Friday, October 28, 2011

Randoms

'Nung nagsabog yata si Paps ng six pack abs noong araw ng pag lilikha, nasa loob yata ako ng kwarto at kumakain ng Cheetos at Grapes. Or vice-versa, 'nung nag sabog nang katabaan sa mundo eh kakatapos ko lang magsampay kaya may balde sa ulo ko, plangana sa magkabilang kamay at nasalo ko lahat ng fatness. Awww!

so sad

Pagod na pagod na kong maging matabang cute. Gusto ko naman cute lang. Wala na yung mataba. Ang saket, saket na sa tenga ang sakit pa sa puso. Charut!

Nitong nakalipas na bwan pag uwi ko galing pransya eh parang na-suck narin ang kasipagan ko sa pag papapayat. I still excercise pero madalas twice a week nalang. And I hate eeet!

Arteh?

Kanina nung pauwi ako, may naamoy akong amoy tae. Yung pusod ko pala. parang pwet lang. Nainffect sya. Hindi kasi nalilinisan at natutuyo ng maayos. Pero ang suspetcha ko dahil sa katabaan ko.

Oo, sinisisi kong lahat sa katabaan. ayokooooooo naaaaaaaa!!!! kahapon habang suut ko ang longsleeves ko pag upo ko tumalsik ang isang butones ng tatlong kilometro. Kung sinumaan ang tatamaan nun eh mag kakapasa sa fez. I'm so sad and frustrated and downcasted. Sabeh?!

Baket ba ang hirap mag papayat?!

Ginagawa ko naman yung part ko *insert emo song here* minsan nga habang tumatakbo ako lumuluha me sa kanang mata habang nililipad ng hangin papalayo ng pisngi ang luha at pumapatak sa lupa para mag silbing pataba ng palay na lonely and blue. Sabeh?!

Basta... Nalulungkot me. Sa sobrang lungkot napakin me ng adobo.

Sorry Nasayang ang oras mo sa pag babasa. Wala naman pinupunto ang entry na itwu. Actually, meron pala. Gusto ko na pumayat! Hindi naman 'yung palito kapayat yung tama lang. 'Yung parang Derek Ramsey lang. LOL

Okay, laslasin nyo na leeg ko ngayon na!!!

Juk...

Happy Weekend...

14 comments:

  1. I feel you ser jepoy...gusto ko na rin pumayat eh ayaw naman ng puso't isip ko(chos!) ektwali ayaw ng bunganga at appetite ko magcooperate..hehehe

    Sana may instant ano nalang para pwede pumayat ng instant din..hahay ka sad..

    ReplyDelete
  2. wag kang mapagod. diba nga sabi ni gasul sa isang tweet na nung bumalik ka sa sg, pumapaat na you. go langng go at pagpatuloy mo lang.

    ReplyDelete
  3. determination lang ang katapat ng pagpapayat mo eh..kung wala ka nun eh isang himala at sangkatutak na prayers ang kailangan mo para pumayat ka ^^

    anyway, I find mataba guys so adorable and cute..type ko ang ganyan! LOL

    ReplyDelete
  4. Jenny are you flirting with me?! Ahahhahaah c'mon lets flirt each other. Lol

    Your right focus and determination lang. Dahil dyan hindi na ko mag lunch now!! Pagod na kong maging mataba, im tired so many. Charut!

    *smack*

    ReplyDelete
  5. Ay gusto ko na si Jenny para sa iyo jepoy! LOL... anyway... Ilalayo na muna namin ang sinigang na baboy at mga canned goods, tocino, tuyo at marami pang foods... cereal na lang daw at wheat bread ang pwede mong kainin! LOL

    ReplyDelete
  6. hahaha Jepoy am not flirting with you...sinasabi ko lang >> I find mataba guys so adorable and cute..type ko ang ganyan! HAHAHA



    - Jenny

    ReplyDelete
  7. @Jenny

    Kelngan may sagot talaga??!! Ahahaha juk lang yung flirt part sus! Lol

    ReplyDelete
  8. Yes dapat may sagot talaga..WHOLE-SOMetimes ako eh hahaha

    -Jenny


    P.S.
    hindi mo naman post yung sagot ko eh :P hahaha

    ReplyDelete
  9. Ay ang haba ng sagot! Wag ka masyadong ma fall sakin ha. Ahahaahha

    Nangungulet lang! Salamat sa pag babasa

    ReplyDelete
  10. Popoy Inosentes10/28/11, 4:09 PM

    ahahahah basted agad si Jepoy. bwahahahahaha. joke lang. LOL

    tama sila jeps, discipline is the key. yang mga frustration na yan ang gawin mong drive para matupad mo yang gusto mo. keribels mo naman ang mag enroll sa gym. alalahanin mong hindi ka na bata, patanda ka na at kapag tumatanda ang tao mas bumabagal ang metabolismo. at yes, tigilan mo na ang pagsayaw sa mesa kasi nakakailang mesa ka na siguro, laging nasisira. char!!

    goodluck jeps. dare!? dapat before matapos ang first quarter ng 2012 eh pumayat ka na. :)

    ReplyDelete
  11. Kapag nilaslas namin ang leeg mo, baka maging cushion ang taba mo sa impact. Juk lang! I feel you, Jepoy. Pareho na tayong nangangailangang pumayat para may maibalandra tayong 6-pack abs sa summer next year. Join the club! :D

    ReplyDelete
  12. sabi ni derek 100 push up per day daw ang ginagawa niya..kaya hanggang maaga pa, simulan mo na...

    kung wala ka nang update dito..ALAM na! ahahhahaha

    ReplyDelete
  13. kaya yan... hehehe di magtatagal papayat ka din... :)

    ReplyDelete
  14. ganyon ba mga paps?! Salamat sa kumentu.

    ReplyDelete