng ipressure sa Pera. Masakit sa ulo yun.
Promise! Mag papadala at mag papadala sila. Tama na yung isang beses nyo sabihin. Wag naman every call remind ng pera kagad. Depressing 'yun sa kanila at doon nag sisimula minsan ang problema. Kumustahin nyo naman muna sila kung nakakakain ba ng tama, kung may problema ba. Wag nyong ratratin kagad kesyo yung posonegro sumisingaw ang tae sa lababo at kung ano-ano pang problema please ako na nakikiusap. Arte?!
3. Hindi porket madaming laman ang balikbayan box okay sa alright si Mr at Ms OFW sa trabaho. Hirap sila sa pag kayod. OT ng OT. Lahat ng sabihin ng boss tungo lang tungo. Sabi nga g mga expat sa mga OFW, "Mura na sulit pa..."
4. Pag umuwi ng Pinas ang OFW sabik yan makasalamuha kayo kaya wag kung ano-anong shit na dahilan ang sasabihin ninyo pag magkikita-kita na. Minsan last minute pa kayo mag cacancel ng lakad. 'Yung excitement ng OFW pag umuuwi lampas sa PH Scale. Don't let them down by canceling your commitment the last minute. Sabihin nyo kagad kung di kayo pwede tapos.
5. pag pinag sama-sama mo ang OFW sa isang community dalawa lang ang pwedeng mangyayari kung hindi magiging uber close mag kakasiraan ng pag kakaibigan. I dunno, it's just so proven from the countries I've been too. May mga ibang OFW nga sa western part of the world hindi nag sasasama masyado sa Pinoy Community. Ang dami daw chismis. Which I think is a fact. We are Usi by heart.
6. Ang mga OFW kung hindi magiging closer to God, magiging closer to bisyo (take not the word closer to bisyo, I didn't say addiction) naman sa abroad. Name it. Sugal, Alak,Sigarilyo,Babae,drugs. Meron din naman mga steady lang din.
7. Bibigyan ko ng Medalya ang makabagong OFW (Excluded na yung OFW na wala pang era ng internet nung nag abroad) na walang sariling computer at internet or ung hindi nila priority ang internet. Again hindi ko dini-disregard ang fact na merong OFW na walang computer at internet sa bahay.
8. Totoo pala ang kasabihang ang tao pag gipit kahit sa patalim kumakapit. Kala ko dati sa Movie lang yun. Pag nangyayari na pala ito right before your eyes nakaka drop jaw. Parang gusto mong sumigaw ng, "This is not happening...." Enough said.
9. May mga OFW na magaling sa pera. When I say magaling sa pera maliit man ang kinikita very evident naman kung saan napupunta ang pinag papawisan. Meron din OFW na bulagsak sa pera, binigyan na nga ng Blessing hindi pa mamanage ng mabuti ang finances<--Present
10. May mga OFW matataas ang ihi. Nakaabot lang sa mataas na estado kala mo tae na ang tingin sa iba. Minsan nakakalimutan kung saan nanggaling. Sa tatlong bansang pinuntahan ko para mag trabaho, dito lang ako naka experience na bumati ako sa isang Pinay deadma sa banga. Hindi porket nasa loob kame ng Louie Vuitton at tatlong bags ang binili nya eh may karapatan na syang hindi manlang ako batiin. Ang laki-laki kong tao para hindi nya mapansin at sabihan manlang ng, magandang umaga kabayan or isang tango nang pag-acknowledge na pareho kameng kumakain ng Adobo. Marahil isa syang turista na madaming pera ewan ko sa kanya. Like I care! Duhr! Oo ako na ang sensitive.
Sensitive talaga ako...
Lalo na kung di ka mag-papadala ng picture greeting erase ka sakin sa banga...ahahahaha
Hindi porket nasa abroad marami ng Pera.
ReplyDeletetama!! kala kasi ng iba, mayaman porke't nasa abroad.
dun naman sa mataas ang ihi, napaka totoo! may kaibigan ako na nagwowork sa canada. bago palang siya, niyabangan na ng isang pinoy dun na immigrant na daw sila at kawawa naman daw siya. sarap suntukin ng lungs!
This is a threat, there you go! LOL
ReplyDeletePasok sa banga!!!lalo na yung mga ang lakas mangdedma na kababayan, nginitian mo na pero parang hindi ka nakita.
ReplyDeletei agree lalo na yung first part :D
ReplyDeleteingat po parate sa mga lakad mo kua jepoy:D
galing mo magkwento jepoy..
ReplyDeletenatawa ko don sa number 10.. at lalo na don sa pinaka last na part.. advance happy birthday.. hehe! email add pls..:p
Nararamdaman ko sa post mo na miss mo ang Pinas, gora ka na dito sa pasko! LOL. :D
ReplyDeleteNararamdaman ko sa post mo na miss mo ang Pinas, gora ka na dito sa pasko! LOL. :D
ReplyDeletenapaka-informative nito sa akin. :) thanks jepoy!
ReplyDeleteoo nga promise mahirap maging OFW as what they say...
ReplyDeleteI agree! Hindi lahat nng nasa iabng bansa ay mayaman.
ReplyDeleteIsa pang katotohanan: Kapag ang pilipino nasa ibang bansa may disiplina.
Ayos na ayos ang post mo, tutoo lahat sinabi mo ka jepoy, same same here in the UAE
ReplyDeleteHoy! Kelan you babalik sa Lurve!
ReplyDelete[bg music] Bagong Bayani by Nora Aunor [/bg music]
ReplyDeleteSeaman ang tatay ko kaya nakakatawag lang siya kapag nakakadaong na 'yung barko nila sa kung saang mang pier sa mundo. 'Nung nagka-Tsunami sa Japan, saktong nandun ang tatay ko. Kahit naman na hindi ako OFW eh alam ko ang pakiramdam na mawalay sa mahal sa buhay kaya naman 'pag tumatawag ang tatay ko eh hindi ako nahihiyang mag-I love you sa kanya kahit na nasa kalagitnaan ako ng inuaman.
Gudlak brader sa pagiging OFW saka nga pala pakipasalubungan mo ako ng French Slut na nanlulunok ng laway ala-Scorpio Nights. LOL
Ingat ka brader!
P.S Pwedeng mag-recycle ng picture greetings? :D
Haberday nga pala sa'yo next month!
Nakakarelate ako dito, expats din ako (maiba lang sa term na OFW,hahaha).. masaya na malungkot ang buhay sa ibang bansa.. Kung kailan marami kang pera pang-gala at magliwaliw saka wala ka naman time para sa mga ganun bagay dahil sa trabaho,kaya ang resulta, sinusulit ang bakasyon sa Pinas, kaya sang ayon ako sa number 4 mo,sir!
ReplyDelete