Napa blog akong bigla! Shayt!
I'm like, Gawwwwddddd hindi nga ko na nanaginep! It's not a wet dreams either! It's the truth and nothing but the truth so help me God.
Makakapag-blog na rin me sa office araw-araw. Oylabetz! Hindi na sya blocked! Sana lang hindi nagkamali ng pag-filter ang mga IT-IThan namin.
anyweyhi-way lez go back to regular Jepoy's blog programming shit.
Nang-gigigil ang skin ko sa kasama ko dito sa opis. Pa'no ba naman ang kurips. Kurips pa sa Mudrax ko. Nawala 'yung badge nya last month. Until now wala parin syang badge. Guess what kung baket?! Dahil ayaw nyang mag bayad ng 50 sa badge replacement. Ampf! Tag tipid much?! Eh, sya rin naman gagamit nun.
Sa araw-araw na ginawa ni Papa Jesus araw-araw din akong iniistorbo pag natatae sya para hiramin ang badge ko. I'm like, I don't have any patience anymore! Hindi ako Santo para hindi magalit at mag sawa kakapahiram ng badge ko na may cute kong picture at pefect smile (Sabeh?!). Arte lang.
Nakakairita lang ba sa makinis kung kutis na parang pwet ng baby. Ang baho kasi ng hininga nya. Amoy putik.
Tsaka isa pa, ayoko ring naiistorbo ang pagiging hardworking employee ko. Ganadong-ganado ka mag trabaho in the morning tapos biglang may kakalabit sa'yo dahil naiihi sya at wala syang badge para makapasokl. Aheychit! Nakakasira ng momentum kaya tuloy na papa twitter nalang me pag na break ang momentum ko sa trabaho.
Maliit lang ang opisina namin dito. Nasa pusod sya ng Singapore. Jurong East itwu. Let me correct that, hindi pala sa pusod, nasa dulo pala ng Singapore, isang tumbling nalang tsaka tatlong split nasa Malaysia na. Ang layo! Para syang Cavite or Languna kung ihahalintulad sa Pinas.
Malayo ang office namin sa mga malls. Puro trak ng gulay at kahoy ang makikita mo sa kalsada. Ang mga trabahador dito hindi naka kuntodo porma tulad ng sa Central Business District sa Raffles City. Dito umaga palang amoy grasa na mga tao. Minsan amoy panis na sabaw ng tinola. Feeling ko tuloy nagbalik ako ng Mapua walang magaganda. Tsarot!
Yung building namin dito para syang isang malaking warehouse na luma na amoy monosodium gluthamate (parang sounding brainy) . Madaming tae nag kalat sa tabi, meron sa sahig, bintana at ceiling.Tsarot ulet!
Malayong-malayo sa office ko sa Manila sa Ortigas ang building at location ng office ko ngayun. Doon sa sa Ortigas madami nakadamit na maayos, longsleeves at necktie panay branded pa, kung mag bihis kala mo CEO pag lunch time kalahating gulay lang at halfrice tsaka isang sabaw order.
Madalas pag rush hour sabay-sabay nag sasakayan sa Elevator. Dito ako na papasigaw sa isip ko ng ganito.
"Punyetah amoy kile-kile kayo. try nyo kayang mag safeguard minsan. soak nyo keli-keli nyo ng one month! Letch"
Pero given na 'yun. Iniisip ko nalang na sanay na ko. Tsaka pangkabuhayan showcase ko itwu. Sabi nga nila pag walang tsaga may pakpak ang balita. Parang may mali sa salawikain ko?
Akalain nyong mag 5 na! naubos ang Oras ko sa kakatipa ng kwento sa office. Hihinto na ko dito baka ma-google translate pa nila 'to. Matapos pa ang pangkabuhayan showcase ko!
Next time madami pa kong kwento....
ahihihihi. dahil finofollow kita sa chwirrer, nalaman ko na yung about sa tag-tipid na opismate.
ReplyDeletegrabs pala sa opis you, may makakasabay kang bomba.... boom sa amoy
Ang bilis ng comment mo paps ah! Lol salamat sa pag babasa at pag comment parati
ReplyDeletethey smell like sunshine and kaboom... sa tagalog amoy araw at amoy putok! di ko pa rin maimagine ng ng tao na naglalakad na amoy panis na tinola. :D
ReplyDeleteNa inspire naman akong mag post.Yong mga ganito lang ba.Parang wala lang.Wala masayadong effort pero masaya.
ReplyDeletehambalusin mo si opismate ng safeguard...walang uso ang hiya sa kanila in fariview..
ReplyDeletemagpa raffle ka kaya ng deodorant at safeguard ser jepoy? hehehe
wala ka parin kupas papa J.
ReplyDeleteGusto kong hiramin yang Gawwwwwddd mo! Ang kulet. Hahahaha.
ReplyDeleteMalamig ba dyan? Baka nitatamad sila mag shower sa umaga kaya nag aamoy panis sila o kaya naman ginagawa nilang lotion ang kanilang morning natuyong laway. Nyay.
Hinding hindi ako nabuhay sa half rice na yan. Ang iksi iksi na nga ng panahon ko sa mundo papahirapan ko pa ang sarili ko. May kakaibang bonding kame ng food! And no one can break it! Chos.
Hello Jepoy brader!
awww kawawa ka naman... nasisira ang hardworking momentum mo!!!
ReplyDeletebudburan mo nlng ng safeguard ilong mo para safe ka na sa amoy nila
hi sir nakilala kita sa mga posts ni glentot, ikaw pala ang sikat na si jepoy, nagba-backread na ko ng mga posts mo at tulad ni glentot, hindi ko mapigilan ang tumawa sa mga entries mo. so simula ngayong araw, susubaybayan na rin kita :)
ReplyDeletewow mapuan ka rin pala at humi-hillsong!