Sunday, October 23, 2011

My Birthday

Umuwi ako ng Pinas para mag celebrate ng birthday sabay combo ng bakasyon para makasama ang aking mahal na Pamilya.

4 days is just not enough to celebrate my birthday and to be with my family. I guess, no matter how many days I spent with them. It'll always be not enough. Arte lang. Sa totoo lang haggard ang mga pangyayari.

Umpisahan natin sa pagdating ng Sunday ng gabi.

Mula sa Airport ng NAIA diretso na sa Jollibee. Oo, kasali talaga yan sa checklist. Laway na laway na kaya ako sa Chicken Joy! Tapos 'yung nakain ko para lang binabad sa mantika yung manok tapos nakalimutang gamitan ng apoy sa pagluluto. Fresh itwu! Malungkot much. Gusto ko sanang i-deep-fry yung fez nung Manager ng Jabi kaso ayokong mabahiran ng puot ang first day ko sa Pinas.

So Umuwi nalang kame ng Probinsya. Ako nag-maneho dahil na-miss kong mag drive ng wagas.

Kinabukas, it was my second day. Ubusan ng yaman. Kung makakapagsalita lang ang wallet ko mag sasalita sya talaga ng, "Tama na!!!???###$$&&@@@" sabay kapit sa pader at slide pababa. Kung baga sa KFC, finger licking good! simut sarap to the bones ang pananampal ko ng pera. Charut.

Tuesday, luwas ng Maynela ang probinsyanong Jepoy para makipag kita sa ilang mga kaibigang bloggers. Sa awa ni Papa Jesus. Walang dumating. Fine! Senyales na nang pag close ng blog. Charut ulet.

Buti nalang 'to the rescue si Christian, isang kaibigang umuwi ng Pinas for good galing din ng Singapore. Dumating sya pero saglit lang dapat sya kasi mag sasara pa sya ng grocery store nya. Kaya dahil uuwi rin naman ako ng province edi nag makaawa akong mag pahatid sa sakayan ng bus. Tutal bago naman Oto nya.

Ako nag turo ng daan papuntang sakayan ng bus sa may D. Jose.

Diretso kame dun pag tapos mag dinner kelangan maabutan ko ang last trip. Subalit dahil sa sobrang brainy ko mali ang naituro kong daan. Napadpad kame sa Divisoria! Spell Stucked Up on a dirty divisoria road! Kung alam mo ang daan sa divisoria ganun ang eksena namin, naipit kame sa traffic jam dahil sa mga potang Jeepney driver na parang wala ng bukas kung mag hintay ng pasahero. Mauubusan much???!!! Yan tuloy naiwan me ng bus.

Malungkot much!

Buti nalang sinamahan ako ng hitad hanggang sa huli kapalit ng libreng dinner at libreng videoke. Nag videoke kame hanggang sa maabutan ko ang first trip.

Eto proof salamat sa Tanduay Ice...



Kinabukasan birthday ko kasama ko ang aking mga ex-officemate/friends the entire day. Nag enjoy me. Meron pa silang gift sakin na cake. Alaykhet! na touched me ng wagas.

Tapos pag balik ko ng Singapore ito naman ang bumuluga sa akin pag dating namin ng Genting, Malaysia.

Sulit ang byahe naming pitong oras Papuntang Genting Malaysia dahil may Cake me. Na surprise talaga ako. Naluha me ng slight. Pinigilan me.


I felt so loved. Pero hindi 'yung love na may Malisya.

Charut!

It's another year for me. Another year to look forward too. Another year to meet new friends. Another year to hope. Another year to celebrate life and all the uncertainties that comes with it. I embrace it because I know God has something in store for me. Great things to be grateful for.

Charut ulet.

Salamat sa pag babasa faithful readers.


Ingats...


13 comments:

  1. belated ulit jeps :)

    ReplyDelete
  2. Hataw!hitik na hitik ang iyong birthday.

    ReplyDelete
  3. Malamig ba sa Pinas niyan at naka-scarf ka? Kamukha mo si Abner Mercado. LOL! Buti naman at nasamahan ka ni Christian.

    ReplyDelete
  4. ansaya ng bday. :D

    belated habertdei.

    ReplyDelete
  5. happy birthday ulit hehehe. sarap ng cake!

    ReplyDelete
  6. ngaaak! kayo lang pala ni Christian ang natuloy?!

    hapi bday ulet. wagas ang scarf! LOL

    ReplyDelete
  7. Bentang-benta iyong singing session!

    Belated haberdei, Jepoy! Nasan iyong pasalubong ko? LOL. :D

    ReplyDelete
  8. Ayy. Oh? Walang sumipot? Wag mo na ifriend yung mga ininvite mo. LOL. Pero at least nagenjoy ka, at ikaw na ang masagana ang bday.

    Sorry naman, kayo na ang mga songer! May level level ng boses. LOL

    ReplyDelete
  9. Wow! Andaming cakes! Ilang nautical mile na naman ang tinakbo mo para makahabol sa calories?! hehehehe Ayos lang yan! minsan lang naman at sulit na sulit! Great to know you had a blast on your week-long bday celebration!

    ReplyDelete
  10. Belated Happy Birthday Jepoy! Sa wakas, ako na lang ata ang huli sa balita na bago na pangalan ng blog mo. Hindi tuloy ako nakapagpadala ng picgreet ko sayo wearing only this...
    tsk. Di bale, next year babawi ako--wearing nothing na ako.

    hehe.

    wabyu!

    ReplyDelete
  11. belated happy birthday sayo pareng jepoy! :)

    ReplyDelete
  12. kakatuwa naman yun video ni xtian. buti nalang may bagon oto at nasamahan ka hehe

    happy birthday! i miss you jepoy!

    ReplyDelete
  13. Kadire pinost mu pa talaga?! Hahaha

    Ngayon nananahimik ako cguradong mawawalan nako ng readers neto! Hehehe


    Belated bday to us! :)

    ReplyDelete