Saturday, October 1, 2011

Malware Detected

Una sa lahat walang virus ang site ko. Ikawala malapit na birthday ko tapos mag kaka-virus pa ang blog me?! Ano ba nagawa kong kasalanan sa mundo ng internet?

Ang sakit Ate Charo.

Matagal kong naging hingahan ng sama ng loob ang blog na itwu, naging kandungan sa malalamig na gabi. Charot!

Ampotah naman wala na ngang nag babasa nito i-block pa ng google?! Kamown! It's so unfeeeyr! Gusto kong mag wala sa galit. Gusto kong basagin ang bungo ng kapitbahay kong walang humpay mag luto ng curry. Gusto kong punitin ang damit ko habang nasa shower tapos lumuluha at dumadausdus ang likod sa pader. Sumisigaw ng ang dumi-dumi ko!

Arte lang.

Siguro panahon na talaga para ihinto ang blog na itwu. Panahon na para harapin ang tunay na hamon ng buhay. Panahon na para makibaka at labanan ang kurapsyon sa lipunan. Alisin ang bulok na kamatis sa basket ni Mama. Panahon na para magbago. Panahon naaaaaaaa ng talikuran ang nakaraan at harapin ang bukas. Tulad ng kasabihan time is Gold. Oo walang kunek masyado.

Sa lahat ng nag basa. Nag google follow. Nag email. Nakitawa. Nakisimpatya.Nakiadd safacebook. salamat. Hanggang sa Muli.

Goodbye Cruel world...


5 comments:

  1. weh! di nga!? alam ko joke lang to. haha!

    nasa SG ka na ulet?

    ReplyDelete
  2. Kung makapindot naman ako ng Proceed Anyway sa Malware Detected na yan wagas na wagas. Hahaha.

    Ngayon ko lang napansin, sa Google Reader ako nagbabasa sayo at di naka summarize. Hihi.

    Hello Jepoy! :)

    ReplyDelete
  3. Oist, umayos ka. Subukan mong i-track yung links na binabanggit sa "Why was this blah blah an attack site?" Kung nasa isa sa mga post mo yung link o nasa html o kung nasan man, alisin mo. Ngayon lang kami nakakita ng ganito. Sana madiskartehan mo. Kung hindi ka na talaga makakabalik, apir na lang. Good luck.

    Post Scriptum: Sa dami mong nakilalang ibang bloggers, madaling malalaman ng iba kung magkakaron ka ng ".com" na site. Idea lang na pwede mong paglaruan sa utak.

    ReplyDelete
  4. Ayyy... Kakalungkot naman. Pano nalang Kaming mga magaganda mong tagahanga? :(

    Isa ka sa nagpapasaya sakin...

    ReplyDelete
  5. hmmmm kakaiba ha...galeng...pwede palang gawing malware detected ang ganun..

    ReplyDelete