Saturday, October 15, 2011

iOS5 FAIL!

May ngiti ako sa labing nag download ng iOS5. Para makiuso ba. Sayang naman ang pagiging teknikal-teknikalan ko kung soooo 2000 and late ang OS mey.

Maaga akong umuwi ng bahay kahit friday. dahil mag uupdate ako ng phone at ipad. Ako na may ipad! Hindi ko rin alam kung baket ako may ipad. Napadaan lang ako sa Palengke tapos naisipan kong bumili ng ipad. Parang prutas lang.

Ako na talaga!!!!

Aanhin naman ang ipad kung walang lovelife.

Maikunek lang.

Balik na tayo sa kwento. So bago ako humarap sa macbookpro ko. Oo ako na ang alagad ni Steve Jobs. LOL

Pota ang yabang ko! Hindi ko kinaya. Parang hindi ako. Sayang naman ang puso kong humble and low.

So eto na nga kasi. Pag tapos kong mag shower, masaya akong nag update ng itunes at nag upgrade ng OS ng phone at ipad me. Update and Restore, gaya ng mga instructions ng mga kaibigan sa twitter.

Nag sync ako. Akala ko equivalent 'yun sa back-up. Eh, diba ang synchronization ay may abbreviation na sync so diba logical naman isipin na backup din un?!

Umuo ka. Sisibatin kita ng tsquare sa wetpaks!

Ang ending nawala ang pictures kong uber cute and hot at nawala lahat ng mga applications ko. I'm like. KEL ME NA!

Gusto kong mag wala habang kumakain ng atis at nag ta-tumbling! I need the photos. I'm so sad.

On the other hand, Masaya ako dahil uuwi na ko bukas ng Felefens!!!!! Madami akong dalang chukuleyt at Gummy Worms at Chicken Rice at Kendi.

Excited na me!




10 comments:

  1. sobrang excited, ayan tuloy nakalimutang mag back up. :D

    ReplyDelete
  2. oist teka bago ka umuwi, pano ba dapat ang gawin para di mawala ang mga photos?

    kaya di ako makapag update eh kakashokot...

    sana me magpost ng how to update iOS5 for tangengots like me.

    ReplyDelete
  3. ang lufet parang bumili lang ng prutas magaya nga yan.Regards sa lahat na excited ka ng makita parang kaylan lang.

    ReplyDelete
  4. isa na ako sa bobo pagdating sa mga gadgets..LOL samsung SGH-U800 lang phone ko, pang mahirap..haha

    Paps, happy birthday..ingat!

    ReplyDelete
  5. Wow. Naiinggit ako. Hindi sa iPhone, iPad at Macbook mo, sa paguwi sa Pinas. :( Ikaw na talaga!

    ReplyDelete
  6. Ay buti naman wala na yung mensahe na may malware ang iyong blog.

    Sana meron nang app na iGirlfriend soon. hihi.

    Joke lang.

    Happy ako uuwi ka. Makikita mo na uli si Mudra.

    Pasalubong ko ha.

    ReplyDelete
  7. eheheh, eto yung tinutweet mo na nasimot mga pics and apps. sayans naman kung di maretrieve.

    Ingat at enjoy your trip pabalik ng bansa :D TC

    ReplyDelete
  8. weeeeeeeee.... welcome home :)

    ReplyDelete
  9. shet nawala na mga noodie pics mo! pasalubongan mo ko ng balot!mwahugs!

    ReplyDelete
  10. Nakarating ka na ba sa Felefens? Saan iyong pasalubong ko? LOL. :D

    ReplyDelete