Wednesday, November 30, 2011

Randoms...

Sa totoo lang na eexcite na kong umuwi ng Felefens... Mula sa araw na ito, 18 days nalang ang bubunuin ko at mag sisimula na ang mall tour mey.

Artista?!

Nakaka-miss din ang bungangera kong Mudrax. Na mimiss ko ang pag sapok nya sakin pag umaga dahil alas dyes na hindi pa ko bumabangon. Gusto nya kasi 6 AM gising na, Hello! double Hello!!!

Nakaka miss ang eksena namin tuwing umaga ng sabado.

"Anak andyan sa chiller 'yung fresh Milk 'wag ka na mag kanin ang laki-laki na ng tyan mo. pati mag walis ka sa labas ang dami nanamang dahon nag laglagan tapos mag bantay ka ng tindahan Mamalengke lang ako"

"Ayoko 'Ma"

"Punyeta ka! Mag bantay ka ng tindahan..."

"Fine!!!!"

Dito walang nag-gaganun sakin pero baket parang may kulang. Emo? Oo ate Charo na lolongkot din me. Hindi lahat ng humor blogger lagi masaya! Clown?! minsan umiiyak din me ng nakanganga ng 5 seconds sa shower.

Malapit na pala ang pag titipon ng mga Pinoy Bloggers dito sa Singapore. Mag Chri-Christmas partey kame. Hongsoyo-soyo! Na excite me mag pa picture.

Tatlong klase ang amoy ng bus 98 na sinasakyan ko araw-araw 1. Amoy Basurahan, feeling ko nasa loob ako ng Trash Can 2. Amoy Tae, no further explanation needed 3. Amoy Junkshop parang may natapon na break fluid na may halong grasa. Kaya sa tuwing sumasakay ako hindi maipinta ang muka ko. Minsan nakita ako ng kaibigan ko nag text sya sakin.

"Brad may problema ka ba? nakita kita sa bus stop kanina para kang natatae ng tubol na galet habang pasakay ka ng bus eh"

Hindi pa binibigay ng kumpanya ko ang 13th month tsaka bonus, AyHeychit! Natatakot akong umuwi ng Felefens sa pasko na dilat ang mata 'yun lang ang pag-asa me. Walang pera much. Minsan na tetempt na kong mag benta ng laman...laman ng pata ko. LOL

Nabuburat ako sa Potashet na washing machine sa bahay yung longsleeves ko ang dumi-dumi parin ng parteng leeg. Nangungutim ang mga puti. Hindi ba magandang sabong panlaba ang Vaseline lotion?! Jowk. Kung pwede lang akong mag handwash at may time gagawin ko. Hindi ako natutuwa sa washing machine namen. Kaya ayoko na mag puting boxers at longsleeves. Letch!

Parang mga status lang sa twitter ang blog ko LOL follow me on chiwerer and if you tweet good stuff I'll follow you too twitter.com/incrediblejepoy

Promotion??!!!

Ektweley Wala kasi ako masulat pero gusto ko mag sulat para kunyari busy dito sa opis.

Sagutin nyo nalang tanong ko para interactive?

Ano pipiliin mo hindi pwedeng wala kelangan meron.

One week na Humangin ng Utot or 3 days na umulan ng tae? Please explain.

Kthanksbye...

10 comments:

  1. tae para end of the world na!

    ReplyDelete
  2. Sumakit ang ulo ko sa choices. Hindi naman siguro continuous ang hangin hano? Pwede na ako dun. Kalaunan, ma-immune ka din sa amoy na parang fresh air at malinis na wagas ang nilalanghap mo ng kay sarap.

    ReplyDelete
  3. natawa naman ako sa pagiyak mo sa shower ng nakanganga for 5 seconds. naranasan mo na ba umiyak na kagat ang mga labi?

    nice post. =)

    ReplyDelete
  4. Ano ba naman yang choices na yan.Utot na lang at least hangin lang yong tae wet yakkkk imagine that.

    ReplyDelete
  5. putek ang hirap naman ng tanong, lumelebel sa "what is the meaning of life"...humangin ng utot na nga lang at least masasanay ka lang sa amoy ansagwa naman kung masanay sa taeng ulan..XD

    ReplyDelete
  6. 5 seconds talaga ang pagnganga sa shower hehe,,,natawa ako....

    ===ang hirap naman sagutin ng tanong mo,,pwedeng mamatay nlng pag ganun ahahaha...

    ReplyDelete
  7. watdapaks. ahahaha.....

    tae siguro.... magkukulong na lang me sa bahay... pero parehong deadly e... eeeeee

    ReplyDelete
  8. LOL! as in seryosong lol ako sa blog mo.. :)

    ang hirap naman ng choices tas may explain pa. sana naging fill in the blanks na lang pra fill lang ng fill. chos.

    ui, uwi ka pala? hope to see you somewhere naglalakad. like sa MOA ur comfort mall, tama ba? hehe!

    Anonymous#1

    ReplyDelete
  9. hangin na utot nalang kasi ang yucky pag umuulan ng tae...tapos ang hirap pang linisin kasi it will stuck on your roof or worse mismong sa loob ng bahay kung may butas ang roof..waaa

    ReplyDelete