Friday, November 25, 2011

Pera na Naging Bato Pa...

nung isang araw nag abot ng cheke 'yung boss ko. Ektweli, di ko pala sya bossing. Director pala namin sya. Bali nag rereport ako sa Manager ko na based sa France.

Binuksan ko ang sobre.

Pagkita ko ng amount, montik na kong malaglag sa upuan ko tapos umiyak habang naka nganga ng 5 seconds.

Sakto kasi medyo kapos me. Saktong-sakto ang pera na 'to na pang down ng condo at pambili ng tatlong baboy at dalawang Ostritch, isang kilong kamatis, Okra, Patani at Sayote at limang kasoy at tatlong takal ng Mantika. Ang saya me!

Biglang nabuhay ang ulirat ko at napa trabaho ng wagas. Halos ubusin ko ang ticket na naka pending. Kahit dumugo ang brain cells ko, goooooooooooow!

Nag labas ako ng maliit na notebook at nag sulat ng mga Christmas List to shop, ganyan. Mga kaibigang bibigyan ng gift para sa spirit ng christmas. All about giving and all.

Na excite me habang naka titig sa cheke. Nag plano akong umuwi ng maaga para ma deposit na sa account ko ang pera at ng masimulan na rin ang pag wawaldas. Alaykhet!!!!

Nag tingin narin ako ng flight details sa SingAir dahil uuwi ako ng Felefens...hihihi hindi ko alam kung san ko ilalagay ang kileg na nararamdaman me. Wala akong mapaglagyan ng smile at kilig puno na kasi ng Milo ang tumbler me. Feeling nga siguro ng katabi me may aning-aning na talaga mey. Tumatawa mey mag isa. Baliw much?!

Maya-maya may na receive akong email galing sa HR namin. Eto sabi.

"Dear Jeffrey.

Please do not bank in the chequeue, the amount you received was a mistake from accounting. You should be getting another chequeue which is the offset amount of your training in France. Amounting to 450.00 SGD.

I Apologize for the inconvinience.

Thanks,

HR"

Napa dausdos ang likod ko sa pader pababa ng dahan-dahan habang may background music na pasko na Sinta ko.

Awwwwwwwwwwww!


16 comments:

  1. Sayang nga. How much ba yung original? Dapat bago ka nagbukas ng email eh pinasok mo na sa banko mo. Hahaha.

    ReplyDelete
  2. Tatawa nalang me. Hahahahaahhaha sabi ko.

    ReplyDelete
  3. wagas na triping yun... sakit sa bangs :(

    ReplyDelete
  4. awww sayang masaya din sana pasko naming SG bloggers :(

    ReplyDelete
  5. ay sayang! hehe! sayang talaga! kainis..:p

    ReplyDelete
  6. Ganun talaga iyong email na natanggap mo? Spelling ng cheque, may ue pa talagang kasunod, tapos iyong inconvinience, lettet I talaga, hindi E?

    Heniwey, sayang iyong moolah, dapat habang maaga ni-deposit mo na para walang palag. :D

    ReplyDelete
  7. buwahahahaha! yun lng!

    from: lakeside anonymous :P

    ReplyDelete
  8. ahahaha..parang nabuhosan ng malamig na tubig na may ice at gulaman ang feeling siguro nun..sayang!

    ReplyDelete
  9. awwww... alam mo naisip kong scene? alam mo ung scene na natanggap ni vilma ung sulat na patay na asawa nya habang nasa hong kong tapos nagslide down siya ng wall habang umiiyak

    ReplyDelete
  10. hahahahahahahaha.Pang pelikula ang mga eksena.aliw na aliw ako alas dose na ng gabi.

    ReplyDelete
  11. ai.. ;(
    yaan mo na blessed ka nman sa madaming bagay

    anonymous #1

    ReplyDelete
  12. oh sayang nman...!sana winaldas mu agad!hahahaha

    ReplyDelete
  13. sayang nman nun..sana winaldas mu na agad yun!hahaha

    ReplyDelete
  14. hi kuya jepoy:) i've been reading your blog for years and i was damn frustrated when your link wasn't working anymore, talagang sinearch ko pa ng bongga sa blog ni wickedmouth.com cause i know you'll post comments on his posts :) yey i'm glad that i found your blog :)

    i'm not a blogger but i always check your blog every week :)

    ReplyDelete
  15. @Anonymous

    Your comment melts my heart like an ice cream. dahil dyan kiss kita *SMACK*

    na touched me... LOL

    Appreciate it powz!

    God Bless!!!

    ReplyDelete
  16. sayang nga.. pero magkano ba ang halaga ng nakalagay sa tseke? 451 Sig dollars ba? ehehehehehe.. hayaan mo na.. may darating sa iyo na MAS para sa iyo...

    ReplyDelete